1/35
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai |
|---|
No study sessions yet.
Pagbasa
isang interaksyon ng mambabasa at ng nakalimbag na wika, kung saan ang mambabasa ay nagtatangkang bumuo muli ng mensahe mula sa kanyang pagkaunawa sa mensahe ng manunulat
Pagbasa, Pagsulat, Pakikinig, Pagsasalita, Panonood
Limang Makrong Kasanayang Nililinang sa Pag-aral ng Filipino
William Gray
Ama ng Pagbasa
Manuel L. Quezon
Ama ng Wikang Filipino
Persepsyon
pagkilala sa mga salita o simbolong nakalimbag/ pagkilala sa mga letra at tunog ng bawat salita
Komprehensyon
pagkaunawa sa konteksto ng binasang akda
Reaksyon
pagtugon sa mga katanungang iniiwan ng teksto; pagbibigay ng sariling opinyon tunkol sa argumentong matatagpuan
Asimilasyon/Integrasyon
pag-uugnay ng mga pangyayari sa personal na buhay at pagsusuru kung ito ay naayon o hindi
Top-Down
nagsisimula sa utak patungo sa teksto
paggamit ng karanasa sa pagtanggap ng bagong impromasyon
Bottom-Up
nagsisimula sa teksto patungo sa utak
pagkilala sa mga serye ng mga simbolo upang maibigay ang tunog
Interaktib
nagsasaad na ang dalawang teorya ay hindi puwedeng paghiwalayin sapagkat mas makatutulong sa mambabasa ang kombinasyon ng iskema at pagkilala sa tekto upang mas mabilis ang pag-unawa.
Primarya/Batayang Antas
tauhan, katangian, setting, pangyayari sa teksto
wika ang pokus sa antas na ito
Inspeksyonal/Mapangsiyasat
mabilis ngunit makabuluhang rebyu
panlabas lamang na bahagi ng teksto ang binabasa
Mapanuri/Analitikal
katumpakan, kaangkupan, katotohanan o opinyon
hangad ditong intindihing mabuti ang ipinapakahulugan sa pamamagitan ng malinaw na pagbibigay ng interpretasyon
Sintopikal
sistematikong pagbasa
kadalasang isinasagawa sa pananaliksik
Metakognitiv na Pagbasa
proseso kung saan natutukoy at nasusubaybayan ng mambabasa kung naiintindihan nila o hindi ang kanilang binasa at alam din nila kung ano ang kanilang gagawin kung hindi nila ito naintindihan
Kognisyon
likas at natural na proseso ng utak sa pag-iimbak at pagproseso ng mga impormasyon
Metakognisyon
binibigyang pagpapakahulugan sa Ingles na “Thinking about Thinking”. Ito ay tumutukoy sa indibidwalisadong paraan sa higit na epektibong pagproseso ng impormasyon.
Tekstong Deskriptibo
uri ng tekstong nagbibigay nang malinaw na pagkakakilanlan sa paksa sa pamamagitan ng paggamit ng mga pang-uri; naglalarawan ng isang bagay, tao, lugar, sitwasyon, at iba pa.
Karaniwang Deskripsyon/Paglalarawan
gumagamit ng mga simple at palasak na mga pang-uri, kalimitan itong tumutukoy sa katangiang pisikal ng inilalarawan
lantad ang kahulugan at madaling maunawaan
Masining na Deskripsyon/Paglalarawan
gumagamit ng mga matatalinhagang paglalarawan partikular ang paggamit ng tayutay at idyoma
tago ang kahulugan at nangangailangan ng malalimang pag-unawa upang maunawaan
Kaalaman sa Paksa
tao, bagay, pook, pangyayari, damdamin
Maayos na Daloy ng Ideya
nararapat na ilarawan muna ang pangunahing katangian bago banggitin ang mga espisipiko o karagdagang detalye
Pagbanggit sa Kakaibang Katangian
naipapakita sa pamamaraang ito ang pinakamalalim na pagkilala o pagkakaalam ng manunulat tunkol sa paksa
bunga ng lubusang pagsisiyasat, pagmamasid, at pagsusuri
Paggamit ng Tayutay
upang hindi maging mukhang lantaran ang pagpapahayag
nakadaragdag ito sa pagkawili sa mga mambabasa dahil nagtataglay ito ng mga talinhaga
Tekstong Prosidyural
uri ng tekstong nagbibigay ng tiyak na impormasyong lohikal ang daloy
pagbibigay ng malinaw, organisado at sunod-sunod na hakbang upang maisagawa nang tama ang isang gawain, proyekto, pagluluto, o anumang proseso
Direksyunal na Tekstong Prosidyural
naglalahad ng hakbang sa pagbuo ng isang awtput (hal. Pagluluto)
Impormasyunal na Tekstong Prosidyural
naglalahad ng pagkakasunod-sunod ng impormasyon (hal. proseso ng pagkabuo ng bagyo)
Pamagat
tumutukoy sa prosesong isasagawa
Layunin o Resulta
ano ang magiging awtput matapos sundin ang mga hakbang
Kagamitan o Sangkap
ang mga kailangan upang maisagawa ang proseso
Pamamaraan o Hakbang
sunod-sunod na instruksyon
Tekstong Naratibo
uri ng tekstong nagsasalaysay ng isang tiyak na pangyayari, maaring batay sa direktanh karanasan, napanood, nabalitaan o nabasa
ang paggamit ng mga element katulad ng uri ng tauhan (Protagonista-Bida, Antagonista-Kontrabida at katuwang na karakter), Tagpuan, Banghay, Pamagat atbp. ay mahalagang sangkap
Piksyon
bunga ng imahinasyon ng manunulat, malikhain
Di-Piksyon
nakaugat sa realidad ng buhay
Tekstong Impormatibo
uri ng tekstong teknikal, maproseso at matrabaho dahil sa pagiging sensitibo sa pagpili ng mga impormasyong ilalaman sa teksto
Tesktong Makapangyarihan: maaring bumuhay o pumatay dahil binibigyang diin ang katiyakan sa kredebilidad ng datos na maaaring magdulot ng kapahamakan sa mambabasa kung maling impormasyon ang maibibigay