1/21
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Paglalahad ng resulta; Tala at bibliyograpiya; Rebisyon; Presentasyon at paglathala
Magtala ng apat (4) na kasanayan sa pananaliksik:
Talahanayan
Ito ay naglalaman ng mga tiyak na datos gaya ng mga bilang at bahagdan.
Graph
Biswal na presentasyon ng mga numero o bahagdan na nagpapakita ng kabuoang ugnayan o kalakaran batay sa uri nito.
Interpretasyon
Pagpapaliwanag kung bakit ito ang naging sitwasyon. Binibigyan ng kahulugan ang impormasyon, bumubuo ng mga ugnayan at paghahambing, tinutukoy ang mga sanhi at posibleng kahihinatnan.
Bibliograpiya
Ito ay nagpapakita ng talaang pinagsanggunian o pinagkuhanan ng impormasyon.
American Psychological Association
Isang estilo ng dokumentasyon pangunahing ginagamit sa agham panlipunan.
Modern Language Assocation
Isang estilo ng dokumentasyon pangunahing ginagamit sa humanidades:
Direktang sipi
Uri ng tala na ginagamit kung isang bahagi lamang ng akda ang nais sipiin. Tiyaking tama ang pagkakopya ng mga datos at hindi nagbago sa proseso ng pagkopya. Gumagamit ng panipi (" ") at ellipsis (...).
Buod
Uri ng tala na ginagamit kung ang nais lamang gamitin ay ang pinakamahalagang ideya ng isang tala. Ang layunin nito au mabigyan ng pangkalahatang ideya ang mambabasa.
Presi
Uri ng tala na tawag kung ang gagamitin ay ang buod ng isang tala. Pinapanatili nito ang orihinal na ayos ng ideya at ang punto de vista ng may-akda.
Sipi ng sipi
Uri ng tala ginagamit sa pagsipi mula sa isang mahabang sipi. Ito ay ginagamitan din ng panipi.
Hawig (Paraphrase)
Uri ng tala na hustong paglalahad ng mga ideya gamit ang higit na payak na salita ng mananaliksik.
Salin/Sariling salin
Uri ng tala ginagamit sa paglilipat ng ideya mula sa isang wika tungo sa iba pang wika. Tandaang alamin ang konteksto, huwag baguhin ang mga idyoma, iwasang gawing literal, at iwanan ang mga teknikal at siyentipikong salita.
Editing
Ito ay paghahanap ng maliliit na suliranin sa teksto na madaling masolusyonan gaya ng pag-aalis, pagdaragdag, o paglilipat ng salita at pangungusap.
Proofreading
Ito ay may kinalaman sa mga pagkakamaling gramatikal, tipograpikal, at pagbabantas.
Malawakang rebisyon
May kinalaman sa pagtatasa ng kabisaan ng kabuoang papel. Nagdaragdag ito ng ebidensya at hindi sumasagot ang layunin.
Hindi malawakang rebisyon
Nangangailangan lamang ng kaunting pagbabago sa isang bahagi nito. Nagdaragdag ito ng paliwanag sa ilang termino o kakulangan sa introduksyon.
Peer review
Ito ay isang proseso o serye ng ebalwasyon na pinagdaraanan ng artikulo bago ito mailimbag sa mga jornal.
Institute of Scientific Information (ISI)
May mahigit na 12,000 journals.
Scopus
May mahigit na 16,500 journals.
Hasaan
Isang refereed jornal sa Filipino mula sa UST.
Presentasyon ng Pananaliksik
Isang paraan ng pagbabahagi ng pananaliksik ang presentasyon nito sa mga lokal, pambansa, at pandaigdigang kumperensya.