1/37
Filipino sa Piling Larang
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Dula
- aktwal na imitasyon ng buhay na itintanghal sa entablado.
- layunin na itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
Benito Perez
ayon kay ___, ang dula ay siyang kaluluwa at kitib ng buhay.
Palabas
ay isang uri ng teksto na nasa anyong audio-visual na kailangang lapatan ng pagpapakahulugan.
Tema
- bakit ito ang pamagat ng dula, pagtatanghal o produksiyon?
- ano ang pangunahing paksa o ideya at genre ng palabas?
Tauhan
- sino ang bida, kontrabida, at iba pang nagsiganap?
- paano nagsiganap ang mga tauhan? Akma ba ang kanilang kilos, pahayag, at iba pa?
Tagpuan
- saan ginanap ang kuwento o pagtatanghal?
- ano ang kaugnayan ng tagpuan sa kabuuan ng produksiyon?
Banghay
- ano ang simula, gitna, at wakas ng kuwento o palabas?
- ano ang krisis, resolusyon, aral na hatid ng kuwento o palabas?
Iskoring/Musika
- ano ang mensaheng hatid ng musika?
- paano naging epektibo o hindi epektibo ang ginamit na musika?
Disenyo ng Produksiyon
- ano-ano ang naging pangunahing disenyo ng produksiyon?
- paano pinabisa ng disenyo ng produksiyon ang kabuuan ng palabas?
Direksyon
- ano ang naging paraan ng direksyon ng produksiyon?
- paano naging epektibo o hindi epektibo ang produksiyon?
Rebyu/Makrong Kasanayan
sinusuri ang labas, loob, at lalim ng produksiyon mula sa tema, tauhan, tagpuan, banghay, iskoring/musika, disenyo ng produksiyon, at direksyon.
Iskit
– isang uri ng dula na may layuning makalikha ng karikatura ng isang tao.
- maituturing din itong istilo ng pagsulat o paraan ng pagkakaganap at pagbibigay interpretasyon ng isang karakter.
- maihahalintulad din ito sa isang parodiya.
- maituturing din itong isang dula.
- ay karaniwang nagpapatawa o nagbibigay-katuwaan sa mga manonood nang mas simpleng paraan.
Mga Hakbang sa Paggawa ng Iskit
Humanap ng paksa batay sa interes
Bumuo ng konsepto
Sumulat ng burador
Pagtatanghal
Humanap ng Paksa Batay sa Interes
- maghanap ng inspirasyon para sa iyong iskit sa pamamagitan ng panonood at pagbabasa ng iba't ibang comedy sketches.
- maaari kang pumunta sa YouTube at manood ng mga bidyo ng mga kilalang propesyonal at mga amateur.
Bumuo ng Konsepto
- isulat sa papel o notebook ang lahat ng ideyang ninanais mo.
- maari itong gawin kasama ang isang grupo na bubuo ng iskit.
- huwag mong limitahan ang iyong sarili sa mga ideya na ninanais mo.
Sumulat ng Burador
- narito ang aktwal na pagsulat ng balangkas at nilalaman ng isang Iskit.
- panatilihing maikli lamang ang iskrip na gagawin.
Pagtatanghal
- dito ipinapakita ng aktor ang mga kilos o galaw na nakasulat sa iskrip.
- maaring gumamit ng mga props o kagamitan at kasuotan na magbibigay kulay sa pagtatanghal.
One-Act Play
- dulang may isang yugto lamang (Casanova, 1984).
- maikli at madali itong itanghal.
- hindi nangangailangan ng malaking gastos sa produksiyon dahil sa iilan lamang ang artista, kagamitan, at iba pang kailangan sa palabas.
One-Act Play
- ay isang uri ng dula na binubuo lamang ng isang yugto o aktong pagganap.
- tulad ng isang dula, naglalaman din ito ng parehong mga elemento gaya ng tema, iskrip, tanghalan, at mga aktor.
- ay mas malalim at masusing anyo ng dula na naglalayong magbigay ng emosyonal at intelekwal na karanasan.
One-Act Play
- ay isang mabisang paraan upang magpahayag ng malalim na kaisipan o mensahe sa loob ng maikli at nakapupukaw na paraan.
- ito'y isang pormat na kinikilala sa teatro at nagbibigay daan sa mga manunulat at nagsisiyasat na magpakita ng kanilang galing sa pagsulat at pagtanghal.
Mga Katangian ng One-Act Play
Maikli lamang ang kabuuang daloy, hindi tulad ng ibang dulang pantanghalan.
Karaniwang tumatagal lamang ito ng 15 minuto hanggang 60 minuto.
Umiikot lamang sa iisang tagpo at tema.
Limitado ang bilang ng mga tauhan na nasa dalawa hanggang pito lamang.
Maikli ngunit may epektibong dayalogo.
Monologo
– isang uri ng masining na pagtatanghal kung saan ginagampanan ng isang aktor o tauhan lamang, may manonood man o wala.
