1/28
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress
Tumutukoy ang kalusugan sa kontemporanyong holisitkong pakahulugan sa health bilang kalagayan ng kabuuang kagalingan or kaginhawaan na _____, _____, at _____ at hindi lamang kawalan ng _____ at kahinaan.
pisikal, sosyal, at mental; sakit
Bilang katumbas ng salud, sanidad, o health mas matandang katutubong konsepto kaysa sa kalusugan ang _____ at _____.
kaginhawaan at kagalingan
Tumutukoy ang medisina sa siyensiya at praktika ng _____ _____ _____ sa pamamagitan ng diagnosis, prognosis, prevention, treatment, at palyasion ng kanilang karamadaman at sakit upang maitaguyod ang kanilang kalusugan.
pag-aaruga sa pasyente
Ang _____ _____ _____, ______ _____ _____, at _____ _____ _____ ang tatlong hakbang sa metodolohiya o pamamaraan sa kasaysayang pangkalusugan.
pagpili ng paksa, pangangalap ng batis, at pagsusuri ng batis
May kinalaman ang _____ _____ sa isyu ng autenticidad (pagiging authentic o totoo hindi huwad), samatalang may kinalaman ang _____ _____ sa isyu ng kredibilidad (pagiging kapanipaniwala at pagkakatotohanan ng datos).
kritisismong panlabas; kritisismong panloob
Ibigay ang mga halimbawa ng konsepto, modelo, pilosopiyang pangkalusugan.
biomedikal, ekolohikal, psychosocial, biopsychosocial o holistik, at kaginhawaang bayan
Tumutukoy ang _____ _____ sa holistikong modelong pangkalusugan sa orientasyon at perspektibong Pilipino na sentral ang tunguihin pangkalahatang maalwan, maayos, at magandang buhay ng taong bayan.
kaginhawaang bayan
Kabuluhan ng mga pamahiing Pilipino, mahalagang batis pangkasaysayan ang mga pamahiing Pilipino ukol sa _____ _____ _____ upang magbigay ng kaayusan sa katutubong lipunan sa pamamagitan ng mga _____.
tradisyunal na kaasalan; pagbabawal
Higit sa lahat para sa kasaysayang pangkalusugan bintana ang mga pamahiing Pilipino sa kamalayan ng mga katutubo kaugnay ng _____ _____.
kaginhawaang bayan
May tatlong pangkatan ng teorya sa kasanhian ng mga katutubong karamdaman at sakit, _____ _____ na bunga ng ginawa ng/sa nagkasakit.
teoryang mistikal
Mahalaga ang pagsasagawa ng klinikal na pagsubok sa _____ at _____ ng mga gamit at praktis ng mga tradisyunal na manggagamot.
bisa at kaligtasan
May dalawang mahalagang disiplina sa pag-aaral ng sinaunang nutrisyon, _____ na tumutukoy sa sistematikong pag-aaral ng labi ng halaman upang unawain ang ugnayan ng sinaunang tao at halaman sa loob ng archaeological context at ____ na tumutukoy sa sistematikong pag-aaral ng mga labi ng hayop upang unawain ang ugnayan ng hayop at tao sa archeological context.
arkeobotanika; arkeozoolohiya
Hinggil sa mga nutrient o sustansya _____ ang pangunahing inumin pinagkukunan ng sustansya.
tubig
Samantala may iba’t ibang pagkaing pinagkukunan na mauuri sa dalawa, _____ at _____.
macronutrient at micronutrient
Pangunahing halimbawa ng flora sa panahong neolitiko.
bigas, gabi, ubi, maning areka, at buyo
Pangunahing halimbawa ng fauna sa panahon neolitiko.
baboy, aso, daga, isda, at manok
Bahagi ng bio-arkeolohiya bilang sistematikong pag-aaral ng mga labi ng tao upang unawain ang kalusugan, kapaligiran, at kaayusang panlipunan ng sinaunang populasyon sa loob ng arkeolohikal na konteksto ang _____ _____ na tumutukoy sa sistematikong pag-aaral sa mga karamdaman at sakit kaugnay ng mga buto at kalansay at _____ _____ na tumutukoy sa sistematikong pag-aaral sa mga karamdaman at sakit kaugnay ng bibig, panga, at mga kaugnay na estruktura.
patolohiyang iskeletal; patolohiyang oral
Maraming papel ang babaylan, ano-ano ang mga papel ng babaylan kaugnay ng sinaunang medisina sila ang _____ _____ _____ _____ _____, at gayundin sila ang ____ at ____ sa mga buntis.
nanggagamot sa may mga sakit; nagpapaanak at nagpapalaglag
Kabilang sa mga ospital para sa mga Pilipino ang _____ (1578), _____ (1590), at _____ (1782).
Hospital of San Lazaro (1578), Hospital of Holy Waters (1590), at Orphanage of St. Joseph (1782)
Sa harap ng krisis at pagbabagong-anyo ng bayan, bahagyang lumaganap ang Katolisismo-Kristiyanismo na nagpahalaga ang paghihiwalay ng _____ sa _____, upang makamtan sa kabilang buhay ang _____.
kaluluwa sa katawan; kaligtasan at kaluwalhatian
Naging mapanghatol at mapanghusga ang mga kronikang Español sa mga pangkalusugang praktis kaugnay ng _____, _____, _____, at _____.
pagtutuli, pagreregla, pagkabirhen, pagpipin o pagsisingsing ng ari, pagpupuwit at pagtatalik, pagbubuntis at panganganak, at pagpapalaglag
Kinikilala ang bayaning si _____ bilang kampeon ng kalusugang pampubliko sa Pilipinas.
Dr. Jose Rizal
Kabilang sina _____, _____, _____, _____, at _____ pinakaunang mga Pilipinong Doktor ng Panggagamot at Pag-oopera.
Dr. Trinidad Pardo de Tavera, Dr. Jose Albert, Dr. Ariston Bautista Lin, at Dr. Antonio Molo Paterno
Itinatag ang _____ ng Universidad de Filipinas (Universidad de Santo Tomas) noong 1871.
Facultad de Medicina y Farmacia
Ang _____ at _____ ang mga pangunahing konseptuwal at teoretikal na pag-unlad sa panggagamot noong dantaon 19.
Teorya ng Mikrobyo at Teorya ng Selyula
Noong dantaon 19, umunlad ang mga subdisiplina (espesyalidad) ng Medisina na _____, _____, at _____.
Anatomikal na Patolohiya, Pag-oopera o Siryuhiya, at Kalusugang Pampubliko
Ilan sa nalikhang mahahalagang bakuna ang sa _____, _____, at _____ na nakarating sa Pilipinas noong dantaon 19.
bulutong, anthrax, at kolera, at rabies