knowt logo

KONSEPTO NG EDUKASYON

Ang konsepto ng edukasyon ay nakatuon sa pagkatuto ng tao at sa paghasa ng kanyang mga talento at kakayahan. Hindi maipagkakaila na ang pagkatuto ay nagsisimula sa tahanan, kung saan ginagabayan ng mga magulang ang mga anak sa kaalaman at pag-unawa tungkol sa kanilang kapaligirang ginagalawan. Nasa ilalim ito ng pormal na edukasyon, kung saan ang kapaligiran at ang lipunan ay siyang pinagkukunan ng kaalaman at pag-unawa. Ang pormal na edukasyon ay humahasa sa mga talento at kakayahan ng isa tao kasabaya ang pagkatuto niya sa tahanan. Lubos na mahalaga ang pormal na edukasyon dahil nakapagbibigay ito ng mga mahahalagang kakayahan at aral sa tao tulad ng pakikisalamuha ng ibang tao, disiplina sa sarili, pagsunod sa awtoridad, at paggamit ng sariling kakayahan at talento para sa ikabubuti ng iba.

KASAYSAYAN NG EDUKASYON SA PILIPINAS

Nahahati ang kasaysayan ng edukasyon sa Pilipinas sa limang bahagi: Una ay ang edukasyon sa panahong pre-kolonyal, pangalawa ay ang edukasyon sa panahon ng kolonyalismong Espanyol, pangatlo ay ang edukasyon sa panahon ng kolonyalismong Amerikano, pang-apat ay ang edukasyon sa panahon ng kolonyalismong Hapones, ang ang panlima ay ang edukasyon sa panahon ng Republika o mula 1946 hanggang sa kasalukuyan.

• Panahong Pre-Kolonyal

May tradisyon ang mga Pilipino pagdating sa edukasyon bago dumating ang mga mananakop. Noong panahong pre-kolonyal, ang pagkatuto ng mga mamamayan ay nagsimula sa pamilya kung saan ang bawat tao ay nahasa sa mga nararapat nilang gampanan sa lipunan ayon sa itinakda ng mga nakatatanda sa pamayanan. Dahil pantay ang turingan ng mga lalake at babae noon, ang kakayahan ng bawat isa ay nahasa nang sabay tulad ng kakayahan sa pamahala ng pamayanan, pagsasaka, at pangingisada ng bawat kasarian.

Komyunal o kolektibo ang edukasyon sa panahong pre-kolonyal. Sa maraming lugar na may impluwensiyang Islamiko, lalo na sa timog na bahagi ng Pilipinas, mayroon nang pormal na anyo ng paaralan na pinapasukan ng mga kabataang mag-aaral. Ito ay isang sistema ng pagtuturo ng mga guro sa isang silid kung saan may iba-ibang uri ng paksa ang itinuturo mula sa mga pagpapahalagang Islamiko, paghahabi, pangingisda, at iba pa. Patunay ito na may sistema ng edukasyon sa bansa na umiral bago pa sumapit ang panahon ng kolonyalismo. Nagbago ang pagkatuto sa mga pamayanan dahil sa pagdating ng kolonyalismong Espanyol sa bansa.

• Kolonyalismong Espanyol

Ang unang kagamitan ng pormal na edukasyon sa Pilipinas ay ang relihiyong Kristiyanismo. Ginamit nila ang edukasyon upang maipalaganap ito. Nagsimula ito mula sa paglimbag ng kauna-unahang aklat sa bansa, ang Doctrina Christiana noong 1593 na naglalaman ng mga mahahalagang gabay sa pagrtuturo ng Kristiyanismo sa mga katutubo. Nasundan ito ng pagtatatag ng pormal na edukasyon sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga seminaryo. Unang naituro ang mga asignaturang tulad ng Wikang Espanyol, Medisina, at Agrikultura sa mga mag-aaral. Tanging mga peninsulares at insulares lamang ang may kakayahang makapag-aral sa bansa dahil kaya nilang magbayad para rito.

Kasunod dito ang pagtatatag ng mga paaralang elementarya at sekundarya hanggang sa ikalabin-siyam na siglo ngunit ito ay mga pribado at nangangailangan ng matrikula. Nagkaroon din ng mga iskolarsip mula sa Espanya para sa mga Pilipinong nais makapag-aral dito sa pamamagitan ng Real Sociedad Economica de los Amigos del Pais de Filipinas (Royal Economic Society of Friends of the Philippines) na ipinakilala sa bansa noong 1780.

