1/24
Mga flashcard tungkol sa mga Diyos at Diyosa ng Mitolohiyang Griyego at Romano mula sa lecture notes.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Sino si Zeus/Jupiter?
Pinuno ng mga Diyos sa Olympus, pinakamakapangyarihan, at ang kanyang simbolo ay agila, toro, kulog at puno ng oak.
Sino si Hera/Juno?
Diyosa ng langit, mga babae, kasal at panganganak, kapatid na babae at asawa ni Zeus, at ang kanyang simbolo ay korona, trono at peacock.
Sino si Poseidon/Neptune?
Diyos ng karagatan na may kapangyarihan sa pagmamanipula ng alon, bagyo at lindol, at ang kanyang simbolo ay piruya o trident.
Sino si Hades/Pluto?
Diyos ng kamatayan at pinuno ng Tartarus, asawa ni Persephone, at ang kanyang simbolo ay setro na may ibon sa dulo, itim na karwahe at itim na kabayo.
Sino si Ares/Mars?
Diyos ng digmaan, anak nina Zeus at Hera at kalaguyo ni Aphrodite, at ang kanyang mga simbolo ay buwitre, kalasag at sibat.
Sino si Hestia/Vesta?
Diyosa ng tahanan at apoy mula sa pugon, anak nina Cronus at Rhea, at ang kanyang mga simbolo ay takure at walang hanggang apoy.
Sino si Demeter/Ceres?
Diyosa ng butil, halaman at agrikultura na nagturo sa mga taong magsaka, at ang kanyang simbolo ay korona ng butil ng trigo.
Sino si Hephaestus/Vulcan?
Diyos ng apoy at sining ng iskultura, anak nina Zeus at Hera at asawa ni Aphrodite, at ang kanyang simbolo ay martilyo at buriko.
Sino si Hermes/Mercury?
Diyos ng komersyo, siyensiya, biyahero, medisina, laro, pagnanakaw at panlilinlang, mensahero ng mga diyos, at ang kanyang mga simbolo ay sandalyas at sumbrerong may pakpak at baton na may nakapulup na ahas.
Sino si Aphrodite/Venus?
Diyosa ng kagandahan at pag-ibig, asawa ni Hephaestus at naging kalaguyo ni Ares, at ang kanyang mga simbolo ay kalapati, rosas, salamin, kabibe at sisne.
Sino si Apollo/Pallas Apollo?
Diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika at panulaan, anak nina Leto at Zeus at kakambal ni Artemis, at ang kanyang mga simbolo ay pana, uwak, lyre.
Sino si Artemis/Diana?
Diyosa ng buwan, pangangaso, ligaw na hayop at tagapagtanggol ng mga bata, anak nina Zeus at Leto at kakambal ni Apollo, at ang kanyang mga simbolo ay pana at chiton.
Sino si Athena/Minerva?
Diyosa ng karunungan, sining, industriya, digmaan at katusuhan, anak nina Metis at Zeus, at ang kanyang simbolo ay ahas, puno ng oliba, helmet at kalasag.
Sino si Dionysus/Bacchus?
Diyos ng alak, pista, kasiyahan, kaguluhan at pagka-gumon, at ang kanyang simbolo ay ubas, kopita at tigre.
Sino si Persephone/Proserpine?
Diyosa ng kamatayan at tagsibol, reyna ng Tartarus at asawa ni Hades, anak ni Zeus at Demeter, at ang kanyang mga simbolo ay bungkos ng palay, paniki at nagliliyab na sulo.
Sino si Eros/Cupid?
Diyos ng pag-ibig at pagkahumaling, anak ni Aphrodite, at ang kanyang mga simbolo ay pana at palaso.
Sino si Hedone/Voluptas?
Diyosa ng kasiyahan, anak nina Cupid at Psyche, at ang kanyang mga simbolo ay pana at palaso.
Sino si Iris/Arcus?
Diyosa ng bahaghari, karagatan at kalangitan, personal na mensahera ni Hera, at ang kanyang simbolo ay bahaghari.
Sino si Zephyrus/Zephyr?
Diyos ng kanluraning hangin, asawa ni Iris, at mas gusto ng mga mandaragat at mga magsasaka dahil mabini ang dala nitong simoy ng hangin.
Sino si Pan?
Diyos ng kalikasan, mga pastol at pangangaso, anak ni Hermes at ng isang nimpa, kalahating kambing, kalahating tao, at ang kanyang simbolo ay plawta.
Sino si Adonis?
Diyos ng kagandahan at pagnanais, anak nina Theias at Myrrha, at kinainggitan ni Artemis.
Sino si Eris/Discordia?
Diyosa ng pagbibiro, sigalot, kaguluhan, karamdaman at pag-aawayan, at ang kanyang simbolo ay gintong mansanas.
Sino si Calypso?
Isang magandang nimpa na nakatira sa Ogygia, nabihag ang kaniyang puso ni Odysseus kung kaya't kinulong niya ito ng pitong taon sa kaniyang isla.
Sino si Circe?
Isang magandang mangkukulam na nakatira sa Aeaea, ginawa niyang baboy ang mga tauhan ni Odysseus at naging kalaguyo ang huli.