1/21
Mga termino at kahulugan kaugnay ng Pangngalan, Pangkalahatang Sanggunian, Panghalip, at Pangunahing Hakbang sa pananaliksik batay sa notes ng lektura.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Pangngalan
Salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, lugar, hayop, o pangyayari.
Pangngalang Pantangi
Tiyak na pangalan ng tao, bagay, hayop, pook, o pangyayari; nagsisimula sa malaking titik.
Pangngalang Pambalana
Karaniwang pangalan ng tao, bagay, hayop, pook, at pangyayari; nagsisimula sa maliit na titik.
Tahás o Konkreto
Nakikita o nahahawakan; kahulugan sa pangngalan ayon sa katangian.
Basal o Di Konkreto
Hindi nakikita o nahahawakan; nararamdaman o naiisip.
Lansakan
Pangkat o grupo ng iisang uri ng tao o bagay.
Simuno
Pangngalang pinag-uusapan; ang paksa ng pangungusap.
Panawag
Pangngalan na tinatawag o sinasambit sa pangungusap.
Pamuno
Ang simuno at isa pang pangngalan sa paksa ay iisa; matatagpuan pagkatapos ng simuno.
Kaganapang Pansimuno
Ang simuno at isa pang pangngalan sa panaguring bahagi ay iisa.
Layon ng Pandiwa
Tumatanggap ng salitang kilos; formula: Pandiwa + ng + pangngalan.
Layon ng Pang-ukol
Kung ang pinaglalaanan ng kilos ay kasunod ng pang-ukol; formula: Pang-ukol + pangngalan.
Panghalip
Panghalili o pamalit sa pangngalan.
Panghalip Panao
Panghalip na panao; may kaugnayan sa panauhan at kailanan.
Panghalip Pamatlig
Panghalip na ginagamit bilang pamalit sa pangngalan; may tatlong uri: pronominal, panawag-pansin, at patulad.
Panghalip Panaklaw
Iniihalili sa pangngalang walang tiyak na bilang o dami.
Panghalip Pananong
Pagtatanong o pag-uusisa; pamalit sa pangngalan (halimbawa: sino, ano, alin, saan, paano).
Pangkalahatang Sanggunian
Mga aklat o sanggunian na pinagkukuhanan ng impormasyon (encyclopedia, dictionary, atlas, almanac).
Encyclopedia
Aklat na naglalaman ng impormasyon tungkol sa iba't ibang paksa; halimbawa: World Book Encyclopedia.
Diksiyunaryo
Aklat na nagbibigay ng baybay, ispeling, pagpapantig, at kahulugan ng mga salita; nakaayos sa alpabeto.
Atlas
Aklat ng mga mapa na nagpapakita ng lawak, distansiya, at lokasyon; nakaayos ayon sa pampolitikang pagkakahati o rehiyon.
World Almanac
Aklat na naglalaman ng pinakahuling impormasyon tungkol sa mga datos at pangyayari sa mundo.