Pagdating ng 1863, itinakda ng Reyna ng Espanya sa si Reyna Isabella II ang isang dikretong bubuo ng mga pampublikong paaralan na libre para sa lahat ng nais makapag-aral. Itinatag ng pamahalaan ang Commission Superior de Instruccion Primaria (Superior Commission of Primary Instruction) upang pangasiwaan ang mga gurong nais makapagturo sa mga pampublikong paaralan. Dumami ang mga asignaturang itinuturo sa mga paaralan tulad ng Matematika, Pisika, Abogasya, Pilosopiya, at Astronomiya.

• Kolonyalismong Amerikano

Naisa paunlarin ng mga Amerikano ang sistema ng edukasyon ng bansa na hindi napaunlad nang lubos ng mga Espanyol dahil sa dalawang dahilan: una ay dahil sa paniniwala nila na dapat nilang pangalagaan at paunlarin ang buhay ng mga Pilipino; at ikalawa ay upang maipakita sa mga Pilipino na mabuti ang pananakop nila sa bansa. Ang isang mahalagang hakbang na kanilang ginawa para rito ay ang pagpapadala sa Pilipinas ng mga gurong Thomasites, na siyang katawagan sa mga gurong Amerikano na lulan ng barkong USAT Thomas. Una itong dumaong sa bansa noong 1901. Sila ay nagturo sa mga pampublikong paaralan at nagsanay ng mga Pilipino sa paggamit ng wikang Ingles bilang isang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan.

Noong 1901 ay itinatag ang Kagawaran ng Publikong Pagtuturo (Department of Public Instruction) upang pangasiwaan ang edukasyon ng bansa. Nang lumago ang bilang ng mga mag-aaral at paaralan sa bansa, iniayos muli ang pangasiwaan sa bisa ng Organic Act of 1916 na nagsasaad ng pananatili ng isang Amerikanong Kalihim na mangangasiwa sa edukasyon sa bansa. Ang basic education sa panahon ng Amerikano ay umabot ng pitong taon para sa elementary at apat na taon para sa sekundarya habang ang antas ng kolehiyo ay karaniwang binubuo ng mga kursong malayang pinipili ng mga mag-aaral na nagtapos ng sekundarya. Ang kurikulum para sa basic education ay binubuo ng mga asignaturang Agham, Pagbasa, Pagsulat, Artimetiko, Heograpiya, Kasaysayan, Musika, Sining, Aralin sa Pagkamamamayan, Sibika, at Sanayang Manwal o Bokasyonal. Noong 1910, binago ang kurikulum upang makatuon sa mga pangangailangan ng ekonomiya ng bansa tulad ng pagdoble sa oras ng pag-aaral ng Sanayang Manwal o Bokasyonal at sa pagpapaigting sa paggamit ng wikang Ingles para sa pagtatrabaho sa mga kompanyang Amerikano.

• Kolonyalismong Hapones

Bilang pagtupad sa hangarin ng mga Hapones na mapasailalim ang lahat ng bansa sa Asya sa kanilang teritoryong tinatawag na Greater East Asia Co-prosperity Sphere, pinilit ng mga Hapones ang mga Pilipino na iwaksi ang kultura at kaisipang Amerikano. Sa halip ay ipinatupad nila ang sapilitang paggamit ng katutubong wika ng mga mamamaya. Sa bisa ng Military Order No. 2 na iminungkahi ng JapaneseExecutive Commission ng pamahalaang Hapones ay itinatag ang Department of Education, Health and Public Welfare na pumalit sa Department of Public Instruction na itinatag ng mga Amerikano

Naging lubos ang pagpapahalaga ng pamahalaan sa edukasyong bokasyonal para sa mga Pilipino. Ito ay upang maipalaganap ang kultura ng paggawa at kaisipang pang-empleyo ng mga Pilipino. Wikang bernakular o wikang kinalakihan ng mga Pilipino sa iba-ibang bahagi ng bansa ang ginamit., kasabay ng paggamit ng wikang Tagalog na idineklarang Pambansang Wika ni Pangulong Manuel L. Quezon noong 1937. Pagkatapos nito ay pilit na itinuro at ipinagamit ang wikang Hapones o Nippongo sa mga mag-aaral upang maisalin ang kaisipang Hapones sa mga Pilipino.

