1/37
70 VOCABULARY flashcards sa Filipino na sumasaklaw sa mga pangunahing konseptong pangwika mula sa modyul ng Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Wika
Pangunahing kasangkapan ng komunikasyon; masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na ginagamit ng isang kultura.
Katuturan ng Wika
Paglalarawan o depinisyon kung ano ang wika at bakit ito mahalaga sa ugnayan ng tao.
Henry Gleason
Lingguwistang nagsabing ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos nang arbitraryo.
Masistemang Balangkas
Katangian ng wika na may tuntunin sa pag-aayos ng tunog, salita, at pangungusap (hal. Juan, ako si → ako si Juan).
Likas na Pantao
Katangian ng wika na tanging tao lamang ang may kakayahang makapagsalita at umunawa nang kritikal.
Arbitraryo
Katangiang nagsasabing napagkakasunduan lamang ang kahulugan ng mga salita sa loob ng isang komunidad.
Dinamiko
Katangian ng wikang patuloy na nagbabago at yumayabong sa paglipas ng panahon.
Makapangyarihan
Katangian ng wika bilang sandata sa pagkakaisa, pagkakawatak-watak, batas, at pagsalungat.
Antas ng Wika
Pag-uuri ng wika batay sa pormalidad at paggamit—impormal at pormal na antas.
Impormal na Wika
Mga salitang karaniwang di-ganap na tinatanggap sa akademya; kinabibilangan ng bulgar, balbal, kolokyal, at lalawiganin.
Bulgar
Pinakamababang anyo ng wika; naglalaman ng pagmumura at kalaswaan.
Balbal
Salitang kanto o street language gaya ng syota, datung, todas, olats.
Kolokyal
Pinapaikling salita sa pang-arawaraw na usapan, bahagyang tinatanggap; hal. meron, pano, dalwa.
Lalawiganin
Mga salitang ginagamit lamang sa probinsya; bahagi ng dayalek; hal. kaon, balay, ambot.
Pormal na Wika
Binubuo ng pambansa at pampanitikan; karaniwang ginagamit sa paaralan, pamahalaan, at aklat.
Pambansa
Mga salitang nauunawaan ng buong bansa, tulad ng asawa, dangal, kasaysayan.
Pampanitikan
Pinakamataas na antas; gumagamit ng idyoma, tayutay, matalinhagang pahayag.
Register ng Wika
Pagbabago ng anyo ng wika batay sa sitwasyon, layunin, tagapakinig, at konteksto.
Field
paksa o larangang pinag-uusapan; mga teknikal na salitang ginagamit ng mga taong nasa partkular na disiplina o larangan.
Mode
paraan ng pagpapahayag kung pasalita o pasulat.
Tenor
relasyon o ugnayan ng mga nag-uusap.
Dayalek
buong paraan ng pagsasalita sa isang lugar.
Etnolek
isang uri ng barayti ng wika na ginagamit ng mga partikular na etnolingguwistikong pangkat sa Pilipinas.
Idyolek
ang wikang tipikal/ pangkaraniwang ginagamit ng isang tao; ang personal na “wika” ng isang tao.
Sosyolek
Barayti batay sa katayuang panlipunan, edad, kasarian, o propesyon.
Ekolek
Salitang nabubuo at karaniwang ginagamit lamang sa loob ng tahanan o pamilya.
Pidgin
Pansamantalang wika na bunga ng paghahalo para sa praktikal na transaksiyon; walang katutubong tagapagsalita.
Creole
Pidgin na naging unang wika ng komunidad at may katutubong nagsasalita, gaya ng Chavacano.
Homogenous na Wika
Pagkakatulad ng anyo ng salita ngunit nag-iiba ang kahulugan depende sa diin at intonasyon (puNO vs PUno).
Unang Wika
Wikang unang natutunan mula pagsilang; tinatawag ding mother tongue.
Pangalawang Wika
Wikang natutuhan matapos ang unang wika dahil sa exposure sa kapaligiran.
Barayti ng Wika
Pagkakaiba-iba ng wika ayon sa pormalidad, bigkas, tono, at sosyo-sitwasyunal na salik.
Code Switching
Paglipat o paghahalo ng dalawang wika sa loob ng pangungusap o usapan.
Gay Lingo
Sosyolek ng LGBTQ+ community; hal. Indiana diones (hindi sumipot), gorabels (sige).
Konyo
Baryant ng Taglish na may code switching; hal. “Let’s make kain na…”
Jejemon
Paraang pasulat na may halong numero at simbolo, hal. “mAyP@ gmH??”
Chavacano
Isang creole na hango sa Kastila at katutubong wika sa Zamboanga.
Taglish
Paghahalo ng Tagalog at Ingles sa pangungusap; halimbawa ng code switching.