1/11
Mga flashcard ng mga pangunahing konsepto at terminolohiya mula sa Araling Panlipunan 9, nakatuon sa Pambansang Kaunlaran at Sektor ng Agrikultura.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Pambansang Kaunlaran
Ang kakayahan ng bansa na pagbutihin ang panlipunang kapakanan ng mga mamamayan tulad ng edukasyon, kalusugan, impraestruktura, at ibang serbisyong panlipunan.
FIDEL V. RAMOS
Pangulo na naglunsad ng Medium Term Philippine Development Plan (MTPDP) o Pilipinas 2000.
Benigno Aquino III
Pangulo na nagpatupad ng Inclusive Growth at Conditional Cash Transfer o 4Ps.
Agrikultura
Agham at sining na may kinalaman sa pagpapabuti ng mga halaman at pag-aalaga ng mga hayop.
Paghahalaman
Gawaing may kaugnayan sa pagtatanim at pagpaparami ng halaman.
Paghahayupan
Pag-aalaga ng mga hayop gaya ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok at pato.
Pangingisda
Pagkuha ng mga yaman sa anyong tubig tulad ng isda, hipon, alimasag.
Paggugubat
Pamamahala at pangangalaga sa kagubatan at yamang matatagpuan dito.
Mababang Presyo
Suliranin sa agrikultura kung saan ang mga ani ay mabibili sa murang halaga.
Kakulangan ng Sapat na Impraestraktura
Dahil sa kakulangan sa impraestruktura, maraming produktong agrikultura ang hindi napakikinabangan.
Globalisasyon
Mabilis na paglago ng ugnayan ng mga bansa na nagbubunga ng malayang pagdaloy ng panlabas na puhunan.
Liberalisaasyon
Mabilis na paglago ng kalakalang panlabas at pamumuhunan.