FILIPINO 2ND QUARTER

0.0(0)
studied byStudied by 0 people
0.0(0)
full-widthCall Kai
learnLearn
examPractice Test
spaced repetitionSpaced Repetition
heart puzzleMatch
flashcardsFlashcards
GameKnowt Play
Card Sorting

1/101

flashcard set

Earn XP

Description and Tags

G12

Study Analytics
Name
Mastery
Learn
Test
Matching
Spaced

No study sessions yet.

102 Terms

1
New cards

“drawn away”.

Ang salitang ito hiniram sa salitang Latino na abstractus na nangangahulugang

2
New cards

abstrak

Maituturing itong maikling lagom na karaniwang ginagamit sa mga pananaliksik-papel na matatagpuan sa unang bahagi nito.

3
New cards
  • Kapag magpapasa ng artikulo sa dyornal lalo na kung online

  • Kapag nag-aaplay para sa research grants

  • Para sa pagsulat ng isang proposal na aklat

  • Bilang pangangailangan sa disertasyon o tisis

Kailan nagsusulat ng abstrak?

4
New cards
  • Tuon ng Pananaliksik (suliranin)

  • Metodolohiya (disenyo at pamamaraan)

  • Resulta

  • Kongklusyon at Rekomendasyon

Apat na elemento na madalas lamanin ng akademikong abstrak:

5
New cards
  • Objektib

  • Ang haba ay karaniwang 100- 250 na salita depende sa disiplina o kahingian ng palimbagan

  • Lohikal ang pagkakaayos

  • Ang laman ay nauunawaan at matatagpuan rin sa pananaliksik

Karaniwang katangian ng abstrak

6
New cards

Impormatibo (informative) AT deskriptibo (descriptive)

2 uri ng abstrak

7
New cards

Impormatibo (informative)

Kilala bilang ganap na abstrak o complete abstract. Ito ay naglalaman ng kaligiran, layunin, metodolohiya, resulta at konklusyon. Madalas itong binubuo ng 200-250 na salita.

8
New cards

deskriptibo (descriptive)

Kilala naman ito bilang limitadong abstrak na naglalahad lamang ng deskripsyon sa saklaw ng pananaliksik kaya mistulang talaan ng nilalaman na nasa anyong patalata. Karaniwan itong binubuo ng 100 na salita o mas mababa pa rito.

9
New cards

SINTESIS/SINOPSIS/LAGOM

Ang mga ito ay ginagamit sa pagbubuo ng akdang nasa anyong tekstong naratibo tulad ng kwento, salaysay, nobela, dula, parabula at iba pang anyong panitikan

10
New cards

SINTESIS

Isa itong anyong buod na pinagsasama-sama ang mga mahahalagang ideya mula sa iba’t ibang sanggunian upang makabuo ng bagong kabuuan o pananaw. Hindi lamang paglalatag ng impormasyon, kundi pag-uugnay at paghahambing ng ideya.

11
New cards

pagsasama o pag-uugnay

Mula sa salitang Griyego na “Syntithenai” na ibig sabihin ay

12
New cards

SINOPSIS

Tinatawag ding “summary” o pinaikling bersyon ng isang akda. Buod ng isang teksto o pelikula na nakatuon sa mga pangunahing pangyayari, ideya, o tema. Kadalasang ginagamit sa mga nobela, pelikula, dula, at akdang pampanitikan upang maipakita ang kabuuang nilalaman sa mas maikli at madaling anyo.

13
New cards

LAGOM

Pinakamaikli sa tatlo. Isang uri ng pagbubuod na nakatuon lamang sa pinakapuso o pinakamahalagang ideya ng isang teksto o panitikan. Karaniwang ginagamit sa pagbubuod ng isang daloy ng kwento. Karaniwang nasa ilang pangungusap lang. Karaniwan din natin itong nakikita sa huling bahagi ng mga sulatin upang bigyang sumaryo ang mga ideyang inilalatag, gaya na lamang ng sanaysay.

