1/7
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Posisyong Papel
Mahalaga itong gawaing pasulat na nililinang sa akademikong pagsulat. Isang sanaysay na naglalahad ng opinyon na naninindigan hinggil sa isang mahalagang isyu o paksa. Karaniwang isinusulat sa paraang mapanghimok upang maunawaan at sang-ayunan ng mambabasa ang paninindigan ng sumulat.
Layunin ng Posisyong Papel
Mahikayat ang mga mambabasa na magkaroon ng kamulatan sa argumentong inihain sa kanila.
Mga Uri ng Ebidensya – Mga Katunayan
Nakabatay sa makatotohanang ideya mula sa nakita, narinig, naamoy, nalasahan, at nadama. Maaring gumamit ng mga taong nakasaksi o nakaranas ng pangyayari ngunit kailangang mapagkakatiwalaan ang testimonya.
Mga Uri ng Ebidensya – Mga Opinyon
Nakabatay sa ideyang pinaniniwalaang totoo o sariling pananaw. Hindi ito palaging makatotohanan sapagkat nakabatay lamang sa sariling pagsusuri o judgement.
Mga dapat isaalang-alang sa Pagsulat ng Posisyong Papel
Pagpili ng Paksa batay sa Interes
Magsagawa ng Paunang Pananaliksik
Hamunin ang Iyong Sariling Paksa
Mangolekta ng Sumusuportang Katibayan
Lumikha ng Balangkas (Outline)
Panimula (Balangkas)
Ipakilala ang paksa.
Ilahad ang tesis/posisyon.
Tukuyin ang kahinaan ng kabilang argumento upang makumbinsi ang mambabasa.
Katawan (Balangkas)
Lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga argumento.
Gumamit ng ebidensya at datos.
Patunayan ang kahinaan ng kontra-argumento.
Konklusyon (Balangkas)
Ibuod muli ang argumento.
Talakayin ang implikasyon.
Igiiit ang sariling posisyon.