1/90
1st quarter
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Emmert at Donaghy, 1981
ayon sa kanila:
ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na inuugnay natin sa mga
kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao
Webster, 1974
ayon sa kaniya:
ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbulo
Henry Gleason, 1988
ayon sa kanila:
ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura
Arbitraryo
pinagkasanduang wika ng mga tao
Lingua franca
ang wika ng talastasan ng mga Pilipino
Ang wika ay may masistemang balangkas
unang katangian ng wika
Tunog-Salita-Parilala-Pangungusap
Ang wika ay arbitraryo
pangalawang katangian ng wika
Ang wika ay nakabatay sa kultura
pangatlong katangian ng wika
Ang wika ay nagbabago
pangapat na katangian ng wika
Artikulo XIV, Seksiyon 6
“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.”
F.P.A Demetrio
siya ang lumikha ng Pagpaplanong Pangwika
Tagalog 1 1935
yugto ng wikang Tagalog kung kailan una itong pinangalanang wikang pambansa
Tagalog 2 1940
yugto ng wikang Tagalog kung kailan una itong ginawang isang pang-akademikong asignatura
Pilipino 1 1959
yugto ng ating wikang pambansa kung kailan ang pangalang “Tagalog” ay pinalitan ng pangalang “Pilipino”
Pilipino 2 1973
yugto ng wikang Pilipino kung kailan pinanatili itong wikang opisyal at wikang pangakademiko ngunit tinaggalan ng katayuan bilang wikang pambansa
Filipino 1 1973
artipisyal na wika na balak buuin ng Konstitusyon at papalit sa wikang Pilipino bilang wikang pambansa
Filipino 2 1987
yugto ng ating wikang pambansa kung kailan ang wikang Pilipino ay kinilala muli bilang wikang opisyal, pang-akademiko at pambansa, at pinangalanang “Filipino” ng Konstitusyon
Pormal at Di-Pormal
2 antas ng wika
Pormal
salitang istandard
Wikang Pambansa
Wikang Pampanitikan
Di-Pormal
mga salitang karaniwan at palasak
Panlalawigan
Balbal
Kolokyal
Wikang Pambansa at Pampanitikan
2 antas ng wikang pormal
Wikang Pambansa
karaniwang ginagamit sa aklat pangwika at itinuturo sa mga paaralan
Wikang Pampanitikan
ginagamit ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan
Balarila
wikang pambansa
Idyoma
wikang pampanitikan
Panlalawigan, balbal, kolokyal
3 antas ng wikang di-pormal PBK
Panlalawigan
bokabularyong dayalektal
Balbal
mga pang-araw-araw na salita
Kolokyal
sa mga pangkat-pangkat nagmumula upang ang mga pangkat ay magkaroon ng sariling codes
Komunikasyon
pagpapahayag, paghahatid, o pagbibigayng impormasyon sa mabisang paraan
pakikipagugnayan, pakikipagpalagayan, o pakikipag-unawaan
Komunikasyon
ang proseso ng pagbibigay at pagtanggap, nagpapalipat-lipat sa mgaindibidwal ang mga impormasyon, kaalaman, kaisipan, impresyon, at damdamin
Berbal at Di-Berbal
2 uri ng komunikasyon
Komunikasyong Berbal
gumagamit ng makabuluhang tunog at simbolo sa paraang pasalita
ginagamit ang salita sa kanyang kahulugang denotatibo at kahulugang konotatibo
Denotatibo
ang sentral o pangunahing kahulugan ng isang salita
literal na kahulugan ng mga salita o kahulugan mula sa diksyunaryo
Konotatibo
maaaring mag-iba-iba ayon sa saloobin, karanasan at sitwasyon ng isang tao
pahiwatig o di-tuwirang kahulugan na maaaring pansariling kahulugan ng isang tao o pangkat na iba kaysa pangkaraniwang kahulugan
Komunikasyong Di-Berbal
