PAGBASA | Usapang Etikal sa Pananaliksik at Tematikong Pag-aanalisa

0.0(0)
studied byStudied by 5 people
GameKnowt Play
learnLearn
examPractice Test
spaced repetitionSpaced Repetition
heart puzzleMatch
flashcardsFlashcards
Card Sorting

1/22

encourage image

There's no tags or description

Looks like no tags are added yet.

Study Analytics
Name
Mastery
Learn
Test
Matching
Spaced

No study sessions yet.

23 Terms

1
New cards

Paggalang sa mga Tagasuri at Kalahok

  • Dapat tiyakin ng mga mananaliksik na ang kanilang mga kalahok ay may sapat na kaalaman tungkol sa pag-aaral at nagbibigay ng kanilang pahintulot nang kusa.

  • Mahalaga rin ang pagtiyak na ang kanilang privacy at kapakanan ay protektado.

2
New cards

Katotohanan at Pagpapakita ng Resulta

  • Dapat iulat ng tapat ng mga mananaliksik ang kanilang mga resulta, kahit na ito ay hindi ayon sa inaasahan.

  • Iwasan ang pandaraya, pagmamanipula, o pagbabaluktot ng datos.

3
New cards

Pagkikilala sa Mga Pinagmulan

  • Kinakailangan ang tamang pag-aaknowledge sa mga ideya at gawa ng ibang tao sa pamamagitan ng wastong pag-cite.

  • Iwasan ang plagiarism.

4
New cards

Pagpapasunod sa mga Regulasyon at Patakaran

Ang mananaliksik ay dapat sumunod sa mga etikal na pamantayan at regulasyon na umiiral sa kanilang larangan ng pag-aaral.

5
New cards

Pagwawasto ng Mga Pagkakamali

Kung may natuklasang pagkakamali sa kanilang isinagawang pananaliksik, dapat agad na ayusin ng mga mananaliksik ito at ipaalam sa mga kaukulang awtoridad o publikasyon.

6
New cards

Pag-aalaga sa Kapakanan ng Lipunan

Dapat isaalang-alang ng mga mananaliksik ang epekto ng kanilang pag-aaral sa lipunan at tiyakin na ito ay nagdudulot ng benepisyo sa nakararami.

7
New cards

Benepisyo ng Etikal na Pananaliksik

  • Pagpapanatili ng Integridad ng Pananaliksik

  • Pagprotekta sa Kapakanan ng mga Kalahok

  • Pagsusulong ng Makatarungang Praktis

  • Pagtulong sa Pag-unlad ng Agham at Kaalaman

  • Pagpapalakas ng Tiwala ng Publiko

  • Pag-iwas sa Legal at Moral na Isyu

  • Pagtulong sa Pagbuo ng Responsableng Komunidad ng Pananaliksik

8
New cards

Pagpapanatili ng Integridad ng Pananaliksik

Ang pagiging tapat sa pag-uulat ng mga resulta at pag-iwas sa data fabrication o plagiarism ay nagpapanatili ng kredibilidad ng pananaliksik at ng mga natuklasan nito.

9
New cards

Plagiarism

ang tahasang paggamit at pangongopya ng mga salita at/o ideya ng walang kaukulang pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan

10
New cards

Anyo ng Plagiarism

  • pag-angkin sa gawa, produkto, o ideya ng iba

  • hindi paglalagay ng maaoyos na panipi sa mga siniping pahayag

  • pagbibigay ng maling impormasyon sa pinagmulan ng siniping pahayag

  • pagpapalit ng mga salita na katulad na wika o kaya ay pagsasalin ng teksto ngunit pangongopya sa ideta nang walang sapat na pagkilala

11
New cards

Super Plagiarism

  • pagsusmite ng papel o anumang produkto na gawa ng iba o na gawa mo noon pa

  • kasama ang pagpaparami ng mga sanggunian na hindi nagamit talaga

12
New cards

Dahilan ng Plagiarism

  • kamangmangan o kawalan ng ideya

  • kamalayan sa panuntunan ngunit sadya o hindi sadyang binabalewala ang mga ito

  • labis na pagmamadaling matapos sa pananaliksik

  • hindi nabibigyan ng sapat na pagtalakay ukol sa plagiarism

13
New cards

Pagprotekta sa Kapakanan ng mga Kalahok

Ang paggalang sa informed consent, privacy, at confidentiality ng mga kalahok ay nagbibigay ng proteksyon sa kanilang mga karapatan at kaligtasan.

14
New cards

Pagsusulong ng Makatarungang Praktis

Ang etikal na pag-uugali ng mga mananaliksik ay nagsisiguro na ang mga resulta ng pananaliksik ay hindi naaapektuhan ng bias o personal na interes, na nagbibigay daan sa mas makatarungan at maaasahang mga resulta.

15
New cards

Pagtulong sa Pag-unlad ng Agham at Kaalaman

Ang makatarungan at etikal na pananaliksik ay nag-aambag sa mas mataas na kalidad ng mga kaalaman at makakatulong sa pag-unlad ng siyensya at teknolohiya.

16
New cards

Pagpapalakas ng Tiwala ng Publiko

Ang etikal na pag-uugali sa pananaliksik ay nagtataguyod ng tiwala ng publiko sa mga resulta ng pananaliksik, na mahalaga para sa suporta at pagpopondo sa mga proyekto.

17
New cards

Pag-iwas sa Legal at Moral na Isyu

Ang pagtalima sa etikal na pamantayan ay nakakatulong sa pag-iwas sa mga legal na aksyon at mga moral na isyu na maaaring magdulot ng masamang epekto sa mananaliksik atsa kanilang institusyon.

18
New cards

Pagtulong sa Pagbuo ng Responsableng Komunidad ng Pananaliksik

Ang pagsunod sa etikal na pamantayan ay nagtuturo sa iba pang mananaliksik ng kahalagahan ng pagiging responsable, na lumilikha ng isang malusog na kapaligiran sa pananaliksik. Dapat ipaalam sa mga tagasagot ang resulta ng pag-aaral, at hindi dapat nilang ramdaman na ginagamit lang sila para sa pagkuha ng datos.

19
New cards

Tematikong Pag-aanilisa

isang paraan ng pag-aaral ng datos na nakatuon sa pagtukoy at pag-uuri ng mga paulit-ulit na tema o konsepto sa loob ng isang teksto o hanay ng mga datos

20
New cards

Kahalagahan ng Tematikong Pag-aanalisa

  • makikita ang mga paulit-ulit na ideya o konsepto na maaaring hindi agad na napansin sa unang pagbasa.

  • nagbibigay ito ng mas malalim na pag-unawa sa mga datos sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga iba't ibang piraso ng impormasyon.

  • maaaring magamit ang mga natukoy na tema upang bumuo ng mga bagong teorya o palakasin ang mga umiiral na.

21
New cards

Hakbang sa Tematikong Pag-aanalisa

  1. Pagbabasa at Pag-unawa

  2. Pagtukoy ng mga Inisyal na Tema

  3. Pag-uuri ng mga Tema

  4. Pagbibigay ng Label sa Bawat Tema

  5. Pagsusuri sa Bawat Tema

  6. Pagsulat ng Isang Tematikong Pag-aanalisa

22
New cards

Bahagi ng Tematikong Pag-aanalisa

  • Ipakilala ang layunin ng pag-aaral at ang mga pangunahing tanong na sinagot ng pananaliksik.

  • Ipresenta ang mga natukoy na tema at ang kanilang kahulugan.

  • Talakayin ang bawat tema nang mas malalim, gamit ang mga konkretong halimbawa mula sa datos.

  • Buuin ang iyong mga natuklasan at ang kanilang implikasyon sa larangan ng pag-aaral.

23
New cards

Limitasyon ng Tematikong Pag-aanalisa

  • Ang pagtukoy at pag-uuri ng mga tema ay maaaring maimpluwensyahan ng mga personal na pananaw at bias ng mananaliksik.

  • Ang tematikong pag-aanalisa ay hindi nagbibigay ng mga numerikal na resulta, kaya maaaring mahirap i-generalize ang mga natuklasan.