Looks like no one added any tags here yet for you.
Layunin
Karaniwang pagpapaunlad o paghamon ito sa mga konsepto o katuwiran.
Tono
Impersonal ito, hindi parang nakikipag-usap lang. Hindi rin ito emosyonal.
Batayan ng datos
Pananaliksik at kaalamang masusing sinuri upang patunayan ang batayan ng katuwiran dito.
Obhetibo ang posisyon
Batay ito sa pananaliksik. Iniiwasan dito ang anomang pagkiling. Makikita ang pagka-obhetibo sa paksa, organisasyon, at mga detalye.
Katotohanan (Fact) vs. Opinyon
Kailangan ang pruweba o ebidensiyang mapagkakatiwalaan o talagang nangyari, hindi haka-haka o gawa-gawa lamang.
Balangkas ng Kaisipan (Framework) o Perspektiba
Ito ang piniling ideya o kaisipan na gustong patunayan ng sumulat.
Perspektiba
Nagbibigay ng bagong perspektiba o solusyon sa umiiral na problema.
Target na mambabasa
Kritikal, mapanuri, at may kaalaman din sa paksa kaya naman mga akademiko o propesyonal ang target nito. Tinatawag silang mga ka- diskursong komunidad.
INTRODUKSYON
Ito ang pinakatesis o pokus ng pag-aaral o paksa. May gustong patunayan ang paksa at makatutulong kung sa bahaging ito ay nalilinaw na ang nais patunayan sa pamamagitan ng paksang pangungusap o tesis na pangungusap.
Sanhi at Bunga
Fact o Opinyon
Halaga
Solusyon o Patakaran
Ano ang mga maaaring patunayan sa introduksyon?
Paksang Pangungusap
Ang pagkakaroon ng malakas na paksang pangungusap o tesis na pangungusap ang magpapalakas din ng mga argumento at batayan o datos.
Atensiyon sa Simula
Upang makuha ang atensiyon ng mambabasa, magkaroon din ng estratehiya kung paano sisimulan ang introduksiyon. Narito ang ilang halimbawa:
Tanong
Impormasyon, Pigura
Depinisyon
Sipi
KATAWAN
Sa bahaging ito pinauunlad at nagsusulat ng mga talata. Mahalaga rito ang tuloy-tuloy, organisado, lohikal, malinaw maayos, at makinis na daloy ng ideya kung saan:
Ang unang pangungusap ng talata ay kaugnay ng naunang talata.
Ang mga sumusuportang ideya ay magkakasama sa loob ng talata
Kaayusan ng talata
Maaaring batay ito sa kronolohikal na ayos, kahalagahan ng ideya, hakbang-hakbang, o serye.
Pagpapaunlad ng talata
Maliban sa malakas na argumentong magpapatunay sa isinasaad ng talata ang ebidensiya batay sa pananaliksik.
Ebidensya
Argumento
Pagbubuo
iba-ibahin ang anyo ng pangungusap
gumamit ng iba’t uri ng pangungusap
Paano buuohin ang nga pangungusap sa teksto?
KONGKLUSYON
Ito ang huling bahagi ng teksto na isinasagawa sa pamamagitan ng pagbubuod, pagrebyu ng mga tinalakay, paghahawig (paraphrase), o kaya’y paghamon, pagmungkahi, o resolusyon.
aktibong pagiisip
gumagamit ng datos
nagtatanong
malayang nag-iisip
sinusuri ang sitwasyon
perspektiba
organisado
respeto
Mula sa mapanuring pag-iisip nabubuo ang isang mapanuring manunulat na nagtataglay ng anong mga katangian?
larawang sanaysay
Sanaysay na may larawan upang epektibong mailahad ang impormasyon.
pasalaysay
Larawang sanaysay na nagpapahayag ng kwento sa pamamagitan ng teksto o caption at larawan.
ayon sa tema
Larawang sanaysay na naglalahad ng kwento sa pamamagitan ng serye ng mga larawan.
paksa ayon sa interes
saliksik muna
tukoy anggulo
padama ang damdamin
Paano gumawa ng larawang sanaysay?