YUNIT 1

studied byStudied by 19 people
0.0(0)
Get a hint
Hint

YUNIT I

1 / 178

flashcard set

Earn XP

Description and Tags

179 Terms

1

YUNIT I

New cards
2

ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MATAAS

New cards
3

NA ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA

New cards
4
New cards
5
New cards
6

Maikling Kasaysayan ng Adbokasiya ng Tanggol Wika

New cards
7
New cards
8

Panimula

New cards
9

Makasaysayan ang taong 2014 sapagkat sa taong ito isinilang ang Tanggol Wika. Ang Tanggol Wika ay nabuo sa pamamagitan ng isang konsultatibong forum noong 21 Hunyo 2014 sa Dela Salle University, Manila. Halos 500 delegado mula sa 40 paaralan, kolehiyo, unibersidad, organisasyong pangwika at pangkultura ang lumahok sa nasabing forum. Kasama sa mga tagappagsalita sa forum na iyon si Dr. Bienvenido Lumbera – Pambansang Alagad ng Sining. Ang forum na iyon ay kulminasyon ng mga nauna pang kolektibong inisyatiba mula pa noong 2012. Ang nasabing inisyatiba ay epekto ng pagtatangka ng CHED na alisin ang asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo para diumano’y mabawasan at mas mapagaan ang kurikulum sa kolehiyo. Malaki at makabuluhan ang papel ng Tanggol Wika sa pagtataguyod ng asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo, bagay na lubhang mahalaga sa pagtataguyod ng wikang Pambansa sa mas mataas na antas ng edukasyon.

New cards
10
New cards
11

Mga Layunin

New cards
12
  1. Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng Wikang Pambansa, pagpapatibay ng kolektibong identidad, at pambansang kaunlaran;

New cards
13
  1. Magamit ang Wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino; at

New cards
14
  1. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at analisis na akma sa iba’t ibang konteksto.

New cards
15

Lunsaran

New cards
16

Ang sumusunod na lunsaran ay makatutulong sa mas malalim na pagtatalakay ng paksa.

New cards
17

• https://www.youtube.com/watch?v=K3O0U7IXdNM – Sulong Wikang Filipino, Edukasyong Pilipino, Para Kanino?

New cards
18

• https://www.youtube.com/watch?v=sLJsYViUzGQ – Panayam kay Dr. Lumbera ukol sa CMO No. 20 s. 2013

New cards
19
New cards
20

Nilalaman

New cards
21

Noong 2011 pa ay kumalat na ang plano ng gobyerno kaugnay ng pagbabawas ng mga asignatura sa kolehiyo, bagama’t wala pang inilalabas na opisyal na dokumento sa panahong iyon. Lagpas isang taon naman bago ang asembliya ng pagtatatag ng Tanggol Wika, noong Oktubre 3, 2012 ay sinimulan ng mga instruktor ng Filipino sa kolehiyo ang pagpapalaganap ng isang petisyon na humihiling sa CHED at sa Department of Education (DepEd) na ipahinto ang implementasyon ng senior high school/junior college at ng Revised General Education Curriculum (RGEC) sa ilalim ng Kto12 na maaaring makapagpaliit o tuluyang lumusaw sa mga Departamento ng Filipino sa mga unibersidad. Ang batayan ng gayong pangamba sa posibleng pagpapaliit o paglusaw sa mga Departamento ng Filipino sa mga unibersidad ay ang kawalan ng asignaturang Filipino sa bagong RGEC para sa antas tersyarya na nasa presentasyon ni DepEd Assistant Secretary Tonisito M. C. Umali, Esq. na may petsang Agosto 29, 2012.

New cards
22
New cards
23

Sa paglaganap ng usap-usapan na tatanggalin na sa bagong kurikulum ng kolehiyo ang Filipino at Panitikan at iba pang asignatura sa kolehiyo, binanggit ng ilang administrador sa ibang unibersidad ang posibilidad na lusawin o kaya’y pagsamahin sa ibang departamento ang Departamento ng Filipino. Bilang tugon sa mga gayong plano, inilabas noong Disyembre 7, 2012 ng Departamento ng Filipino ng DLSU ang “Posisyong Papel para sa Bagong CHED Curriculum” na may pamagat na “Isulong ang Ating Wikang Pambansang Filipino, Itaguyod ang Konstitusyunal na Karapatan ng Filipino. Ituro sa Kolehiyo ang Filipino bilang Larangan at Asignaturang may Mataas na Antas.” Ang may-akda ng papel ay si Prop. Ramilito Correa, ang noo’y pangalawang tagapangulo ng Departamento ng Filipino sa DSLU.

New cards
24
New cards
25

Noon pa man ay binibigyang-diin na ng mga maka-Kto12 na babawasan ang mga asignatura sa kolehiyo at ililipat ang mga ito sa Senior High School. Gayunpaman, tila pangunahing target ng mga maka-Kto12 ang Filipino sapagkat isang asignaturang Filipino (Retorika) lamang ang nakatala sa listahan ng mga asignatura sa Senior High School na nasa “Kto12 TOOLKIT: Reference Guide for Teacher Educators, Administrators, and Teachers (2012)” na inilabas ng SEAMEO-INNOTECH at may imprimatur ng DepEd gaya ng pinatutunayan ng panimulang mensahe roon ng noo’y kalihim ng DepEd na si Bro. Armin Luistro, FSC. Sa nasabi ring dokumento ay optional lamang ang asignaturang Filipino for Specific Purposes, habang bukod sa asignaturang English na Oral Communication ay mayroon pang required na Philippine Literature at World Literature, bukod pa sa optional na English for Specific Purposes.

