talumpati
ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita talumpati
talumpati
Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
BIGLAANG TALUMPATI (Impromptu)
Ang talumpating ito ay ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda. Kaagad na ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita.
BIGLAANG TALUMPATI (Impromptu)
Ang susi sa katagumpayan nito ay nakasalalay sa mahalagang impormasyon kailangang maibahagi sa tagapakinig.
MALUWAG (Extemporaneous)
Ang talumpating ito ay nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipapahayag na kaisipan batay sa paksang ibinigay bago ito ipahayag.
MALUWAG (Extemporaneous)
Kaya madalas na outline lamang ang isinisulat ng mananalumpating gumagamit nito
MANUSKRITO
Ang talumpating ito ay ginagamit sa mga kumbensiyon, seminar, o programa sa pagsasaliksik kaya pinag-aaralan itong mabuti at dapat nakasulat.
MANUSKRITO
Ang nagsasalita ay nakadarama ng tiwala sa sarili sapagkat naisasaayos niya nang mabuti ang kaniyang sarili.
ISINAULONG TALUMPATI
Ito ay kagaya rin ng manuskrito sapagkat mahusay ring pinag-aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng tagapakinig.
ISINAULONG TALUMPATI
May oportunidad na magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa tagapakinig sapagkat hindi binabasa ang ginawang manuskrito kundi sinasaulo at binibigkas ng tagapagsalita.
BIGLAANG TALUMPATI (Impromptu)
MALUWAG (Extemporaneous)
MANUSKRITO
ISINAULONG TALUMPATI
mga uri ng talumpati
TALUMPATING NAGPAPABATID
Ang layunin ng talumpating ito ay ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol sa isang paksa, isyu, o pangyayari. Halimbawa: STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)
TALUMPATING PANLIBANG
Layunin ng talumpating ito na magbigay ng kasiyahan sa mga nakikinig.
TALUMPATING PANLIBANG
Kaya naman sa pagsulat nito, kailangan lahukan ito ng mga birong nakatatawa na may kaugnayan sa paksang tinalakay.
TALUMPATING PAMPASIGLA
Layunin ng talumpating ito na magbigay inspirasyon sa mga nakikinig.
TALUMPATING PAMPASIGLA
Sa pagsulat nito, tiyaking ang nilalaman nito ay makapupukaw at makapagpapasigla sa damdamin at isipan ng mga tao. Halimbawa: Talumpati ng Pagtatapos. Pagdiriwang ng anibersaryo, Kumbensiyon, atbp.
TALUMPATING PANGHIKAYAT
Ang hikayatin ang mga nakikinig ang pinakalayunin ng talumpating ito.
TALUMPATING PANGHIKAYAT
Hinihikayat na tanggapin ang paniniwala ng mananalumpati sa pamamagitan ng pagbibigay katwiran at mga patunay. Halimbawa: Sermon sa simbahan, Kampanya ng mga politico, Talumpati sa kongreso, atbp.
TALUMPATI NG PAGBIBIGAY-GALANG
Layunin ng talumpating ito na tanggapin ang bagong kasapi o samahan ng organisasyon.
TALUMPATI NG PAGBIBIGAY-GALANG
Ginagawa rin ito bilang pagtanggap sa isang bagong opisyal na natalaga sa isang tungkulin.
TALUMPATI NG PAPURI
Layunin ng talumpating ito na magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao o samahan.
TALUMPATI NG PAPURI
Kabilang sa mga ito ang talumpati ng pagtatalaga sa bagong hirang na opisyal, talumpati sa paggawad ng medalya o sertipiko ng pagkilala sa isang tao o samahang nakapag-ambag nang malaki sa isang samahan o sa lipunan at iba pang kagaya ng mga ito.
TALUMPATING NAGPAPABATID
TALUMPATING PANLIBANG
TALUMPATING PAMPASIGLA
TALUMPATING PANGHIKAYAT
TALUMPATI NG PAGBIBIGAY-GALANG
TALUMPATI NG PAPURI
MGA URI NG TALUMPATI AYON SA LAYUNIN
Lorenzo et al. (2020)
Sining ng Pakikipagtalastasang Panlipunan
TALUMPATI
Sa pagsulat ng mahusay na ____ ay mahalagang malaman ang mga kaalaman, pangangailangan, at interes ng mga tagapakinig nito.
URI NG TAGAPAKINIG
tulad ng mga palabas sa telebisyon, ang talumpati ay dapat isaalang-alang din ang uri ng tagapakinig nito.
EDAD NG MGA NAKIKINIG
iakma ang nilalaman ng paksa at maging ang wikang gagamitin sa edad ng mga nakikinig.
BILANG NG MGA MAKIKINIG
Kung maraming makikinig, marami ring paniniwala at saloobin ang dapat isaalang-alang ng mananalumpati.
KASARIAN
Madalas magkaiba ang interes, kawilihan, karanasan at kaalaman ng kalalakihan at kababaihan.
KASARIAN
Nagkakaroon din ng magkaibang pananaw ang dalawa hinggil sa isang partikular na paksa.