14
New cards

SINTESIS

Tumutukoy sa sentralisasyon ng mga ideya upang makabuo ng bagong ideya. (Acopra, J. et al, 2016)

15
New cards

Eksplanatori

Anyo ng sintesis na naglalayong tulungan ang nagbabasa o nakikinig na lalong maunawaan ang mga bagay na tinatalaka

16
New cards

Argumentativ

Anyo ng sintesis na naglalayong maglahad ng nananaw ng sumulat nito

17
New cards
  1. Pahapyaw na basahin, panoorin, o pakinggan muna ang teksto.

  2. Tukuyin ang paksang pangungusap at susing salita.

  3. Pag-ugnay-ugnayin ang mga ideya.

  4. Huwag kumuha ng pangungusap sa teksto at huwag maglalagay ng ebidensya at halimbawa ng detalye.

Hakbang sa pagbubuod

18
New cards

KATANGIAN NG SINTESIS

  • Malinaw at lohikal ang pagkakaayos ng ideya.

  • Nagsusuri at hindi lamang naglilista ng impormasyon.

  • Nagpapakita ng koneksyon at pagkakaiba ng mga sanggunian.

  • Gumagamit ng obhetibo at akademikong wika.

Ang ______ ay ang pagsasama at pagsusuri ng impormasyon upang makapagbigay ng kabuuan at bagong pananaw ukol sa isang partikular na paksa o akda na ginawan ng sintesis.

19
New cards

Background Synthesis

  • Layunin: Magbigay ng pangkalahatang impormasyon tungkol sa paksa.

  • Karaniwang Gamit: Panimula ng research, background section.

  • Katangian: Walang pinapanigang posisyon at naglalahad ng ideya mula sa iba’t ibang sanggunian.

  • Halimbawa: Paliwanag tungkol sa climate change mula sa iba’t ibang eksperto.

20
New cards

Thesis-Driven Synthesis

  • Layunin: Ipagtanggol o patunayan ang isang argumento o tesis.

  • Karaniwang Gamit: Argumentative essay, research paper.

  • Katangian: May malinaw na posisyon at pinagsasama ang impormasyon para palakasin ang sariling pananaw.

  • Halimbawa: Mga pag-aaral na nagpapatunay na social media ay nakaaapekto sa mental health.

21
New cards

Literature Synthesis

  • Layunin: Ipakita ang ugnayan ng mga naunang pag-aaral.

  • Karaniwang Gamit: Literature review ng research.

  • Katangian: Pinapakita ang pagkakatulad, pagkakaiba, at gap ng mga pananaliksik at nagsisilbing batayan ng bagong pag-aaral.

  • Halimbawa: Paghahambing ng mga pag-aaral tungkol sa epekto ng online learning bago at matapos ang pandemya.

22
New cards

“buhay”

Ang salitang “bio” ay hango sa salitang griyego na ang ibig sabihin ay_______

23
New cards

bionote

Ang ______ ay isang maikling paglalarawan sa manunulat gamit ang ikatlong panauhan na madalas inilalakip sa kanilang mga naisulat. Maaari rin nating ihalay ang mga impormasyon na naririnig kapag ipinakikilala ang isang tagapagsalita sa palatuntunan.

24
New cards

● Pagpapakilala sa may akda ng isang aklat.

● Pagpapakilala sa isang tagapagsalita sa isang kumperensya.

● Pagpapakilala sa panauhing pangdangal.

● Pagpapakilala sa natatanging indibidwal.

● Pagpapakilala sa isang paring magmimisa.

Iba't ibang sitwasyon ng pagpapakilala na nangangailangan ng

bionote:

25
New cards

• Personal na impormasyon

• Kaligirang Pang-edukasyon

• Ambag sa Larangang kinabibilangan

Ang karaniwang laman ng bio sumusunod:

26
New cards

1. Pangalan 5. Hilig/Gusto

2. Katangian 6. Kinatatakutan

3. Magulang 7. Pangarap/Ambisyon

4. Kapatid 8. Pook ng tirahan

Payak na paraan sa pagsulat ng bionote (9lines)

27
New cards

Unang Talata

:Pangalan, araw ng kapanganakan, lugar ng kapanganakan, tirahan, magulang at kapatid.

28
New cards

Ikalawang talata

:katangian, hilig/paborito, mga natuklasan sa sarili

29
New cards

Ikatlo

:Pananaw sa mga bagay-bagay, pangarap/ambisyon, mga dapat gawin upang makamit ito, kataga o pilosopiya sa buhay.

