Looks like no one added any tags here yet for you.
Konsepto ng Edukasyon
Ang konsepto ng edukasyon ay nakatuon sa pagkatuto ng tao at sa paghasa ng kanyang mga talento at kakayahan.
Pormal na Edukasyon
Ito ay ang uri ng edukasyon na humahasa sa mga talento at kakayahan ng isang tao kasabay ng pagkatuto niya sa tahanan.
Panahong Pre-Kolonyal
Ito ang yugto ng kasaysayan ng edukasyon sa Pilipinas bago dumating ang mga mananakop kung saan may komyunal o kolektibong sistema ng edukasyon.
Kolonyalismong Espanyol
Ito ang panahon kung saan unang naituro ang relihiyong Kristiyanismo at nagsimula ang pormal na edukasyon sa Pilipinas.
Kolonyalismong Amerikano
Ito ang yugto kung saan naitatag ang Kagawaran ng Publikong Pagtuturo at nagsimula ang pagtuturo sa wikang Ingles bilang midyum ng edukasyon.
Kolonyalismong Hapones
Ito ang panahon kung saan ipinatupad ang paggamit ng wikang Hapones sa edukasyon at pagpapahalaga sa edukasyong bokasyonal.
Pormal na Edukasyon
Ito ay ang uri ng edukasyon na istrakturadong sistema ng pagtuturo at pag-aaral sa loob ng isang institusyon tulad ng paaralan.
'Di-pormal na Edukasyon
Ito ay ang uri ng edukasyon na hindi sumusunod sa tradisyonal na istruktura ng paaralan at maaaring maganap sa iba't ibang paraan at lugar.
Basic Education
Ito ay ang antas ng edukasyon na nagbibigay ng pangunahing kaalaman at kasanayan sa mga mag-aaral mula elementarya hanggang sekundarya.
Kurikulum
Ito ay ang kabuuang plano ng pag-aaral na nagtatakda ng mga layunin, nilalaman, at pamamaraan ng pagtuturo sa isang partikular na larangan o asignatura.
Enhanced Basic Education Act of 2013
K to 12 Curriculum: Kindergarten, Elementary (Grades 1-6), Junior High School (Grades 7-10), Senior High School (Grades 11-12).
Tracks: Academic, Sports, Arts and Design, Technical-Vocational-Livelihood.
Strands: Specialized courses per track, reducing college prerequisites.
Alternative Learning System (ALS)
Ito ay isang sistema ng edukasyon sa Pilipinas na naglalayong bigyan ng pagkakataon ang mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral na makapag-aral at magkaroon ng kakayahan at kasanayan.
Alternatibong Sistema sa Pagkatuto para sa mga Taong may Kapansanan (ALS-DAP)
Programang tumutulong sa mga taong may kapansanan tulad ng bulag, pipi, at bingi na makapag-aral at makamit ng edukasyon sa pamamagitan ng pagtuturo ng sign language.
Programang Bawat Bata ay Nakababasa (ECARP)
Layunin nito ang paunlarin ang kakayahan ng mga batang Pilipino sa pagbasa, pagbilang, at pagsulat upang maging mahusay sa mga kasanayang ito sa Baitang 1.
Impraestrukturang Pang-edukasyon
Tumutukoy sa mga silid-aralan at pasilidad tulad ng silid-aklatan, klinika, kantina, laboratoryo, at iba pa na may kakulangan sa bansa.
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Pampagkatuto
Kasama rito ang mga materyales tulad ng aklat, kuwaderno, lapis, bolpen, kompyuter, projector, at iba pang kagamitan na may isyu sa kakulangan at kalidad.
Paghinto sa Pag-aaral
Ito ang antas ng paghinto sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa paaralan, na maaaring dulot ng iba't ibang kadahilanan tulad ng pag-aasawa, kakapusan sa panustos, kawalan ng interes, paghahanapbuhay, mataas na matrikula, at pagkakasakit o kapansanan.
Pambansang Pagtatayang Pagsusulit (NAT)
Ito ay mga pagsusulit sa Matematika, Agham, English, Araling Panlipunan, at Filipino na kinukuha ng mga mag-aaral sa Baitang 6, 10, at 12 upang masukat ang kanilang kasanayan.
