1/38
yafeels
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Pagbasa
ito ay proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa nakasulat na teksto
Intensibo Pagbasa
Masinsin at malalim na pagbasa sa isang teksto
Pagsusuri sa kaanyuang gramatikal, panandang diskorsal at iba pang detalye sa estruktura upang maunawaan ang literal na kahulugan, implikasyon, at retorikal na ugnayan ng isang akda
Ekstensibong Pagbasa
Kinalaman sa pagbasa ng masaklaw at maramihang materyales
Isinagawa upang makakuha ng pangkalahatang pag unawa sa maramihang teksto at ito ay ayon sa sariling interes
Scanning
Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang espisipikong impormasyon na itinatakda bago bumasa
Skimming
Mabilisang pagbasa na may layunin alamin ang kahulugan ng kabuong teksto
TEKSTONG IMPORMATIBO
Minsan ay tinatawag ding ekspositori
Ito ay tekstong naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag ng malinaw at walang pagkiling tungkol sa anumang paksa
Ito ay mahalaga upang mapaunlad ang kasanayang pangwika tulad ng pagbasa, pagtatala, pagtukoy sa mahalagang detalye, pakikipagtalakayan, pagsusuri, at pagpapakahulugan ng impormasyon.
HALIMBAWA NG TEKSTONG IMPORMATIBO
diksyonaryo, encyclopedia, papel pananaliksik, ulat, balita sa dyaryo.
ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO
Layunin ng may-akda
Pangunahing ideya (tungkol saan)
Pantulong na Kaisipan
Estilo sa pagsulat (graphics o visual)
paggamit ng mga talahanayan, glosaryo, larawan at ilustrasyon, mga tala o pamagat
pagsulat ng mga talasanggunian
Organisasyon ng Tekstong Impormatibo
Sanhi at Bunga
Paghahambing
Pagbibigay-Depinisyon
Pagkaklasipika
TEKSTONG DESKRIPTIBO
ito ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon, at iba pa upang magpinta nang matingkad at detalyadong imahe na pupukaw sa isip at damdamin ng mga mambabasa.
KATANGIAN NG TEKSTONG DESKRIPTIBO
Ito ay may malinaw at pangunahing impresyon na nililikha sa mga mambabasa.
ito ay maaaring obhetibo o subhetibo ang tono at paraan ng paglalarawan
Ito ay dapat maging espesipiko at naglalaman ng mga kongkretong detalye.
Obtehibong Paglalarawan
Direktang ipinapakita ang katangiang makatotohanan o tiyak
Subtehibong Deskripsyon
Kinapapalooban ng matatalinghagang paglalarawan at may personal na persepsiyon mula sa nararamdaman ng manunulat
TEKSTONG NARATIBO
ito ay pagsasalaysay o pagkukwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunodsunod mula sa simula hanggang katapusan.
Layunin nitong makapaglibang o makapagbigay-saya, o makapagturo ng mabuting asal.
MGA KATANGIAN NG TEKSTONG NARATIBO - Pananaw o Punto De Vista
Unang Panauhan, Ikalawang Panauhan, Ikatlong Panauhan, Kombinasyong Pananaw o Paningin.
Unang Panauhan
isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan, naaalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na ako.
Ikalawang Panauhan
dito ay parang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t gumagamit siya ng mga panghalip na ka o ikaw.
Ikatlong Panauhan
Isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay siya.
Kombinasyong Pananaw o Paningin
dito ay hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya’t iba’t ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay
Paraan ng Pagpapahayag ng Diyalogo, Saloobin, o Damdamin sa Tekstong Naratibo
Direkta o Tuwirang Pagpapahayag - Ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang dayalogo.
Di direkta o Di tuwirang Pagpapahayag - Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng pagpapahayag.
Elemento ng Tekstong Naratibo
Tauhan
Tagpuan at Panahon
Banghay
Paksa o Tema
TEKSTONG PERSUWEYSIB
Ito ay may layuning manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto
Ito ay isinusulat upang magbago ang takbo ng isip at makumbinsi na ang punto ng manunulat ang siyang tama
Ang Tekstong Persuweysib ay naglalalaman ng mga sumusunod:
Malalim na pananaliksik
Kaalaman sa mga posibleng paniniwala ng mga mambabasa
Malalim na pagkaunawa sa dalawang panig ng isyu
Paraan ng Panghihikayat
Ethos
Pathos
Logos
Ethos
ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat.
Pathos
ito ay tumutukoy sa gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang mambabasa.
Logos
ito ay tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa.
TEKSTONG ARGUMENTATIBO
Ito ay isang uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga ebidensya mula sa personal na karanasan, mga literatura at pag-aaral, batayang pangkasaysayan at resulta ng empirikal na pananaliksik.
Ito ay sa paraang pakikipagdebate nang pasulat na inilalatag ang mga katwiran at ebidensya ng bawat panig.
Mga Elemento ng Pangangatwiran
Proposisyon
Argumento
Proposisyon
ito ay pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan.
Argumento
ito ay paglalatag ng mga dahilan at ebidensya upang maging makatwiran ang isang panig.
Hakbang sa Pagsulat ng Tekstong Argumentatibo
Pumili ng paksa
Itanong sa sarili kung ano ang panig na nais panindigan at ano ang mga dahilan sa pagpanig.
Mangalap ng ebidensya. - panimula
kaligiran
ebidensyang susuporta sa posisyon.
counter argument
unang kongklusyon na lalagom sa sinulat
ikalawang kongklusyon sa nasasagot sa tanong, “E ano ngayon kung iyan ang iyong posisyon?
Isulat na ang draft.
Basahing muli ang isinulat upang maiwasto ang mga pagkakamali.
Muling isulat ang teksto taglay ang anumang pagwawasto.
TEKSTONG PROSIDYURAL
ito ay paglalahad ng serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang inaasahan.
ito ay nagpapaliwanag kung paano ginagawa ang isang bagay.
ito ay may layuning maipabatid ang mga wastong hakbang na dapat isagawa.
Nilalaman ng Tekstong Prosidyural
Layunin
Kagamitan
Metodo
Ebalwasyon
Layunin
Ang kalalabasan
Kagamitan
Mga kasangkapan na kakailanganin
Metodo
Paraan o hakbang na isasagawa
Ebalwasyon
Deskripsyon sa pagsusukat ng tagumpay ng hakbang na isinagawa
PARAAN NG PAGSULAT
Kailangang may malawak na kaalaman sa paksa.
Malinaw at tama ang pagkakasunod-sunod ng dapat gawin.
Gumamit ng payak ngunit angkop na salitang madaling maunawaan.
Maglakip ng larawan kasama ng mga paliwanag.