30
New cards

BIONOTE NA PATALATA

  • Unang Talata:

    • Pangalan

    • Araw ng kapanganakan

    • Lugar ng kapanganakan

    • Tirahan

    • Pangalan ng mga magulang

    • Pangalan ng mga kapatid

  • Ikalawang Talata:

    • Mga katangian

    • Mga hilig o paborito

    • Mga natuklasan sa sarili

  • Ikatlong Talata:

    • Pananaw sa mga bagay-bagay

    • Pangarap o ambisyon

    • Mga dapat gawin upang makamit ang mga pangarap

    • Kataga o pilosopiya sa buhay

31
New cards

PANUKALANG PROYEKTO

Isang paraan ng paglalatag ng proposal sa proyektong nais na ipatupad.

May layunin itong maresolba ang mga suliranin.

Dapat pormal at malinaw ang mga impormasyong nakatala.

32
New cards

Proponent ng Proyekto (Project Proponent)

Isulat ang indibidwal o organisasyong naghaharap ng panukalang proyekto, tirahan, telepono o numero ng cellphone, e-mail at lagda.

33
New cards

Pamagat ng Proyekto (Project Title)

Ang pamagat ay dapat na tiyak, maikli at malinaw.

34
New cards

Kategorya ng Proyekto (Category of the Project)

Pananaliksik, pagsasalin, pagpapalimbag, patimpalak, seminar/ kumprehensya, pangaraling aklat at malikhaing pagsulat.

35
New cards

Rasyonal ng Proyekto (Project Rationale)

Isaad ang background, kahalagahanan ng proyekto.

36
New cards

Deskripsyon ng Proyekto (Project Description)

Ipaloob dito ang maikling deskripsiyon ng proyekto, kategorya o uri nito. Dito rin isasaad ang mga layunin (panlahat at tiyak) at tala ng mga gawain.

37
New cards

Mga Benepisyo ng Proyekto (Project Benefits)

Isasaad dito ang mga kapakipakinabang dulot ng proyekto, suno-sino ang , makikinabang.

38
New cards

Gastusin ng Proyekto (Project Costs)

Ilagay dito ang detalyadong badyet na kailangan sa pagsasagawa ng proyekto.

39
New cards

Introduksyon

1.1 Rasyonal na Proyekto

1.2 Layunin ng Proyekto

1.3 Deskripsiyon ng Proyekto

40
New cards

Aktuwal na Implementasyon

2.1 Deskripsiyon ng mga

Gawain, Aktibidades

2.2 Deskripsiyon ng lugar na

Pinagdausan

2.3 Profile ng mga Kalahok

2.4 Profile ng trainors/

facilitators/speakers

2.5 Benepisyaryo: awdyens/

kalahok2.4 Profile ng trainors/

facilitators/speakers

2.5 Benepisyaryo: awdyens/

kalahok

41
New cards

Aktuwal na Implementasyon 2.1

Deskripsiyon ng mga Gawain, Aktibidades

42
New cards

Mga Kalakip

3. 1 Mga larawan na may

deskripsiyon

3. 2 Talaan ng ng mga kalahok

3. 3 Talaan ng mga facilitators at

resume

3. 4 Kinalabasan ng workshop

3.5 Kopya ng programa/ dahong

pang-alaala

3.6 Kopya ng module/panayam

3.7 Kopya ng Talumpati/paper

3. 8 Kopya ng press releases, write

ups, atbp.

43
New cards

Hardbound/Softbound

Ang mga nakatala ay mga pangunahing impormasyon dapat lamanin ng terminal report. Maaari rin isama ang iba pang impormasyong may kaugnayan sa proyekto. Magsumite ng ________ na kopya ng terminal report: may sukat na 8x11.

44
New cards

Introduksyon 1.1

Rasyonal na Proyekto

45
New cards

Introduksyon 1.2

Layunin ng Proyekto

46
New cards

Introduksyon 1.3

Deskripsiyon ng Proyekto

47
New cards

Aktuwal na Implementasyon 2.2

Deskripsiyon ng lugar na Pinagdausan

48
New cards

Aktuwal na Implementasyon 2.3

Profile ng mga Kalahok

49
New cards

Aktuwal na Implementasyon 2.4

Profile ng trainors/ facilitators/speakers

50
New cards

Aktuwal na Implementasyon 2.5

Benepisyaryo: awdyens/ kalahok

51
New cards

Mga Kalakip 3. 1

Mga larawan na may deskripsiyon

52
New cards

Mga Kalakip 3.2

Talaan ng ng mga kalahok

53
New cards

Mga Kalakip 3. 3

Talaan ng mga facilitators at resume

54
New cards

Mga Kalakip 3. 4

Kinalabasan ng workshop

55
New cards

Mga Kalakip 3.5

Kopya ng programa/ dahong pang-alaala

56
New cards

Mga Kalakip 3.6

Kopya ng module/panayam

57
New cards

Mga Kalakip 3.7

Kopya ng Talumpati/paper

58
New cards

Mga Kalakip 3. 8

Kopya ng press releases, write ups, atbp.