MGA PAGBABAGO SA KAGAWARAN NG EDUKASYON

TAON OPISYAL NA PANGALAN NG KAGAWARAN OPISYAL NA TAGAPANGASIWA MGA ITINAKDANG BATAS

1863 Superyor Komisyon sa Primaryang Pagtuturo (Superior Commission of Primary Instruction Tagapangulo (Chairman) Dekretong Pang-edukasyon ng 1863 (Educational Decree of 1863)

1901-1916 Kagawaran ng Publikong Pagtuturo (Department of Public Instruction) Superintendente-Heneral (General-

Superintendent) Batas Blg. 74 ng Komisyon ng Pilipinas (Act No. 74 of the Philippine Commission)

1916 – 1942 Kagawaran ng Publikong Pagtuturo (Department of Public Instruction) Kalihim (Secretary) Jones Law

1942 – 1944 Kagawaran ng Edukasyon, Kalusugan, at Kagalingang Panlipunan (Department of Education, Health and Public Welfare Komisyoner (Commissioner) Binago ng Komisyong Tagapagpaganap ng mga Hapones ang Pangalan ng Kagawaran

1944 Kagawaran ng Publikong Pagtuturo Ministro (Minister) Muling biango ang pangalan

1944 Kagawaran ng Publikong Pagtuturo Kalihim Muling binago ang pangalan

1945 – 1946 Kagawaran ng Publikong Pagtuturo at Impormasyon (Department of Public Instruction and Information) Kalihim Binago ng Pamahalaang Komonwelt ang pangalan

1946 – 1947 Kagawaran ng Pagtuturo (Department of Instruction) Kalihim Binago ng Pamahalaang Komonwelt ang pangalan

1947 – 1975 Kagawaran ng Edukasyon(Department of Education) Kalihim Kautusang Tagapagpaganap Blg. 94

1975 – 1978 Kagawaran ng Edukasyon at Kultura (Department of Education and Culture) Ministro Proklamasyon Blg. 1081 ng 1975

1978 – 1984 Ministeryo ng Edukasyon at Kultura (Ministry of Education and Culture) Ministro Atas ng Pangulo Blg. 1397 ng 1978

1984 – 1986 Ministeryo ng Edukasyon, Kultura at Palakasan (Ministry of Education, Culture and Sports Ministro Batas Pambansa Blg. 232

1987 – 1994 Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Palakasan (Department of Education, Culture and Sports) Kalihim Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 ng 1987

1994 – 2001 Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Palakasan (Department of Education, Culture and Sports) Kalihim Batas Republika 7722; Batas Republika 7796

2001 – kasalukuyan Kagawaran ng Edukasyon (Department of Education Kalihim Batas Republika 9155 ng 2001

ESTRUKTURA NG EDUKASYON SA PILIPINAS

Ang edukasyon sa Pilipinas ay maaaring hatiin sa dalawang bahagi: ang pormal na edukasyon at ang ‘di-pormal na eduaksyon. Kabilang sa pormal na edukasyon ang basic education para sa mga mag-aaral na nasa wastong edad upang makapag-aral mula elementarya hanggang sekundarya. Kabilang naman sa ‘di-pormal na edukasyon ay ang alternatibong pag-aaral (alternative learning) at natatanging edukasyon (special education o SPED) para sa mga mag-aaral na may iba pang pangangailangan na hindi kayang tugunan ng pormal na edukasyon

Sa pormal na edukasyon, ang pagtuturo at pagkatuto ay nagaganap sa loob ng isang silid aralan. Nakabatay ang pagkatuto sa isang uri ng kurikulum na ibinibigay ng estado. Sa kasong ito, ang basic education curriculum ay batayan ng pagkatuto at pagtuturo sa lahat ng paaralan sa buong bansa.

Nagkaroon ng sari-saring pagbabago sa basic education curriculum. Mula 1984 hanggang 2002 ay magkahiwalay ang plano ng kurikulum para sa elementarya at sekundarya. Umrial ang Pambansang Kurikulum sa Mababang Paaralan (National Elementary School Curriculum o NESC) mula 1984 hanggang 2022, ang ang Bagong Kurikulum sa Sekondaryong Edukasyon (New Secondary Education Curriculum o NSEC) mula 1991 hanggang 2002. Sa ilalim ng NESC ay pinairal ang kahusayan sa pagkatuto (mastery learning) para sa mga kakayahan ng bawat mag-aaral, habang ang NSEC ay nakatuon sa proseso ng pagkatuto, values formation, at kasipagan. Pinairal din nito ang pagkatuto sa larangan ng Agham, Matematika, at Komunikasyon.