New cards
26
New cards
27

Noong 28 Hunyo 2013 lamang inilabas ng CHED ang CMO No. 20, Series of 2013 na nagtakda ng core courses sa bagong kurikulum sa antas tersyarya sa ilalim ng Kto12: “Understanding the Self; Readings in Philippine History; The Contemporary World; Mathematics in the Modern World; Purposive Communication; Art Appreciation; Science, Technology, and Society; at Ethics.” Ang dating balita ay kumpirmado na: walang Filipino sa planong kurikulum ng CHED sa ilalim ng Kto12, kumpara sa anim hanggang siyam na yunit ng asignaturang Filipino, alinsunod sa CMO No. 4, Series of 1997, bukod pa sa dati-rati’y tatlo hanggang anim na yunit ng Panitikan. Sa Seksyon 3 ng CMO No. 20, Series of 2013 ay naging opsiyonal na lamang din ang Filipino bilang midyum sa pagtuturo, mula sa dating pagiging mandatoring wikang panturo nito sa ilalim ng CMO No. 59, Series of 1996. Bandang 2014 na nang magkaroon ng kopya ng CMO No. 20, Series of 2013 ang marami-raming propesor ng Filipino at Panitikan.

New cards
28
New cards
29

Sa udyok nina Dr. Fanny Garcia at Dr. Maria Lucille Roxas, mga batikan at premyadong manunulat na kapuwa faculty member ng Dela Salle (kapuwa mula sa DLSU) ay gumawa ang may-akda ng panibagong liham-petisyon na naka-address sa CHED at may petsang 3 Marso 2014. Kinausap naman nina Prop. Jonathan Geronimo at Prop. Crizel Sicat-De Laza ng University of Santo Tomas (UST) ang mga kaibigan at kakilalang guro mula sa iba’t ibang unibersidad gaya ng UST, University of the Philippines-Diliman (UPD) at University of the Philippines-Manila (UPM), Ateneo de Manila University (ADMU), Philippine Normal University (PNU), ang noo’y San Beda College-Manila (SBC-Manila na ngayo’y San Beda University), Polytechnic University of the Philippines-Manila (PUP-Manila), National Teachers College (NTC), Mirriam College (MC), at mga samahang pangwika gaya ng Pambansang Samahan sa Lingguwistika at Literaturang Filipino (PSLLF), Pambansang Asosasyon ng mga Tagapagtaguyod ng Salin (PATAS), at Sanggunian sa Filipino (SANGFIL). Humigit-kumulang 200 pirma ang agad na natipon. Dinala sa CHED ang nasabing liham-petisyon. Hindi inaksyunan tinugunan ng CHED ang nasabing petisyon, bagama’t sa mga diyalogo magaganap malaon ay binanggit nila na pinag-usapan nila sa mga internal na miting ng CHED ang nasabing liham-petisyon.

New cards
30
New cards
31

Noong 2 Hunyo, sa inisyatiba ni Dr. Antonio Contreras ng DLSU ay nakipagdiyalogo ang Tanggol Wika sa dalawang komisyoner ng CHED na personal nilang kilala. Kalahok sa diyalogo kina CHED Commissioner Alex Brillantes at Commissioner Cynthia Bautista ang mga propesor ng DLSU, ADMU, UPD, UST, MC, at Marinduque State University. Napagkasunduan sa diyalogo na muling sumulat sa CHED ang mga guro upang pormal na i-reconvene ang Technical Panel/Technical Working Group sa Filipino at ang General Education Committee, kasama ang mga kinatawan ng mga unibersidad na naggigiit ng asignaturang Filipino sa antas tersyarya. Agad namang ipinadala ang gayong liham sa CHED noong 16 Hunyo 2014. Bilang paghahanda sa pulong sa CHED na kanilang hiniling, bilang tugon sa CMO No. 20, Series of 2013, at simbolo ng kolektibong paglaban dito ng mga gurong apektado nito, ang Tanggol Wika ay nabuo noong 21 Hunyo 2014. Samakatwid, pagsasalubong ng iba’t ibang inisyatiba ang naging daan sa pagbubuo ng Tanggol Wika. Si Dr. Rowell Madula, vice-chair noon ng Departamento ng Filipino sa DLSU at pangulo ng Alliance of Concerned Teachers (ACT)-Private Schools ang nakaisip ng pangalan ng alyansa. Malaki ang papel na ginampanan ng ACT sa mabilis na pagpapalawak ng Tanggol Wika sa akademya at lagpas pa. Mula noong maitatag ang Tanggol Wika, naglabas na rin ng kani-kaniyang posisyong papel laban sa CMO No. 20, Series of 2013 ang mga Departamento ng Filipino at/o Panitikan sa iba’t ibang unibersidad gaya ng UPD, PUP, PNU, ADMU, NTC, Mindanao State University-Iligan Institute of Technology (MSU-IIT), Xavier University (XU), at marami pang iba.

New cards
32
New cards
33

Noong 4 Hulyo 2014 ay nagpatawag ng konsultasyon ang CHED dahil sa demand ng Tanggol Wika. Simula lamang iyon ng napakarami pang pakikipagtunggali ng Tanggol Wika sa diyalogo sa mga opisyal ng CHED na noo’y hindi pa kumbinsido sa pangangailangang mapanatili ang Filipino at Panitikan sa kolehiyo.