59
New cards
  • Pamagat ng proyekto

  • Petsa ng Implementasyon

  • Venue at Pinagkalooban (Grantee)

Isulat sa Pabalat ang mga sumusunod;

60
New cards

POSISYONG PAPEL

  • Isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang isinulat ng may-akda o ng nakatukoy na entidad, gaya ng isang partido pulitikal. Nailathala ang mga posisyong papel sa akademya, sa pulitika, sa batas at iba pang dominyo.

  • Ang balangkas ng isang posisyong papel ay mula sa pinakapayak tulad ng isang liham sa patnugot hanggang sa pinakamagusot tulad ng isang akademikong posisyong papel.

  • Ginagamit din sa malalaking organisasyon upang isapubliko ang kanilang mga opisyal na pananaw at ng kanilang mga mungkahi.

61
New cards

Sa Akademya

Nagbibigay daan ang mga posisyong papel sa akademya upang talakayin ang mga umuusbong na paksa nang walang eksperimentasyon at orihinal na pananaliksik na karaniwang makikita sa isang akademikong pagsulat. Karaniwan, pinagtitibay ng isang dokumento ang mga kuro-kuro o mga posisyong inihirap gamit ang ebidensiya mula sa malawak at obhetibong talakayan ng naturang paksa.

62
New cards

Sa Politika

Pinakakapaki-pakinabang ang mga posisyong papel sa konteksto kung saan mahalagang nakadetalye ang pag-unawa ng pananaw ng isang entidad; sa gayon, karaniwan itong ginagamit sa mga kampanya, organisasyong pampahalaan, sa mundo ng diplomasya, at sa mga pagsisikap baguhin ang mga kuro-kuro (e.g. sa pamamagitan ng pamamahala ng lingkurang bayan) at branding ng mga organisasyon. Mahalaga itong bahagi ng proseso ng Model ng United Nations.

  • Sa pamahalaan, ang posisyong papel ay nasa pagitan ng white paper at green paper kung saan kinakatigan nila ang mga tiyak na opinyon at nagmumungkahi ng mga solusyon ngunit hindi umaabot sa pagdedetalye ng planong kung paano ipapatupad nito.

63
New cards

Sa Batas

Sa pandaigdigang batas, ang terminolohiyang ginagamit para sa isang posisyong papel ay aide-mémoire. Ang aide-mémoire ay isang memorandum na naglalahad ng mga maliliit na punto ng isang iminumungkahing talakayan o di-pinagsasang-ayunan, na ginagamit lalo na sa mga di-diplomatikong komunikasyon.

64
New cards

aide-mémoire

ay isang memorandum na naglalahad ng mga maliliit na punto ng isang iminumungkahing talakayan o di-pinagsasang-ayunan, na ginagamit lalo na sa mga di-diplomatikong komunikasyon.

65
New cards

Agenda

ay dokumento na nagbabanghay ng nilalaman ng darating o magaganap na pagpupulong. Sulating naglalaman ng mga paksang tatalakayin sa isang pagpupulong o kumperensya.

66
New cards
  1. Nakapaloob sa liham o memorandum

  2. Nakalagay sa dulong bahagi bago o pagkatapos ng lagda ng tagapangulo

  3. Nakaayos ng sunud-sunod batay sa paksa.

  4. Ang paksa ay tiyak at isinusulat ng maikli subalit malinaw at detalyado

KATANGIAN NG AGENDA

67
New cards

Pormal

Nangangailangan ng malinaw na agenda. Ang paksa ay dapat ilista nang malinaw at maayos sa itaas na bahagi kasama ang pangalan ng mga tagapanguna ng pagpupulong. Bawat paksa ay limitado ang oras ng pagtalakay at pangalan ng tagaganap. Inilalagay rin ang lugar, petsa at oras ng pagpupulong.

