1/127
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
2 anyo ng panitikan:
Tuluyan (Prosa)
Patula
Tuluyan (ex)
Sanaysay
Alamat
Anekdota
Balita
Salaysayin
Talambuhay
Editoryal o Pangulong Tudling
Talumpati
Maikling kwento
Sanaysay
Naglalahad ng mga kuro-kuro at pansariling kaisipan ng isang manunulat
Alamat
Mga salaysay na itinuturing ng mga mananalaysay at tagapakinig bilang katotohanan (Boswell, 1969).
Ipinahahayag nito ang kasaysayan ng mga tao.
Tagpuan ng mga alamat ang mga daigdig na ginagalawan natin ngayon.
Nagaganap ito sa isang tiyak na lugar at nakapag-uugnay sa nakaraan at sa kasalukuyan.
Anekdota
Itinuturing na mga likhang-isip lamang ng manunulat.
Ito ay maaaring maikling bahagi ng buhay ng tao lalo na bayani ng bayan na nakapagbibigay-aral sa mga mambabasa.
Balita
Isang uri ng paglalahad ng mga pang-araw-araw na kalagayan at pangyayari sa lipunan, sambayanan, pamahalaan, mga bansa, sa ibayong-dagat, at sa buong sanlibutan.
Salaysayin
Itinatangi ito bilang katha-katha o kathang-isip lamang at hindi isinasaalang-alang bilang dogma o kasaysayan.
Ito'y mga pang-aliw o libangan, na nangangahulugang mabisang pampalipas ng panahon lalong-lalo na sa oras ng pahingalay (Bascom, 1965).
Talambuhay
Ang paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang tao.
Kapag ang _____ ay nauukol sa taong siyang sumulat, ang tawag dito ay pansariling talambuhay (autobiography).
Editoryal o Pangulong-tudling
Isang sanaysay na naglalahad ng opinyon o ideya ng patnugot ng isang pahayagan.
Inilalahad niya ang kanyang opinyon batay sa kanyang pananaw kaugnay ng mga pangyayari.
Talumpati
Pagpapahayag ito na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
Magbigay ng kuro-kuro, magpaliwanag, at humikayat ang siyang mga layunin nito.
Maikling Kuwento
Naglalahad ng isang natatangi at mahalagang pangyayari ng buhay ng isang pangunahing tauhan.
Ang pangunahing layunin nito ay aliwin o libangin ang mambabasa sa pamamagitan ng isang makapangyarihang paglalahad ng isang maselang pangyayari sa buhay ng protagonista ng kuwento.
Mga Pangunahing Pangangailangan sa Maikling Kuwento
Panimula
Saglit na kasiglahan
kasukdulan
Kakalasan
Wakas
Panimula
Pagpapakilala sa tauhan
paglalarawan ng tagpuan
pagpapakita ng suliranin
Saglit na kasiglahan
suliraning inihahanap ng lunas
paigting na paigting ang mga pangyayari
Kasukdulan
mabilis
malinaw
tiyak hanggang umabot sa wakas
Mga Elemento/Sangkap ng Maikling Kuwento
Tauhan
Tagpuan
Banghay
Paksang-diwa/Tema
Simbolo/Sagisag
Tauhan
Buhay at gumagalaw ang maikling kuwento sapagkat may tauhang nagpapagalaw dito.
Kumikilos sila ayon sa hinihingi ng sitwasyon at nagsasalita sa isa't isa upang magkaunawaan.
Tagpuan
Nararapat bigyan ng mahalagang pansin ang ganapan o lugar na pinangyarihan ng maikling kuwento sapagkat tumutulong ito sa pagbibigay-linaw sa paksa, sa banghay, at sa tauhan.
Banghay
Balangkas o istruktura ng maikling kuwento ang banghay.
Ito ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari tungo sa pagbuo ng maikling kuwento
Paksang-diwa/Tema
Ayon kay Ligaya Rubin (1995), nasa paligid lamang ang mga paksa ng maikling kuwento.