New cards
34
New cards
35

Nakatulong nang malaki sa mabilis na pagsulong at popularisasyon ng pakikibaka ng Tanggol Wika ang maagap na media reports hinggil sa isyung ito, gaya ng ulat ni Mark Angeles (2014) at Amanda Fernandez (2014) para sa GMA News Online, ni Steve Dailisan (2014) para sa State of the Nation, ni Jee Geronimo (2014) sa Rappler.com, at ni Anne Marxze Umil (2017) para sa bulatlat.com. na sinundan pa ng mas maraming ulat mula sa iba pang media outfit. Malaking tulong din ang mga dokumentaryong inilabas ng mga guro mula sa UPD gaya ng “Sulong Wikang Filipino” (panayam kay Dr. Bienvenido Lumbera) at “Sulong Wikang Filipino: Edukasyong Filipino Para Kanino?” na kapuwa inupload sa YouTube noong Agosto 2014, gayundin ang “Sa Madaling Salita: Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa” na inilabas noong Setyembre 2016.

New cards
36
New cards
37

Mula 2014 hanggang sa kasalukuyan, sunod-sunod na ang mga forum at asembliya, diyalogo, at kilos-protesta ng Tanggol Wika sa buong bansa para ipaliwanag at ipalaganap ang mga adbokasiya nito, ngunit nagbingi-bingihan lamang ang CHED. Noong 15 Abril 2015 ay nagsampa ng kaso sa Korte Suprema ang Tanggol Wika sa pangunguna ni Dr. Bienvenido Lumbera, ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio, Anakpawis Rep. Fernando Hicap, Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon at mahigit 100 propesor mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad. Inihanda nina Atty. Maneeka Sarzan (Abogado ng ACT Teachers Partylist), Atty. Gregorio Fabros (Abogado ng ACT) at Dr. David Michael San Juan ang nasabing petisyon. Ang 45-pahinang petisyon ay nakasulat sa Filipino (ang kauna-unahang buong petisyon sa wikang pambansa) at opisyal na nakatala bilang G. R. No. 217451 (Dr.Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining, et al. vs. Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, at Punong Komisyoner ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon/ Commissioner on Higher Education (CHED) Dr. Patricia Licuanan). Nakapokus ang nasabing petisyon sa paglabag ng CMO No 20 Series of 2013 sa mga probisyon sa Konstitusyon gaya ng Artikulo XIV, Seksyon 6; Artikulo XIV, Seksyon 14,15, at 18; Artikulo XIV, Seksyon 3; Artikulo II, Seksyon 17; Artikulo XIV, Seksyon 2 at 3; Artikulo II Seksyon 18; at Artikulo XIII, Seksyon 3 ng Konstitusyong 1987; at sa mga batas gaya ng Batas Republika 7104 o “Commission on the Filipino Language Act” (An Act Creating the Commision on the Filipino Language, Prescribing Its Powers, Duties and Functions and For Other Purposes); Batas Pambansa Bilang 232 o “Education Act of 1982;” at Batas Republika Bilang 7356 o “An Act Creating the National Commission for Culture and the Arts, Establishing National Endowment Fund for Culture and the Arts, and for Other Purposes”.

New cards
38
New cards
39

Halos isang linggo pagkatapos ng pagsasampa ng kasong ito ay kinatigan ng Korte Suprema ang Tanggol Wika sa pamamagitan ng paglalabas ng temporary restraining order (TRO) na may petsang 21 Abril 2015. Kinatigan at ibinuod ng Korte Suprema ang mga argumento ng Tanggol Wika sa pamamagitan ng talatang ito:

New cards
40
New cards
41

They contend that the Constitution expressly states that Filipino is the national language of the Philippines. The state must lead and sustain its usage as the medium of official communication and as the language of instruction in the educational system. This holds true without distinction as to education level. Hence, “Filipino” as our language deserves a place and honor and usage in the educational system, from pre-school to higher education. For petitioners, rendering the usage of the Filipino language as a medium of instruction in schools as merely discretionary is a direct violation of the constitutional protection afforded to “Filipino.” In the same vein, the deletion of “Panitikan” (literature) and “Philippine Governance and Constitution” as subjects in CMO No. 20 reflects its non-compliance with the State policies to preserve not only the teaching of literature as a part of cultural heritage but to the very constitutional mandate to instill nationalism and patriotism in all levels of education. Worse, the deletion of the said subjects in the new curriculum would cause unemployment for more or less 78, 000 teachers and employees in the educational system. To date, the CHED has offered neither a plan nor a mechanism to cushion the blow of sudden unemployment in the education sector. Finally, CMO No. 20 likewise violates several statutory acts namely: Republic Act No. 7104 (Commission on the Filipino Language Act; Batas Pambansa Bilang 232 (Education Act of 1982); and Republic Act No. 7356 (An Act Creating the National Commission on Culture and the Art). The said TRO take effect immediately and will continue until further orders.

