Pointers Pamanahong Papel Mga pamamaraan at metodolohiya
Fly Leaf 1
ang pinakaunang pahina ng pamanahong papel. Walang nakasulat sa pahinang ito sa madaling salita blangkong papel ito.
Pamagating Pahina
- ito ay nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong papel. Nakasaad
din dito kung kanino iniharap o ipinasa ang papel, kung saang asignatura ito pangangailangan, kung sino ang gumawa at komplesyon. Nagmukhang inverted pyramid ang pagkakaayos nito.
Dahong Pagpapatibay
ang tawag sa pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa ng
mananaliksik at pagkakatanggap ng guro ng pamanahong-papel.
Pasasalamat o Pagkilala
tinutukoy rito ang sinumang nakatulong ng mananaliksik sa
pagsasagawa ng pananaliksik gayo’y nararapat na pasalamatan.
Talaan ng Nilalaman
nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng
pamanahong papel at nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
Talaan ng Talahanayan o graf
nakatala ang pamagat ng bawat ____________________ na nasa loob ng pamanahong-papel at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
Fly Leaf 2
isang blangkong papel o pahina bago ang katawan ng pamanahong papel.
Panimula o Introduksyon
ay isang maikling talata ang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng pananaliksik.
Layunin ng Pag-aaral
inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral.
>Tinutukoy din dito ang mga ispesifik na suliranin na nasa anyong patanong.
Kahalagahan ng Pag-aaral
> inilalahad ang signifikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral. Inilalahad dito kung sino ang makikinabang sa nasabing pag-aaral.
Saklaw at Limitasyon
>tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik
Definisyon ng mga Terminolohiya
>ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat isa’y binigyan ng kahulugan.
Operational na Kahulugan
kung paano ito ginamit sa pananaliksik
Conceptual na Kahulugan
istandard na kahulugan. Makikita sa
diksyunaryo
KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
➢ tinutukoy ang mga pag-aaral at mga babasahin o literaturang kaugnay ng
paksa ng pananaliksik
➢ tukuyin ang bago o nailimbag sa loob ng huling sampung taon.
➢ gumamit ng pag-aaral at literaturang lokal at dayuhan.
Disenyo ng Pananaliksik
Nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral. Para sa inyong pamanahong-papel, iminumungkahi ang pinasimple na, deskriptiv-analitik na isang disenyo ng pangangalap ng mga datos at imformasyon hinggil sa mga salik o factors na kaugnay ng paksa ng pananaliksik.
Respondente
– tinutukoy kung ilan sila at paano at bakit sila napili sa sarvey.
Instrumento ng Pananaliksik
Inilalarawan ang paraang ginagamit ng pananaliksik sa pangangalap ng mga datos at imformasyon. Iniisa-isa rin ang mga hakbang na kanyang ginawa at kung maari, kung paano at bakit niya ginawa ang bawat hakbang.
Tritment ng mga Datos
Inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang ginamit upang ang mga numerikal na datos ay mailalarawan. Dahil ito’y isang pamanahong-papel lamang, hindi kailangang gumamit ng mga kompleks na istatistikal tritment. Sapat na ang pagkuha ng porsyento o bahagdan matapoos mai-tally ang mga kasagutan sa kwestyoneyr ng mga respondente.
Lagom
Dito binubuod ang mga datos at informasyong nakalap ng mananaliksik na komprehensivong tinatalakay sa kabanata III.
Konklusyon
Ito ay mga inferenses, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon, pangkalahatang pahayag, at/o paglalahad batay sa mga datos at informasyong nakalap ng mananaliksik.
Rekomendasyon
Ito ay ang mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o naatuklasan sa pananaliksik.
Listahan ng Sanggunian
Ang ___________________________ ay isang kumpletong tala ng lahat ng mga hanguan o sorses na ginamit ng mananaliksik sa pagsulat ng pamanahong papel.
Apendiks
Ang ___________ ay tinatawag ding Dahong-Dagdag. Maaaring ilagay o ipaloob dito ang mga liham, formularyo ng evalwasyon, transkripsyon ng intervyu, sampol ng sarvey-kwestyoneyr, bio-data ng mananaliksik, mga larawan, kliping, at kung anu-ano pa.
Panayam o Interbyu
Isang pormal na pagpupulong kung saan ang isa o higit pang mga tao ay nagtanong, kumonsulta, o suriin ang ibang tao.
Participant Observation
Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng partisipasyon ng mananaliksik sa mga aktibidad sa komunidad na kaniyang pinag-aaralan, kaya ang mananaliksik ay hindi lamang isang simpleng tagamasid o observer, kundi isang aktibong kalahok o participant.