Ang mga ito'y nasa pang-araw-araw na karanasan ng tao, nasa karanasan ng iba sa ikinukuwento nila, napakikinggan, at kinapupulutan ng mga kaisipan.
Ligaya Rubin (1995)
Ayon kay _____ nasa paligid lamang ang mga paksa ng maikling kuwento.
Ang mga ito'y nasa pang-araw-araw na karanasan ng tao, nasa karanasan ng iba sa ikinukuwento nila, napakikinggan, at kinapupulutan ng mga kaisipan.
Simbolo/Sagisag
Nagpapahiwatig ang mga ito ng kahulugan, mga nakakubling kahulugan, at ang mga ito ay nagbibigay kabuluhan sa akda.
Mga Uri ng Maikling Kuwento
Kuwento ng Tauhan
Kuwento na may Katutubong Kulay
Kuwento ng Pakikipagsapalaran
Kuwento na Katatawanan
Kuwento na Sikolohiko
Kuwento ng Tauhan
Ang pokus o tuon sa kuwento ay nasa pangunahing tauhan.
Halimbawa nito'y "Walong Taong Gulang" ni Genoveva Edroza-Matute
Kuwento na may Katutubong Kulay
Ang binibigyang-diin sa kuwentong ito ay ang kapaligirang ng pinangyarihan, ang mga kaugalian at pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
Halimbawa ng kuwentong ito ay ang "Suyuan sa Tubigan" ni Macario Pineda.
Kuwento ng Pakikipagsapalaran
Nakatuon ang kuwento sa balangkas ng pangyayari at wala sa tauhan ang kawilihan o interes sa kuwentong ito.
Kuwento na Katatawanan
Ang layunin ng kuwentong ito ay magpatawa at bigyan ng aliw ang mga bumabasa.
Ang halimbawa ng kuwentong ito'y "Tubig sa Buslo."
Kuwento na Sikolohiko
Sa ganitong uri ng kuwento, may kahirapang ilarawan ang pag-iisip ng isang tao.
Ang kailangan ng kuwentong ito'y maipadama sa mga bumabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari. Mga halimbawa ng kuwentong ito'y "Dugo at Utak" ni Cornelio Reyes at "Ang Pusa sa Aking Hapag" ni Jesus A. Arceo.
Nobela
Naglalahad ng maraming pangyayaring kinasasangkutan ng isa o dalawang pangunahing tauhan at iba pang katulong na mga tauhan.
Ang buong pangyayari ay sumasaklaw nang higit na mahabang panahon kaysa maikling katha (Sebastian at Nicasio, 1965: 2).
Mga Sangkap/Elemento ng Nobela (Restituto, et al., 1994)
Tauhan
Tagpuan
Banghay
Paraan ng pagsulat
Haba
Tauhan
Binibigyang-buhay ng manunulat ang mga tauhan sa kaisipan ng mga mambabasa.
Banghay
Balangkas ito ng mga pangyayari na inayos at pinag-ugnay ng isip.
Ito ang mismong salaysay o mga pangyayaring bumubuo sa akda o mga pangyayaring tungkol sa salaysay.
Paraan ng Pagsulat
Paano sinulat ang nobela?
Maayos, maganda, at kaaya-aya ba ang estilo ng pagkakasulat nito o masalimuot?
Maligoy, mabulaklak o direkta ba ang pagkakapahayag ng manunulat sa kanyang pananalita?
Makahulugan ba ang kanyang mga ginagamit na salita?
Ang paggamit ng angkop na mga salita na may wastong kahulugan ay nagpapalinaw at nagpapakita ng kaugnayan ng mga pangungusap.
Haba
Gaano kahaba ang nobela?
Kinakailangan ang haba ng nobela ay naaangkop din sa mga pangyayari o kaganapang bumubuo sa akda.
