1/126
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Proseso ng Pagbasa
Kaalamang Ponemiko
Pag-aaral ng Ponolihiya
Katatasan
Bokabularyo
Komprehensyon
Kabuuang Kahulugan ng Pagbasa
proseso ng pagtuklas na nais ipakahulugan ng awtor sa kaniyang akda
pakikipagtalastasan ng awtor sa kaniyang mambabasa
kasanayan sa pag-uunawa sa pamamagitan ng pagsasalita o wikang ginagamit dito
pagbigay ng kahulugan ng mga nakasulat na salita
sosyolingguwistik na panghuhula kung saan ang nagbabasa ay bumubuong muli ng isang kaisipan hango sa tekstong binasa
Kahulugan ng Pagbasa Ayon Kay Anderson et al. (1985)
isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat
isang kompleks na kasanayan na nangngaingailanan ng koordinasyon ng iba’t ibang makaka-ugnay na pinagmumulan ng impormasyon
Layunin ng Pagbasa
Maaliw
Tumuklas ng Bagong Kaalaman
mabatid ang iba pang karanasang kapupulutan ng aral
makapaglakbay ang ating diwa sa mga lugar na pinapangarap nating marating
mapag-aralan ang kultura ng ibang lahi
Intensibong Pagbasa
pagsusuri sa banyaga, panandang diskurso, atbp. upang maunawaan ang literal na kahulugan, implikasyon, at retorikal na ugnayan
Ekstensibong Pagbasa
ginagawa upang makakuha ng pangkalahatang pag-unawa sa maraming teksto, walang pansin sa mga malabong salita at detalyado
Scanning
mabilis na pagbabasa para hanapin ang ispesipikong impormasyon
Skimming
mabilis na pagbabasa para hanapin ang kahulugan ng kabuuang teksto
Antas ng Pagbasa
Primarya
Inspeksiyonal
Analitikal
Sintopikal
Primarya
pinakamababang interpretasyon
petsa, tauhan, tagpuan
literal na antas
hindi nakabubuo ng kabuuang interpretasyon.
hindi agad nauunawaan ang metapora, imahen, at iba pang simbolismo.
Inspeksiyonal
interpretasyon sa akda ng mambabasa
maaaring gamitin ang skimming sa antas na ito.
pinapasadahan ang kabuuan ng teksto
hindi pinag-iisipan nang malalim para magbigay ng inter-pretasyon o pinag-uukulan ng pansin ang hindi mauna-waan sa teksto
Analitikal
interpretasyon sa akda ng manunulat batay sa may-akda
ginagamit ang mapanuri at kritikal na pag-iisip
tinutukoy ang suliranin na tinatangkang bigyang-linaw ng may-akda
inaalam ang argumento ng may-akda
Sintopikal
itinuturing ang sarili bilang eksperto sa akdang binabasa. Nakapaghahambing sa ibang akda
nangangahulugang "koleksiyon ng mga paksa"
pinaghahalo ang mga karanasan at kaalaman upang makabuo ng ugnayan ng kaalaman at pananaw
Makabagong Pamamaraan ng Pagbasa
normal na webpage
bionic reading
reader view
Bionic Reading
gumagabay sa mata ng mga mababasa sa pamamagitan ng mga teksyo kasama ang artipisiyal na fixation points
nakatangal ang mga larawan at ads
madiin ang mga unang titik ng bawat salita para mas bumibilis ang pagbasa
Reader View
nag-aalis ng lahat na biswal na ingay tulad sa pindutan, ads, at imahe na hindi mahalaga sa pag-uunawa ng teksto
maaaring ito ay i-customize ng isang tao
Kasanayan sa Pagbasa
Maliban sa pag-unawa sa teksto, kinakailangang maging mapanuri at kritikal din.