pagpapalitan ng mensahe o pakikipagtalastasan sa ang daluyan o channel ay hindi lahat lamang ng sinasalitang tunog kundi kasama ang kilos ng katawan at ang tinig na iniaangkop sa mensahe
naisasagawa nang wala sa loob o hindi kinu kusa
Paralinguist o Paralanguage
iba pang tawag sa di-berbal na komunikasyon
mga hindi sinasalitang wika subalit gumaganap ng tungkulin ng wika
Intra, inter, pampubliko, pangmasa, pang-organisasyon, pangkultura
6 antas ng komunikasyon II4PS
Intrapersonal
komunikasyong nakatuon sa sarili
nagaganap sa sariling kaisipan ng isang indibidwal
Interpersonal
komunikasyong nagaganap sa pagitan ng dalawa o higit pang tao na maaaring gumamit ng impormal na kumbersasyon
Pampubliko
nagaganap sa pagitan ng isang tagapagsalita at maraming tagapakinig o audience
Pangmasa
nangangailangan ng paggamit ng elektronikong kagamitan sa paghahatid ng mensahe sanhi ng higit na malaking saklaw ng mga kasangkot - ang publiko
mass media
Pang-organisasyon
komunikasyong kadalasang organisado at nakatuon sa pag-abot ng isang hangarin o adhikain
Pangkultura
nakatuon sa aspektong pangkultura ng mga kalahok ang kadalasang paksa ng komunikasyon
Lingua
salitang Latin na nangangahulugang dila at wika o lengguwahe
salitang Pranses na langue na may kaparehong kahulugan
Konteksto
ang sitwasyon o kalagayan kung saan nagaganap ang komunikasyon
Barker at Barker 1993
ayon sa kanila
ang elementong ito ang isa sa pinakamahalaga dahil naaapektuhan nito ang iba pang mga elemento kasama na ang buong proseso ng komunikasyon
Pisikal, sosyal, kultural, historikal, sikolohikal
ang konteksto ng komunikasyon ay may limang dimensyon PSKHS
Pisikal
kabilang ang lugar na pinangyarihan ng komunikasyon at ang kondisyon ng kapaligiran
Sosyal
naaapektuhan ang proseso ng komunikasyon batay sa uri ng relasyon ng mga kalahok sa komunikasyon
Kultural
tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng kultura, relihiyon, paniniwala, at pamumuhay na maaaring maging sanhi ng di pagkakaunawaan sa komunikasyon
Historikal
tumutukoy sa nakaraang pag-uusap na nakaaapekto sa kasalukuyang usapan
mas nagkakaintindihan dahil may pinagdaanang komunikasyon na dati na
Sikolohikal
tumutukoy sa damdamin, emosyon, at estado ng isip ng mga taong nag-uusap na nakaaapekto sa daloy at resulta ng usapan
Kontekstwalisado
mahirap maunawaan ang nilalaman o konteksto kung hindi ito nauunawaan o naiintindihan ang kahulugan
Kontekstwalisadong komunikasyon
pakikipag-usap o pagsusulat gamit ang wikang Filipino ayon sa sitwasyon, lugar, at kausap
Interaksyonal, instrumental, regulatori, personal, imahinatibo, heuristik, representatibo
gamit ng wika sa lipunan IIRPIHR
Interaksyonal
ang tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa pagtatatag at pagpapanatili ng relasyong sosyal sa kapwa tao
Instrumental
ang tungkulin ng wika na ginagamit sa pagtugon sa mga pangangailangan, pakikipagusap o pag-uutos
Regulatori
ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagkontrol o paggabay sa kilos o asal ng ibang tao
Personal
ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon
Imahinatibo
ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan
Heuristik
ang tungkulin ng wikang ginagamit sa paghahanap o paghihingi ng impormasyon
Representatibo
ang tungkulin ng wikang ginagamit sa:
paguulat ng mga pangyayari at pagpapaliwanag ng pagkakaugnayugnay ng mga bagay
pagpapahayag ng hinuha o pahiwatig sa simbolismo ng isang bagay o paligid
