Looks like no one added any tags here yet for you.
Sikolohiyang Pilipino
ay ang disiplina ng sikolohiya na nakatuon sa pag-unawa sa kaisipan, damdamin, at kilos ng mga Pilipino, batay sa kanilang sariling kultura at karanasan.
Cronbach (1957)
metodong eksperimental
at ang metodong korelasyonal
Ayon kay ____ mahahati ang sikolohiya sa dalawang disiplina, ang ____ at ang ____.
metodong eksperimental
ay nauugnay din sa tinatawag na nomotetikong pananaw sa sikolohiya.
nomotetikong pananaw
ay tumutukoy sa pagpapahalaga sa unibersal na katotohanan bilang layunin ng sikolohiya.
Ito ay naglalayong tukuyin ang unibersal na sikolohikal na mga konsepto na may kaugnayan sa kontekstong Pilipino
ideograpikong pananaw
nagbibigay-halaga sa pag-aaral ng kaso.
Ang pananaw na ito ay nakapokus sa pag-unawa sa mga partikularidad ng buhay ng isang indibidwal, kabilang ang kanyang personal na kasaysayan, kultura at mga particular na pangyayari
Ito ay may kaugnayan sa metodong korelasyonal
Sikolohiya sa Pilipinas
Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng sikolohiya na isinasagawa, itinuturo, at nauunawaan sa Pilipinas.
Binibigyang-diin kung paano umiiral ang disiplina ng sikolohiya sa bansa, kadalasang may impluwensiya ng mga teorya at metodolohiya ng sikolohiya mula sa Kanluran na inangkat at inaangkop sa lokal na konteksto.
Kinikilala bilang mas malawak na pag-aaral ng sikolohiya sa bansa, kabilang ang parehong katutubong pananaw at mga impluwensiyang Kanluranin.
Sikolohiya ng mga Pilipino
Tumutukoy sa pag-aaral ng mga katutubong kaisipan, damdamin, ugali, at pag-uugali ng mga Pilipino. Ito ay nagsusuri ng mga natatanging aspeto ng sikolohiya na likas at umiiral sa loob ng kulturang Pilipino.
Naglalayong maunawaan kung paano iniisip, nadarama, at kumikilos ang mga Pilipino batay sa kanilang sariling kultura, tradisyon, at karanasan.
Sikolohiyang Pilipino
Tumutukoy sa isang disiplina ng sikolohiya na nakaugat sa kultura, wika, at karanasan ng mga Pilipino.
Ito ay isang kilusan na naglalayong bumuo ng isang sikolohiya na tunay na sumasalamin sa mga katutubong kaisipan, damdamin, ugali, at pagpapahalaga ng mga Pilipino, taliwas sa pag-angkat ng mga teorya mula sa Kanluran.
Layunin nito na lumikha ng mga teorya, metodolohiya, at aplikasyon na naaayon sa kalagayan ng Pilipinas at nakatuon sa pag-unawa ng pagka-Pilipino sa mas malalim at tunay na paraan.
Tao sa Bahay
Sikolohiya sa Pilipinas
Taong-Bahay
Sikolohiya ng mga Pilipino
Taumbahay
Sikolohiyang Pilipino
Tao sa Bahay (Sikolohiya sa Pilipinas)
Tumutukoy sa isang "bisita". Nasa isang bahay ngunit hindi malalim ang emosyonal at panlipunang dinamika ng sambahayan.
Maaaring wala itong malalim na kaugnayan sa pangkultura at sikolohikal na pangangailangan ng sambayanang Pilipino.
Taong-Bahay (Sikolohiya ng mga Pilipino)
Tumutukoy sa isang taong mahalagang bahagi ng sambahayan. Ang bisita ay maaaring maituring na taong-bahay kung sila ay nanaising mamalagi sa bahay.
Ito ay aktibong pakikibahagi sa mga kultural at panlipunang realidad ng Pilipinas. Layunin nito na tugunan ang mga sikolohikal na isyu at phenomena sa paraang sumasalamin sa buhay at karanasan ng mga Pilipino.
Taumbahay (Sikolohiyang Pilipino)
Ang mga taong talagang nakatira sa loob ng bahay.
Higit na mas malalim kaysa sa mga naunang paghahambing ng anyo ng sikolohiya
Kinikilala nito ang presensya at pagiging miyembro ng mga indibidwal sa loob ng kultura at Lipunan.
Mañana Habit
Pinagpapaliban hanggang bukas kung ano ang maaaring gawin ngayon.
Ningas-Kugon
Naglalarawan sa pag-uugali na kungj saan ang isang indibidwal ay nagpapakita ng pagiging masigasig sa simula subalit kalaunan ay hindi na naitutuloy ang nasimulan.
Filipino Time
ang terminong nagmula sa mga Amerikano na tumutukoy sa pagiging hulisa nakatakdang oras
Crab Mentality
Tendensya ng isang tao na hilahin pababa ang mga tao sa paligid nila na itinuturing nilang mas mahusay kaysa sa kanila sa anumang aspeto.
Colonial Mentality
Nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng persepsyon na ang pagkakakilanlan ng isang tao ay mas mababa kumpara sa dayuhang kultura at etnisidad.
Amor Propio
Isang konseptong nakaugat sa kultura at panlipunang ng Pilipinas, kung saan ang pagpapanatili ng reputasyon at dangal ng isang tao ay pinakamahalaga.
panlalahat
Kapag binibigyang-katangian ang isang grupo, ito ay kadalasan nauuwi sa ___ sapagkat iyon ang pinakamadali na paraan.