Tatlong Uri ng Kasanayan
Bago magbasa
Habang nagbabasa
Pagkatapos nagbasa
Kasanayan Ginagamit Bago Magbasa
Previewing/ Surveying
Mabilisang pagtingin sa larawan at pamagat
Inisyal na pagsisiyasat
Matalinong Prediksyon
Kasanayan Ginagamit Habang Nagbabasa
Biswalisasyon ng Binabasa
Paghihinuha
Pagsubaybay sa Komprehensiyon
Muling Pagbasa
Pagkuha ng Kahulugan mula sa Teksto
Kasanayan Ginagamit Pagkatapos Magbasa
Pagbubuod
Pagtatasa sa Komprehensiyon
Pagbuo ng Sintesis
Ebalwasyon
Katotohanan
mga pahayag na maaaring mapatunayan o mapasubalian sa pamamagitan ng empirikal na karanasan, pananaliksik, o pangkalahatang kaalaman o impormasyon
Opinyon
ay mga pahayag na nagpapakita ng preperensiya o ideya batay sa personal na paniniwala at iniisip ng isang tao; maaaring kakitaan ng mga “pananandang pandiskurso”
Layunin
nais iparating at motibo ng manunulat sa teksto
Pananaw
preperensiya ng manunulat sa teksto
Personal na Perspektibo
unang panauhan
Obhektibong Pananaw
ikatlong panauhan
Damdamin
ipinapahihiwatig nito ang pakiramdam ng manunulat
Uri ng Teksto
impormatibo
prosidyural
deskriptibo
naratibo
perweysib
arhumengatibo
Tekstong Impormatibo
Ito ay naglalahad ng bagong at mahalagang kaalaman, pangyayari, paniniwala, at impormasyon upang alisin o linawin ang mga agam-agam ng mga mambabasa tungkol sa isang paksa o isyu. Ang mga kaalaman ay nakaayos ng sunud-sunod at inilalalad nito nag buong linaw at may kaisahan.
Ang Mga Katanungan sa Tekstong Impormatibo
Ano?
Sino?
Saan?
Kailan?
Paano?
Uri ng Tekstong Impormatibo
sanhi at bunga
paghahambing
pagbibigay definisyon
paglilista ng klasipikasyon
Sanhi at Bunga
pinapaliwanag na ang kinalabasan ay naging resulta ng mga naunang pangyayari at kung bakit nangyari ito
Paghahambing
ito ay ang pagkakahambing at pagkakatulad ng mga bagay
Pagbibigay Defiisyon
Ito ay nagbibigay ng kahilugan ng isang (abstraktong) bagay
Paglilista ng Klasipikasyon
Ito ay ang mga paghahati-hati ng malaking ideya sa katehorya o grupo upang magkaroon ng sistema ang pagtalakay
Tekstong Prosidyural
Ito ay nagbibigay ng mga impormasyon at instruksuon kung paano isinasagawa ang isang tiyak na bagay. Ibig nito makapagbigay ng sunod-sunod na direksuon at impormasyon upang maging matagumpay na maisagawa ang mga gawain sa ligtas, episyente, at angkop na paraan.
Hakbang
Ito ay ang mga instruksuon na nakalagay sa mga tekstong prosidyural na nakaayos para sa maayos na pagdaloy at tama ang paglalahad ng prosesp
Bahagi ng Tekstong Prosidyural
Layunin
Kagamitan
Metodo
Ebalwasyon
Layunin
ang kalalabasan o kahahangtungan ng proyekto ng prosidyur
Kagamitan
ang mga kasangkapan at kagamitang kakailanganin upang makumpleto ang isasagawang proyekto
Metodo
serye ng mga hakbang na isasagawa upang mabuo ang proyekto
Ebalwayson
naglalaman ng pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng prosidyur na isinagawa
Tiyak na Gamit ng Wika sa Tekstong Prosidyrual
Kasalukuyang Panauhan
Nakapokus sa Pangkalahatan
Tinutukoy ang mambabasa gamit an panghalip
Gumagamit ng tiyak na pandiwa
Gumagamit ng Cohesive Devices
Detalyado at tiyak na deskripsyon
Tekstong Deskriptibo | Layunin
Magsaad ng kabuoang paglalarawan ng isang bagay, pangyayari, o kaya ay magpahiwatig ng isang konseptong biswal ng mga bagay o pangyayari.
Mas makita sa imahinasyon ang mga bagay o pangyayari na inilalarawan. Mas unawaan kung ano ang mga bagay na binibigyang paglalarawan.
Tekstong Deskriptibo | Kahulugan
Isang teksto na nagsasaad ng kabuoang paglalarawan ng isang bagay, pangyayari,
nagpapahiwatig ng isang konseptong biswal ng mga bagay o pangyayari.