Komunikatibo at Lingguwistiko
dalawang kakayahang dapat bigyang tuon sa pag-aaral ng wika
Komunikatibo
paglalapat ng mga kaalamang lampas sa gramatika o balarila
mahalaga rito ang mabisang paggamit ng wika para sa ganap na pagkakaunawaan
Lingguwistiko
pinag-uukulan ng pansin ang wastong paglalapat ng mga tuntunin ng wika
Lingguwistika
maagham na pag-aaral ng wika
estruktura
katangian
pag-unlad
ponema
titik
morpema
salita
pangungusap
pagpapahayag
Ponema
pagsusuri ng bawat tunog
Morpema
yunit ng salita
Leksikon
salita
Sintaks
pangungusap
Diskors
pagpapahayag
Dell Hymes
nagbibigay ng ilang mungkahi ung paano dapat isaayos ang paggamit ng wika
ayon sa kaniya, kailangan isaalang-alang ang konsiderasyon upang matiyak na magiging mabisa ang komunikasyon
Settings at scene, participants, ends, act sequence, keys, instrumentalities, norms, genre
SPEAKING Model
Settings at scene
lugar at oras ng usapan
Participants
mga taong sangkot sa usapan; nagsasalita at kinakausap
Ends
layunin at mithiin ng usapan gayundin ang maaaring bunga ng pag-uusap
Act sequence
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari habang nagaganap ang pag-uusap
Keys
pangkalahatang tono o paraan ng pagsasalita; pormal o di-pormal
Instrumentalities
anyo at estilong ginagamit sa pag-uusap: pasalita, pasulat, harapan
Norms
kaangkupan at kaakmaan ng usapan ng isang sitwasyon
Genre
uri ng pananalita na nakalahad mula sa isang sitwasyon; nagsasalaysay, nakikipagtalo o nagmamatuwid
Teksto
isang anyo ng nakasulat na komunikasyon na naglalaman ng mga ideya, impormasyon, o saloobin
Mga uri ng teksto
nagsisilbing kasangkapan sa pagpapahayag ng mga ideya sa iba't ibang konteksto
Deskriptibo, persweysib, argumentatibo, impormatibo, naratibo, prosidyural
mga uri ng teksto DPAINP
Impormatibong teksto
layuning magbigay ng kaalaman at impormasyon sa mga mambabasa
walang kinikilingan o opinyon (obhetibo)
tanging mga datos at katotohanan lamang
nagbibigay linaw sa mga paksa o isyu
Deskriptibong teksto
layuning ilarawan ang isang bagay, tao, pook, o pangyayari upang magbigay ng malinaw na imahe sa isipan ng mambabasa
madalas gumagamit ng mga pang-uri at mga salitang naglalarawan
may detalyadong paglalarawan na nagpapakita ng mga katangian ng isang bagay o pangyayari
Persweysib na teksto
layuning makumbinsi ang mambabasa o tagapakinig na tanggapin ang isang pananaw o gawin ang isang bagay
paggamit ng mga emosyonal na pahayag at argumento upang mahikayat ang mga mambabasa
may pagtutok sa pagtanggap o pagkumbinsi ng opinyon, madalas ginagamit ang mga ehemplo at testimonya
Argumentatibong teksto
layuning magbigay ng matibay na argumento upang patunayan ang isang pahayag o ideya
may mga ebidensya, salungat na pananaw, at lohikang pagtalakay
paglalaban ng mga ideya gamit ang analisis at ebidensya upang suportahan ang isang opinyon o posisyon
Naratibong teksto
nagkukuwento ng isang kwento o karanasan sa isang partikular na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
may mga tauhan, tagpuan, at pangunahin o pantulong na pangyayari
naglalaman ng mga kwento o salaysay na may simula, gitna, at wakas
Prosidyural na teksto
naglalaman ng mga hakbang o proseso sa paggawa ng isang bagay o pagsasagawa ng isang gawain
ipinapakita ang mga sunud-sunod na hakbang na madaling sundan
nagbibigay ng pangkalahatang gabay o panuto para sa isang partikular na gawain