1/31
2nd Quartter
Name  | Mastery  | Learn  | Test  | Matching  | Spaced  | 
|---|
No study sessions yet.
Dula
Ito ay nahango sa salitang GRIYEGO na DRAMA na nangangahulugan gawin o kilos.
Layunin ay itanghal sa entablado upang maging salamin ng buhay naglalayong makaaliw, makapagturo o makapagbigay ng mensahe
hango sa totoong buhay, likha ng malikhain at malayang kaisipan
Uri ng Dula
Komedya
Trahedya
Melodrama
Tragikomedya
Parse/Parsa
Saynete
Parodiya
Proberbyo
Komedya
Katawa- tawa, magaan ang mga paksa o tema at mga tauhan ay laging nagtatapos sa tagumpay
Trahedya
ang tema nito ay mabigat o nakasasama ng loob, nakalulunos ang mga tauhang karaniwang nasasadlak sa kamalasan, mabigat na problema, kabiguan at kamatayan. nagwawakas ng malungkot
Melodrama
Ito ay sadyang namimiga ng luha sa manonood na parang wala nang masayang bahagi sa buhay kundi puro problema at kaawa- awang kalagayan na lamang ang nagyayari sa buhay Karaniwang napapanood sa teleserye sa telebisyon.
Tragikomedya
Magkahalo ang katatawanan at kasawian tulad ng payaso (clown) para magsilbing tagapagpatawa, subalit sa huli’y malungkot dahil sa kasawian o kabiguan ng mahahalagang tauhan.
Parse/Parsa
dulang puro tawanan at walang saysay ang kwento. Ang mga aksyon ay puro 
SLAPSTICK- Karaniwang napapanood sa comedy bar
Saynete
Itinuturing na isa ito sa mga dulang panlibangan ng huling taon ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas. Ang paksa nito ay tungkol sa paglalahad ng mga kaugalian ng isang lahi o katutubo sa kanyang pamumuhay, pag- ibig at pakikipag -kapwa
Parodiya
Anyo ng dula na mapanudyo, ginagaya ang nakakatawang ayos, kilos, pagsasalita at pag- uugali ng tao bilang anyo ng komentaryo o pamumuna o kaya’y pambabatikos na katawa- tawa ngunit may tama sa damdamin ng kinauukulan
Proberbyo
Kapag ang isang dula ay may pamagat na hango sa mga bukambibig na salawikain, ang kwento’y pinaiikot dito upang magsilbing huwaran ng tao sa kanyang buhay.
Yugto
tumutukoy kung paano hinahati ang dula
eg. iisahing yugto, dadalawahing yuto, tatatluhing yugto
Tagpo
nagpapakita ng panahon at lugar na pinagganapan ng mga pangyayari sa dula
Kailan
Saan
Eksena
Ito ay tumutukoy sa paglabas- pasok ng mga tauhang gumaganap sa tanghalan.
Iskrip
Ito ang tinuturing na pinaka- kaluluwa ng isang dula.
Walang dula kapag walang iskrip.
Aktor
Sila ang nagsasabuhay sa mga tauhang nasa iskrip.
Tagpuan
Ito ay pook na pinagdarausan ng isang dula.
Direktor
Siya ang namamahala at nagpapakahulugan sa isang iskrip ng dula.
Manonood
Sila ang sumasaksi sa pagtatanghal ng dula.
Simula
a. tauhan
b. tagpuan
Gitna
a. Banghay
b. Diyalogo
c. saglit na kasiglahan
d. tunggalian         
e. kasukdulan
Banghay
pagkakasunud- sunod ng pangyayari
Diyalogo
pinakamahalagang bahagi ng dula- ( natural at hindi artipisyal )
Wakas
kakalasan
wakas (hindi winawakasan ang mambabasa o manonood ang hahatol sa mapaghamong isip)
Aspektong Teknikal
epektong pantunog
pag- iilaw
epektong pantunog
malinaw ang tunog ng bawat linya ng dula
Sound effects,musika
Yugto (act), tanghal-eksena (scene) tagpo (frame)
Ang bawat yugto ay binubuo ng eksena,kaya ang panahong nagugugol sa isang yugto ay hindi pare-pareho
Aside-Bulong
Mga salitang binibigkas nang mahina na ang nakaririnig lamang ay isang tao o isang grupo na hindi naririnig ng mga kasamahan.
Monologo
Madamdaming pananalita ng isang aktor nang nag- iisa at walang ibang tao sa tanghalan.
Soliloquy
Ang aktor ay nagpapahayag ng kanyang iniisip sa mga manonood at hindi naririnig ng iba pang tauhan; nagsasalita ang aktor sa kanyang sarili at sinasabi niya ito nang malakas.
Flashback
pagbabalik tanaw sa mga pangyayari
Round Character
May katangiang tulad ng isang totoong tao; nagbabago ang kanyang katauhan sa kabuuan ng akda.
Flat Character
Tauhang hindi nagbabago ang pagkatao mula simula hagggang sa katapusan ng akda.