68
New cards

Impormal

Ito ay may flexible na agenda. Ang paksa, tagapanguna ng pagpupulong, petsa, oras at lugar ay karaniwang nakatala subalit ang mga detalye ng pagpupulungang paksa ay di kasing detalyado ng pormal na agenda.

69
New cards

Katitikan ng Pulong

(minutes of the meeting) ay isang pasulat o recorded na dokumento na naglalaman ng mga kaganapan at napagkasunduan sa pagpupulong ayon sa daloy ng binuong agenda. Ito ay karaniwang ginagawa ng isang kalihim o sekretarya ng samahan o organisasyon. Isang legal na dokumento na maaaring pagbatayan sa susunod na pagpupulong upang balikan ang mga napagkasunduan at sa legal na usapin.

70
New cards

PAGPLAPLANO

Sumasagot sa tanong na:

1. Ano ang dapat makuha o matamo pagkatapos ng pagpupulong at

2. Ano ang magiging epekto kapag hindi nagpulong.

  • Pagpaplano para sa organisasyon

  • Pagbibigay-impormasyon

  • Konsultasyon

  • Paglutas ng problema

  • Pagtatasa

71
New cards

PAGHAHANDA

Sa imbitasyon, kailangan ipaalam sa mga dadalo ang petsa, oras, lugar kung saan idadaos ang pulong at ang agenda.

  • Binubuo ng tagapangulo, kalihim at mga kasapi

  • Nagsisimula ang proseso sa pagbubukas ng pulong

  • Pagbasa at pagsang-ayon sa nakaraang pagpupulong

  • Pagtalakay sa ibang paksa

72
New cards

PAGPROPROSESO

Ang pulong ay dapat may "rules, procedure at standing orders" kung paano ito patatakbuhin.

May ilang patakaran ang pulong, ito ay ang sumusunod:

  • QUORUM --> (50%+1) na dumalo

  • CONSENSUS --> Majority Wins 2/3

  • MAJORITY --> 66% ng sumang-ayon o hindi sumang-ayon

73
New cards

QUORUM

--> (50%+1) na dumalo

74
New cards

CONSENSUS

--> Majority Wins 2/3

75
New cards

MAJORITY

--> 66% ng sumang-ayon o hindi sumang-ayon

76
New cards

PAGTATALA (RECORDING)

Ang tala ng pulong ay tinatawag na KATITIKAN (minutes). Ito ang opisyal na record ng mga desisyon at napagkasunduan sa isang pagpupulong.

77
New cards

GAMPANIN SA PULONG

  • Tagapangulo

  • Kalihim

  • Mga Kasapi

78
New cards

Tagapangulo

Tinatawag ding facilitator, meeting leader, o tagapatnubay. Siya ang nagkokontrol sa daloy ng pagpupulong.

79
New cards

Kalihim

Tinatawag ding "minutes taker". Nirerekord niya ang sistematikong daloy ng pagpupulong at ang mga desisyon

80
New cards

Mga Kasapi

Mga aktibong miyembro o kalahok sa pulong. Responsibilidad nilang ipaalala sa tagapangulo kung ano ang kanilang gagawin.

81
New cards

AKADEMIKONG SULATIN

Ito ay isang intelektwal na pagsulat. Makatutulong ito sa pagtaas ng kaalaman sa iba’t ibang larangan. Ito ay isang makabuluhang pagsusulat.

82
New cards

LAKBAY-SANAYSAY

❑ Isa sa mga pinakapopular na

anyo ng sanaysay.

❑ Travel essay, travel literature o

travelogue.

❑ Nagagamit sa larangan ng

turismo.

❑ Karaniwang naglalahad ng

mga bagay na nadiskubre o

natutuhan.

❑ Paglalakbay at ang buhay.

❑ May iba’t ibang uri o pokus

ang mga sanaysay.

❑ Pilgrimage, heritage, shopping,

pop culture, ancestry, creative,

hobby, literary, cultural, whale

watching, culinary, ecotourism,

volunteer, walking tour atbp.

❑ Nangangailangan ng kakayahan

bilang manlalakbay.

❑ Manlalakbay at Turista.

83
New cards

Apat na dahilan sa pagsulat:

1. Itaguyod ang isang lugar at kumita

sa pagsusulat.

2. Makalikha ng patnubay para sa

mga posibleng manlalakbay.

