1/31
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
masistemang
balangkas ng mga sinasalitang
tunog na pinipili at isinasaayos sa
paraang arbitraryo.
Wika
Ang grupong ito ay pinagkasunduan ng mga
salitang nabubuo sa wikang ginagamit
sapagkat iyon ang nakaugaliang gamitin
Arbitraryong Simbolo
Masistemang Instruktura ng Wika
Ponolohiya, Morpolohiya, Sintaks, Sematika
Sumasalamin ng wika at kultura o ang paraan ng pamumuhay ng isang grupo ng tao.
Kultura
Ang wika ay
kasangkapan sa
komunikasyon ng dalawa
o higit pang taong
nag-uusap kung saan
naibabahagi ng tao ang
kanyang naiisip at
nararamdaman
Komunikasyon
Sa pagpasok ng mga makabagong gamit
pangteknolohiya, ang wika ay nagbabago
dahil din sa pangangailangan ng tao at sa
pag- usbong ng iba’t ibang grupo sa
bansa.
Dinamiko
mga katutubong wika sa isang lugar o komunidad. Ito rin ay wikang hindi sinasalita o malayo sa sentro tulad ng Metro Manila.
Wikang Bernakular
tinatawag na wikang komon. Ito ay ginagamit sa dalawang tao na may magkaibang unang wika o nagmula sa magkaibang komunidad upang magkaroon ng ugnayan.
Lingua Franca
Wikang Pambansa ng Pilipinas?
Filipino
Ito ay ang pagkakaiba-iba sa isang wika dulot ng sosyo-heograpikong kadahilanan (Ramos, 1998)
Dayalekto
Tawag sa dalawang wika
Bilinggwalismo
Tumutukoy sa higit sa dalawang wika
Multilinggwalismo
Ito ay sitwasyong pangwika ay tumutukoy sa isang lugar na mayroong iisang wika at walang baryasyon, dayalekto o pagkakaiba iba sa pagbigkas ng mga salita at sa sistema ng pagbubuo ng mga pangungusap
Homogeneous na Wika
Ito ay sitwasyong pangwika kung saan maraming wikang sinasalita, dayalekto o baryasyon ang isang lugar o komunidad
Heterogeneous na Wika
nagkakaunawaan at nagkakasundo sa
paggamit ng isang varayti ng wika na
may sariling patakaran sa paggamit ayon
kay Gererd Van Herk (2012)
Lingguwistikong Komunidad
Nagkakaroon ng barayti at baryasyon sa wika dahil sa lugar na
kinalalagyan ng mga nagsasalita ng isang partikular na wika.
Dimensyong Heograpikal
ay tumutukoy sa katayuan sa buhay ng
isang indibidwall.
Dimensyong Sosyal
salitang teknikal na ginagamit
lamang sa partikular na larangan,
disiplina at propesyon
Jargon
Ang pagkakaiba sa paggamit ng wika batay sa konsteksto ay nakabatay sa
indibidwal na pakikiharap ng tao ayon sa kaharap o kausap, o anong
okasyon o kaganapan, at kung ano ang pinag- uusapan
Dimensyong Kontekswal
ay paraan ng pagbigkas
na nagpapakilala sa tagapagsalita kung
saan siya nagmula o ang rehiyon ng
kanyang kinabibilangan.
Punto
ito ay ang nakagawiang pamamaraan sa
pagsasalita ng isang indibidwal na kaugnay ng
personal na kakayahan ng tagapagsalita. Ang
paraan ng pagsasalita ng tao ay kakaiba at
natural sa kanya
Idyolek
Ito ang iba’t ibang antas ng estilo sa pagsasalita,
mula sa pormal hanggang sa hindi pormal na
pananalita. Kasama ritoang pagiging promalidad, at
relatibong katayuan ng mga kalahok sa isang
diyalogo
Tenor / Tono
Tumutukoy ito sa mga natatanging bokabularyo na wala sa ibang
wika o maaaring isang partikular na grupo lamang ang nakakaalam
upang hindi maintindihan ng ibang taong hindi kabilang sa kanilang
grupo.Halimbawa nito ay mga salitang kolokyal at paggamit ng
abbreviation, acronym, at mga salitang balbal o slang.
Argot
tawag sa isang barayti ng isang
wika na napaunlad para sa mga gawaing
praktikal tulad ng pangangalakal sa ibang
grupo ng tao na iba ang wikang sinasalita.
Wala itong katutubong tagapagsalita kaya
tinatawag itong “nobody's native language.”
Pidgin
Isang wika na orihinal na nagmula sa pagiging pidgin ngunit nang maglaon
ay nalinang at lumaganap sa isang lugar hanggang ito na ang maging unang
wika.
Creole
Ginagamit ang wika ng tagapagsalita sa pakikipag-ugnayan nito sa kapwa upang makamit niya ang kanyang pangangailangan at kagustuhan o mga nais mangyari.
Instrumental
Isa sa mahahalagang gamit ng wika ang magkontrol ng tao. Pumapasok dito ang kapangyarihan ng wika sa pagtatakda ng mga patakaran,makapanghikayat na umayon sa layunin, at mang-utos.
Regulatori
Isa sa mga ginagampanan ng wika ang pagbibigay at pagbabahagi ng mga mahahalagang impormasyon ng isang tao sa kanyang kapwa
Representasyunal
Sa pagtiyak na tama ang mga impormasyong nababasa at naririnig, mahalaga ang pagtatanong at pananaliksik ng tao sa tulong ng wika.
Heuristiko
Ang gampaning ito ng wika ay nakatutulong upang mapanatili ang maayos na pakikitungo at ugnayan ng tao sa kanyang kapwa.
Interaksyunal
Personal ang gamit ng wika kung naipapahayag ng tao ang kanyang sarili, damdamin, opinyon, at personalidad. Ang paggamit ng “ako ay" at "para sa akin” ay nagpapahiwatig ng ganitong gamit ng wika.
Personal
Ang tao ay nakabubuo ng sarili niyang senaryo at imahinasyon sa tulong ng mapaglarong paggamit ng wvika.
Imahinatibo