Noong 2002, nabuo at ipinatupad ang Revised Basic Education Curriculum o RBEC sa bisa ng Batas Republika Blg. 9155 o ang Governance of Basic Education Act of 2001. Tinugunan nito ang mga isyu ng nakaraang kurikulum tulad ng kakayahang magbasa, magsulat, magsalita, at makabuo ng mga solusyon (functional literacy) para sa mga suliranin sa araw-araw at sa pagkatuto ng Agham, Matematika, at Komunikasyon. Nakatuon din ito sa paggugol ng sapat na oras sa pinagsamang kurikulum ng elementary at sekundarya sa ilalim ng RBEC.

Ang limang pangunahing asignatura (core subjects) ay binubuo ng sumusunod: ang Filipino, English, Mathematics, at Science, habang ang isa pang larangan na tinatawag na Makabayan ang gumagamit para sa aplikasyon ng pinag-aralan sa apat na pangunahing asignatura na kinukuha ng isang mag-aaral. Sa Una hanggang Ikatlong Baitang, ang Makabayan ay binubuo ng mga asignaturang Sibika at Kultura; Musika, Sining, at Edukasyong Pangkalusugan (MSEP); at Good Manners and Right Conduct (GMRC). Mula Ikaapat hanggang Ikaanim na Baitang, ang Makabayan ay binubuo naman ng mga asignaturang Heograpiya, Kasaysayan, at Sibika (HEKASI), MSEP, at GMRC/Values. Isa pang asignaturng kasama sa Makabayan ay ang Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP) o Home Economics and Livelihood Education (HELE), na ipinakikilala simula Ikaapat na Baitang. Pagdating sa sekundarya, ang Makabayan ay binubuo ng Araling Panlipunan; Technology ang Livelihood Education (TLE); Music, Arts, PE, at Health (MAPEH); at Values Education

Noong 2013, isinabatas ang Batas Republika Blg. 10533 na mas kilala bilang Enhanced Basic Education Act of 2013. Ito ang modipikasyon sa sistema ng basic education curriculum sa bansa, kung saan ipinapakilala ang sistemang Kindergarten to Grade 12 o K to 12 Curriculum na nagdaragdag ng dalawang taon sa pag-aaral. Ang sistema ng edukasyon ay binubuo ng mga sumusunod na baitang:

• Kindergarten

• Elementarya – Grade 1 hanggang Grade 6

• Junior High School – Grade 7 hanggang Grade 10

• Senior High School – Grade 11 hanggang Grade 12

Sa ilaim ng K to 12 kurikulum ay maaaring piliin ng isang mag-aaral ang nais niyang landas (track) na maaaring tahakin sa kaniyang pag-aaral. Magaganap ito pagdating sa Junior High School, kung saan ay mananatili ang pagkatuto sa mga asignatura tulad ng English, Filipino, Araling Panlipunan, Mathematics, at Science, ngunit pagdating sa TLE ay magaganap ang unang bahagi ng ispesiyalisasyon. Papasok ang mga mag-aaral sa mga exploratory course mula Baitang 7 hanggang Baitang 8 at sa mga specialized course mula Baitang 9 hanggang Baitang 10.

Pagdating sa Senior High School, ang isang mag-aaral ay kukuha ng mga core subjects para sa nais nilang traact. Binubuo ito ng academic track, sports track, arts and design track, at technical-vocational-livelihood tract. Ang bawat tract ay may mga strand na maaaring kunin ng isang mag-aaral bilang panimulang pag-aaral sa kursong maaari niyang makuha pagdating sa kolehiyo. Ang mga strand ay may mga asignatura na maaaring kunin upang mabawasan ang mga asignatura na kailangang kunin sa kolehiyo

MGA PROGRAMA NG PAMAHALAAN UKOL SA EDUKASYON

• Eduksyon para sa Lahat (Education for All o TEA)

Ayon sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), ang mga sumusunod ay mga layunin ng EFA.