Nagpapahayag at nagbibigay ng mga detalyado gamit ng pagbibigay ng impresyon sa pandama (paningin, pang-amoy, pandinig, panlasa, o pansalat)
Karaniwang Paglalarawan
Nagbibigay ng impormasyon ayon sa pangkalahatang pagtingin o pangmalas. Ito ay unibersal at ginagamit ng payak na salita.
Masining na Paglalarawan
Nagpapahayag ng isang buhay na larawan batay sa damdamin o pangmalas. Pili ang mga ginagamit na salita sa paglalarawan, kabilang ang paggamit ng mga pang-uri, pang-abay, tayutay, at idyoma. Natatangi ang paglalarawan nito dahil nakabase ito sa sariling karanasan at konteksto.
Mga Kasangkapan sa Paglalarawan
wika
maayos na detalyade
pananaw ng paglalarawan
kabuoan at impresyon
Wika sa Tekstong Deskriptibo
Ginagamit ng manunulat ito upang makabuo ng isang
malinaw at mabilisang paglalarawan.
Maayos na Detalye
Dapat na magkaroon ng masistemang pananaw sa paglalahad ng mga bagay na makatutulong upang mailarawang ganap ng isang tao, bagay, pook, o pangyayari.
Pananaw ng Paglalarawan
Maaaring magkaiba-iba nag paglalarawan ng isang tao, bagay, pook, o pangyayari salig na rin sa sariling karanasan at saloobin ng taong naglalarawan.
Kabuoan o Impresyon
Ito ay kumakatawan sa kaisahan ng paggamit ng wika, maayos na paglalahad ng detalye, at ang pananaw ng naglalarawan. Mahalagang makabuo ng isang malinaw na larawan sa imahinasyon ng mga mambabasa.
3 Antas ng Pang-uri
Lantay
Pahambing
Pasukdol
Lantay
payak na salita
Pahambing
pinagkukumpara o pinagtutulad ang dalawang bagay
Pasukdol
nagpapakita ng pangingibabaw o pag-angat o pagkababa ng isang bagay
Tayutay sa Tekstong Deskriptibo
Pagtutulad
Pagwawangis
Pagmamalabis
Pagsasatao
Tekstong Naratibo | Layunin
Magsaad ng kabuoang paglalarawan ng isang bagay, pangyayari, o kaya ay magpahiwatig ng isang konseptong biswal ng mga bagay o pangyayari.
Mas makita sa imahinasyon ang mga bagay o pangyayari na inilalarawan. Mas unawaan kung ano ang mga bagay na binibigyang paglalarawan.
Magsalaysay o magkuwento
Tekstong Naratibo | Kahulugan
maanyong paraan ng pagpapahayag na nag-uugnay ng mga pangyayari
Paraan ng Pagsasalaysay
Kronolohikal
Balik-tanaw (flashback)
Daloy ng Kamalayan (sariling biograpiya)
Sangkap ng Maikling Kwento
banghay
tagpuan
tauhan
daloy ng pangyayari
Elemento ng Maikling Kwento
panimula
galaw ng mga pangyayari
tunggalian
kasukdulan
kakalasan
wakas
Panimula
ang simula ng kuwento
kadalasang makikita ang pagpapakilala sa tauhan, tagpuan o panahon
Galaw ng mga pangyayari
ang reaksyon ng karakter sa kung ano ang nangyayari sa kuwento
Tunggalian
alam din sa suliranin o conflict, ito ang problemang pumipigil sa karakter na makuha ang kanyang nais na mangyari o gawin
Kasukdulan
mula sa salitang Griyego na klimax o ladder sa ingles, ito ang pinakamataas na bahagi ng kuwento sapagkat dito malalaman kung magtatagumpay o mabibigo ang karakter
Kakalasan
kinalabasan ng tunggalian
Klasipikasyon ng Wakas
trahedya
komedya
plot twist
tie-back
crystal ball
open-ended
ambiguous
Trahedya
bigo ang karakter
Komedya
tagumpay ang karakter
Plot Twist
di inaasahang wakas
Tie-back
pagbalik sa isang senaryo
Crystal Ball
pag-andar ng oras sa hinaharap
Open-ended
hindi direktang paglalahad ng wakas
Ambiguous
hindi malinaw at maraming tanong na naiiwan sa mambabasa
Tekstong Persuweysib
nagbibigay ng opinyon ng may-akda o nagsasalita upang mahikayat ang madla
may tono na subhetibo dahil nakabatay lamang ang manunulat sa kanyang mga ideya
ibig mahikayat ang mambabasang makiayon o tanggapin pananaw ng manunulat at makabuo ng isang pangkalahatang pananaw tungkol sa isang isyu o paksa.
