Aralin 4: Implasyon

0.0(0)
studied byStudied by 0 people
GameKnowt Play
learnLearn
examPractice Test
spaced repetitionSpaced Repetition
heart puzzleMatch
flashcardsFlashcards
Card Sorting

1/18

encourage image

There's no tags or description

Looks like no tags are added yet.

Study Analytics
Name
Mastery
Learn
Test
Matching
Spaced

No study sessions yet.

19 Terms

1
New cards

IMPLASYON

- pagtaas ng pangkalahatang presyo sa paglipas ng panahon.

- hindi humihintong pagtaas ng presyo ng bilihin

- nangyayari kung ang kabuuang demand ay lumalaki, samantalang ang kabuuang suplay ng produkto at serbisyo ay hindi nagbabago, at ang kapasidad ng industriya ay ginagamit na sa hangganan.

2
New cards

Inflation rate

bilis ng pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo.

3
New cards

GNP Deflator o GNP Implicit Price Index

- ay isang indeks na ginagamit upang mapaghambing ang tunay na pagbabago sa kabuuang pambansang produkto.

- maaaring sukatin bilang proporsyon ng kabuuang pambansang produktong sinukat sa kasalukuyang presyo sa kabuuang pambansang produktong sinukat sa isang takdang presyo.

4
New cards

Wholesale Price Index (WPI) at Retail Price Index

- ang indeks ng halaga sa pakyawan ay isang pangkalahatang panukat ng estadistikang nagbibigay ng laki ng pagbabago sa presyo sa mga pangunahing bilihin.

- ang batayan nito ay ang malawakang pagbebenta ng mga piling kalakal.

5
New cards

Consumer Price Index (CPI) o ang indeks ng presyo ng bilihin

- isang panukat ng estadistika na naghahayag ng pagbabago ng mga presyo ng bilihin na kailangan upang panatilihin ang isang pamantayang pamumuhay para sa isang pamilya.

- ang bawat bagay ay binibigyan ng bigat sa badyet ng pamilya na itinatakda mula sa kaayusan ng gugulin ng mga mamimili sa isang takdang panahon.

6
New cards

Demand-pull inflation

- bunga ng mas mabilis na pagtaas ng kabuoang demand sa ekonomiya kung ihahambing sa kabuoang suplay.

- kung walang pagbabago sa presyo ng bilihin ay mabilis mauubos ang kalakal ng manininda. Ito ang mang-eenggayo sa manininda upang magtaas ng presyo.

7
New cards

Mga Dahilan ng Pagtaas ng Kabuuang Demand

- maaaring tumataas ang kabuoang demand ng sambahayan. Kung mataas ang kanilang paggasta sa kasalukuyan, tataas ang kanilang kabuoang demand.

- maaaring ang mga mamumuhunan, bunga ng kanilang magandang pagpapalagay o kompiyansa, ay nahihimok na gumastos sa pagpapalawig ng kanilang produksiyon. Bumibili ang mga mamumuhunan ng dagdag na mga sangkap at makinarya, o kaya naman ay nagpapatayo ng dagdag na pagawaan.

- ang pagdami ng pera sa sirkulasyon ay isa ring dahilan ng pagtaas ng kabuoang demand at implasyon. Kaya hindi basta-bastang nag-iimprenta ng pera dahil nakapagdudulot ito ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

8
New cards

Cost-push inflation

- bunga ng salungat na paggalaw ng kabuoang suplay kung ihahambing sa kabuoang demand, na siyang nagpapataas sa halaga ng produksiyon.

- dahil tumataas ang halaga ng produksiyon bunga ng pagtaas ng presyo ng mga salik ng produksiyon, kailangang itaas ng mga prodyuser ang presyo ng kanilang kalakal.

9
New cards

Headline inflation

isinasama ang lahat ng bagay sa ekonomiya na nakararanas ng implasyon, kabilang na ang mga volatile product o mga produktong madalas na nagbabago-bago ang presyo dahil naaapektuhan ito ng iba't ibang kondisyon, tulad ng pangkalikasan, politikal, at iba pa.