Katangian ng Kaakit-akit na Nobela
Mahusay dapat ang pagpili ng mga salita
may bahaging masaya at may sariling tatak ng kumatha
Ilang Uri ng Nobela (Restituto, et al., 1994)
Romansa o Pag-ibig
Nobelang Historikal
Nobela ng Tauhan
Nobela ng Pag-babago
Nobelang Pulitikal
Nobelang Moral
Nobelang Pang-ekonomiya at Isyu sa Paggawa
Romansa o Pag-ibig
Kadalasan ang mga pangunahing tauhan ukol sa paksang pag-ibig ay ang protagonistang lalaki, ang bidang babae, at isa pang tauhang panggagalingan ng tunggalian ng nobela na maaaring umibig din sa pangunahing tauhang lalaki o babae.
Sa ganitong kalagayan, nagkakaroon ng tinatawag na tatsulok na pag-ibig (love triangle).
Sa nobelang Anak sa Ligaw (1972) ni Dr. Fausto Galauran ay matutunghayan ang ganitong paksang pag-ibig.
Nobelang Historikal
Ito'y mga nobelang pangkasaysayan na temang panghihimagsik, may mga tauhang makabayan, at ukol sa mga tagpuang pinangyarihan ng panahon ng digmaan.
Ang mga halimbawa ng mga nobelang pangkasaysayan ay ang The Filipino Rebel ni Maximo Kalaw at ang Anino ng Kahapon ni Francisco Lacsamana.
Nobela ng Tauhan
Ang katauhan ng pangunahing tauhan ay binibigyang-diin sa nobelang ito.
Gayundin, ang mga hangarin at mga pangangailangan ng mga tauhan ay binibigyan ng pansin.
Halimbawa nito ay ang Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Peña.
Nobela ng Pagbabago
Binibigyang-diin dito ang mga layunin ng may-akda o ang kanyang mga hinahangad na pagbabago sa lipunan at sa pamahalaan.
Ang halimbawa nito ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal
Nobelang Pulitikal
Ito'y tumatalakay sa kontemporaryong isyung pulitikal.
Tinutuligsa ng mga nobelista ang kalagayang panlipunan na itinatag ng bagong sumakop.
Ang Pinaglahuan (1907) ni Faustino Aguilar ang halimbawang sumasalamin sa kontemporaryong suliranin noong panahon ng Amerikano.
Nobelang Pang-ekonomiya at Isyu sa Paggawa
Isinulat ni Lope K. Santos (1905) ang Banaag at Sikat, ang unang nobelang Tagalog na tahasang tumatalakay sa isyung ekonomiya at paggawa.
Pinaksa sa nobela ang pag-ibig, suliraning pampamilya, mga personal na karanasan, at ang pagtatagisan ng mga pwersa at uri ng lipunan.
Ang sentro ng sigalot ng salaysay ay ang pagkakasalungat ng uri ng kabuhayan ng magkasintahang sina.
Delfin na isang karaniwang manggagawa, at Meni na anak ng mariwasang si Don Filipino.
Mga Anak Dalita ni Patricio Mariano ang buhay ni Pedro ang tunay na makakapitalistang sistema sa paggawa, at mga patakarang kontra manggagawa.
Dula
Isang kathang ang layunin ay ilarawan sa isang tanghalan, sa pamamagitan ng kilos at galaw, ang isang kawil ng mga pangyayaring nagpapahayag ng isang kapana-panabik na bahagi ng buhay ng tao (Alejandro at Pineda, 1950: 300).
Ang mga pangunahing sangkap ng isang dula ay:
(a) isang paglalahad ng mga pangyayari,
(b) isang buhol o suliranin, at
(c) ang kakalasan o pagliliwanag ng suliranin.
Mga Elemento/Sangkap ng Dula
a. Tauhan
b. Tagpuan
c. Banghay
Katangian ng Dula (Semorlan, et al., 1999)
Mga Pangangailangan ng Dula
1. pagpukaw sa mga manonood
2. isang paunlad na paglalahad ng mga pangyayari pagkatapos na matawag ang pansin ng manonood o mambabasa.