Agwat ng Edukasyon
Tumutukoy sa hindi pantay na oportunidad para sa edukasyon sa mga pook urban at rural, rehiyon, at pagitan ng mga pampublikong at pribadong paaralan, pati na sa pagitan ng lalaki at babae.
1901-1916
Kagawaran ng Publikong Pagtuturo (Department of Public Instruction) | Superintendente-Heneral (General- Superintendent) | Batas Blg. 74 ng Komisyon ng Pilipinas (Act No. 74 of the Philippine Commission) |
1916-1942
Kagawaran ng Publikong Pagtuturo (Department of Public Instruction) | Kalihim (Secretary) | Jones Law |
1942 – 1944
Kagawaran ng Edukasyon, Kalusugan, at Kagalingang Panlipunan (Department of Education, Health and Public Welfare | Komisyoner (Commissioner) | Binago ng Komisyong Tagapagpaganap ng mga Hapones ang Pangalan ng Kagawaran |
1944
Kagawaran ng Publikong Pagtuturo | Ministro (Minister) | Muling biango ang pangalan |
1945 – 1946
Kagawaran ng Publikong Pagtuturo at Impormasyon (Department of Public Instruction and Information) | Kalihim | Binago ng Pamahalaang Komonwelt ang pangalan |
1946 – 1947
Kagawaran ng Pagtuturo (Department of Instruction) | Kalihim | Binago ng Pamahalaang Komonwelt ang pangalan |
1947 – 1975
Kagawaran ng Edukasyon(Department of Education) | Kalihim | Kautusang Tagapagpaganap Blg. 94 |
1975 – 1978
Kagawaran ng Edukasyon at Kultura (Department of Education and Culture) | Ministro | Proklamasyon Blg. 1081 ng 1975 |
1978 – 1984
Ministeryo ng Edukasyon at Kultura (Ministry of Education and Culture) | Ministro | Atas ng Pangulo Blg. 1397 ng 1978 |
1984 – 1986
Ministeryo ng Edukasyon, Kultura at Palakasan (Ministry of Education, Culture and Sports | Ministro | Batas Pambansa Blg. 232 |
1987 – 1994
Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Palakasan (Department of Education, Culture and Sports) | Kalihim | Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 ng 1987 |
1994 – 2001
Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Palakasan (Department of Education, Culture and Sports) | Kalihim | Batas Republika 7722; Batas Republika 7796 |
2001 – kasalukuyan
Kagawaran ng Edukasyon (Department of Education | Kalihim | Batas Republika 9155 ng 2001 |
Pagbabago sa Kurikulum
NESC (1984-2022) para sa elementarya, NSEC (1991-2002) para sa sekundarya.
RBEC (2002) sa bisa ng Batas Republika Blg. 9155.
Asignatura
Core subjects: Filipino, English, Mathematics, at Science.
Makabayan: Sibika at Kultura, Musika, Sining, Edukasyong Pangkalusugan, HEKASI, EPP o HELE, Araling Panlipunan, TLE, MAPEH, Values Education.
Kasalukuyang Sistema
Kindergarten
Elementary (Grade 1-6)
Junior High School (Grade 7-10)
Senior High School (Grade 11-12)
Tracks: Academic, Sports, Arts and Design, Technical-Vocational-Livelihood
Edukasyon para sa Lahat (Education for All o TEA)
Layunin:
Mapalawak ang mapag-arugang edukasyon para sa mga paslit.
Maibigay ang libre at kompulsaryong edukasyon para sa lahat.
Isulong ang mga kasanayang pampaakatuto at pamapamumuhay para sa mga bata at may sapat na gulang na.
Itaas sa 50% ang kamuwangan ng mga may hustong gulang na.
Isara ang agwat-kasarian sa edukasyon.
Pagbutihin ang kalidad ng edukasyon.
Libre at Kompulsaryong Edukasyon para sa Lahat
Kompulsaryo mula 5 hanggang 17 na gulang.
Binubuo ng pre-school (5), primarya (6-11), at sekundarya (12-17).