Elemento ng Panghihikayat
ethos
pathos
logos
Ethos
ginagamit ng kredibilidad at isinusulat upang mabago ang takbo ng pag-iisip ng mambabasa at makumbinsi ito sa punto ng manunulat at hindi sa iba, siya ang tama
Pathos`
ginagamit ang emosyon para sa pangungumbisi dahil ang karamihan sa mga mambabasa ay madaling madala ng kanilang emosyon
Logos
ginagamit ng lohikaat mapatunayan ng manunulat sa mga mambabasa na batay sa impormasyon at datos na kanyang inilatag ang kanyang pananaw ang dapat paniwalaan
Elemento ng Tekstong Persuweysib
malalim na pananaliksik
kaalaman sa posibleng paniniwala ng mambabasa
malalim na pag-uunawa sa dalawang panig ng isyu
Malalim na Pananaliksik sa Tekstong Persuweysib
ginagawa upang malaman ang pasikot-sikot ng isyung tatalakayin
Kaalaman sa mga Posibleng Paniniwala ng Mambabasa sa Tekstong Persuweysib
Kailangang mulat at maalam ang manunulat sa iba’t ibang laganap na persepsyon at paniniwala tungkol sa isyu at simulan amh argumento mula sa paniniwalang ito.
Malalim na Pag-uunawa sa Dalawang Panig ng Isyu
Ginagawa upang epektibong masagot ang laganap na paniniwala ng mga mambabasa.
Mga Instrumento sa Pang-akit ng Madla
name calling
plain folks
testimonial
glittering generalities
card stacking
bandwagon
transfer
Name Calling
pagsasabi ng masa tungkol sa isang tao, bagay o ideya para maipakitang mas maganda ang sinusuportahan mo at para mailayo ang mga tao sa ideya ng kalaban
Glittering Generalities
pangungumbinsi sa pamamagitan ng magaganda, nakasisilaw at mga mabulaklak na salita o pahayag
Transfer
paglilipat ng kasikatan ng isang personalidad sa hindi kilalang tao o produkto
Testimonial
tuwirang iniendorso ng isang tao ang kanyang tao o produkto
Plain Folks
gumagamit ng mga ordinaryong tao para ipakita at makuha ang tiwala ng madla na katulad din nila
Bandwagon
pagpapaniwala na ang masa ay tumatangkilik at gumagamit na ng kanilang produkto o serbisyo
Card Stacking
pagsasabi ng magandang puna sa isang produkto ngunit hindi sinasabi ang masamang epekto nito
Tekstong Argumentatibo
paghahanay ng mga katibayan at mga katotohanang may kaugnayan sa isyung pinag-uusapan o tinatalakay
naglalayon itong mapaniwala at mapakilos ang iba ayon sa ninanais ng nagmamatwid sa pamamagitan ng makatwirang pananalita
Elemento ng Tekstong Argumentatibo
paglalatag ng mga dahilan at ebidensya upang maging makatuwiran ang isang panig
pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan
Uri ng mga Tekstong Argumentatibo
pabuod at pasaklaw
Pabuod
Ito ang “inductive reasoning” sa Ingles. Ito ay nagsisimula sa maliit na katotohanan tungo sa isang panlahat na simulain o paglalahat.
Pasaklaw
Ito ang “deductive reasoning” sa Ingles. Ito ay humahango ng isang pangyayari sa pamamagitan ng pagkakapit ng isang simulaing panlahat.
Argumentum Ad Hominem
pag-atakeng personal na nakakahiya at hindi sa isyung dapat pagtalunan
Argumentum Ad Baculum
isang pwersa o awtoridad ang gamit upang maiwasan ang isyu at tuloy maipanalo ang argumento