3. Itala ang pansariling kasaysayan sa

paglalakbay tulad ng pag-unlad ng

ispirituwalidad, paghihilom, o kaya’y

pagtuklas sa sarili.

4. Isadokumento ang kasaysayan,

kultura, geography ng lugar sa

malikhaing pamamaraan.

84
New cards

“The travel writer seeks the world we

have lost – the lost valleys of the

imagination.”

Alexandra Cockburm

85
New cards

Nilalaman:

1. Karanasan ng awtor sa

paglalakbay.

2. Pagtuklas ng isang lugar, tao, at

sarili.

3. Isang paraan ng pagkilala sa sarili.

4. Malinaw na pagkaunawa at

perspektibo ukol sa naranasan.

86
New cards

REPLEKTIBONG SANAYSAY

❑Isang sanaysay na hindi lamang upang

matalakay ang natutunan, bagkus

iparating ang pansariling karanasan at

natuklasang resulta sa espesipikong

paksa. Naglalayon din ito na ipabatid

ang mga nakalap na impormasyon at

mailahad ang mga pilosopiya at

karanasan.

❑Isang akademikong sanaysay

❑Natutuklasan ang sariling pag-iisip

tungkol sa isang paksa

❑Hindi kailangan sumangguni

❑Personal at subhetibo

87
New cards

KAHALAGAHAN NG ISANG REPLEKTIBONG SANAYSAY

❑Nagpapahayag ng damdamin

❑Proseso ng pagtuklas

❑Natutukoy ang kalakasan at

kahinaan

❑Nakaisip ng solusyon

❑Huwag limitahan ang mga tanong

at sagot

❑Gamitin bilang pangunahing

ideya ang argumento o ideyang

susuporta o ebidensya o

makakatotohanang pahayag o

kongklusyon bago ibuod.

88
New cards

PICTORIAL ESSAY

  • Isang koleksiyon ng mga

    imahe na inilagay sa isang

    partikular na

    pagkakasunod-sunod

    upang ipahayag ang mga

    pangyayari, damdamin at

    mga konsepto sa

    pinakapayak na paraan.

  • Ang mga litrato ang bumubuo ng

    naratibo o kuwento sa pictorial

    essay. Madalas makita ang mga

    pictorial essay sa mga eksibit at

    diyaryo. Nakatutulong sa pagbuo

    ng pictorial essay ang mga kapsyon

    ng bawat larawan. Pinapagana

    ang imahinasyon ng mambabasa

    ng teksto at larawan upang

    maunawaan ang mensahe, layunin

    at naratibo ng kumuha ng mga

    litrato.

89
New cards

PARAAN NG PAGSULAT

1. Siguraduhing pamilyar sa

paksa.

2. Kilalanin kung sino ang

mambabasa.

3. Malinaw ang layunin.

4. May kaisahan ang mga

larawan.

90
New cards

MGA DAPAT TANDAAN

Maghanap ng isang paksa ayon

sa interes.

Magsagawa ng pananaliksik

bago isagawa ang pictorial essay.

Hanapin ang “tunay na kwento”.

Ang mga pangunahing dahilan ng

bawat larawan ay nararapat na

lumikha ng isang kapani-paniwala

at natatanging kuwento.

Ang kuwento ay binuo upang

gisingin ang damdamin ng

mambabasa. Pinakamahusay na

paraan upang ikonekta ang iyong

larawan sa madla ay ang mga

damdaming nakapaloob sa

kuwento at gamitin ito sa mga

larawan.

Pagpasyahan ang mga

kukunang larawan. Magsimula sa

paglikha ng isang listahan ng mga

kuha para sa kuwento. Ang bawat

“shot” ay tulad ng isang

pangungusap sa isang kuwento sa

isang talata.

Maari itong magsimula sa 10

shots, ang bawat shot ay dapat

bigyang-diin ang iba’t ibang

konsepto o emosyong maaaring

pinagtagpo kasama ng iba pang

mga larawan.

91
New cards

TALUMPATI

  • Isang paraan ng

    paghahatid ng impormasyon

    at binibigkas sa harap ng

    mga tagapakinig. Itinuturing

    itong isang sining. May

    layunin itong manghikayat,

    tumugon, mangatwiran o

    maglahad ng isang

    paniniwala.