Ang pangyayaring ito'y patuloy sa pagsulong ng dula tungo sa pinakamahigpit na
3. buhol o suliranin na siyang pinakatuktok ng tunggalian ng dalawang magkaibang lakas na kinakatawan ng mga tauhan ng dula tungo sa
4. kakalasan o pagliwanag sa suliranin na dapat ay makatwiran hanggang sa
5. kawakasan na kung minsan, ang tunay na kawakasan ay hinahayaan na lamang sa isipan ng mambabasa o manonood tulad ng mga ilang palabas sa " Balintataw,"e isang seryeng pang-telebisyon.
Mga Kasunduan ng Dula
Kasunduan sa Panahon
Kasunduan sa Tagpuan
Kasunduan sa Pananlita
Kasunduan sa Panahon
Kunwa'y maniniwala ang manonood na sa loob ng dalawang oras na pagtatanghal ay nabuhay siya sa isang araw.
Kasunduan sa Tagpuan
Tinatanggap ng manonood na ang mga pangyayari ay nagaganap sa loob ng isang tahanan o alinmang pook na inilalarawan sa tanghalan bagamat isang palabasan lamang ang nakikita.
Kasunduan sa Pananalita
Tinatanggap ng mga manonood na may mga panandaliang ginagamit para sa pakikipag-usap sa mga kasamang tauhan at mayroon namang sinasalita na para sa sarili lamang na ipinaririnig sa mga manonood at kunwari'y hindi naririnig ng kasama sa tanghalan.
Mga Uri ng Dula
Saynete
Parsa
Melodrama
Trahedya
Komedya
Saynete
Ang pinakalayunin ng dulang ito ay ang magpatawa ngunit ang mga pangyayari ay karaniwan lamang.
Ang mga gumaganap ay tau-tauhan at nasa likod ng telon ang mga taong nagsasalita.
Ito'y mayroon ding awitan.
Parsa
Layunin ng dulang itong magpatawa at libangin ang mga manonood.
Katawa-tawa ang mga sitwasyon, maging ang mga kilos at pananalita ng mga tauhan.
Melodrama
May malungkot na pangyayari ang dulang ito na halos ang mga pangunahing tauhan ay mabingit sa kamatayan ngunit sa bandang huli'y magtatagumpay din sila at magwawakas sa kaligayahan.
Trahedya
Dulang nagtatapos sa kabiguan o kalungkutan ng pangunahing tauhan.
Ito'y kinapapalooban ng mga mahihigpit na tunggalian.
May mapupusok at maaapoy na damdamin ang mga tauhan.
Komedya
Dulang nagtatapos sa tagumpay ng pangunahing tauhan, masaya at kawili-wili sa mga nanonood.
Parabula (Parable)
Mga salaysaying hango sa Bibliya na nagbibigay-aral sa mga nakikinig o nagbabasa.
Anyong Patula
Ang ____ ay isang bahagi ng panitikan na naglalahad ng isang piling kaisipang malimit ay sa pamamagitan ng salitang may sukat at tugma at kung minsan naman ay walang sukat at tugma.
Ang ____ walang sinusunod na tuntunin ng sukat at tugma ay tinatawag na malayang taludturan o free verse (Sebastian at Nicasio, 1965: 2).
Ang tula ay isang pagbabagong-hugis sa buhay-isang paglalarawan ng buhay na hinango sa guniguni, na ipinararating sa ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang nag-aangkin ng wastong aliw-iw, at higit na mainam kung may sukat at tugma ang taludturan.
Ang kahulugan ng tula ay "likha," at ang makata ay isang manlilikha (Alejandro at Pineda, 1950: 270).
Nagpapahayag ang tula ng isang ideya o damdamin sa isang wikang matalinghaga (Rubin at Casanova, 2001).
Anyong Patula
Ang paksa ng tula'y hinahango sa kalikasan, sa buhay ng tao, sa bagay na nakikita o sa balanang naiibigan o ginagawa ng tao, tungkol sa mga kalagayang sosyal, pangkabuhayan, at mga kalakaran sa lipunan.
Malayang taludturan o free verse
Ang tulang walang sinusunod na tuntunin ng sukat at tugma.