Kasanayang Pampagkatuto at Pamumuhay
Itinutulak ang pag-aaral ng mga kasanayang pang-edukasyon at pang-pamumuhay.
Pantay na Karapatan para sa Lahat
Layuning pantayin ang karapatan at oportunidad sa edukasyon sa lahat ng kasarian.
Pagpapabuti sa Kalidad ng Edukasyon
Layuning pagbutihin ang kalidad ng pagtuturo at pagkatuto sa bansa.
Batayang Programa sa Kamuwangan (Basic Literacy Program o BLP)
Layunin: Paunlarin ang pagbasa, pagsulat, at pagbilang ng mga mag-aaral.
Pagpapatunay at Pagtutumbas na Programa (Accreditation and Equivalency Program o A&E)
Layunin: Tulungan ang mga hindi nakapag-aral na makahabol sa elementarya o sekundarya.
Edukasyon para sa mga Katutubong Pangkat (Indigenous Peoples Education)
Layunin: Paunlarin ang edukasyon sa mga pamayanan ng mga katutubong pangkat.
Edukasyon sa Wikang Arabiko at Pagpapahalagang Islamiko sa ALS (Arabic Language and Islamic Values Education in ALS)
Layunin: Tulungan ang mga Muslim na mag-aaral sa edukasyon at pagtuturo ng Islam at Arabic language.
Alternatibong Sistema sa Pagkatuto para sa mga Taong may Kapansanan (ALS-DAP)
Layunin: Tulungan ang mga taong may kapansanan na makapag-aral at magkaroon ng edukasyon.
Pakikinabang ng Edukasyong Gumagamit ng Sariling Wika (Mother Tongue-based Multilingual Education o MTB-MLE)
Ang ECARP ay lalo pang napapakinabangan sa ilalim ng MTB-MLE dahil sa paggamit ng sariling wika ng mga mag-aaral.
Ginagamit ang nakasanayang wika ng mga mag-aaral sa kanilang tahanan.
Wika sa ECARP (MTB-MLE)
Ginagamit ang labindalawang wika para sa iba't ibang asignatura sa ECARP:
Ilokano, Kapampangan, Pangasinense, Chavacano, Bikolano, Hiligaynon, Cebuano, Waray, Tagalog, Tausug, Maguindanaon, Maranao.
Programang Bawat Bata ay Nakababasa (Every Child a Reader Program o ECARP)
Ang ECARP ay naglalayong paunlarin ang kakayahan sa pagbasa, pagbilang, at pagsulat ng mga batang Pilipino bago sila mag-Baitang. Ito ay nakakatulong sa pagbaba ng bilang ng mga nahihinto sa pag-aaral sa mababang paaralan taon-taon.
Impraestrukturang Pang-edukasyon
Kakapusan sa mga silid-aralan at pasilidad tulad ng silid-aklatan, klinika, kantina, at iba pa.
Mga Guro
Kakulangan sa bilang at kalidad ng mga guro.
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Pampagkatuto
Kakapusan at kalidad ng mga materyales tulad ng aklat, kuwaderno, at iba pang kagamitan.
Paghinto sa Pag-aaral
Drop-out rate dahil sa mga dahilan tulad ng pag-aasawa, kakulangan sa panustos, kawalan ng interes, paghahanapbuhay, mataas na matrikula, at pagkakasakit.
Kabiguang Makapag-enrol
Kakulangan sa pagkakataon o kakayahan na makapag-enrol sa paaralan.
Pagbaba ng Bahagdan ng mga Pumapasa sa NAT
Pagbaba sa bahagdan ng mga mag-aaral na pumapasa sa National Achievement Test (NAT) sa mga asignaturang Matematika, Agham, English, Araling Panlipunan, at Filipino.
Pisikal na Aspekto ng Suliraning Pang-edukasyon
Impraestrukturang Pang-edukasyon, Mga Guro, at Mga Kagamitang Pampagtuturo at Pampagkatuto
'Di-pisikal na Aspekto ng Suliraning Pang-edukasyon
Paghinto sa Pag-aaral, Kabiguang Makapag-enrol, at Pagbaba ng Bahagdan ng mga Pumapasa sa NAT