1. Mapalawak ang mapag-arugang edukasyon para sa mga paslit (Expand early childhood care and education)

2. Maibigay ang libre at kompulsaryong edukasyon para sa lahat (Provide free and compulsary education for all)

Ang kompulsaryong edukasyon ay mula sa gulang na 5 hanggang 17. Binubuo ito ng pre-school (gulang 5), primarya (gulang 6 – 11), at sekundarya (gulang 12 – 17). Kompulsaryo o ipinag-uutos ng batas na ang mga bata mula sa gulang 5 hanggang 17 ay dapat nag-aaral, at tungkulon ng mga magulang na pag-aralin ang mga anak nilang nasa sapat na gulang

3. Isulong ang mga kasanayang pampaakatuto at pamapamumuhay para sa mga bata at may sapat na gulang na (Promote learning and life skills for young people and adults)

4. Itaas sa 50% ang kamuwangan ng mga may hustong gulang na (Increase adult literacy by 50%

Ang kamuwangan ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na bumasa at sumulat.

5. Isara ang agwat-kasarian sa edukasyon (Achieve gender parity and gender equality

Ang agwat-kasarian (gender gap) sa edukasyon ay ang ‘di-pagkakapantay-pantay ng kalalakihan at kababaihan sa pagtatamasa ng mga karapatan at oportunidad sa edukasyon.

6. Pagbutihin ang kalidad ng edukasyon (Improve the quality of education)

• Maibigay ang libre at kompulsaryong edukasyon para sa lahat (Providse free and compulsory education for all)

• Isulong ang mga kasanayang pampagkatuto at pampamumuhay para sa mga bata at may sapat na gulang na (Promote learning and life skills for young people and adults)

• Isara ang agwat-kasarian sa edukasyon (Achieve gender parity and gender equality

• Pagbutihin ang kalidad ng edukasyon (Improve the quality of education)

ALTERNATIBONG SISTEMA NG PAGKATUTO(Alternattive Learning System o ALS)

Ang Alternatibong Sistema ng Pagkatuto (Alternative Learning System o ALS) ay isang kaagapay na sistema sa pagkatuto bukod sa tradisyonal na paaralan. Layunin nitong mabigyan ng pagkakataon ang mas maraming Pilipino na walang kakayahang pumasok sa pormal na paaralan na makapag-aral upang sila ay magkaroon ng kakayahan, kasanayan, at kamuwangan na makakamit sa pormal na edukasyon. Nakatuon ito sa mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral, mga kabataang hindi nakpapasok sa paaralan (out-of-school children and youth), mga kabataang huminto sa pag-aaral, at mga kasapi ng marhinalisadong pangkat.

Sa ilalim na ALS, may iba-ibang programang nakatuon sa pagpapaunlad ng impormal na edukasyon. Ang ilang sa mga ito ay ang sumusunod:

• Batayang Programa sa Kamuwangan (Basic Literacy Program o BLP) – programang naglalayong paunlarin ang pagbasa, pagsulat, at pagbilang ng mga kabataang mag-aaral;

• Pagpapatunay at Pagtutumbas na Programa (Accreditation and Equivalency Program o A&E) – programang tumutulong sa mga kabataang hindi nakapapasok sa paaralan at maging mga matatandang tao na hindi nakapagtapos na makahabol sa pag-aaral nila sa elementarya o sekundaryang paaralan;

• Edukasyon para sa mga Katutubong Pangkat (Indigenous Peoples Education) – programaang naglalayong paunlarin ang primarya at sekundaryang edukasyon sa mga pamayanang pinaninirahan ng mga katutubong pangkat (indigenous people);

• Edukasyon sa Wikang Arabiko at Pagpapahalagang Islamiko sa Alternatibong Sistema sa Pagkatuto (Arabic Language and Islamic Values Education in Alternative Learning System o ALIVE in ALS) – programang naglalayong tulungan at paunlarin ang edukasyon para sa mga kabataang hindi nakapapasok sa paaralan at mga matatandang Muslim tulad ng pagtuturo ng Islam, Values, at ang wikang Arabiko, kasabay ng pagtuturo ng mga asignaturang kaakibat ng basic education curriculum; at

• Alternatibong Sistema sa Pagkatuto para sa mga Taong may Kapansanan (Alternative Learning System for Differently-Abled Persons o ALS-DAP) – programang tumutulong sa mga taong may kapansanan tulad ng mga bulag, pipi, at bingi na makapag-aral at makakamit ng edukasyon sa pagpapaunlad sa sarili tulad ng pagtuturo ng sign language para sa mga pipi at bingi.

