1/36
Sari-saring konsepto sa komunikasyon, kabilang ang nonverbal at wika-based na gamit sa lipunan, at mga teorya nina Halliday at Berlo.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
KOMUNIKASYONG EKSTRA-BERBAL
Mga paraang hindi gumagamit ng salita ngunit may kahulugan, tulad ng tamang tono o timbre, bilis/bagal ng ritmo, at lakas o hina ng pagbigkas.
KOMUNIKASYONG DI-BERBAL
Mensahe na ipinahahayag sa pamamagitan ng kilos, ekspresyon, galaw, kumpas, at iba pang nonverbal cues.
CHRONEMICS
Pag-aaral ng paggamit ng oras sa pagpapadala ng mensahe; hal. maagang pagdating ay nagpapakita ng interes.
PROXEMICS (PROKSEMIKA)
Klasipikasyon ng distansyang interhuman na sumasalamin sa relasyon at kontekstong komunikatibo.
KINESICS
Kilos at galaw ng katawan na may kahulugan, kabilang ang pananamit, tindig, kilos, at kumpas ng kamay.
REGULATIVE (KINESICS)
Gamit ng kilos o kumpas upang kontrolin o i-regulate ang kilos ng ibang tao.
HAPTICS
Paggamit ng sense of touch o paghahaplos upang magpadala ng mensahe; bawat paraan may sariling kahulugan.
COLORICS
Paggamit ng kulay upang ipahiwatig ang damdamin o posisyon ng taong nagsasalita o ng sitwasyon.
ICONICS
Paggamit ng mga icon o simbolo na may malinaw na mensahe.
PARALANGUAGE
Mga elementong hindi salitang binibigkas na nagdadagdag kahulugan (tono, lakas, bilis, intonasyon).
OCULESICS
Paggamit ng mata sa paghahatid ng mensahe.
OBJECTICS
Paggamit ng mga bagay na may kahulugan bilang mensahe sa tatanggap.
PICTICS
Mensahe na makikita sa mukha ng nagsasalita.
KATANGIAN NG KOMUNIKASYON (Isang Proseso)
Isang umuunlad na proseso na apektado ng lugar, oras, pangyayari, at mga taong sangkot.
ISANG PROSESO
Nagbabago ang komunikasyon dahil sa konteksto—lugar, oras, pangyayari, at kalahok.
DINAMIKO
Pabago-bago ang pamamaraan o nilalaman ng komunikasyon depende sa sitwasyon.
KOMPLIKADO
Nauugnay sa persepsyon ng sarili, kausap, at persepsyon ng kausap sa kanya.
MENSAHE ANG TUON
Pokús ay ang mensahe; ang kahulugan ay nakasalalay sa tumatanggap (hindi puro kilos lang).
MAY DALAWANG URI
Panlinggwistika/Pangnilalaman (mensahe pasalita/paggamit ng wika) at Relasyunal o Di-Berbal (mensahe na nagpapahiwatig ng damdamin).
HINDI MAIIWASAN
Hindi tayo maaaring umiwas sa komunikasyon.
MICHAEL ALEXANDER KIRKWOOD HALLIDAY
Teorya ng paggamit ng wika sa konteksto ng lipunan; sinasalamin nito ang kapangyarihan ng wika sa pakikipag-ugnayan at kahulugan.
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN AYON KAY HALLIDAY
Pagkilala sa pitong tungkulin ng wika: Instrumental, Heuristiko, Regulatoryo, Interaksyonal, Personal, Representasyonal, Pampanitikan.
INSTRUMENTAL
Ginagamit ang wika para matugunan ang pangangailangan at makipag-ugnayan (utos, pakikipag-ugnayan, negosasyon).
HEURISTIKO
Gamit ng wika sa pagkuha at paghahanap ng impormasyon; pagtatanong at pag-eeksperimento (5W1H).
REGULATORYO
Gumagamit ng wika upang kontrolin ang kilos at asal; nagdidikta ng patakaran at kaayusan.
INTERAKSYONAL
Wika para makipag-talastasan at mapanatili ang relasyong sosyal.
PERSONAL
Pahayag ng sarili at pagkilala sa sariling identidad (hal. Ako lang ’to!).
REPRESENTASYUNAL
Paggamit ng wika para magbigay ng impormasyon; impormatibo, maaaring gumamit ng modelo, mapa, larawan.
PAMPANITIKAN
Gumagamit ng wika sa paglikha ng akda; imahinasyon, malikhaing pagsulat ng tula, dula, nobela, atbp.
BERLO MODEL (Sender-Message-Channel-Receiver)
Teorya ni David Berlo na bumubuo sa: Tagapagsalita (sender), Mensahe, Tsanel (channel), Tagatanggap (receiver).
DEAL OR NO DEAL
INSTRUMENTAL KOWD!
SUNDIN MO!
REGULATORYO KOWD
IKAW, AKO, TAYO
INTERAKSYONAL KOWD!
AKO LANG TO
PERSONAL KOWD!
ASA KA PA BA?
(ANO, SAAN, KAILAN, PAANO, BAKIT) -
HEURISTIKO KOWD!
DETALMASYON!
DETALYE AT IMPORMASYON
REPRESENTASYUNAL KOWD!
LANGIT KAT LUPA AKO...
PAMPANITIKAN KOWD!