1/22
A comprehensive set of vocabulary flashcards covering key terms in Culture, Society, and Politics for Grade 11 students.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Wika
isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura
Lingua
salitang Latin na pinagmulan ng salitang “wika,” na ang ibig sabihin ay “dila” o “lengguwahe”
Katangian ng Wika
sinasalitang tunog, masistemang balangkas, pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo, kabuhol ng kultura, ginagamit sa komunikasyon, nagbabago, natatangi
Kalikasan ng Wika
may gramatikal na istruktura, sistemang oral-awral, maaaring mawala o maging patay na wika, iba-iba o daybersifayd dahil sa etnograpikong pagkakaiba
Gramatikal na Istruktura
ponolohiya (tunog), morpolohiya (anyo ng salita), sintaks (ayos ng pangungusap), semantiks (kahulugan), pragmatiks (konteksto ng paggamit)
Sistemang Oral-Awral
sistema ng pasalita (oral) at pakikinig (awral) gamit ang bibig at tainga
Ekstinksyong Wika
pagkawala ng wika kapag di na ginagamit o wala nang gumagamit
Daybersifayd na Wika
pagkakaiba-iba ng wika bunga ng iba’t ibang lahi at kultura
Homogeneous
ideal na wika kung saan pare-pareho ang bigkas, bokabularyo, gramatika, at kahulugan
Heterogeneous
wika na may iba’t ibang anyo o barayti depende sa lugar, grupo, o konteksto
Linggwistikong Komunidad
grupo ng taong gumagamit ng iisang wika, dayalekto, o barayti na may pagkakaunawaan sa tuntunin nito
Unang Wika
wikang unang natutuhan at ginagamit ng isang tao mula pagkabata
Pangalawang Wika
wikang natutuhan matapos matutuhan ang unang wika
Register
espesyalisadong gamit ng wika ayon sa partikular na sitwasyon o larangan (hal. edukasyon, medisina, batas)
Barayti ng Wika
pagkakaiba ng wika ayon sa heograpiya (dayalekto), grupo (sosyolek), propesyon o larangan (rejister), edad (idyolek), at iba pa
Dayalekto
barayti ng wika batay sa lokasyon o heograpiya
Sosyolek
barayti ng wika batay sa katayuang panlipunan ng tagapagsalita
Idyolek
barayti ng wika batay sa pansariling istilo ng isang tao sa pagsasalita
Rejister
barayti ng wika batay sa larangan o propesyon (hal. medisina, batas, edukasyon)
Ponolohiya
Tunog ng wika.
Morpolohiya
Anyo ng salita.
Sintaks
Ayos ng pangungusap.
Semantiks
Kahulugan ng mga salita o pangungusap.