10
New cards

Core inflation

- ang mga bagay na ang presyo ay madalas magbago kada buwan, gaya ng pagkain at petrolyo, ay hindi na isinasama.

- ginagamit na batayan ng long-term inflation trend, gayundin ng implasyon sa hinaharap.

- mas nakatutulong sa paggawa ng patakarang pang-ekonomiya sapagkat higit na nagpapakita ito ng totoong galaw ng presyo ng mga produkto.

11
New cards

MGA EPEKTO NG IMPLASYON

- Pagbaba ng halaga ng salapi - ang pagkakaroon ng implasyon ay nagpapababa sa halaga ng salapi particular sa purchasing power nito.

- Apektado ang mga nag-impok - hindi rin nakikinabang sa implasyon ang mga nag-impok ng salapi, dahil sa maaaring ang interes na kanilang nakukuha mula sa pag-iimpok ay mas maliit sa antas ng implasyon ng bansa.

- Makikinabang ang mga may utang - sa pagkakaroon ng implasyon, ang mga may utang ay nakikinabang sa pagbaba ng halaga ng salapi.

- Hindi nakikinabang ang mga nagpapautang - ang mga nagpapautang ay hindi nakikinabang sa tuwing may implasyon. Ito ay dahil sa ang salaping kanilang ipinautang ay mayroong mas malaking halaga kumpara sa kanilang salaping matatanggap kasama ang interes na itinakda sa paglipas ng panahon.

12
New cards

Contractionary monetary policy

isang paraan ng paglutas sa suliranin ng implasyon. Nangangahulugan ito na sa pamamagitan ng mga patakarang pangmonetaryo, babawasan ng BSP ang suplay ng pera na umiikot sa ekonomiya.

13
New cards

BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS

ahensya ng pamahalaan na may tungkulin na bumuo at magpatupad ng patakarang monetaryo sa Pilipinas.

14
New cards

Pagtaas ng interes rates

sa pamamagitan nito, ang mga negosyante ay hindi mahihikayat na manghiram ng pera at ang suplay ng salapi ay mananatili sa poder ng Bangko Sentral.

15
New cards

Pagtaas ng reserve requirements

sa pamamagitan ng ___ upang patuloy ang operasyon ng mga bangko, ang suplay ng pera ay mananatili sa poder ng Bangko Sentral.

16
New cards

Pagsasagawa ng mga polisiyang magpapababa ng suplay ng pera

- tulad ng pangongolekta ng mga pautang ng pamahalaan at pagtataas ng interes sa mga bond na ibinebenta ng pamahalaan.

- sa pamamagitan ng dalawang paraang ito na maaaring ipatupad ng Monetary Board, ang suplay ng pera ay mananatili sa poder ng Bangko Sentral.

- sa unang sitwasyon, binabawi ng pamahalaan ang kanilang mga naipautang na salapi sa mga mamamayan na nangangahulugang mababawasan ang salaping umiikot sa ekonomiya.

- sa pangalawang sitwasyon, dahil ang mga mamamayan ay naeengganyo na bumili ng bonds mula sa pamahalaan dahil sa mataas na interes, nangangahulugan ito ng pagbawas din sa suplay ng salapi na umiikot sa ekonomiya dahil ang halagang ipinambili ng bonds ng mga mamamayan ay mananatili sa poder ng Bangko Sentral.

17
New cards

Patakarang piskal (fiscal policy)

tumutukoy sa mga patakarang ipinatutupad ng pamahalaan patungkol sa pagkalap ng pondo at paggastos nito.

18
New cards

Pagbawas gastos ng pamahalaan

- partikular na dapat bawasan sa paggastos ng pamahalaan ang mga programa nito na walang kinalaman sa pagpapaunlad.

- mababawasan ang pribadong paggastos na tumutugon sa mga demand ng pamahalaan para sa mga produkto at serbisyo.

19
New cards

Pagtataas sa antas ng pagbubuwis

sa pamamagitan ng pagtataas ng buwis na magreresulta sa pagbaba ng kita, nababawasan ang kakayahan ng mga konsyumer na mamili ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan.