Maikling Kuwento
isang akdang pampanitikang likha ng guni-guni at bungang isip na hango isang tunay na pangyayari sa buhay
Edgar Allan Poe
ama ng maikling kuwento
Tauhan
ang kumikilos at nag-iisip kaya nagkakaroon ng pangyayari
Tauhang Lapad
tauhan na hindi nagbabago sa simula hanggang wakas sa kuwento
Tauhang Bilog
tauhan kakikitaan ng pagbabago o maraming saklaw and personalidad
Tagpuan
espasyong ginaganapan ng aksyon o pangyayari (panahon, atmospero, kondisyon...)
Tagpuan Patiyak
tuwirang binabanggit ang pangalan ng lugar
Tagpuan Pahiwatig
mga detalye lamang sinasaad
Banghay
ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento
Panimula
tumutukoy kung saan at paano nagsimula ang kuwento
Saglit na kasiglahan
ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin
kasukdulan
ang pinakamataas at kapana-panabik na pangyayari ng isang kuwento
Kakalasan
malalaman dito kung nagtagumpay pa ang pangunahing tauhan o hindi
Wakas
ang magpapakit kung naging masaya ba o malungkot ang wakas ng kuwento
Tunggalian
ang paglalaban ng pangunahing tauhan at ng kanyang mga kasalungat o kaaway
Tao laban sa sarili
panloob na tunggalian; nangyayari ito sa loob ng tauhan
Tao laban sa tao
labanan sa pagitan ng pangunahing tauhan at iba pang tauhan sa kuwento (bida vs kontrabida)
Tao laban sa kalikasan
naapektuhan ng mga puwersa ng kalikasan
Tao laban sa lipunan
lumulihis ang tauhan sa mga pamantayang itinakda ng lipunan
Paksang Diwa
ang aral o konsepto na makukuha sa kuwento