1/115
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Bagong Pangkolehiyong Diksynunaryo ni Webster
Ang panitikan ay ang kabuuan o kalipunan ng mga pinagyamang sinulat o nilimbag sa isang tanging wika ng mga tao; ang mga naisatitik na pagpapahayag na may kaugnayan sa iba’t ibang paksa; o ang anumang bungan-isip na naisatitik.
Bro. Azarias
Sa kanyang Pilosopiya ng Literatura, ito ay ang pagpapahayag ng mga damdamin ng tao tungkol sa iba’t ibang bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa pamahalaan, sa lipunan at kaugnayan ng kaluluwa sa Dakilang Lumikha.
Paz Nicasio at Federico Sebastian
Ang panitikan ay kabuuan ng mga karanasan ng isang bansa, mga kaugalian, paniniwala, pamahiin, kaisipan at pangarap ng isang lahi na ipinahahayag sa mga piling salita; sa isang maganda at makasining na paraan, nakasulat man o hindi.
Apperception Theory
Ang proseso ng pag-uugnay ng bagong kaalaman o impormasyon sa umiiral na kaalaman upang lumikha ng mga bagong ideya.
Percept
Ang unang antas, ipinakikita ang panitikan sa pamamagitan ng halimbawa nito at ng mga tauhan sa mga pamamaraan ng pag-iisip tungo sa makabuluhang konklusyon.
Concept
Ang ikalawang antas ay nagpapayaman ng nilalaman ng wika.
Tulang Patnigan
Tagisan ng talino sa paraang patula tulad ng karagatan, duplo at balagtasan.
Patula
Masining o karaniwang pagsasama-sama ng mga salita upang makabuo ng mga taludtod na maaaring may sukat at tugma.
Liriko o Tula Ng Damdamin
Nagsasaad ng marubdob na karanasan, guni-guni o damdamin ng may-akda. Karaniwan sa uri nito ang oda, dalit, soneto, elehiya at awit.
Pasalaysay
Mga tulang may kwento at mga tauhang gumagalaw. Karaniwang pinapaksa rito ang mga kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma tulad ng epiko, awit at korido.
Tulang Pandulaan
Mga dulang nasusulat nang patula tulad ng senakulo, tibag at sarsuwela.
Tuluyan
Maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa katutubong takbo ng pangungusap. Nabibilang dito ang anekdota, maikling kuwento, alamat, mito, nobela, talambuhay, pangulong tudling, sanaysay, balita, talumpati, dula atbp.
Kapaligiran
Binibiyang pansin ang isang pook. Kasama ang iba’t ibang sangkap na kalikasan katulad ng klima, mga likas na yaman, mga pisikal na kapaligiran at mga kaugnay nito. Maraming mga tula, maikling kwento, nobela at iba pang akda ang sumilang at nalikha na ang ginamit na paksa ay ang kapaligiran at ang kalikasan.
Carlos Palanca Memorial Awards for Literature Hall of Fame
Isang prestihiyosong award-giving body sa Pilipinas na kumikilala sa mga natatanging akdang pampanitikan.
Ramon Magsaysay Award
Isang parangal na ibinibigay sa mga indibidwal o organisasyon sa Asya na gumawa ng makabuluhang kontribusyon sa kani-kanilang larangan, kabilang ang panitikan.
Karanasan
Isang lunsaran ng mayamang paksa ang karanasan ng tao. Dito maraming napupulot na pangyayari, sitwasyon at banghay na mapaghahanguan ng paksa sa iba’t ibang uri ng akda.
Salik na Panlipunan at Pampulitika
Ang mga gawaing may kaugnayan sa lipunan gayundin sa pulitika ay isang malaking bahagi sa pagdadala ng mga kaugalian, karanasan, kalinangan at kabihasnan ng isang tanging pook o bansa.
Salik na Panrelihiyon
Maraming mga akdang nakilala hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong daigdig ang pumaksa sa salik na ito. Hindi natin matatawaran na ang pananampalataya na natutuhan natin sa mga dayuhan ay nagkaroon ng malakin impluwensiya upang ang ating mga manunulat sa iba’t ibang panahon ay makasulat ng mga obra-maestrang panghabang panahon.