New cards
42
New cards
43

Sa press release ng Tanggol Wika kaugnay ng tagumpay na ito ay hinikayat nito na tuloy-tuloy na suriin ang “other aspects of the Kto12 program and help align current educational reforms to the country’s needs and the Filipino people’s welfare, so as to further contribute to the country’s historical anti-neocolonial and anti-imperialist struggle in the arena of culture and education.” Kaugnay nito, tumulong ang Tangol Wika sa pagbubuo ng kapatid na organisasyong Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan) na naglalayon namang itaguyod ang panunumbalik ng asignaturang Philippine History sa hayskul (sa ilalim ng Kto12 ay wala ng required na Philippine History subject) noong 23 Setyembre 2016 sa isang forum sa PUP at ang mas malawakang pormasyon ng Kilos na Para sa Makabayang Edukasyon (KMEd) na itinatag naman noong 25 Agosto 2017 sa PUP din. Masasabing PUP ang pinakamalakas at pinakamaaasahang balwarte ng Tanggol Wika, lalo na sa pagsasagawa ng mga malakihang asembliya at kilos-protesta, dahil na rin sa sigasig ng Departamento ng Filipinohiya ng PUP na pinamumunuan ni Prop. Marvin Lai. Mahalaga rin ang papel ng Departamento ng Filipino ng DLSU sa pamumuno ni Dr. Ernesto Carandang II, sa pagbibigay ng malalaki at libreng venue para sa mga asembliya at forum ng Tanggol Wika. Samantala, ang House Bill 223 ang dokumentong inihain sa Konggreso upang maibalik ang Filipino at Panitikan bilang mga mandatoring asignatura sa kolehiyo. Masasabing naging matagumpay sa pangkalahatan ang adbokasiya ng Tanggol Wika dahil ngayon ay may Filipino at Panitikan pa rin sa kolehiyo, alinsunod na rin sa CMO No. 4, Series of 2018. Mainam na balikan ang nilalaman ng iba’t ibang posisyong papel na makawikang Filipino upang patuloy na maipalaganap ang kahalagahan ng wikang Filipino sa iba’t ibang antas ng edukasyon.

New cards
44
New cards
45
New cards
46

Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa Kolehiyo

New cards
47
New cards
48

Panimula

New cards
49

Umani ng samo’t saring reaksyon ang pagbabago sa sistemang pang-edukasyon ng bansa lalo’t higit sa usapin ng noo’y pagtatangka na tanggalin ang mga asignatura sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Iba’t ibang institusyon at mga makawikang organisasyong ang nagpahayag ng kani-kanilang tindig at nagpaabot ng kanilang pagtutol sa mga hakbangin na ito. Ang mga inisiyatibang ito ang nagbunsod sa pagtatatag ng Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Tanggol Wika), isang alyansang binubuo ng mga dalubwika, guro, mga mag-aaral, at iba pang nagmamahal sa wika upang isulong ang patuloy na pagyabong ng wika. Ilang promenenteng paaralan din ang nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa layunin ng grupo sa pamamagitan ng posisyong papel. Ang ilan sa mga posisyong papel na nagpapahayag ng pangangailangan ng pagbabalik ng mga naturang asignatura sa kurikulum ng kolehiyo ay matatalakay sa bahaging ito ng Yunit 1.

New cards
50
New cards
51

Layunin

New cards
52

Matapos ng pagtatalakay ng paksang ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

New cards
53
  1. makilala mga makawikang organisasyon at institusyong nakipaglaban para maibalik ang mga asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo;

New cards
54
  1. mapalalim ang pag-unawa sa malaking gampanin ng Filipino at Panitikan sa buhay at pag-unlad ng mga Pilipino; at

New cards
55
  1. makapagpahayag ng sariling tindig hinggil sa muling pagsasama sa Filipino at Panitikan sa kurikulum ng kolehiyo gamit ang modernong midya.

New cards
56
New cards
57

Lunsaran

New cards
58

Ang sumusunod na lunsaran ay makatutulong sa mas malalim na pagtatalakay ng paksa.

New cards
59

• https://www.youtube.com/watch?v=EYiNkGBB8Q8 – Pagtanggal ng Filipino at Panitikan sa Kolehiyo – Bandila

New cards
60

• https://www.youtube.com/watch?v=NyAxzxUemgQ&t=2s&ab_channel=GMAIntegratedNews – Pagtanggal ng Filipino at Panitikan sa Kolehiyo – GMA Integrated News

New cards
61
New cards
62

Nilalaman

New cards
63

Bahagi na ng kasaysayan ng Pilipinas ang pagbabagong bihis ng sistema ng edukasyon ng Pilipinas. Ito ay nakaangkla sa ideya ng international standards, labor mobility, at ASEAN integration. Batid ng mga nagpanukala ng nasabing pagbabago ang kahingian na sumabay sa tinatawag na international standards dahil ang Pilipinas ay kabilang sa iilan na lamang sa mga bansa na may sampung taon lamang na basic education at ang karagdagang dalawang taon ay magbubukas ng pinto sa mas maraming oportunidad para sa mga mag-aaral. Ang ideya ng labor mobility ay alinsunod sa pagtatangkang mas mapabilis ang pagkakaroon ng trabaho ng mga mag-aaral na magtatapos sa ilalim ng ngayon ay umiiral na sistema ng edukasyong K to 12. Dahilan nito ay mas magiging handa ang mga mag-aaral na harapin ang pagiging kabahagi ng lakas paggawa ng bansa. Ang mga magtatapos ng grade 12 ay maaaring pumili sa pagitan ng pagtrabaho o pagpapatuloy sa kolehiyo matapos ang labindalawang taon sa basic education. Ang ASEAN integration naman ay kabahagi upang maging tugma ang kalakaran ng mga kasaping bansa ng organisasyon. Ito ay para sa lalong matibay na ugnayan at pagtutulungan sa pagitan ng mga miyembro.