Pag-oobserba o Pagmamasid
Maaari itong gamitin upang alamin ang kasalukuyang kalagayan ng kultura at pamumuhay ng mga lumad, o kaya’y ang kalagayan ng mga working student na binubuno ang pag-aaral habang nagtatrabaho.
Kwentong Buhay
- Karaniwang binibigyang-diin ang pangkalahatang sitwasyon ng nagsasalaysay, ang kaniyang mga hinaing, pangarap, suliranin, ang kaniyang pang-araw-araw na buhay na makabuluhan sa konteksto ng pananaliksik.
Obserbasyon na pagkukunwari
Sa ganitong uri ng obserbasyon, ang indibidwal na paksa ng pag-
aaral ay walang ideya na siya ay bahagi o ang paksa ng pag-aaral.
Obserbasyon na may halong pagkukunwari
Sa ganitong pamamaraan ng obserbasyon, ang paksa (subject) ng pag-aaral ay may ideya na siya ay inoobserbahan upang makakuha ng mahahalagang datos ng pag-aaral.
Naturalistikong Obserbasyon
Kung nais malaman ng mananaliksik kung paanong kumikilos ang paksa (subject) ng kaniyang pag-aaral sa isang sitwasyon, nararapat lamang na gumamit ito ng obserbasyon na walang interbensyon, na kilala sa tawag na ___________________.
Pagkakategorya o Kategorisasyon
Tumutukoy ito sa pagbubuo ng tipolohiya o set ng mga pangalan o pagpapangkat-pangkat ng mga bagay, pangyayari, konsepto, at iba pa.
Pagtataya o Ebalwasyon
Tumutukoy sa pagsusuri sa kalidad ng mga bagay, pangyayari, at iba pa.
Paglalarawan o Deskripsyon
Tumutukoy ito sa pagtitipon ng mga datos na nakabatay sa mga
obserbasyon
Pagpapaliwanag
Tumutukoy sa prosesong higit pa sa simpleng paglalahad lamang ng datos o impormasyon, upang bigyang-linaw ang kabuluhan ng nito sa konteksto ng iba’t ibang aspektong kultural, politikal, ekonomiko, at iba pa.
Pagtatakda ng Kontrol
Tumutukoy sa paglalahad ng mga paraan upang ag isa o higit pang bagay (gaya ng teknolohiya) ay maisailalim sa kontrol ng mga tao/mananaliksik tungo sa mas epektibo at/o mas ligtas na paggamit nito.
Paglalahad/Pagpapakita ng Ugnayan/Relasyon o Korelasyon
Tumutukoy sa pagiimbestiga para makita kung nakaiimpluwensya ba ang isang penomenon sa isa pa, at kung nakaiimpluwensya nga ay sa anong paraan o paano?
Paglalahad/Pagbibigay ng Prediksyon
Tumutukoy sa paglalarawan sa posibleng mangyari sa isang bagay, penomenonn at iba pa batay sa matibay na korelasyon ng mga penomenong sinuri/pinaghambing.
Paghahambing o Pagkukumpara
Tumutukoy ito sa pagsusuri ng mga pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa o higit pang bagay at iba pa, tungo sa mas malinaw na pagunawa sa isang penomenon.
Naturalistik
pag-unawa sa ugaling pantao ang pangunahing konsern ng mga mananaliksik kung kayat iniimbestigahan niya ang mga iniisip, pagpapahalaga aksyon ng isang indibidwal .
Kwantiteytib
layunin nito na obhetibong sukatin ang paksa ng pananaliksik gamit ang matematika at estadistika.
Kwaliteytib
tipikal na walang estruktura at may kalikasang eksploratori. Ang mananaliksik ay hindi interesadong tukuyin ang obhetibong estadistikal na konklusyon o kaya subukin ang haypotisis.
Introdusksiyon
Layunin ng pag-aaral
Kahalagahan ng pag-aaral
Saklaw at Limitasyon
Depinisyon ng mga Terminolohiya
Kabanata 1
Kaugnay na Literatura
Kaugnay na pag-aaral
Enumeration Kabanata 2
Disenyo ng pananaliksik
Respondente'
Instrumento ng pananaliksik
Tritment ng mga datos
Kabanata 3(4)
Tekstwal na presentasyon
Tabular na Presenatasyon
Grapikal na Presentasyon
Kabanata 4
Lagom
Kongklusyon
Rekomendasyon
Kabanata 5
Paghahambing
nagpapakita ng kalakasan o kahinaan ng dalawang bagay o paksa.
Analitikal
naglalaman ng samot saring impormasyon na nagsusuri ng ibat ibang pananaw kaugnay ng isang paksa.