PROGRAMANG BAWAT BATA AY NAKABABASA (Every Child a Reader Program o ECARP)

Ang Programang Bawat Bata ay Nakababasa (Every Child a Reader Program o ECARP) ay naglalayong paunlarin ang kakayahan ng mga batang Pilipino sa pagbasa, pagbilang, at pagsulat upang sa pagtungtong nila sa Baitang 1 ay mahusay na sila sa mga kasanayang ito. Ang ECARP ay isa sa mga nakapagpapababa sa bilang nga mga nahihinto sa pag-aaral sa mababang paaralan taon-taon. Lalong painuunlad ng Edukasyong Gumagamit ng Sariling Wika (Mother Tongue-based Multilingual Education o MTB-MLE) ang ECARP dahil sa paggamit sa nakasanayang wika na ginagamit ng mga mag-aaral sa kanilang mga tahanan.

Sa ilalim ng MTB-MLE, ginagamit sa ECARP ang sariling wika para sa mga nasa Kindergarten hanggang Baitang 3. Mayroong labindalawang wika na ginagamit sa iba-ibang asignatura sa ECARP. Iyon ay ang mga sumusunod:

Ilokano Cebuano

Kapampangan Waray

Pangasinense Tagalog

Chavacano Tausug

Bikolano Maguindanaon

Hiligaynon Maranao

MGA HAMON SA EDUKASYON

Mauuri sa dalawang aspekto ang mga suliranin kinakaharap ng bansa hinggil sa edukasyon: ang pisikal na aspekto at ‘di-pisikal na aspekto.

A. Mga Pisikal na Aspekto ng Suliraning Pang-edukasyon

• Impraestrukturang Pang-edukasyon

Ang impraestrukturang pang-edukasyon ay ang mga silid-aralan at mga pasilidad tulad ng silid-aklatan, klinika, kantina, mga laboratoryo, himnasyo(gymnasium), at mga silid para sa mga guro. Sa mga ito nangunguna ang suliranin sa kakapusan sa mga silid-aralan. Isa sa mga dahilan ng kakapusan sa mga silid-aralan ay ang paglaki ng bilang ng mga bagong nag-eenrol sa mga paaralan taon-taon.

• Mga Guro

• Mga Kagamitang Pampagtuturo at Pampagkatuto

Kabilang dito ang mga ginagamit ng mga mag-aaral tulad ng mga batayang aklat, kuwaderno, lapis, at bolpen, tisa, pambura, marker, kompyuter at projector, at iba pa. Ang isang isyu sa mga materyales na panturo ay ang kakulangan at kalidad nito tulad ng mga bataayang aklat.

B. Mga ‘Di-pisikal na Aspekto ng Suliraning Pang-edukasyon

• Paghinto sa Pag-aaral

Ang drop-out rate ay ang antas ng paghinto sa pag-aaral ng mga naka-enrol na mag-aaral sa paaralan. Ito ay nagreresulta sa hindi pagtatapos ng isang mag-aaral sa kaniyang pag-aaral.

Ang mga pangunahing dahild ng hindi pagtatapos ng pag-aaral ay ang mga sumusunod:

1. Pag-aasawa o pagpapakasal;

2. Kakapusan sa panustos sa pag-aaral;

3. Kawalan ng interes sa pag-aaral;

4. Paghahanapbuhay;

5. Mataas na matrikula; at

6. Pagkakasakit o pagkakaroon ng kapansanan

• Kabiguang Makapag-enrol

• Pagbaba ng Bahagdan ng mga Pumapasa sa NAT

Ang Pambansang Pagtatayang Pagsusulit (National Achievement Test o NAT) ay mga pamantayang pagsusulit na kinukuha ng mga mag-aaral sa mga Baitang 6, 10, at 12 upang matukoy ang kanilang kasanayan sa mga asignaturang Matematika, Agham, English, Araling Panlipunan, at Filipino.

• Agwat ng Edukasyon

Mayroong agwat sa edukasyon sa mga aspektong pang-ekonomiya, pang-heograpiya, at panlipunan. Hindi pantay ang oportunidad para sa edukasyon sa buong bansa pagdating sa mga pook urban at pook rural, at maging sa iba-ibang rehiyon sa bansa. Ang kalidad ng edukasyon na ibinibigay sa mga pampublikong paaralan ay hindi pantay sa kalidad ng edukasyon na ibinibigay naman sa mga pribadong paaraaln. Nawawalan di ng balanse sa oportunidad sa pag-aaral sa pagitan ng lalaki at babae.

LL