1/19
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Romantisismo
umano'y naniniwala ang _____ na ang daigdigan ay hindi isang walang kahulugang kasalimuotan na kaaway ng tao-may pagkakasundo at layunin sa kabuuan ang sandaigdigan na nilikha ng Makapangyarihan at Marunong sa lahat at itinataguyod ng katarungan at pag-ibig.
Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba't ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan.
Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.
Eksistensiyalismo
ito ay hindi teorya kundi paniniwala-panini-walang hindi tunay ang buhay kung nakakulong sa sistema ng paniniwala.
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence).
Istrakturalismo
sa pangkalahatang pananaw, iisa ang simulain nito-ang pagpapatunay na ang wika o lenggwahe ay hindi lamang hinuhubog ng kamalayang panlipunan kundi humuhubog din sa kamalayang panlipunan.
Anito, nakabaon ang panlipunang kama-layan sa paggamit ng wika o paggamit sa mga salita ayon sa mga kinikilalang tuntunin at pagsasapraktikang panlipunan.
Dekonstruksyon
winawasak nito ang kabuuan ng sistema ng wika at binubuo lamang muli ito bilang kamalayan na may kalakip na teorya ng realidad.
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba't ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo.
Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pangtao at mundo.
Moralistiko
sa ganitong oryentasyon, ipinalalagay na ang akda ay may kapangyarihang maglahad o magpahayag hindi lang ng literal na katotohanan kundi ng mga panghabambuhay at unibersal na mga katotohanan at mga di mapapawing pagpapahalaga (values).
Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba't ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao ang pamantayan ng tama at mali.
Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan.
Sa madaling sabi, ang ____ ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.
Historikal
hindi ang teksto bilang teksto ang lubusang pinagtu-tuunan ng pansin kundi ang kontekstong dito'y nagbigay-diin; hindi ang partikular na kakanyahan lamang ang sinusuri kundi ang mga impluwensiyang dito ay nagbigay-hugis-ang talambuhay ng awtor, ang politikal na sitwasyon sa panahong naisulat ang akda; ang mga tradisyon at kombensyon na maaaring nakapagbigay sa akda ng mga katangian.
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan ay bahagi ng kanyang pagkahubog.
Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
Arketipal
katulad ng sikolohikal na pananaw, nakapako ang aten-syon nito sa paraan ng paglikha at ang epekto nito sa mambabasa.
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo.
Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda.
Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa't isa.
Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong ipinapakilala ng may-akda sa mga mambabasa.
Realismo
ang teoretikal na batayan nito ay ang paniniwalang may taglay na kapangyarihan ang teksto at ang manunulat ng akda, na suriin ang masalimuot na realidad (mga empirikal na datos) at paglikha ng kanyang akda na sa tingin niya gamitin ang mga ito sa ay representasyon ng realidad.
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan.
Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat.
Klasismo/Klasisismo
Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos matipid at piling-pili sa paggamit nang may kaayusan.
Humanismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.
Imahismo
Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita.
Sa halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.
Feminismo
Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan.
Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay ____ sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipinamayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.
Formalismo/Formalistiko
Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan.
kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa walang labis at walang kulang.
Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri't pang-unawa.
Sosyolohikal/Sikolohikal
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda.
Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin.
Markismo/Marxismo
Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika.
Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.
Sosyolohikal
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda.
Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin.
Bayograpikal
Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda.
Ipinahihiwatig sa mga akdang ____ ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga "pinaka" na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.
Queer
Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga homosexual.
Kung ang mga babae ay may feminismo ang mga homosexual naman ay ____.
Kultural
Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang ____ ng may-akda sa mga hindi nakakaalam.
Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi.
Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi.
Feminismo-Markismo
Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba't ibang paraan ng kababaihan sa pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap.
Isang halimbawa nito ay ang pagkilala sa prostitusyon bilang tuwirang tugon sa suliraning dinaranas sa halip na ito'y kasamaan at suliranin ng lipunan.