Send a link to your students to track their progress
27 Terms
1
New cards
Personal o ekspresibo
Kung saan ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip, o nadarama ng manunulat.
2
New cards
Panlipunan o sosyal
Kung saan ang layunin ng pagsulat ay ang makipag ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan
3
New cards
Wika
Ang magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumulat
4
New cards
Paksa
Ito ang magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda
5
New cards
Layunin
ang magsisilbing giya mo sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.
6
New cards
Paraang Impormatibo
kung saan ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng impormasyon
7
New cards
Paraang Ekspresibo
kung saan ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinyon
8
New cards
Paraang Naratibo
kung saan ang pangunahing layunin nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod
9
New cards
Paraang Argumentatibo
kung saan ang pagsulat ay naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa
10
New cards
Kasanayang Pampag-iisip
dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga, o maging ng mga impormasyong dapat isama sa akdang isusulat.
11
New cards
Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat
Dapat ding isaalang-alang sa pagsulat sa pagsulat ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika
12
New cards
Kasanayan sa paghabi ng buong salita
tumutukoy ito sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos na pamamaraan
13
New cards
Malikhaing Pagsulat
pangunahing layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin, at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa
14
New cards
Teknikal na Pagsulat
Ang uring ito ay ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasan ang isang problema o suliranin.
15
New cards
Propesyonal na Pagsulat
May kinalaman sa mga sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangan sa akademiya o paaralan
16
New cards
Dyornalistik na Pagsulat
ito ay may kinalaman sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag
17
New cards
Reperensiyal na Pagsulat
Layunin nito na bigyan pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at disetasyon
18
New cards
Akademikong Pagsulat
ay isang intelektwal na Pagsulat. Ito ay nakakatulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa ibat ibang larangan
19
New cards
Obhetibo
kailangan ang mga datos na isusulat ay batay sa kinalabasan ng ginawang pag-aaral at pananaliksik
20
New cards
Pormal
Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal
21
New cards
Maliwanag at Organisado
Ang mga talata ay kinakailangang kakitaan ng maayos na pagkasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap na binubuo nito.
22
New cards
May Paninindigan
Dapat ang paksang nais pag-aralan ay hindi pabago-bago
23
New cards
May Pananagutan
Ang mga ginamit na mga sanggunian ng mga nakalap ng datos o impormasyon ay dapat bigyan ng nararapat na pagkilala
24
New cards
Abstrak
Isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa Pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko, lektyur, at mga report
25
New cards
Sinopsis/Buod
Isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela, duka, parabula, etc
26
New cards
Bionote
Isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.
27
New cards
Paglalagom
Ay ang pinasimple o pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda