1/58
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
|---|
No study sessions yet.
tula
isang akdang nagpapahayag ng damdamin, saloobin, kaisipan, imahinasyon, at karanasan ng manunulat sa malikhaing pamamaraan. Ito ay binubuo ng mga taludtod, na bumubuo naman sa saknong
Tulang Pandamdamin/Liriko
Sa uring ito, naipadarama o naipararating sa atin ng manunulat ang kaniyang damdamin o saloobin tungkol sa isang bagay.
Oda
nagbibigay ng papuri o pumupuri sa isang tao o kinauukulan; ginagawa rin bilang paghahandog
Elehiya
nauukol sa malulungkot na pangyayari, tulad sa kamatayan
Soneto
nauukol sa damdamin at kaisipan; binubuo ng 14 na taludtod
Awit/Himno
nauukol sa pag-ibig, pag-asa, kabiguan, at kalungkutan; maaari ding patungkol sa Diyos o sa pananampalataya na nagbibigay papuri o pasasalamat
Tulang Pasalaysay
Ito ay nagkukuwento o nagsasalaysay ng mga pangyayari sa isang tauhan, na maaaring tungkol sa kaniyang pag-ibig, tagumpay, kabiguan, katapangang, at iba pa.
Epiko
nagsasalaysay ng mga pangyayari, pakikipagsapalaran, at pakikitunggali sa buhay ng pangunahing tauhan; may mga pangyayari dito na kababalaghan, o di-makatotohanan
Awit at Korido
nagsasalaysay ng buhay ng hari, reyna, prinsipe, prinsesa, duke, at iba pang kauri; ipinakilala ng mga Kastila upang palaganapin ang Kristiyanismo
Balada
ng mga pangyayari o damdamin sa paraang paawit, na karaniwang mabagal at madamdamin
Pasyon
nagsasalaysay ng buhay ni Hesukristo mula sa Kaniyang pagsilang, paghihirap na pinagdaanan, hanggang sa pagkabuhay na muli pagkatapos mamatay sa krus: binabasa nang pakanta tuwing Mahal na Araw
Tulang Padula
Ito ay nagsasalaysay ng mga tagpo sa buhay ng tao kung saan ang diyalogo ng mga tauhan ay binibigkas nang patula. Itinatanghal ito sa mga teatro at entablado
Moro-moro/Komedya
dulang panrelihiyon na tumatalakay sa tunggalian sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim; naging popular sa panahon ng pananakop ng mga Kastila
Tibag
dulang panrelihiyon na nagsasalaysay sa paghahanap ng krus na kinamatayan ni Hesukristo
Panuluyan
dulang pamasko na nauukol sa paghahanap nina Maria at Jose ng matutuluyan para sa pagsilang ni Hesukristo
Sarsuwela
dulang may kantahan at sayawan na tumatalakay sa buhay, sitwasyon, pag-ibig, at iba pang isyung may kinalaman sa tao
Tulang Patnigan
Ito ay naglalahad ng pagtatalo o pagpapalitan ng kuro hinggil sa isang bagay sa patulang pamamaraan
Karagatan
paligsahan sa pagtula na isinasagawa bilang libangan, lalong lalo na sa isang lamayan; hango sa kuwento ng pagkawala ng singsing ng prinsesa sa karagatan
Duplo
paligsahan sa pagbigkas at pangangatwiran ng mga makata bilang tagapagsakdal at tagapagtanggol sa isang paglilitis; itinatanghal din sa lamayan
Balagtasan
hinggil sa isang pinagtatalunang paksa; hinango ang salitang balagtasan kay Francisco Balagtas paligsahan sa talino o pangangatwiran
Batutian
may katatawanan ngunit naglalaman din ng katotohanan; hinango ang salitang batutian kay Jose Corazon de Jesus na mas kilala sa tawag na Huseng Batute
Sukat
Ito ay nauukol sa bilang ng pantig sa bawat taludtod ng isang tula. Ito ay maaaring walo, 12, 16, o 18 pantig. Ang kadalasang ginagamit ay labindalawa.
Anekdota
isang kuwento ng isang nakawiwili at nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao.
pagsasalaysay
isang diskurso na naglalatag ng mga karanasang magkakaugnay.
Sariling Karanasan
pinakamadali at pinakadetalyadong paraan sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan mismong nagsasalaysay.
Narinig o napakinggan
Maaring usapan ng mga tao ukol sa pinagtatalunan isyu, mga balita sa radio at telebisyon.
Napanood
Mga palabas sa sine, telebisyon, dilaang pangteatro
Likhang-isip
Mula sa imahinasyon, katotohanan ma 0 ilusyon makakalikhan ng isang salaysay.
Panaginip o Pangarap
Ang mga panaginip at hangarin ng tao ay maaari ring batayan sa pagbuo ng salaysay
Nabasa
Mula sa anumang tekstong nabasa kailangang ganap na nauunawaan ang mga pangyayari.
Kahusayang gramatikal
ito ay natututuhan sa pag-aaral ng sistema at porma ng wika.
Kahusayang Diskorsal
ito
ay nakukuha sa praktikal at
pangkaraniwang gamit ng wika sa pang-
araw-araw.
3. Kahusayan Estratedyik
tumutukoy sa paggamit ng berbal at di-berbal na mga hudyat para sa mas malinaw at epektibong komunikasyon.
SOCIAL MEDIA
tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network.
SOCIAL NETWORKS
Ito ang mga site na nagbibigay-daan sa mga users na makapag-usap sa ibang tao na may parehong hilig at interes.
BOOKMARKING SITES
Ito ang mga site/app na nagbibigay-daan sa mga users upang magtipon ng mga links galing sa iba't ibang mga websites.
SOCIAL NEWS
Ito ang mga site/app na nagbibigay-daan sa mga users upang mag-post ng mga kanilang sariling news items o links sa ibang news sources.
MEDIA SHARING
Ito ang mga site/app na nagbibigay-daan sa mga users para mag-upload at magbahagi ng mga media content katulad ng mga larawan, musika at video.
MICROBLOGGING
Ito ang mga site/app na nagbibigay-daan sa mga users na gumawa ng maiikling updates. Ang makakatanggap ng mga updates na it ay ang mga followers ng nasabing user.
BLOGS AND FORUMS
Ito ang mga sites/apps na nagbibigay-daan sa mga users na mag-post ng kung ano-ano batay sa kanilang kagustuhan na pwedeng lagyan ng komento ng ibang user.
netizen
Ang tawag sa mga taong gumagamit nito
Pagsasaling Pampanitikan
masining na paglalaro sa wika na kung saan kinakailangan ng masusing pag-aaral at pagpapakadalubhasa ng tagasalin sa dalawang wika sa isang ordinaryong sitwasyon.
-ang pangunahing hamon nito ay ang paghahanap at pagsusuri ng mga salita na pwedeng itumbas sa akdang isasalin upang mapanatili ang diwa nito.
Pagsasaling Teknikal
tungkulin nitong magpalaganap ng kaalaman sa buong mundo bilang isang tunay at aktibong wika ng globalisasyon at lokalisasyon.
-gumaganap bilang tagapamagitan ng mga wika at kultura ng mundo.
1. Intalingual
ito'y pagbabago lamang ng mga salita sa loob ng magkaparehong wika.
Interlingual translation
tinatawag din itong 'translation proper'
Intersemiotic o transmutation
ito'y pagsasalin ng isang mensahe mula sa isang masistematikong simbolo patungo sa iba.
Lantad na salin (Overt Translation
karaniwang kailangan ng orihinal na teksto ay nakatali sa kultura ng pinagmulang wika at malayang katayuan sa komunidad ng pinagmulang wika. (House, 1977)
Di-Lantad na Salin (Covert Translation)
karaniwan kapag ang alinmang dalawang nabanggit na kondisyon ay wala. (
Sansalita-bawat-sansalita
sa pagsasaling ito, ang ayos ng mga salita ay nanatili. Ang mga salita ay isinasalin ayon sa pinakapalasak na kahulugan.
- Layunin ng paraang ito na madama ang mechanics ng wikang isinasalin bilang panimulang hakbang.
2. Literal
isinasalin ang mensahe mula sa orihinal na wika tungo sa target na wika sa pinakamalapit at natural na katumbas na nagbibigay halaga sa gramatikal na aspekto ng tumatanggap na wika.
Matapat
sa pamamaraang ito ay ginagamit ng isang tagasalin ang lahat ng kanyang kakayahan upang manatiling tapat sa mensahe ng orihinal sa paraang tanggap sa bagong wika.
Halimbawa:
Where there is hatred, let me sow love
- Itulot mong ako'y maghasik ng pag-ibig kung saan may galit.
Saling Semantiko
pinangingibabaw ng tagasalin ang pagiging katanggp-tanggap ng salin sa mga bagong mambabasa sa pamamagitan ng pagtiyak na natural sa pandinig at paningin nila ang salin at hindi ito lumalabag sa pinaniniwalaang katanggap-tanggap.
Komunikatibong Salin
hindi lamang nagiging tapat sa pagpapakahulugan ang tagasalin, ngunit maging sa konteksto ng mensahe at mailipat niya ito sa paraang madaling tanggapin ng bagong mambabasa dahil sa ginagamit na wika ay yaong karaniwan at payak.
Idyomatikong Salin
ang kakayahan ng isang tagasalin na unawain ang kalaliman ng wika ng orihinal at hanapin ang katumbas nito sa target na wika ang nangingibabaw.
Adaptasyon
sa paraang ito, tila isinasantabi ng tagasalin ang orihinal bilang simulain at mula roon ay papalaot upang makabuo ng bagong akda.
Malaya
inilalagay ng tagasalin sa kanyang kamay ang pagpapasya kung paano isasalin ang mga bahagi ng isang teksto na maituturing na may kahirapan.
Komunikatibo
pagtatangkang magbigay pakahulugan sa nilalaman sa paraang katanggap-tangap at nauunawaan ng mambabasa.
Literal na Pagsasalin
Naniniwala si Newmark na ang literal na salin ang pangunahing hakbang sa gawaing pagsasaling-wika; ang semantika at komunikatibong pagsasalin ay kapwa nagsisimula sa paraang ito.
Mula sa literal na salin mahuhugot natin ang mga kahulugang nakapaloob, nakapagitan o nakakubli sa pagitan ng mga salita.
Transferens
ang paglilipat ng isang salita na nasusulat sa ibang alpabeto sa TL at pagkatapos ang salitang ito ay nagiging hiram na at sa pagdaraan ng panahon dumadaan sa naturalisasyon.