Edukasyon
Ang pilosopiya ng edukasyon na naituro sa atin ay lalong nagpalawak sa kalinangan at karunungang taglay na natin. Sa pamamagitan ng mga naituro sa atin sa mga institusyon sa ating bansang kinagisnan, higit na nagkaroon ng puwang sa ating puso ang makalikha ng mga akdang magpapakilala ng uri ng lipunan at edukasyong naghatid sa atin sa kinalalagyan natin ngayon.
BANAL NA KASULATAN (Bibliya)
Mula ito sa Palestina at naging batayan ng sangkakristiyanuhan. Nahahati sa dalawang bahagi: Ang Lumang Tipan at Ang Bagong Tipan.
KORAN (Bibliya ng mga Mohamedan)
Mula sa Arabia at nagtataglay ng mga kaisipan at kautusang siyang sinusunod hanggang sa ngayon ng mga Mohamedan.
ILIAD AT ODYSSEY ni Homer
Mula ito sa Gresya at tumatalakay sa mga pakikipagsapalaran ng mga Greko noong kanilang kapanahunan. Ang ILIAD ay tungkol sa istorya ng pagsakop sa Lungsod ng Troy, habang ang ODYSSEY ay hinggil sa pagbabalik ni Odysseus mula sa Trojan War.
MAHABHARATA
Mula sa India, Ito ay itinuturing na pinakamahabang tula sa daigdig (220,000 taludtod o linya). Tumatalakay ito sa pakikipagsapalaran ng mga pinunong Indo-Aryan.
DIVINE COMEDY ni Dante Aleghiere
Mula sa Italya, Tinalakay naman dito ang isang paglalakbay sa langit, sa impiyerno at purgatoryo at nagpapakilala na ang tao ay huhusgahan sa pamamagitan ng pamumuhay niya sa lupa.
EL CID CAMPEADOR
Mula sa Espanya, Nagpakilala ito ng katangiang panlahi ng mga Kastila at ng kanilang mga alamat at kasaysayang pambansa noong unang panahon.
THE SONG OF ROLAND
Mula sa Pransia, Kinapapalooban ito ng mga kwentong Roncesvalles at ang lalong kilalang Doce Pares ng Pransia. Ito ay nagtataglay ng kasaysayan ng gintong panahon ng kakristiyanuhan sa Pransia.
FIVE CLASSICS and FOUR BOOKS
Mula ito sa Tsina na kinatitikan ng magandang kaisipan at pilosopiya ni Confucius. Naging batayan ang mga aklat na ito ng pananampalaya, kalinangan at kasaysayan ng mga Intsik na nakaapekto sa atin.
BOOK OF THE DEAD
Mula sa Ehipto na kinapapalooban ng mga kulto ni Osiris at ng mitolohiya at teolohiyang Ehipto.
A Thousand and One Nights
Mula sa Arabia at Persia na nagtataglay ng mga kaugaliang pampamahalaan, pangkabuhayan, pangkalinangan at panrelihiyon ng mga taga-Silangan.
Canterbury Tales ni Chaucer
Mula sa Inglatera na naglalaman ng mga pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong unang panahon.
Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beecher Stowe
Mula sa Amerika, Binigyan-diin dito ang karumal-dumal na kalagayan ng mga itim sa kamay ng mga puti at siyang naging batayan ng simulain ng demokrasya sa daigdig. Ito rin ang naging inspirasyon ni Dr. Jose Rizal upang maisulat at mabuo ang kanyang dalawang obra-maestra, ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Nena at Neneng
Isang akdang pampanitikan ni Valerino H. Pena sa Pilipinas.
Banaag at Sikat
Isang akdang pampanitikan ni Lope K. Santos sa Pilipinas.
Maganda Pa ang Daigdig
Isang akdang pampanitikan ni Lazaro Francisco sa Pilipinas.
Kahapon, Ngayon at Bukas
Isang akdang pampanitikan ni Aurelio Tolentino sa Pilipinas.
Isang Dipang Langit, Mga Ibong Mandaragit, and Luha ng Buwaya
Mga akdang pampanitikan ni Amado V. Hernandez sa Pilipinas.
Estetika
Nanggaling sa salitang Griyego “aesthesis” na nangangahulugang “pakiramdam”, o “dating ng anumang persepsyon sa mga sentido (panlabas at panloob) ng tao.” Kung baga sa nakikita, ang estesis ay yaong uri ng pakiramdam at reaksyon ng tao na nakakakita (ng kahit anuman iyon).
External senses
Ang mga sentidong panlabas tulad ng paningin, pandinig, pang- amoy, panlasa, pansalat.
Internal senses
Ang mga sentidong panloob tulad ng imahinasyon o guniguni, memorya, pang-unawa, at huwisyo o pagpapasya.
Persepyon
Ang pokus at direksyon ng aesthetics, na tumutukoy sa mga panlabas na pandama at mga konsepto na nagmula sa panloob na mga pandama.
Konsepto
Tumutukoy sa mga tauhan, tagpuan, tunggalian, aksyon, at tema ng isang akdang pampanitikan.
Limang Nilalaman
Tauhan
Tagpuan
Suliranin
Aksyon
Tema
Denotasyon
Ang karaniwan at likas o “literal” na kahulugan ng salita o pangungusap: ito ang kahulugang madaling mahanap sa diksyunaryo.
Konotasyon
Ang tawag sa mga implikasyong tinataglay ng mga salita o pananalita. Ang mga implikasyong ito ay maaaring dulot ng pahiwatig na pananaw o saloobin na taglay ng salita, tulad halimbawa ng salitang “basura”.
Diksyon
Ang tawag sa paggamit ng mga salita na ipinalalagay na bunga ng maingat at makabuluhang pagpili ng mga salitang ginagamit ng manlilikha upang makamit niya ang pinakamabisang paraan ng pagpapatalastas ng kanyang nais ipahatid.
Mga Kasangkapang Panretorika
Tumutukoy sa mga pamamaraan na ginagamit ng akda upang makamtan ang pinakamabisang epekto ng mga pangungusap at komposisyon at ang mga sangkap nito.
Mga Kasangkapang Pansukat
Ang tawag sa mga pamamaraan na ginagamit ng akda, lalo na ang tula, upang bigyan ng angkop at kaaya-ayang daloy ang indayog ng mga salita at pangungusap kapag ito ay binibigkas.
Mga Kasangkapang Metaporikal
Ang mga ginamit na tayutay na nagpapayaman sa kabuluhan at kahulugan ng akda. Dito kabilang ang mga simili, metapora, ironeya, alusyon, aliterasyon, asonansya, onomatopeya, anapora, alegorya, analohiya, conceit, personipikasyon, apostropi, metonimi, sinekdoki, depersonisasyon, hiperbola, atbp.
Tono
Ang nagsasabi kung ano ang saloobin na nakapaloob sa teksto: matapat ba? Sarkastiko? Nanunudyo? Satiriko ba? Parodya ba? Ito ang mga karaniwang sinasagot ng tono.
Istruktura
Binibigyang halaga ang pangkalahatang kaayusan at pagkakahanay ng mga bahagi ng isang akda. Sa dulaang klasiko, ito ay lumalabas sa anyong (1) eksposisyon, (2) kumplikasyon, at (3) resolusyon. Ito ang tinatawag ni Aristoteles na “simula, gitna, at wakas”.
Bayograpikal
Ang layunin ng Bayograpikal ay Ipamalas ang buhay ng may Akda. Kung may unang dapat mabatid ang isang mambabasa sa panitikan, ito ang buhay ng may-akda.
Historikal
Sinasaklaw ng teoryang historikal ang pagsusuri ng teksto na nakabatay sa mga aspektong nagpapalutang sa isang akda.
Klasismo
Ang klasismo ay isang pagkiling o pagtatangi na batay sa kauriang panlipunan kabilang ang pansariling ugali, kilos, kaparaanan ng mga patakaran, at mga pagsasanay na ginawa upang makinabang ang mataas na uri sa kapinsalaan ng mababang uri o ang kabaligtaran nito.
Humanismo
Ang humanismo ay sumibol sa panahon ng Muling Pagsilang (Renaissance). Ang pukos ng dulog na ito ay ang tao, at ang taong nakatuntong ng pag-aaral at kinilala ng kultura ay maituturing na sibilisado.
