1/18
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai |
|---|
No study sessions yet.
Kilos ng Tao (Acts of Man)
Ito ay mga likas na kilos na nagaganap sa tao ayon sa kaniyang kalikasan. Halimbawa: paghinga
Makataong Kilos (Human Act)
Ito ang kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman
Kusang-loob
Kilos na may kaalaman at pagsang-ayon; may pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan. Halimbawa: guro sa sekondarya na gumagamit ng estratehiya
Di-kusang-loob
Kilos na may kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon; hindi lubos na kusang-loob.
Walang kusang-loob
Kilos na walang kaalaman kaya't walang pagsang-ayon; hindi pananagutan ng tao.
Layunin ng Kilos
Batayan ng mabuti at masamang kilos; hindi agad nahuhusgahan ang kilos
Obligasyon ayon kay Santo Tomas
Ang isang gawa o kilos ay obligado lamang kung ang hindi pagtuloy sa paggawa nito ay may masamang mangyayari. Dapat piliin ang mas mataas na kabutihan.
Paglálayon
Kung sa kabuuan ng pakay ay nakikita ng tao ang isang masamang epekto ng kilos na sa kaniya ang kapanagutan. Halimbawa: hindi pagtulong sa kaklase kaya bumaba ang kanyang marka.
Pag-iisip ng paraan
Ang pamamaraan ay tugma sa pag-abot ng layunin at hindi lamang kasangkapan. Halimbawa: pagbibigay ng regalo o pagiging mabait sa kaklase upang makapangopya.
Pagpili ng pinakamalapit na paraan
Ang pamamaraan na pinili ay mas nakabubuti sa isang tao at nagtataguyod ng kabutihang panlahat
Pagsasakilos ng paraan
Paglapat ng pagkukusa sa kilos-loob na tunay na magbibigay ng kapanagutan. Halimbawa: planadong pagtulong sa komunidad
Kamangmangang madaraig
Kawalan ng kaalaman sa isang gawain ngunit may pagkakataong itama o magkaroon ng tamang kaalaman. Halimbawa: pagbibigay ng malaking pera ng katulong na si Ana sa kidnapper na nagsabing hawak nito ang kaniyang amo.
Kamangmangan di-madaraig
Kawalan ng kaalaman na hindi maaaring matutunan sa sariling kakayahan o sa iba. Halimbawa: gawa ng taong wala sa matinong pag-iisip; walang pananagutan.
Masidhing Damdamin
Dikta ng bodily appetites
Pagkabagabag ng isip
Pagkabagabag ng isip sa pagbabanta sa buhay o mahal sa buhay. Halimbawa: Diego
Karahasan
Panlabas na puwersa upang pilitin ang tao na gawin ang bagay labag sa kilos-loob at pagkukusa. Halimbawa: kaklase mong siga ang pinipilit kang kumuha ng cellphone sa bag ng kaklase; binantaan at sinuntok ka; hindi ka mapapanagot sa ginawa.
Gawi (Habits)
Paulit-ulit na gawain na naging bahagi ng araw-araw. Halimbawa: pangungupit na naging pang-araw-araw na gawa; mapapanagot pa rin dahil nagsimula bilang kusang pagkuha.
TANDAAN
Ang bawat kilos ay may pananagutan. Ang antas ay nakadepende sa kilos. May maliit at malaking pananagutan. Likas na batas moral ay batayan ng katarungan. Isaalang-alang ang intensyon at epekto ng kilos.