92
New cards

Impromtu

– isa itong

biglaang talumpati na

binibigkas nang walang

ganap na paghahanda.

Ang paksa ay ibinibigay

na mismo sa oras ng

pagtatalumpati.

Mga paraang maaring gawing

gabay:

Maglaan ng oras sa

paghahanda

Magkaroon ng tiwala sa sarili

Magsalita nang medyo

mabagal

Magpokus

93
New cards

Ekstemporaryo

– ang

tagapagsalita ay may

nakalaang panahon

upang ihanda ang sarili

sa pagtalakay ng isang

paksa.

94
New cards

May Paghahanda o Prepared

– naihanda na

ang teksto at maaring

naisaulo na ng

tagapagsalita. May

paglalapat na ng mga

angkop na kilos at

kumpas.

95
New cards

Tinig

– ang tinig ay nakatutulong sa

pag-unawa sa nilalaman ng talumpati.

Kailangang ibagay ang tinig sa

nilalaman ng pananalita. Isaalang –

alang sa bahaging ito ang tulin o bilis ng

pananalita, pagbibigay-diin sa

mahahalagang salita o mensahe na

kailangang maunawaan ng mga

tagapakinig, tono ng tagapakinig,

pagtaas at pagbaba ng tinig ay

madaling makaakit sa madla.

96
New cards

Tindig

  • sikaping maging

    magaan ang katawaan at

    nakarelaks. Tumindig nang

    maayos at iwasan ang tindig

    militar na parang naninigas ang

    katawan. Mahalaga na

    magmukhang kapita-pitagan

    upang makuha agad ang

    atensyon ng mga tagapakinig.

97
New cards

Galaw

– tumutukoy ito sa

anumang pagkilos na ginagawa

ng tao na may kaugnayan sa

pagsasalita o pagpapahayag ng

kaisipan. Nasasaklaw ng galaw

ang mata, ekspresyon ng mukha,

tindig, galaw ng ulo at katawan.

Ang mga nabanggit ay

nakatutulong sa paghahatid ng

mensahe.

98
New cards

Kumpas ng kamay

–nakatutulong ang kumpas ng kamay sa

pagbibigay-diin sa mga sinasabi.

Nakatutulong din ito sa pagpapatuloy ng

diwa imbes na “umm, saka, bale” ang

lumalabas sa tuwing may kailangang

alalahanin sa pananalita. Mahalaga ring

iayon ang kumpas ng kamay sa

binibigkas na salita. Hindi dapat

makaagaw ng pansin ang sobrang

pagkumpas ng kamay habang

nagsasalita.

99
New cards

Kaalaman sa Paksa

–masasalamin ang sapat na kaalaman sa

paksa ng tagapagsalita sa paraan ng

pagtalakay na ginagawa niya. Makikita ang

kanyang kahusayan sa paraan ng

pagpapaliwanag, pagbibigay ng

interpretasyon, paglalapat, paghahambing,

pag-uulit ng padron at ang pagbibigay ng

problema at solusyon. Madali ring matuklasan

kung kulang sa kaalaman ang tagapagsalita

dahil nararamdaman ito sa kanyang tinig at

kilos.

100
New cards

Kahusayan sa Pagsasalita

–madaling makaganyak ng

tagapakinig ang isang mahusay na

tagapagsalita. Ibinabagay ng isang

tagapagsalta ang kanyang tinig sa

nilalaman ng talumpati. Makikita rin

dito ang kasanayan sa wika gaya ng

paggamit ng angkop na salita,

wastong gramatika at wastong

pagbigkas ng mga salita.

Explore top flashcards

La Siesta del Martes
Updated 774d ago
flashcards Flashcards (55)
TP Égypto
Updated 641d ago
flashcards Flashcards (75)
MCB Ch. 9
Updated 984d ago
flashcards Flashcards (32)
Tener expressions
Updated 343d ago
flashcards Flashcards (21)
APES Unit 2 Test
Updated 643d ago
flashcards Flashcards (37)
La Siesta del Martes
Updated 774d ago
flashcards Flashcards (55)
TP Égypto
Updated 641d ago
flashcards Flashcards (75)
MCB Ch. 9
Updated 984d ago
flashcards Flashcards (32)
Tener expressions
Updated 343d ago
flashcards Flashcards (21)
APES Unit 2 Test
Updated 643d ago
flashcards Flashcards (37)