Tula
“Likha”
Makata
“Manlilikha”
Panulaan
Denotasyon at Konotasyon
Diksyon ng Tula
Poetic License
Persona
Paggamit ng Simbolo
Denotasyon
Ang aktwal na kahulugan o kahulugang pandiksyunaryo.
Konotasyon
ay kahulugang ipinahihiwatig ayon sa gamit at pagkakaugnay sa ibang salita.
Denotasyon at konotasyon
Halimbawa:
Bata ka pa kaya huwag ka munang sumama sa kanila. (di pa matanda, denotatibo)
Siya ay pinagkakatiwalaang bata ng senador. (alalay, konotatibong kahulugan)
Diksyon ng tula
____ ang tawag sa mga salitang pinipili para gamitin ng makata o kahit sinong manunulat.
Poetic license
ang karapatan ng makatang umiiwas sa anumang pamantayan at mga tuntunin upang magkaroon ng bisa o epekto.
Maaari niyang gamitin ang isang pangngalan na maging pang-uri o isang pandiwa gaya ng linis (pangngalan), maglinis (pandiwa), at malinis (pang-uri).
Malaya rin ang makata sa palaugnayan (syntax) at sa pag-aayos ng mga salita sa pangungusap.
May mga tula minsan na binubuo lamang ng mga salita at parirala imbes na mga kumpletong pangungusap.
Nakasalalay ito sa estilo o porma ng tula.
Halimbawa:
Sana Dumating na nga Sana Hindi masayang Ang pangarap Na inaadhika.
Persona
Mga Dapat Tandaan
Ang persona ay nagsasalita sa loob ng tula.
Ang persona at ang makata ay maaaring pareho o iisa ngunit hindi dapat ipagkamali na ang makata at ang persona ay laging iisa.
Ang persona ay maaaring may buhay o wala. Maaaring magsalita ang anumang bagay o taong may buhay.
May mga persona na ispesipiko at agarang matutukoy. May mga persona namang hindi ispesipiko at maging ang kausap ay hindi rin matukoy.
Halimbawa:
Gusto ko siyang saktan gaya ng sakit na nadarama ko. Gusto ko siyang saktan na higit pa sa hapding nadarama niya. Sa mga sugat na nakabalatay sa buo niyang katawan Pero di ko magawa. Bago pa man ako makaamba, siya'y lugmok na pagkat tunay na mahina. (Mula sa Mahina ni Lilia F. Antonio)
Paggamit ng Simbolo
Ang _____ sa sining ng pagtula ay pagpapahiwatig o paglalahad ng mga bagay, pangyayari, tao, kaisipan o katangian sa pamamagitan ng mga pananda (signs) at mga sagisag.
Sa _____ may nakakubling kahulugang ipinapahiwatig lamang ng makata sa halip na tahasang ipahayag.
Tayutay
Nagiging kaakit-akit at malikhain ang isang pagpapahayag sa pamamagitan ng mga ____.
Sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit na mga salita ang _____.
Hindi ordinaryo ang pagkakapahayag nito; hindi tuwiran ang kahulugang hatid kung kaya't kailangan pang lubos na pag-iisipan upang ganap na mauunawaan.
Lumikha ito ng mga larawan o imahen at umaakit sa mga pandama; malikhain o matulain ang paglalahad nito dahil naiiba ang bigkas sa bumabasa o nakikinig (Resuma at Semorlan, 1994).
Mga Uri ng Tayutay
Simili/Patulad/Pagtutulad
Pagwawangis/Pawangis/Metapora
Pagsasatao o Personipikasyon
Pagmamalabis/Eksaherasyon/Pasawig
Apostropi o Panawagan
Metonimi o Pagpapalit-saklaw
Pag-uyam (Irony)
Alusyon (Allusion)
Aliterasyon (Alliteration)
Anapora (Anaphore)
Simili/Patulad/Pagtutulad
Simpleng paghahambing ito ng dalawang bagay na magkaiba sa pangkalahatan, ngunit may magkatulad na katangian kaya't maiuugnay sa isa't isa.
