1/39
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Ma. Rovilla Sudaprasert
Ayon kay ___________________ (2014), and memorandum o memo ay isang kasulatang nagbibigay impormasyon, gawain, tungkulin, o utos.
memo
dito nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing miting; sa pamamagitan nito, naging malinaw sa mga dadalo ng pulong kung ano ang inaasahan mula sa kanila.
Dr. Darwin Bargo
Ayon kay _____________________ sa kanyang aklat na Writing in The Discipline (2014) , ang mga kilala at malalaking kompanya at mga institusyon ay kalimitang gumagamit ng mga colored stationery para sa kanilang mga memo.
puti
sa isang memo, ang kulay na ito ay ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba, o impormasyon.
rosas
sa isang memo, ang kulay na ito ay ginagamit para sa request o order na nanggagaling sa purchasing department.
dilaw o luntian
sa isang memo, ang kulay na ito ay ginagamit para sa mga memo na nanggagaling sa marketing at accounting department.
letterhead
sa bahagi ng memo na ito makikita ang logo at pangalan ng kompanya, institusyon o organisasyon gayundin ang lugar kung saan matatagpuan ito at minsan maging ang bilang numero ng telepono.
"Para sa/Para kay/Kina"
ang bahaging ito ng isang memo ay naglalaman ng pangalan ng tao o mga tao, o kaya naman ay grupong pinag-uukulan ng memo.
"Mula kay"
ang bahaging ito ng isang memo ay naglalaman ng pangalan ng gumawa o nagpadala ng memo.
MALI
TAMA o MALI.
sa bahaging petsa, pwede gumamit ng numero, gaya ng 11/25/15 o 30/09/15, sa pagsulat ng petsa.
paksa
ang bahagi ng memo na ito ay mahalagang maisulat nang payak, malinaw, at tuwiran upang agad maunawaan ang nais ipabatid nito.
sitwasyon
dito makikita ang panimula o layunin ng memo.
problema
dito nakasaad ang suliraning dapat pagtuonan ng pansin; hindi lahat ng memo ay nagtataglay nito.
solusyon
ito ay nagsasaad ng inaasahang dapat gawin ng kinauukulan.
paggalang o pasasalamat
dito winawakasan ang memo sa pamamagitan ng pagpapasalamat o pagpapakita ng paggalang.
"Lagda"
ito ay ang huling bahagi ng memo kung saan ito ay kadalasang nilalagay sa ibabaw ng pangalan ng nagpadala sa bahaging "Mula kay".
adyenda
ito ay nagsasaad ng mga paksang tatalakayin, mga taong tatalakay o magpapaliwanag, at ang oras na itinakda para sa bawat paksa; ito ay nagsisilbing tseklist o talaan upang matiyak lahat ng paksang tatalakayin at kasama sa talaan.
magpadala ng e-mail na nagsasaad na magkaroon ng pulong.
ito ang unang hakbang sa pagsulat ng adyenda.
sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong.
ito ang huling hakbang sa pagsulat ng adyenda.
katitikan ng pulong
ito ay dokyumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon.
headings
ang bahagi ng katitikan ng pulong na ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon, o kagawaran; makikita ang petsa, lokasyon, at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.
mga kalahok o dumalo
ang bahagi ng katitikan ng pulong na ito ay naglalaman ng kung sino ang nanguna sa tagapagdaloy ng pulong, gayundin and pangalan ng lahat ng mga dumalo kasama ang mga panauhin; maging ang mga pangalan ng liban o hindi nakadalo ay nakatala rin dito.
pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong
sa bahagi ng katitikan ng pulong na ito makikita kung ang nakalipas na katitikan ng pulong ay napagtibay o may pagbabagong isinagawa sa mga ito.
action items o usaping napagkasunduan
sa bahagi ng katitikan ng pulong na ito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga paksang tinalakay; inilalagay rin sa bahaging ito kung sino ang taong nanguna sa pagtalakat ng isyu at maging ang desisyong nabuo ukol dito.
pabalita o patalastas
ang bahagi ng katitikan ng pulong na ito ay hindi laging makikita ngunit kung mayroon man nito mula sa mga dumalo ay tulad ng halimbawa ng mga suhestiyong adyenda para sa susunod na pulong ay maaring ilagay sa bahagi na ito.
iskedyul ng susunod na pulong
sa bahagi ng katitikan ng pulong na ito itinatala kung kailan at saan gaganapin ang susunod na pulong.
pagtatapos
sa bahagi ng katitikan ng pulong na ito inilalagat kung anong oras nagwakas ang pulong.
lagda
ang _______________ ang inilalagay sa ibabaw ng pangalan ng taong nagpadala ng memo.
ulat ng katitikan
sa uri o estilo ng pagsulat ng katitikan ng pulong na ito, lahat ng detalye ay nakatala, maging ang mga pangalan ng mga taong nagsalita o tumalakay ng paksa; nakasulat din ang pangalan ng mga taong sumang-ayon sa mosyong isinagawa.
salaysay ng katitikan
sa uri o estilo ng pagsulat ng katitikan ng pulong na ito isinasalaysay lamang ang mahahalagang detalye ng pulong at maituturing na legal na dokumento.
resolusyon ng katitikan
sa uri o estilo ng pagsulat ng katitikan ng pulong na ito nakasaad ang lahat ng isyung napagkasunduan ng samahan; hindi itinatala ang pangalan ng mga taong tumalakay maging ang mga sumang-ayon dito; kadalasang mababasa ang mga katagang "nakapagsunduan na..." o "napagtibay na..."
Michael Stratford
Si ________________________ , na isang manunulat at guro ay nagsabi na isa sa mga tiyak na uri ng sanaysay ay may kinalaman sa instrospeksyon na pagsasanaysay.
Paquito Badayos
siya ang nagsabi na ang sanaysay ay isang paglalahad ng sariling opinyon o kuro-kuro ng manunulat sa isang bagay o paksa.
Jose Abadilla
Si _____________________ naman, ang nagsabi na ang sanaysay ay nangangahulugang nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.
sanaysay
ang __________________ ay hango sa salitang Pranses na "essayer" na ang ibig sabihin ay "sumubok" o "tangkilikin".
unang panauhan
ang pagsusulat ng replektibong-sanaysay ay dapat nasa ___________________________.
Kori Morgan
Ayon kay _______________________ , ang sanaysay ay nagpapakita ng paglago ng isang tao sa isang mahalagang pangyayari o karanasan.
panimula
sa pagbuo ng sanaysay, ito ay nahahati sa tatlong bahagi; sa pagsulat ng _____________________ , ito dapat ay nakakatawag ng pansin o nakakapukaw sa damdamin ng mga mambabasa.
wakas
sa pagsulat ng ___________________ , dito karaniwang nababasa ang pangkalahatang impresyon ng may-akda.
katawan
sa pagsulat ng __________________ , ito ay pinakalalaman at mayaman sa kaisipan.