1/29
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Pagkilala sa pinagmulan ng mga ideya; Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok; Kumpidensyal at pagkukubli ng kalahok; Pagbabalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik
Magbilang ng apat (4) na gabay sa etikal na pananaliksik:
PBKP
Pangangalap ng Datos
Ang ikatlong bahagi at proseso ng pananaliksik ay ang _____, ito ay binubuo ng mga sumusunod:
- Pagbuo ng kasangkapan na gagamitin sa pangangalap ng datos at aktwal na paggamit nito
- Pagkuha ng datos mula sa mga kalahok ng pananaliksik
- Pagsasaayos ng mga datos para sa presentasyon
Metodo
Tumutukoy sa pamamaraan ng pagtuklas.
Pakikipanayam o Interbyu
Ito ay pagkuha ng impormasyon sa isang kalahok na may awtoridad sa paksa ng pananaliksik.
Structured
Tiyak ang pagtatanong.
Semi-structured
Kasunod at kaugnay na tanong.
Dokumentaryong Pagsusuri
Ito ay pamamaraan na ginagamit upang kumalap ng impormasyon na susuporta at magpapatibay sa mga datos ng pananaliksik.
Lokal at Populasyon ng Pananaliksik
Ipinaliliwanag sa bahaging ito ang proseso ng sampling na pinagdaanan at ang dahilan o pinagbatayan sa pamimili ng kalahok.
Pananaliksik
Paraan ng pagtuklas ng mga sagot sa mga partikular na tanong ng tao tungkol sa kanyang lipunan o kapaligiran. Ito rin ay tumutuklas ng iba't ibang paraan para mapabuti ang pamumuhay sa pamamagitan ng imbensyon at kaalaman.
Maka-Pilipinong Pananaliksik
Gumagamit ng wikang Filipino at mga katutubong wika sa Pilipinas at tumatalakay sa mga paksang mas malapit sa puso at isip ng mga mamamayan. Isinasaalang-alang ang pagpili ng paksang naaayon sa interes at kapakinabangan ng mga Pilipino.
Sapat na sanggunian; Paglimita sa masaklaw na paksa; Makapag-ambag ng bagong kaalaman sa piniling paksa; Gagamit ng sistematiko at siyentipikong paraan upang masagot ang tanong
Magbilang ng apat (4) na gabay sa pamimili ng paksa:
SPMG
Etika
Mga pamantayan ng pagkilos at pag-uugali batay sa katanggap-tanggap na ideya sa kung ano ang tama at mali.
Iba; Panipi; Maling; Pagkilala; Napakaraming
Punan ang mga patlang para sa limang (5) anyo ng pamamalahiyo:
- Pag-angkin sa gawa o ideya ng _____
- Hindi paglalagay ng maayos na _____ sa mga siniping pahayag
- Pagbibigay ng _____ impormasyon sa pinagmulan ng siniping pahayag
- Pagpapalit ng mga salita sa katulad na wika o kaya ay pagsasalin ng teksto ngunit pangongopya sa ideya nang walang sapat na _____
- Pangongopya ng _____ ideya at pananalita, tukuyin man o hindi ang pinagmulan nito
Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa
Ang unang bahagi at proseso ng pananaliksik ay ang _____, ito ay binubuo ng mga sumusunod:
- Pamimili at paglilimita ng paksa
- Pagbuo ng tanong
- Pagbuo ng haypotesis
- Pagbabasa ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral
Pagdidisenyo ng Pananaliksik
Ang ikalawang bahagi at proseso ng pananaliksik ay ang _____, ito ay binubuo ng mga sumusunod:
- Pamimili ng disenyo at pamamaraan
- Pagbuo ng paradaym, konseptwal, at teoretikal na balangkas
- Pagpaplano ng mga proseso
- Pagtukoy sa populasyon o materyales na pagmumulan ng datos
Pagsusuri ng Datos
Ang pang-apat na bahagi at proseso ng pananaliksik ay ang _____, ito ay binubuo ng mga sumusunod:
- Presentasyon ng datos
- Pagsusuri at interpretasyon ng datos
- Paggamit ng mga paraang estadistikal sa interpretasyon ng datos
- Pagbuo ng lagom, kongklusyon, at rekomendasyon
Pagbabahagi ng Pananaliksik
Ang panglima na bahagi at proseso ng pananaliksik ay ang _____, ito ay binubuo ng mga sumusunod:
- Pamimili ng jornal kung saan ilalathala ang pananaliksik
- Rebisyon ng format at nilalaman batay sa rebyu ng jornal
- Presentasyon sa mga kumperensya o iba pang paraan ng pagbabahagi
Aksiyong Pananaliksik
Inilalarawan at tinatasa ang isang tiyak na kalagayan, pamamaraan, modelo, polisiya, at iba pa sa layuning palitan ito ng mas epektibong pamamaraan.
Metodolohiya
Ito ay tumutukoy sa isang organisadong larangan ng pag-aaral ng mga pamamaraan at tuntunin na ginagamit sa pagtuklas ng bagong kaalaman.
Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik; Lokal at Populasyon ng Pananaliksik; Kagamitan sa Paglikom ng Datos; Paraan sa Paglikom ng Datos; Paraan sa Pagsusuri ng Datos
Magbilang ng limang (5) bahagi ng metodolohiya:
DLKPP
Etikal
Pagiging matuwid, makatarungan, matapat, at mapagpahalaga ng isang indibidwal sa kanyang kapwa.
Pamamalahiyo (Plagiarism)
Tahasang paggamit at pangongopya ng mga salita at ideya nang walang kaukulang pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan nito.
Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa; Pagdidisenyo ng Pananaliksik; Pangangalap ng Datos; Pagsusuri ng Datos; Pagbabahagi ng Pananaliksik
Magtala ng limang (5) bahagi at proseso ng pananaliksik ayon sa pagkakasunud-sunod:
MDNSB
Kuwantitatibo
Ito ay tumutukoy sa sistematiko at empirical na imbestigasyon ng iba't ibang paksa at penomenang panlipunan sa pamamagitan ng matematika, estadistika, at mga Teknik na gumagamit ng komputasyon.
Kuwalitatibo
Ito ay kinapapalooban ng mga uri ng pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumagabay rito.
Deskriptibong Pananaliksik
Ito ay nagbibigay ng tugon sa mga tanong na sino, ano, kalian, saan, at paano na may kinalaman sa paksa ng pag-aaral.
Sarbey
Isang metodo na ginagamit upang mangalap ng datos sa sistematikong pamamaraan sa isang tiyak na populasyon o sampol ng pananaliksik.
Unstructured
Kadalasang impormal ang paraan ng pagtanong.
Nakabalangkas na Obserbasyon at Pakikisalamuhang Obserbasyon
Ito ay pagmamasid sa mga kalahok na pokus ng pag-aaral habang siyentipikong itinatala ang kanilang pagkilos.
Still learning (20)
You've started learning these terms. Keep it up!