Ang mga salitang panulad na ginagamit sa uring ito ay parang, kawangis, anaki, animo, gaya/kagaya, tulad/katulad, mistula, atbp.
Simili/Patulad/Pagtutulad
Halimbawa:
"Ang buhay ng tao ay parang kumunoy Kung nagpapaanod lamang sa panahon Sa laspag na buhay kapagka nanunton." (Rogelio Mangahas)
"Ako raw Katulad lamang ng bato Pagulong-gulong Ikaw raw, Kawangking-kawangki ng buhangin Nagbibilang lamang ng araw Kayo raw Kawangis naman Apoy matulos-magising Sa balikat ng bundok Manhid Sa init at lamig ng panahon" (Gonzalo Flores)
Pagwawangis/Pawangis/Metapora
Tuwiran ang paghahambing ng tayutay na ito, kaya hindi na ginagamitan ng mga katagang nagpapakilala ng paghahambing.
Pagwawangis/Pawangis/Metapora
Halimbawa:
"Ang buhay ay alak na kukulo-kulo habang lumalamig sa basong may lamat." (Rogelio Mangahas)
"Ang buhay ay isang paglalakbay At tayo'y nagdaraan lamang sa daigdig At nagbalik kung saan nagsimula." (Lamberto Ma. Gabriel)
Kuwintas ng sampaguita ang buhay ng tao.
Pagsasatao o Personipikasyon
Ito ang paglilipat o pagkakapit ng katangian ng isang tao sa mga bagay na walang buhay.
Itinuturing na tao ang bagay: may damdamin at pag-iisip kaya nakadarama ng iba't ibang damdamin ng tao at gumagawa ng mga kilos na tanging tao lamang ang gumagawa.
Pagsasatao o Personipikasyon
Halimbawa:
"Nang lumuha ang panitik buong bayan ay nagising Nagliliwanag ang isipang dati-rati'y nagdidilim." (Roberto Cruz)
Naririnig nila ang mga piping hikbi ng mga bulaklak.
Pagmamalabis/Eksaherasyon/Pasawig
Ito ang pagpapasobra sa normal na pagpapahayag upang bigyang-diin ang mensahe.
Maaari itong pagpapakulang sa tunay na sitwasyon bilang pantawag- pansin sa gustong ihayag.
Karaniwang matinding damdamin ang hatid nito.
Pagmamalabis/Eksaherasyon/Pasawig
Halimbawa:
Sa mga yungib na tila bunganga ng isang libong dambuhala. sa mga baybay na madapya't kaiisya at sandaang itlog na makalagot ahas ang lakas ng agos sa mga liko-likong bulaos na wari'y higanteng sawang sa paa ng bundok. (Amado V. Hernandez)
Bumaha ng dugo noong panahon ng digmaan.
Apostropi o Panawagan
Ito'y isang madamdaming pagtawag sa gitna ng pangkaraniwang salaysay na wari'y kaharap lamang ang kinakausap.
Apostropi o Panawagan
Halimbawa:
"Oh, Bathala! Huwag mong ikintal sa kanilang loob Na ang kalayaan, ang katarungan at ang Diyos Ay wala sa bayan at wala sa lunsod. At kung hahanapin ay dapat na muling balikan sa bundok!"
(Amado V. Hernandez)
Metonimi o Pagpapalit-saklaw
Ito ang pagtukoy ng isang bahagi bilang katapat ng kabuuan.
Maaari ring ang kabuuan ng bagay-bagay ang itinatapat sa isang bahagi.
Metonimi o Pagpapalit-saklaw
Halimbawa:
"Bilang-bilangin na lamang ang mga pares ng paang nagsisihakbang sa bangketa at nagsisihakbang patawid sa kabilang bangketa: mga paang balisa, pagod, tinatamad."
(Ruth Mabanglo)
Pag-uyam (Irony)
Pangungutya ito sa tao, bagay o pangyayari.
Maaaring pumupuri ito sa simula ngunit lilitaw rin ang pamimintas sa huli.
