isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan.
Akademikong pagsulat
ay ang natutunang kapasidad o kakayahan na maipapatupad ang mga resultang nauna nang natukoy at kadalasang may mababang panggugol ng panahon, enerhiya o pareho.
Kasanayan
ay isinasagawa sa isang akademikong institusyon kung saan kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat.
akademikong pagsulat
layunin nito ang ang magbigay ng impormasyon sa halip na manlibang.
akademikong pagsula
ay nangangailangan ng mas mahigpit na tuntunin sa pagbuo ng sulatin.
akademikong pagsulat
Ang mga ganitong uri ng sulatin ay pormal at hindi ginagamitan ng mga impormal o balbal na pananalita.
PORMAL
Ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang disiplina o larangan. Binibigyang-diin dito ang impormasyong gustong ibigay at ang argument sa mga
OBHETIBO
Ang akademikong pagsulat ay kailangang may ____________ sapagkat ang nilalaman nito ay pag-aaral o mahalagang impormasyon na dapat idinudulog at dinepensahan, ipinapaliwanag at binibigyang katwiran ang mahahalagang layunin, at inilalahad ang kahalagahan ng pagaaral.
MAY PANININDIGAN
Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga sangguniang pinaghanguan ng mga impormasyon.
MAY PANANAGUTAN
Dapat na maging malinaw ang pagsusulat ng mga impormasyon kung kaya’t ang pagpapahayag sa pagsulat ay direkta at sistematiko.
MAY KALINAWAN
isang mga resiprokal proseso
pagbasa at pagsulat.
Ayon kay _______ naituturo ang pagsulat sapagkat hindi naman namamana ang kakayahang ito
Isagani R. Cruz
ay isang sistema ng komunikasyong interpersonal na gumagamit ng simbolo at isinusulat gamit ang papel.
pagsulat
Sa bahaging ito, ang mga mag-aaral ay dumadaan muna sa brainstorming. Dito ay malaya silang mag-isip at magtala sa kanilang mga kaalaman at karanasan na may kinalaman sa paksa. Dito rin mapagpapasiyahan kung ano ang susulatin ng mga mag-aaral, ano ang layunin sa pagsulat, at ang estilong kanyang gagamitin.
BAGO SUMULAT (PREWRITING)
Sa bahaging ito, naisusulat ang mga unang borador na ihaharap ng bawat mag-aaral sa isang maliit na grupo upang magkaroon ng interaksiyon kung saan tatalakayin ang mga mungkahing pagbabago o mga puna.
HABANG SUMUSULAT (ACTUAL WRITING)
Sa bahaging ito, ginagawa ang mga pagbabago sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagkakaltas, at paglilipat-lipat ng mga salita, pangungusap, o talata. Bilang pangwakas na hakbang, pagtutuonan na ang mga mekaniks ng sulatin tulad ng baybay, bantas, at gramatika.
PAGKATAPOS SUMULAT (POSTWRITING)
Ang bahaging ito ay nararapat na maging kawili-wili upang sa simula pa lamang ay mahikayat ang mga mambabasa na tapusing basahin ang teksto.
PANIMULA
Sa pagsulat ng bahaging ito, matatagpuan ang wastong paglalahad ng mga detalye at kaisipang nais ipahayag sa akda. Mahalagang magkaroon ng ugnayan at kaisahan ang mga kaisipang ipinahahayag upang hindi malito ang mga mambabasa dahil ito ang pinakamahalagang bahagi ng teksto.
KATAWAN
ano ang tatlong hakbang para maisagawa ang panggitnang bahagi ng sulatin.
Pagpili ng organisasyon Pagbabalangkas ng nilalaman Paghahanda sa transisyon ng talataan
Dapat isaalang-alang ng manunulat ang pagsulat ng bahaging ito upang makapag-iwan ng isang kakintalan sa isip ng mambabasa na maaaring magbigay buod sa paksang tinalakay o mag-iiwan ng isang makabuluhang pag-iisip at repleksiyon.
WAKAS