Romantisismo
Natuklasang ang romatisismo ay umusbong sa Europa noong ikalawang hati ng ikalabing-walong dantaon, na ipinalalagay ng araming kritiko na kabaligtaran ng klasismo.
Realismo
"Katotohanan kaysa kagandahan". Ito ang ipinaglalaban ng dulog na realismo. Sinumang tao, anumang bagay at lipunan , ayon sa mga realista ay dapat makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad.
Formalismo
Ang pagtuklas at pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang tanging layunin ng pagsusuring formalistiko. Hindi binibigyang diin sa teoryang ito ang buhay ng may-akda, hindi nakapaloob ang kasaysayan at lalong walang mababanaag na implikasyong sosyolohikal, politikal, sosyolohikal at ekonomikal.
Siko-Analiko
May malaking impluwensya ang pahayag ni Freud na “tanging ang ekonomiya lamang ang motibo ng lipunan” sa dulog siko-analitiko. Ang pahayag na ito ay may kinalaman sa paniniwalang naghahanap-buhay tayo para lamang lasapin ang sarap ng buhay at nagkaroon lamang ng kaganapan ang pagiging isang tao bunga ng kanyang kamalayan sa mga nagaganap sa kanyang buhay.
Eksistensyalismo
Ang teoryang eksistensyalismo ay nagmula sa kanlurang bahagi ng mundo at lubos na lumaganap noong ika-19 hanggang ika-20 siglo kung saan maraming manunulat ang na impluwensyahan.
Feminismo
Lumitaw ang feminismo dahil rin sa paniniwal ng karamihan na ang panitikan ay nasa kamay lamang ng mga lalaking manunulat. Bukod dito, ang mga babae sa panitikan ay inilarawan ng ilang manunulat na lalaki bilang mahina; marupok, tatanga-tanga, sunud-sunuran, maramdamin, emosyonal, pantaham, at masama.
Imahismo
Ito ang dulog na lumaganap sa mga panulaan sa Great Britain at North America sa pagitan ng mga taong 1909 at 1918. Ayon kay T.E. Hulme, ang tula ay kailangan magbawas ng mga di kailangang mga salita at sa halip ay ilarawan ang paksa o diwa ng tula sa pamamagitan ng mga imahen.
Naturalismo
Sa pamamagitan ng dulog na ito, inilahad ang mga bagay-bagay na may kauganayan sa doktrina o pilosopiya tungkol sa biyolohikal at sosyal na katangian ng kapaligiran upang makapamili ng paraan ng pamumuhay ang tao at magkaroon ng malayang pagpapasya.
Arketipal
Ito isang teoryang pampanitikan na nangangailangan na masusing pag aaral sa kabuuan ng akda sapagkat ang binibigay ng diin dito ay mga simbolismong ginagamit upang ipabatid ang pinkamensahe ng akda.
Sosyolohikal
Binibigyang tuon sa pagsusuri ng dulong sosyolohikal ang kalagayan ng mga panlipunang institusyon gaya ng pamahalaan, pamilya, paaralan at iba pang mga nasasangkot sa lipunan.
Pre-Kolonyal
Ang panahon bago dumating ang mga Kastila sa Pilipinas.
Alibata
Ang sinaunang alpabeto ng mga Pilipino na binubuo ng mga patinig at katinig.
Baybayin
Ang sistema ng pagsulat ng mga Pilipino na nagmula sa alibata.
Kastila noong 1521
Ang mga mananakop na dumating sa Pilipinas noong panahon ng kolonyalismo.
Kolonyal
Ang panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas.
Alpabetong Romano
Ginamit ng mga Kastila sa panulat bilang kapalit ng abakadang Alibata o baybayin.
Dr. Eufronio M. Alip
Isang mananalaysay at edukado na Pilipino.
Limbagang Pamantasan ng Santo Tomas
Ang kauna-unahang limbagan sa Pilipinas na naglalaman ng iba't ibang aklat at babasahin.
Patula
Ang anyo ng panitikan na gumagamit ng mga berso, tulad ng tula, awiting-bayan, dalit, pasyon, at korido.
Tuluyan
Ang anyo ng panitikan na gumagamit ng prosa, tulad ng nobena, talambuhay, at mahahabang salaysay.