Pag-uyam (Irony)
Halimbawa:
Ang kinis ng kutis niya, mala-porselana, sa dami ng kagat ng lamok.
Ang galing-galing mong magpaliwang, wala namang nagtitiyagang makinig sa iyo.
Kaytalino mo naman upang ikaw ay maloko.
Tuso ka nga'y nabilog din ang mautak mong ulo.
Alusyon (Allusion)
Tumutukoy ito sa historikal, biblikal o literari na katauhan, pangyayari, at bagay.
Alusyon (Allusion)
Halimbawa:
Maraming Andres Bonifacio ang nanindigan noong EDSA I. Maraming Gabriela Silang ang nakiisa at nakilahok sa EDSA II.
Anapora (Anaphore)
Ang pag-uulit ng isang salita o parirala sa simula ng sunod-sunod na parirala, sugnay o mga taludtod.
Anyo ng Literatura
Ang pahayag na pampanitikan ay may dalawang anyong panlahat: tuluyan at patula.
Tuluyan (prosa)
ay maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa katutubong anyo ng pangungusap.
Patula
ay pagbubuo ng pahayag sa pamamagitan ng salitang binilang sa pantig.
Malayang taludturan
ay ang tinatawag sa Ingles na free verse.
hindi nito isinasaalang-alang ang tiyak na bilang ng pantig at pagpili ng salitang dapat na magkakasintunog sa dulo ng taludtod.
Maging tuluyan o patula man, ang apat na paraan ng pagpapahayag ay ginagamit ayon sa hinihingi ng hangarin:
pagsasalaysay
paglalarawan
paglalahad
pangangatwiran (pasulat o pasalita man).
Pangkalahatang Katangian ng Literatura sa mga Anyong Tuluyan
Maikling Kuwento
Dula
Sanaysay
Nobela
Alamat
Anekdota
Pabula
Parabula
Balita
Talupati
Talambuhay
Maikling Kwento
Ito'y isang salaysay na ginagalawan ng isa o ilang tauhan, may isang pangyayari at kakintalan.
Dula
Isa itong anyo ng akdang panliteratura na binibigyang-buhay sa pamamagitan ng karaniwang pagtatanghal sa entablado.
Nagsimula ang dula bago pa man dumating ang mga Kastila mula sa mga anyo ng ritwal, sayaw at awit.
Sa pagdating ng mga Kastilang mananakop, ang dula na kinagigiliwan ng ating mga ninuno ay nadag-dagan ng bagong tema at konseptong panrelihiyon na karaniwang makikita sa mga pagdiriwang ng kapistahan.
Sanaysay
Pagpapahayag ito ng kurukuro o opinyon ng may-akda tungkol sa isang suliranin o pangyayari.
Ito'y isang paglalahad at may dalawang uri: maanyo o pormal (nangangailangan ng masusing pag-aaral at pananaliksik tungkol sa paksang isusulat) at malaya o impormal (karaniwan lamang ang mga paksang ginagamit sa sulatin kaya hindi na kailangan ng ibayong pananaliksik.
Nobela
mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata.
Ang mga pangyayari rito'y hango sa tunay na pangyayari.
Alamat
Karaniwang hindi batid kung sino ang may-akda o sumulat nito.
Ito'y nagpasalin-salin sa bibig ng ating mga ninuno upang maihatid sa mga tao sa kasalukuyang panahon.
Dahil matagal na itong nangyari at hindi na uso noon ang pasulat na paraan sa pagpapalaganap ng literatura, karaniwang hindi nagkakaroon ng isang tiyak na pangyayari sa nabuong salaysay hinggil sa nilalaman ng isang alamat.
Bunga nito, nagkakaroon ng iba't ibang bersyon ang isang alamat.
Anekdota
Ito'y batay sa mga totoong pangyayari na ang layunin ay /magbigay ng aral.
Pabula
Tungkol sa mga hayop ang karaniwang paksa nito.
Layon nitong gisingin ang interes ng mga bata at makapagbigay-aral sa mga mambabasa.