1/28
Grade 7 Quarter 1 Araling Panli
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Ito ang batayang yunit o pangunahing institusyon ng lipunan sapagkat ito ay binubuo ng mga tao, na bubuo sa isang lipunan.
Pamilya
Anyo o balangkas ng pamilyanong Asyano sa Timog-Silangang Asya ayon sa bilang ng kasapi : __________ at __________.
Nukleyar at Ekstended
Anyo o balangkas ng pamilyanong Asyano sa Timog-Silangang Asya ayon sa kapangyarihang magpasya : ________, ________, at _______.
Patriyarkal, Matriyarkal, at Egalitarian
Anyo o balangkas ng pamilyanong Asyano sa Timog-Silangang Asya ayon sa kamag-anakan : _________, __________, at ________.
Matrilineyal, Patrilineyal, at Bilateral
Anyo o balangkas ng pamilyanong Asyano sa Timog-Silangang Asya ayon sa pag-aasawa : _________ at _________.
Monogamy at Polygamy
Mga mahahalagang papel ng pamilya sa lipunan : ________, _________, at __________.
Produksiyon, Reproduksiyon, at Sosyalisasyon
Sa pamilya lehitimong isinisilang ang isang bagong kasapi ng lipunan sa pamamagitan ng pagpapakasal o tinatanggap na paraan ng pagsasama ng dalawang ( o higit pa, sa ibang lipunan ) kasapi. Dahil ang bata ay nangangailangan ng pag-aaruga sa simula ng kanyang pagsilang, ito ay ginagampanan ng mga miyembro ng pamilya lalong-lalo na ng ina at ama.
Ang pamilya ay yunit ng reproduksyon.
Ang _______ ay tumutukoy sa paraan ng patuturo sa kasapi at pag-uugali sa lipunan. Sa pamilya nahuhubog ang tamang asal ng isang bata hanggang sa siya ay lumaki at maging mabuting kasapi ng lipunan.
Ang pamilya ay yunit ng sosyalisasyon.
Ang salitang ______ ay tumutukoy sa paraan ng paglikha ng mga bagay at serbisyo na kailangan ng mga tao sa lipunan upang mabuhay. Noong unang panahon, nang wala pang mga pabrika, sa pamilya nililikha ang mga goods o produkto at ito rin ang namamahagi ng mga materyal na pangangailangan ng mga tao. Sa kasalukuyan, ang tungkulin nito ay nasa kamay ng ekonomiya. Subalit, patuloy ang pamilya na gumaganap ng tungkuling pang-ekonomiya.
Ang pamilya ay yunit ng produksyon.
Ilang anyo ng pamilya ayon sa bilang ng kasapi mayroon tayo?
2
Ano-ano ang anyo ng pamilya ayon sa bilang ng kasapi mayroon tayo?
Nukleyar at Ekstended
Sa mga tradisyunal na pamilyang _______, madalas ay naroon ang ama at ina na gumagabay at nagtuturo ng mabuting asal at pagpapahalaga sa mga anak. Ang mga magulang ang nagsisilbing modelo ng pagpapahalaga at sila ang nagkikintal sa puso at isip ng mga anak ng mga dapat gawin sa bawat situwasyon.
Nukleyar na Pamilya
Ito ay binubuo ng tatlo o higit pang henerasyon ng pamilya mula sa lolo’t lola, mga magulang, mga anak, at apo sa tuhod. Ang mga pagpapahalagang itinuturo ng mga magulang ay maaaring palakasin ng mga lolo’t lola. Mas mabilis din matuto ang mga bata sa pakikipag-ugnayan sa iba dahil mula pagkabata marami na silang nakasalamuha.
Pinalawak ( Ekstended ) na Pamilya
Ilan ang anyo ng pamilya ayon sa kapangyarihang magpasiya?
3
Ano-ano ang anyo ng pamilya ayon sa kapangyarihang magpasiya?
Patriyarkal, Matriyarkal, at Egalitarian
Ang ama o pinakamatandang lalaki ang kinikilalang pinakamakapangyarihann o pinuno sa pamilya. Mayroon siyang awtoridad na magpasunod ng mga kapasiyahan sa loob ng pamilya. Siya ang kinikilalang may pagpapasiya sa mga bagay na nakaaapekto tulad ng mga bagay na may kinalaman sa pag-aasawa ng mga anak, pamumuhay, pag-aaral ng mga anak, at pagtatakda ng mga ari-arian.
Patriyarkal
Babae ang kinikilalang may kapangyarihang magpasiya at mamuno sa tahanan. Ang ina o sinumang pinakamatandang babae ang may ganap na kapangyarihan sa tahanan.
Matriyarkal
Ito ay anyo ng pamilya kung saan ang pamumuno at pagpapasya sa pamilya ay nakaatang sa kapwa lalaki at babae. Sa anyong ito, ang mag-asawa ay magkahati sa kapangyarihan. Magkatuwang na gumagawa ng desisyon sa pamilya ang mag-asawa at pantay silang may kapangyarihan sa pamamahala at pagpapalakad ng pamilya.
Egalitarian
Ilan ang anyo ng pamilya ayon sa kamag-anakan?
3
Pamilya na ang kinikilala lamang na angkan o kamag-anakan ay iyong mga kaanak sa bahagi ng ama.
Patrilineyal
Pamilyang kinikilalang kamag-anak lamang ay iyong mga kaanak ng ina.
Matrilineyal
Ang mga _________ ay katutubo sa kabundukan ng Kanlurang Sumatra sa Indonesia. Sila ang pinakamalaking matrilineal na lipunan sa mundo. Nangangahulugan ito na ang ari-arian, mga pangalan ng pamilya, at lupa ay nagpapasalin-salin sa kamag-anakan ng ina.
Minang-Kabau
Ano-ano ang ang anyo ng pamilya ayon sa kamag-anakan?
Patrilineyal, Matrilineyal, at Bilateral
Pamilyang parehong kinikilala na kaanak ang mga kamag-anak sa ina at ama.
Bilateral
Ang __________ ay isang mahalagang elemento ng pagpamilya. Sa maraming lipunan sa mundo, itinuturing na ito ay ang pangunahing hakbang sa pagtatag ng isang pamilya. Ang ______ ay siyang nagpapatibay sa pagsasama ng mag-asawa at tinatanggap na pamamaraan sa pagbuo ng pamilya.
Ilan ang anyo ng pamilya ayon sa pag-aasawa
Ano-ano ang anyo ng pamilya ayon sa pag-aasawa?
Lipunan na naniniwala na dapat ay isa lamang ang asawa.
Monogamy
Lipunan na pinahihintulutan ang pag-aasawa ng mahigit sa isa.
Polygamy