- karamihan sa mga dasal, lirika, at lahat ng lamentasyon ay pawing ___.
Monologo
- ay mahalagang bahagi ng panitikan at sining, dahil nagbibigay ito ng pagkakataon para sa masusing pagsusuri ng mga karakter, tema, at mga pangyayari sa isang akda.
- nagbibigay rin ito ng kalaliman sa mga tauhan at nagpapalabas ng kanilang mga pag-iisip at saloobin.
Monologo
- ay isang uri ng pagsasalita o pagsusulat kung saan ang isang tao (aktor, manunulat, o tagapagsalita) ay nagpapahayag ng kanyang mga saloobin, damdamin, karanasan, o mga iniisip nang mag-isa.
- natatangi ito sapagkat hindi ito nangangailangan ng reaksyon o saloobin sa ibang tao, walang pagtutungali o sagutan na nagaganap.
Monoholista
ang tawag sa taong nagsasagawa ng monologo na posibleng nagsasalitang mag-isa, solong nakikipag-usap sa manonood ng isang palabas gaya ng dula, nagsasalita sa dula na hindi nakikita ang manonood.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Monologo
Pumili ng paksa na kaaya-aya at naaayon sa mga manonood.
Humanap ng karakter na naaayon sa iyong personalidad upang mas maging kapani-paniwala.
Isaalang-alang ang damdaming nais mong palutangin sa monologo.
Gumawa ng balangkas ng iskrip. Sumulat ng mga mahahalagang dayalogo o pahayag na nais mong sabihin.
Muling basahin ang iyong naisulat na monologo at humingi ng tulong sa mga eksperto sa larang na ito upang maitama ang ilang kailangan paunlarin.
Layunin ng Monologo
Kinakategorya ng mga karakter ang kanilang ideya sa pamamagitan ng monologo.
Ginagamit ito upang maipadala o maibahagi ang mga mahahalagang ideya, saloobin, at emosyon na nais ng karakter o ng sumulat nito.
Cosplay
- ito ay pinagsamang salitang Hapon na kosupure na nagangahulugang kasuotan (kosu) at play o pagtatanghal (pure).
- sa ___, karaniwang ginagaya ang mga tauhan sa animĕ, computer games, manga, at tokusatsu.
- sa mga manipestasyon nito ay maraming pagkakatulad sa mga pagganap sa dula-dulaan. Ang pagkakaiba ay ang lahat ay maaaring lumahok sa mga pagganap na ito.
Pangunahing Gawain ng Cosplayer
masanay sa papel na ginagampanan ng piniling bayani bilang pinaniniwalaan hangga't maaari.
Cosplay
- ang salitang tulad nito, ay nagmula sa Ingles at nabuo sa pag-ikli ng kasuotan, na nangangahulugang 'magkaila', at maglaro, na isinasalin ang 'laro'; Ito ay ang laro ng magkaila.
- Ito ay isang masalimuot na subkultura na nagbibigay daan sa pagpapakita ng katalinuhan, kahusayan sa sining, at pagkakaroon ng koneksyon sa iba't ibang tao na may parehong mga interes.
Cosplay
- ay nagbibigay-daan sa mga cosplayer na ilabas ang kanilang pagkamalikhain sa pamamagitan ng pagbuo ng kakaibang mga costume at pagganap.
- ito ay isang porma ng sining at self-expression.
- ito ay may iba't ibang benepisyo na maaaring makatulong sa personal na pag-unlad at makabuo ng mga makabuluhang koneksyon sa komunidad.
Cosplayer
- sa cosplay, ang mga kalahok, tumawag din mga ___, gumamit ng mga costume, accessories, at outfits upang makagawa ng isang matapat na representasyon ng tauhan.
- ngunit, bilang karagdagan, natutunton nila ang mga aspeto tulad ng paglalaro ng papel, disenyo ng kasuotan, at pampaganda.
Japan
nakilala ang cosplay bilang libangan sa bansang ___.
Nobuyaki Takahashi
siya ang unang gumamit ng salitang cosplay.
Estados Unidos
- ang cosplay ay uanng nasaksihan sa ___ ___.
- dito ginaya ang mga sikat na pelikula tulad ng Star Trek, Star.
Alodia Gosiengfiao
kabilang sa Pilipinong naging kilala sa larangan ng cosplay si ___ na binansagang Reyna ng mga Cosplayers.
Ika-8 ng Enero ng taong 2000. (January 08, 2000)
At sa popularidad ng pasinayang ito, naitatag na ang kauna-unahang cosplay museum sa Pilipinas noong ___.
2001
Nagsimula ang Philippine Cosplay noong ___. Maraming mga kabataan ang sumali sa kompetisyon na ito. Pakay nito na isabuhay ang mga karakter katulad ng pagsasabuhay ng mga aktor sa isang palabas. Masinsinang ginagaya ng mga “cosplayer” ang pananamit, kagamitan, kilos, emosyon, pananalita, at mannerism ng karakter na kanila isinasalarawan.