1/12
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Eager Beaver
Ngiti nang ngiti o patangu-tango, nagkukunwaring nakikinig subalit hindi naman niya ito ganap na naunawaan.
Sleeper
Karaniwang matatagpuan ang ganitong uri ng tagapakinig na kundi man literal na natutulog ay tulog ang kaniyang diwa sa pakikinig at walang tunay na intensyong makinig sa nagsasalita.
Tiger
Matamang nakikinig ngunit laging nakapokus sa kamalian ng nagsasalita. Handang magreak sa inaakalang mali ng nagsasalita.
Bewildered
Walang maintindihan sa naririnig. Mapapansin sa kanya ang pagkunot ng noo, pagsimangot at wari'y nagtataka o nagtatanong.
Frowner
Tipo ng tagapakinig na tila ba laging may tanong o pagdududa. Hindi lubos na nakikinig, naghihintay lamang ng pagkakataong makapagtanong upang makapagpaimpres.
Relaxed
Laging nakatuon ang kanyang atensyon sa ibang bagay at hindi kababakasan o kakikitaan ng reaksyon, positibo man o negatibo.
Busy Bee
Laging abala sa ibang gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagkwentuhan sa katabi, pagseselpon o anumang gawaing walang kaugnayan sa pakikinig.
Two-eared listener
Lahat ng positibong bagay ukol sa pakikinig ay nasa kanya.
Pakikinig na Diskriminatori (Discriminative Listening)
Pinakapayak na uri, nakatuon sa pagbibigay pansin sa tunog, tono, at paraan ng pagkakasabi upang maunawaan ang kahulugan.
Pakikinig na Komprehensibo (Comprehensive Listening)
Nakatuon sa pag-unawa ng mensahe o impormasyon na ipinapahayag ng tagapagsalita.
Pakikinig na Terapeutiko (Therapeutic/Empathic Listening)
Layunin nitong makinig upang umunawa ng damdamin, saloobin, at karanasan ng iba.
Pakikinig na Kritikal (Critical Listening)
Ginagamit kapag sinusuri o binibigyang-evaluasyon ang mensahe ng tagapagsalita kung ito ba ay kapani-paniwala, lohikal, at makatotohanan.
Pakikinig na Apreseytiyeb (Appreciative Listening)
Pakikinig na may layuning magbigay kasiyahan o libangan, gaya ng pakikinig sa musika, tula, o isang nakaaaliw na kwento.