Economic Performance
Isa sa pinagbabatayan ng pag-unlad ng bansa; lumalabas kapag ang lahat ng sektor ng ekonomiya ay mahusay na ginagampanan ang kanilang mga tungkulin.
Economic Indicators
Mga sukatan na ginagamit upang matukoy ang kalagayan ng ekonomiya; kabilang ang Pambansang Kita, Gross National Product (GNP), at Gross Domestic Product (GDP).
Gross National Product (GNP)
Kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng isang bansa sa loob ng isang taon, kasama ang kita mula sa labas ng bansa.
Market Value
Halaga ng produkto at serbisyo na umiiral sa pamilihan.
Final Goods
Mga produktong tapos na at hindi na kailangang iproseso upang maging yaring produkto.
Intermediate Goods
Mga produkto na kailangang iproseso upang maging yaring produkto.
Nominal GNP
Kabuuang produksiyon ng bansa na nakabatay sa kasalukuyang presyo sa pamilihan.
Real GNP
Kabuuang produksiyon ng bansa na ang batayan ay presyo ng base year o noong mga nagdaang taon.
Potential GNP
Kabuuang produksiyon ng bansa na tinatantiya ayon sa kakayahan at kapasidad ng mga salik ng produksiyon.
Actual GNP
Kabuuang produksiyon na nagawa ng bansa matapos gamitin ang iba’t ibang salik ng produksiyon.
GNP/GNI Gap
Pagsusukat ng episyente ng paggamit ng mga salik ng produksiyon kung saan ang Actual GNP ay ibinabawas sa Potential GNP.
Positive Gap
Nangyayari kapag mas malaki ang Potential GNP kaysa sa Actual GNP.
Gross Domestic Product (GDP)
Mga produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng bansa sa loob ng isang taon, kahit ang gumawa ay dayuhan.
Net Primary Income from Abroad (NPIA)
Kita ng mga Pilipino na nasa ibang bansa upang makuwenta ang GNP/GNI.
Factor Income Approach
Pamamaraan ng pagkukuwenta ng GNP/GNI na nakabatay sa kabayaran na tinatanggap ng mga salik ng produksiyon.
Lorenz Curve
Graph na ipinapakita ang ugnayan ng pangkat ng populasyon at kanilang kitang natanggap.
Perfect Equality Line (PEL)
Pinakamainam na pamamahagi ng kita, kung saan pantay-pantay ang distribusyon ng kita.
Per Capita Income (PCI)
Ipinapalagay na kita ng bawat mamamayan kung ang pambansang kita ay hinati sa buong populasyon.