1/43
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Akademikong Pagsulat
Ito ay isang makabuluhang pagsasalaysay na sumasailalim sa kultura, reaksyon, at opinyon base sa manunulat, gayundin ay tinatawag din na intelektuwal na pagsusulat.
Pagsusulat
Ayon kay Mabelin (2012), ito ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring pasalin-salin sa bawat panahon.
Personal o Ekspresibo
Ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip, o nadarama ng manunulat.
Panlipunan o Pansosyal
Ang layunin ng pagsulat ay ang makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunan na ginagalawan.
Wika, Paksa, Layunin, Pamaraan ng Pagsulat
Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat
Wika
Nagsisilbing behikulo para maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ipabatid ng taong nais sumulat.
Paksa
Ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na tema ng isusulat ay isang magandang simula dahil dito iikot ang buong sulatin.
Layunin
Ang magsisilbing gabay sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng isusulat.
Pamaraan ng Pagsulat
Upang mailahad ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o pakay sa pagsusulat.
Paraang Impormatibo
Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng bagong impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa.
Paraang Ekspresibo
Ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hingil sa isang tiyak na paksa batay sa kanyang sariling karanasan o pag-aaral.
Pamaraang Naratibo
Ang pangunahing layunin nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod.
Pamaraang Deskriptibo
Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakikita, naririnig, natunghayan, naranasan at nasaksihan.
Pamaraang Argumentatibo
Naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa. Madalas ito ay naglalahad ng mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan.
Kasanayang Pampag-iisip
Taglay ng manunulat ang kakayahang maganalisa upang masuri ang mga datos na mahalaga o hindi na impormasyon na ilalapat sa pagsulat.
Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat
Dapat ding isaalangalang sa pagsulat ang pagkakaroon ng sapat nakaalaman sa wika at retorika partikular sa wastong paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng batas, pagbuo ng talata, at masining at obhetibong paghabi ng mga kasipan upang makabuo ng isang mahusay na sulatin.
Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin
Ito ay tumutukoy sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon mula sa panimula hanggang sa wakas na maayos, organisado, obhetibo, at masining na pamamaraan ang isang komposisyon.
Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)
Pangunahing layunin nito ay mahatid ng aliw, makapukaw ng damdamin, at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Karaniwang bunga ito ng ating malikot na imahenasyon o kathang-isip lamang.
Teknikal na Pagsulat (Technical Writing)
Layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan lutasin ang isang problema o suliranin.
Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing)
Ito ay kaugnay sa mga sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa paaralan lalo na sa pagawa ng mga sulatin o pag-aaral tungkol sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao.
Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing)
Ito ay tungkol sa sulating may kaugnayan sa pamamahayag.
Reperensiyal na Pagsulat (Referential Writing)
Layunin ng sulatin na mabigyang pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng koseptong papel, tesis, at disertasyon.
Obhetibo
Mahalaga ang tunay at pawang katotohanan ng mga impormasyon.
Pormal
Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal. Sa halip, gumamit ng mga salitang pormal na madali ng maunawaan ng mga mambabasa.
Maliwanag at Organisado
Sa paglalahad ay nararapat na maging malinaw at organisadong mga kaisipan at datos.
Posisyong Papel |
Naglalayong maipakita ang katotohanan at katibayan ng isang tiyak na isyung kadalasan ay napapanahon at nagdudulot ng magkaibang pananaw sa marami depende sa persepsyon ng mga tao. |
Talumpati
Layunin nitong manghikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o kabatiran at maglahad ng isang paniniwala. |
Katitikan ng Pulong
Makapagtala o record o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailalahad sa isang pagpupulong. |
Memorandum
Maipabatid ang mga impormasyon ukol sa gaganaping pagpupulong o gaganaping pagtitipon. |
Agenda
Layunin nitong ipakita o ipabatid ang paksang tatalakayin sa pagpupulong na magaganap para sa kaayusan at organisadong pagpupulong. |
Panukalang Proyekto
Naglalayong mabigyan ng resolba ang mga problema at suliranin. |
Abstrak
Layunin nitong paikliin ang isang buong papel pananaliksik upang mabigyan ng pangkalahatang ideya ang mambabasa patungkol sa nilalaman nito. |
Sintesis
Pagpapaikli ng iba't ibang sanggunian; Layuning makapagbigay ng buod, tulad ng maikling kuwento. |
Lakbay-sanaysay
Makapagbigay ng malalim na insight at kakaibang anggulo tungkol sa isang destinasyon. |
Replektibong Sanaysay
Layunin nitong maibahagi sa iba ang naging karanasan at makapagbigay ng inspirasyon sa mambabasa. |
Pictorial Essay
Layunin nitong magsalaysay at maglarawan ng pangyayari gamit ang mga litrato. |
Philip Koopman (1997)
Siya ang nagsabing ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang mahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng introduksyon, mga kaugnay na literature, metodolohiya, resulta at konklusyon.
Gramatika
Wasto ang pagbabaybay, at mga bantas na ginamit sa pagsulat.
Bionote
Isang uri ng lagom na naglalaman ng buod ng personal na impormasyon ng isang tao,
partikular ang kanyang propesyonal na karanasan, tagumpay, at interes
Lagom
Ito ay pinakasimple at pinakamaikling bersiyon ng isang sulatin o akda.
Abstrak
Isang uring lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko, at teknikal lektyur, at mga report.
Deskriptibo
Inilalarawan sa mga mambabasa ang mga pangunahing ideya ng pananaliksik.
Impormatibo
Binibigyang kaalaman ang mga mambabasa sa lahat ng punto ng pananaliksik
Buod
Mula lamang sa isang sanggunian o paksa.