New cards
64
New cards
65

Bagaman maraming positibong implikasyon ang K to 12, mayroon din itong mga naging hamon. Tulad na lamang ng tangkang pag-aalis sa mga asignaturang may kaugnayan sa Panitikan at Filipino. Taong 2011 pa lamang nang magsimula ang usap-usapan ukol dito. Dahil sa ilan nga sa pokus nito ay mas mapadulas ang pagkakaroon ng trabaho dito at higit sa ibang bansa at ang pagsunod sa yapak ng mga mauunlad na bansa, nabigyang-diin ang pagpapaunlad ng kasanayan sa paggamit ng wikang Ingles sa K to 12. Ito ay tumataliwas sa mga nauna nang mga hakbangin para sa pagpapayabong ng wikang pambansa, ang Filipino. Mula rito ay umusbong na ang mga damdaming handang ipahayag ang kanilang pagtutol ang pasasawalang-bahala sa Filipino.

New cards
66
New cards
67

Ayon sa nakalahad na kasaysayan sa kanilang websayt, ang Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino o Tanggol Wika ang alyansang nangunguna sa pakikibaka laban sa pagpaslang ng Commission on Higher Education (CHED) sa Filipino, Panitikan at Philippine Government and Constitution subjects sa kolehiyo at kapatid na organisasyon ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan) na grupong nagtataguyod naman ng pagkakaroon ng required at bukod na asignaturang Philippine History/Kasaysayan ng Pilipinas sa hayskul. Nabuo ang Tanggol Wika sa isang konsultatibong forum noong Hunyo 21, 2014 sa De La Salle University-Manila (DLSU). Halos 500 delegado mula sa 40 paaralan, kolehiyo, unibersidad, organisasyong pangwika at pangkultura ang lumahok sa nasabing konsultatibong forum. Kasama sa mga tagapagsalita sa forum na iyon si Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining. Ang forum na iyon ay kulminasyon ng mga nauna ng kolektibong inisyatiba mula pa noong 2012. Noong 2015, pinangunahan ng Tanggol Wika ang pagsasampa ng kaso laban sa anti-Filipinong CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013, sa Korte Suprema. Agad na naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema para ipahinto ang pagpaslang sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo, bunsod ng kasong isinampa ng Tanggol Wika. Bagamat tuluyang binawi ng Korte Suprema ang TRO noong 2019, tuloy ang pakikipaglaban ng Tanggol Wika sa iba pang arena. Marami-rami pang kolehiyo at unibersidad ang mayroon pa ring Filipino at Panitikan, at nakahain na sa Kongreso ang House Bill 223 upang muling ibalik ang Filipino at Panitikan bilang mga mandatoring asignatura sa kolehiyo.

New cards
68
New cards
69

Maraming tulad ng Tanggol Wika ang nagpahayag ng kani-kanilang saloobin sa pamamagitan ng posisyong papel. Ang posisyong papel ay isang pasulat na gawaing akademiko kung saan inilalahad ang paninidigan sa isang napapanahong isyu na tumutukoy sa iba’t ibang larangan tulad ng edukasyon, politika, batas, at iba. Kadalasang idinadaan sa pagsulat ng posisyong papel ang paggaganyak, at pagpapaunawa ng punto ng sumulat tungkol isang paksa. Karaniwang ginagamit ito ng mga organisasyon at institusyon upang ipabatid sa publiko ang kanilang paniniwala at rekomendasyon bilang isang pangkat.

New cards
70
New cards
71

Isa sa mga pinakaunang posisyong papel na nagtataguyod sa pagpapanatili ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo ang resolusyon ng humigit-kumulang 200 delegado sa isang pambansang kongreso ng Pambansang Samahan sa Lingguwistika at Literaturang Filipino (PSLLF) noong 31 Mayo 2013, sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Aurora Batnag, dating director sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Pinamagatang “PAGTIYAK SA KATAYUANG AKADEMIKO NG FILIPINO BILANG ASIGNATURA SA ANTAS TERSYARYA” ang nasabing resolusyon na inilakip ng PSLLF sa isang posisyong papel na isinumite sa CHED noong 2014. Ang resolusyon na ito na pangunahing inakda ni Dr. Lakandupil Garcia (noo’y isa sa mga opisyal ng PSLLF) ay ekspresyon ng kolektibong reaksyon ng mga guro sa patuloy na pagkalat ng balita na wala na sa bagong kurikulum ng kolehiyo (na noon ay inihahanda pa lamang ng CHED) ang asignaturang Filipino. Pangunahing nilalaman ng nasabing resolusyon ang paggigiit ng mga guro na hindi dapat patayin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo sapagkat “sa antas tersyarya nagaganap at lubhang nalilinang ang intelektwalisasyon ng Filipino sa pamamagitan ng pananaliksik, malikhaing pagsulat, pagsasalin, pagsasalitang pangmadla, at kaalamang pangmidya.