EDUKASYON o ANTAS SA LIPUNAN
Malaki ang kinalaman ng edukasyon sa kakayahan ng mga tagapakinig na umunawa sa paksa.
MGA DATING SALOOBIN
Sikaping madagdagan ng bagong impormasyong ang mga kaalaman alam na ng iba upang maiwasan ang pagkabagot o kawalan ng interes.
EDAD NG MGA NAKIKINIG
BILANG NG MGA MAKIKINIG
KASARIAN
EDUKASYON o ANTAS SA LIPUNAN
MGA DATING SALOOBIN
MGA URI NG TAGAPAKINIG
TEMA o PAKSANG TATALAKAYIN
Mahalagang matiyak ang ___ ng pagdiriwang upang ang bubuoing talumpati ay may kinalaman sa layunin ng pagtitipon.
PANANALISIK NG DATOS AT MGA KAUGNAY NA BABASAHIN
Makatutulong ang pagsaliksik sa mga impormasyong laman ng isang talumpati.
PANANALISIK NG DATOS AT MGA KAUGNAY NA BABASAHIN
Ang pananaliksik ng datos ay mahalaga upang may sangguniang magagamit.
PAGBUO NG TESIS
Ang ikalawang hakbang na ito ay makatutulong sa mananalumpati sapagkat dito iikot ang pangunahing mensaheng ibabahagi sa mga tagapakinig.
PAGTUKOY SA PUNTO o KAISIPAN
Ang pangunahing punto ay magsisilbing batayan ng talumpati.
PAGTUKOY SA PUNTO o KAISIPAN
Mahalagang mahimay o matukoy ang mahahalagang detalyeng bibigyang-pansin upang maging komprehensibo ang susulatin at bibigkasing talumpati.
PANANALISIK NG DATOS AT MGA KAUGNAY NA BABASAHIN
PAGBUO NG TESIS
PAGTUKOY SA PUNTO o KAISIPAN
MGA TEMA o PAKSANG TATALAKAYIN
HULWARAN SA PAGBUO NG TALUMPATI
Isa sa mahalagang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati ay ang gagamiting hulwaran o balangkas sa pagbuo ng talumpati.
(Casanova at Rubin, 2001)
Tatlong Hulwaran
KRONOLOHIKAL
Gamit ang hulwarang ito, ang mga detalye o nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa pagkasunod-sunod ng pangyayari o panahon.
TOPIKAL
Ang paghahanay ng mga materyales ng talumpati ay nakabatay sa pangunahing paksa.
HULWARANG PROBLEMA-SOLUSYON
Ito ay ang paghahati sa pagkahabi ng talumpati. Ang paglalahad ng suliranin at ang pagtalakay sa solusyon na maaaring isagawa.
KRONOLOHIKAL
TOPIKAL
HULWARANG PROBLEMA-SOLUSYON
MGA HULWARAN SA PAGBUO NG TALUMPAT / Tatlong Hulwaran
PAGHABI NG MGA BAHAGI NG TALUMPATI
Ang paghahabi o pagsulat ng nilalaman ng talumpati mula umpisa hanggang sa matapos ito ay napakahalaga ring isaalang upang higit na maging mahusay, komprehensibo, at organisado ang bibigkasing talumpati.
Alcmister P. Tumangan, Sr. et. Al.,
may-akda ng Retorika sa Koliheyo.
INTRODUKSIYON
Ito ang pinakapanimula ng talumpati. Ito ay naghahanda sa mga nakikinig para sa nilalaman ng talumpati kaya naman dapat angkop ang pambungad sa katawan ng talumpati.
DISKUSYON o KATAWAN
Dito makikita ang pinakamahalagang bahagi ng talumpati sapagkat dito tinatalakay ang mahahalagang punto o kaisipang nais ibahagi sa mga nakikinig.
DISKUSYON o KATAWAN
Ito ang pinakakaluluwa ng talumpati.
KAWASTUHAN
Tiyaking wasto at maayos ang nilalaman ng talumpati.
KALINAWAN
Kailangan maliwanag ang pagkakasulat at pagkakabigkas ng talumpati.
KAAKIT-AKIT
Gawing kawili-wili ang paglalahad ng mga katwiran o paliwanag sa paksa.
KATAPUSAN o KONGKLUSYON
Dito kalimitang nilalagom ang mga patunay at argumentong inilahad sa katawan ng talumpati.
KATAPUSAN o KONGKLUSYON
Ito ay kalimitang maikli ngunit malaman.
HABA NG TALUMPATI
Ang haba na talumpati ay nakasalalay kung ilang minuto o oras ang inilalaan para sa pagbigkas o representasyon nito.
HABA NG TALUMPATI
Malaking tulong sa pagbuo ng nilalaman nito ang pagtiyak sa nilaang oras.
INTRODUKSIYON
DISKUSYON o KATAWAN
KATAPUSAN o KONGKLUSYON
HABA NG TALUMPATI
MGA BAHAGI NG PAGHABI NG MGA BAHAGI NG TALUMPATI