Dula
Isang anyo ng panitikan na binubuo ng mga pagtatanghal tulad ng pangangaluwa, tibag, panunuluyan, at salubong.
Dulang Panlansangan
Isang uri ng dula na naglalaman ng mga pangangaluwa, tibag, panunuluyan, at salubong.
Dulang Pantanghalan o Entablado
Isang uri ng dula na naglalaman ng mga senakulo, moro-moro, komedya, aninong gumagalaw, at karilyo.
Dulang Pantahanan
Isang uri ng dula na naglalaman ng mga pamanhikan, panubong, duplo, karagatan, at huego de prenda.
Propaganda at Himagsikan
Ang pagpapalaganap ng mga ideya o mensahe upang manghimok o magpabago ng kaisipan ng mga tao. Isang pag-aaklas o rebelyon laban sa pamahalaan o kapangyarihan.
Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar at Graciano Lopez Jaena
Nangunguna sa mga makabayang Pilipino na sumulat ng mga akdang pampanitikan.
Propagandista
Mga taong nagsusulong ng mga ideya o mensahe sa pamamagitan ng panulat o iba pang paraan.
Censura Permanente
Isang patakaran ng mga Kastila na nagbabawal o naghihigpit sa pagpapalaganap ng mga ideya o mensahe.
Diaryong Tagalog sa Maynila, La Solidaridad sa Espanya
Naging tahanan ng mga babasahing propaganda ng mga Pilipino ang iba’t ibang pahayagan sa loob at labas.
Graciano Lopez Jaena
Isang kilalang manunulat at lider ng kilusang propaganda.
Marcelo H. del Pilar
Isang kilalang manunulat at lider ng kilusang propaganda.
Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora (GomBurZa)
Ang tatlong paring pinagtibay ng mga Kastila sa pamamagitan ng “garote” sa salang pamumuno sa mga propagandista at paglabag sa batas ng mga Kastila.
Emilio Aguinaldo
Isang lider ng himagsikan at unang pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Mayo 1, 1898
Kailan dumaong ang dalawang puwersa nang magbalik si Hen. Emilio Aguinaldo mula sa Hongkong nang itatag niya ang Pamahalaang Rebolusyonaryo.
Agosto 13, 1898
Kailan naaba ang kalagayan ng mga Pilipino nang hindi man lamang sila nagkaroon ng puwang sa kasunduang ginawa sa Paris.
Anito
Ang sinasamba nila ang kalikasan, araw o punungkahoy at mga kababalaghang gawa ng mga mabubuti at masasamang espiritu.
Panitikan ng Panahong Amerikano
Binubuo ng bulong na pangmahiya (incatations), kwentong-bayan (folk tale), mito (mythology) at alamat (legend) na karamihan ay batay sa pananampalataya at pamahiin.
Panahon ng Hapon
Ang panahon kung saan naging paksain ang mga katutubong ugali sa bukid at pakikipagsapalaran sa lungsod, at nagkaroon ng malayang pagsulat ng mga manunulat.
Noong 1935-1941
Kailan ang kainitan ng panitikang Pilipino ay biglang nanlamig sa pagdating ng mga Hapones.
Liwayway
Isang lingguhang magasin na binuksan muli pagkatapos ng panahon ng Hapon.
Taliba
Isang pahayagang binuksan na nagkaroon ng malayang taludturan o "free verse" at naglathala ng ilang tulang Tagalog na nahahawig sa "haiku" o "hokku" ng mga Hapones.
Haiku
Isang anyo ng tula na binubuo ng 17 pantig na ikinalat sa tatlong taludtod na 5-7-5.
Tanaga
Isang anyo ng tula na binubuo ng apat na taludtod, kung saan bawat taludtod ay may pitong pantig.
Panahon ng Kalayaan
Ang panahon pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung saan itinatag ang ikatlong Republika ng Pilipinas at nagkaroon ng mga suliranin sa pamahalaan.
Carlos P. Garcia
Isang pangulo ng Pilipinas na naging popular sa kanyang patakarang "Pilipino Muna".
Diosdado Macapagal
Isang pangulo ng Pilipinas na naging kilala sa kanyang reporma sa lupa.