New cards
72
New cards
73

Inilahad din ng PSLLF ang mga argumentong maka-Filipino sa konteksto ng globalisasyon sa isang bukod na posisyong papel na inilabas noong 2014. Ayon sa PSLLF:

New cards
74
New cards
75

“…sa panahon ng patuloy na globalisasyon at ng napipintong Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Integration, nararapat lamang na patibayin ng mga Pilipino ang sariling wika at panitikan, upang makapag-ambag ang mga ito sa proyekto ng global at rehiyonal na integrasyong sosyo-kultural. Samakatwid, ang pagpapalakas ng wika at panitikang Filipino sa lahat ng antas ng edukasyon ay paghahanda rin para sa ASEAN Integration at sa patuloy na globalisasyon. Mahalagang ambag sa edukasyong sosyo-kultural ng maraming estudyanteng inaasahang darating at mag-aaral sa Pilipinas mula sa mga kasapi ng ASEAN at iba pang bansa, ang asignatura sa wika, kultura at identidad ng Pilipinas. Sa panahong ito ng globalisasyon, higit na kailangan ang pagpapanatili ng wika at panitikang Filipino sa lahat ng antas ng pag-aaral upang patatagin at pagyamanin ang ating pagka-Pilipino.”

New cards
76

Idinagdag din ng PSLLF ang ugnayan ng wikang Pambansa at ng holistikong paghubog sa mga mamamayang Pilipino:

New cards
77
New cards
78

“…lagpas pa sa pag-aambag sa kultura ng daigdig, ang pagtuturo ng wika at panitikang Filipino ay paggigiit ng espasyo para sa humanidad ng mga Pilipino. Ang ating wika at panitikan ay salamin at tagapagpahayag ng ating mga hinaing, kasawian, tagumpay, kasiyahan, hinanakit, sama ng loob, pangarap, pag-asa, at iba pang damdaming nagbibigay sa atin ng lakas upang humakbang mula rito patungo sa dako pa roon na hinaharap. Ang pagkakait ng espasyo para sa wika at panitikang Filipino ay pagkakait ng espasyo para sa ating pagkatao at pagiging tao.” Inilahad din ng PSLLF na “…ang pagtuturo sa wikang pambansa bilang required na asignatura sa kolehiyo, bukod pa sa paggamit nito bilang pangunahing wikang panturo ay ginagawa rin sa iba pang bansang nagpapatupad ng sistemang K to 12 gaya ng Malaysia, Indonesia, at Estados Unidos.”

New cards
79
New cards
80

Detalyado ring ipinaliwanag ng PSLLF ang historical na paninindigan para sa bilingguwalismong pabor sa wikang Pambansa:

New cards
81
New cards
82

“Naninindigan ang aming organisasyon na gamitin ang wikang Filipino bilang mandatory na wikang panturo sa 12 yunit sa bagong General Education Curriculum (GEC), bukod pa sa asignaturang Rizal. Ang ganitong paninindigan ay alinsunod sa patakarang bilinggwal sa edukasyon na ipinatupad sa pamamagitan ng Department Order No. 25, Series of 1974 ng Department of Education, Culture, and Sports (DECS) na hanggang ngayo’y operatibo at may bisa mula Baitang 4 hanggang antas tersyarya. Alinsunod sa nasabing dokumento, ang wikang pambansa ang dapat maging wikang panturo sa ‘social studies/social sciences, music, arts, physical education, home economics, practical arts, at character education.’ Katunayan, maraming asignatura sa larangan ng agham panlipunan sa kolehiyo ang matagal nang itinuturo sa Filipino. Iminungkahi namin na palawakin pa ang saklaw ng Filipinisasyon ng wikang panturo sa kolehiyo sa pamamagitan ng mandatory na paggamit nito sa 12 yunit sa bagong GEC. Ang pagpapalawak sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa kolehiyo ay alinsunod din sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyong 1987…Hinggil naman sa pagkakaroon ng asignaturang Filipino bilang mandatory core course sa kolehiyo, sumusuporta kami sa pagkakaroon ng 9 na yunit ng asignaturang Filipino na may multi/interdisiplinaring disenyo.”

New cards
83
New cards
84

Pinagtibay naman noong 23 Mayo 2014 ng National Commission for Culture and the Arts-National Committee on Language and Translation (NCCA-NCLT) ang isang resolusyon na humihiling sa Commission on Higher Education (CHED), at sa kongreso at senado ng Republika ng Pilipinas, na agarang magsagawa ng mga hakbang upang isama sa bagong General Education Curriculum (GEC) sa antas tersyarya ang mandatory na 9 yunit ng asignaturang Filipino. Ang resolusyon na ito ng NCLT sa ilalim ng NCCA (2014) ang naging titis ng malawakang media coverage tungkol sa tangka ng CHED na paslangin ang Filipino at Panitikan sa Curriculum. Binigyang-diin sa nasabing resolusyon na… “puspusan lamang na masusunod ang Konstitusyong 1987 sa paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon, at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon kung mananatili sa antas tersyarya ang asignaturang Filipino…” Kaugnay nito, ang lupon ng mga komisyoner ng NCCA ay naglabas din ng isang bukod na resolusyon noong 2014 para “puspusang imungkahi sa CHED na gawing kautusan ang pagtuturo sa Filipino ng tatlong asignaturang pangkolehiyo sa level ng “edukasyong heneral” sa kolehiyo.

New cards
85
New cards
86

Noong 20 Hunyo 2014 ay inilabas naman ng KWF ang “kapasyahan ng kalupunan ng mga komisyoner blg. 14-26 serye ng 2014…na naglilinaw sa tindig ng Komisyon sa Wikang Filipino hinggil sa Commission on Higher Education (CHED) Memorandum No. 20, s. 2013.” Kagaya ng lupon ng mga komisyoner ng NCCA ay tila nakatuon sa sitwasyon ng Filipino bilang wikang panturo na naggigiit ng “pagtuturo ng siyam (9) na yunit sa Wikang Filipino, na hindi pag-uulit lamang ng mga sabjek sa Filipino sa antas sekundarya, kundi naglalayong magamit at maituro ang wika mula sa iba’t ibang disiplina – na pagkilala sa Filipino bilang pintungan ng karunungan at hindi lamang daluyan ng pagkatuto, at upang matiyak ang pagpapatuloy ng intelektwalisasyon ng Filipino” at pagtitiyak na “kalahati o apat (4) sa panukalang Core Courses, bukod sa kursong Rizal, na nakasaad sa Memorandum Order Blg. 20, s. 2103 ay ituro gamit ang Wikang Filipino.” Sa kabila ng hindi gaanong malinaw na pormulasyon (halimbawa, sa pariralang “pagtuturo ng siyam (9) na yunit sa Wikang Filipino,” higit na naging malinaw sana na pagtuturo ng asignaturang Filipino ang tinutukoy kung sa halip na “sa” ay “ng” ang ginamit), malinaw ang kabuoang layunin ng resolusyon ng KWF: suportahan ang panawagan ng mga samahang pangwika hinggil sa pagbuhay ng mga asignaturang Filipino sa kolehiyo sa paggamit din ng Filipino bilang wikang panturo sa iba pang asignatura.

New cards
87
New cards
88

Agosto 2014 nang nagpahayag ang Departamento ng Filipino ng De La Salle University ng kanilang saloobin sa pamamagitan ng kanilang posisyong papel na may pamagat na “Pagtatanggol sa wikang Filipino, tungkulin ng bawat Lasalyano.” Nakapaloob sa posisyong papel na ito na “ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay nakapag-aambag sa pagiging mabisa ng community engagement ng ating pamantasan sapagkat ang wikang Filipino ang wika ng mga ordinaryong mamamayan sa mga komunidad na ating pinaglilingkuran. Ang pagpapalakas sa ugnayan ng ating pamantasan at ng mga ordinaryong mamamayan ay alinsunod sa bokasyon ni San Juan Bautista De La Salle na nagsikhay sa paggamit ng wika ng mga ordinaryong mamamayan sa edukasyon. Dapat bigyang-diin ang Filipinisasyon ng mga pananaliksik ng iba’t ibang departamento at kolehiyo sa pamantasan ay makatutulong din nang malaki sa pagtitiyak na ang ating mga pananaliksik ay higit na magiging kapaki-pakinabang sa ating mga kababayan. Sa pamamagitan ng assignaturang Filipino sa DLSU, inaasahang may sapat na katatasan sa wikang pambansa ang sinumang gradweyt ng pamantasang ito sa pakikipagtalastasan sa iba’t ibang pangangailangan o kontekstong pangkomunikasyon pang-akademiko man o pangkultura, tulad ng nililinang sa ibang pamantasan.” Ang adbokasiyang ito’y pagsasalba sa kolektibong identidad, sa salamin ng ating kultura, sa daluyan ng diskurong pambansa, at pagtataguyod ng nasyonalistang edukasyon na huhubog ng mga estudyanteng magiging mga kapaki-pakinabang na mamamayaan ng ating bansa.”

New cards
89
New cards
90

Mababatid sa posisyong papel na ang responsibilidad ng paaralan na hubugin ang pagkakakilanlan ng bawat indibidwal. Isa sa mga inaasahan ay ang mapanatili ang ugnayan ng paaralan at ng komunidad lalo at higit yaong mga nabibilang sa lalylayan. Higit kanino man ay sila ang mas nangangailangang marinig at mabigyang-atensyon. Sa pamamagitan ng wikang Filipino ay magiging mabisa ang pagpapahayag ng mga saloobin at pangangailangan ng mga mamamayan. Ito ang nagbibigay-boses sa mg ordinaryong tao at kung mawawala ito ay tuluyan nang hindi malilinang ang ugat na sana’y magdurugtong sa malayong agwat ng karaniwan at mga edukadong tao. Mas magiging malabo na na maging pantay ang mga mamamayan mula sa iba’t ibang estado sa buhay at manantiling pinid ang mga labi kung dayuhang wika ang kailangan upang makapagpahayag ng saloobin at pangangailangan.

New cards
91
New cards
92

Ang posisyong papel naman na may pamagat na “Ang Paninindigan ng Kagawaran ng Filipino ng Pamantasang Ateneo de Manila sa Suliraning Pangwikang Umuuugat sa CHED Memorandum Order No. 20, Series of 2013” ay mula sa panulat ng mga guro ng Ateneo De Manila University. Nakapaloob dito na “hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino isa itong displina. Lumilikha ito ng sariling larangan ng karunungan na nagtatampok sa pagka-Pilipino sa anumang usapin sa loob at labas ng akademya. Dapat patuloy itong ituro sa antas ng tersyaryo at gradwado bilang integral na bahagi ng anumang edukasyong propesyonal... ang banta na alisin ang Filipino sa akademikong konteksto ay magdudulot ng ibayong pagsasalaylayan o marhinalisasyon ng mga wika at kulturang panrehiyon. Kakabit ng pag-aaral ng Filipino bilang disiplina ang pagtatanghal at paglingap ng mga wika at kultura ng bayan. Hindi dapat mawala ang wikang panrehiyon sa diskurso. At lalong hindi dapat pagsabungin ang mga wika. Sa halip, dapat maging mapagmatyag laban sa mga tao at institusyong ginagamit ang kasalukuyang isyung pangwika upang itanggi ang sarili at kanilang mga interes.”

New cards
93
New cards
94

Bilang mga Pilipino tungkulin nating pagyabungin ang bawat butil ng ating pagkakakilanlan. Kaakibat ito ng ating pagiging malaya at ng lahat ng sakripisyo ng ating mga ninuno. Kaya naman ang tahasang pagtatanggal sa asignaturang Filipino at Panitikan sa kurikulum ay isang paraan ng pagkitil sa ating identidad at pagsasawalang-bahala ng lahat ng buhay na binuwis para makamit ito. Malinaw sa posisyong papel ng Ateneo de Manila ang pangangailangang mapagtibay ang Filipino bilang isang disiplina nang sa gayon ay mapataas din ang kalagayan ng mga pangrehiyong wika. Ang pagyakap sa ibang wika habang pinababayaan at isinasaisang tabi ang sariling wika ay nagtutulak sa atin palayo sa sariling bayan at nagpipiring sa atin sa mga totoong intensyon ng nagpapalawig nito.

New cards
95
New cards
96

Isa rin sa mga pamantasang nagpahayag ng tinig ukol sa isyung pagtatanggal ng Filipino at Panitikan ang Unibersidsad ng Pilipinas, Diliman Departamento ng Filipino at Panitikan sa ilalim ng Kolehiyo ng Arte at Literatura. Anila ang Filipino ay wika na “susi ng kaalamang bayan.” Buo rin ang kanilang paninindigang “nasa wika ang pagtatanyag ng kaalamang lokal – mga kaalamang patuloy na hinubog at humuhubog sa bayan. Sariling wika rin ang pinakamabisang daluyan para mapalaganap ang dunong bayan at kaalamang pinanday sa akademya. Layunin dapat ng edukasyon ang humubog ng mga mag-aaral na tutuklas ng dunong bayan at mapakikinabangan ng bayan. Gawain ng mga guro sa Filipino sa antas tersyarya ang sanayin ang mga mag-aaral na gamitin ang wikang Filipino upang gawing kapaki-pakinabang ang napili nilang disiplina sa pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan. Ganito ang karanasan ng mga mag-aaral sa UP-Manila sa pagbibigay nila ng serbisyong pangkalusugan sa mamamayan. Kailangan nilang matutong magpaliwanag at makipagtalastasan sa wikang Filipino upang mapakinabangan ng mamamayan ang kanilang kaalaman.”

New cards
97
New cards
98

Ang pinakamainam na porma na pagkatuto ay ang pagpapatuto rin sa iba. Ang pagbibigay serbisyo sa kapwa gamit ang kaalamang natutunan ay higit pa sa salaping maaring matanggap ng isang propesyunal. Kaya gaano man kahusay ang magiging produkto ng bagong kurikulum kung hindi naman ito magagamit sa pagtulong sa kapwa ay hindi rin makapagbibigay ng pag-unlad. Binibigyang-diin sa posisyong papel ng UP Diliman na dapat kaagapay ng intelektwalisasyon ay ang paggamit nito sa makataong paraan. Hindi dapat natatapos ang paglago sa pagkakamit ng digri kundi sa pagbabalik nito sa iba sa pamamagitan ng serbisyo at ang mainam na serbisyo ay nagsisimula sa pagkakaunawaan. Wala nang hihigit pa sa unawaang dulot ng parehas na wika.

New cards
99
New cards
100

Taong 2014 naman noong inilathala ang “Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Universidad ng Pilipinas (PUP), Samahan ng mga Dalubguro at Filipino (SADAFIL), Samahan ng mga Batang Edukador ng Wikang Filipino at mga Sining ng Plipinas, PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan”. Dito ay ipinahayag ng Polytechnic University of the Philippines, Manila na ang “umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan ito, umiiral at ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan ng mga Filipino. Mga Pilipino ang kusang tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging katangi-tangi ang tatag nito dahil ito ang identidad ng lipunang Pilipino. Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa bawat Pilipino kaya kung ihihiwalay sa mga mag-aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag-aaral ng wikang Filipino, tinanggal na rin natin ang identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung ano ang wika mo yun ang identidad mo.”

New cards

Explore top notes

note Note
studied byStudied by 118 people
... ago
5.0(2)
note Note
studied byStudied by 3571 people
... ago
4.4(12)
note Note
studied byStudied by 7 people
... ago
5.0(1)
note Note
studied byStudied by 15 people
... ago
5.0(1)
note Note
studied byStudied by 8 people
... ago
5.0(1)
note Note
studied byStudied by 8 people
... ago
5.0(1)
note Note
studied byStudied by 4 people
... ago
5.0(1)
note Note
studied byStudied by 223 people
... ago
5.0(1)

Explore top flashcards

flashcards Flashcard (44)
studied byStudied by 48 people
... ago
4.5(2)
flashcards Flashcard (43)
studied byStudied by 5 people
... ago
5.0(1)
flashcards Flashcard (690)
studied byStudied by 9 people
... ago
5.0(1)
flashcards Flashcard (155)
studied byStudied by 19 people
... ago
5.0(1)
flashcards Flashcard (29)
studied byStudied by 3 people
... ago
5.0(1)
flashcards Flashcard (205)
studied byStudied by 20 people
... ago
5.0(1)
flashcards Flashcard (74)
studied byStudied by 34 people
... ago
5.0(1)
flashcards Flashcard (102)
studied byStudied by 18 people
... ago
5.0(1)
robot