1/46
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
|---|
No study sessions yet.
Likas-Kayang Pag-unlad
ay ang pagtugon sa mga pangangailangan ng kasalukuyan nang hindi isinasawalang-bahala o ikinokompromiso ang kakayahan ng mga susunod na henerasyon na tugunan ang kanilang sariling pangangailangan.
Pang-ekonomiya
· Paglago ng ekonomiya, paglikha ng trabaho, at pagpuksa sa kahirapan.
· Dapat matustusan ang malaking pangangailangan (demand) ng lipunan sa mg produkto at serbisyo nang hindi isinasakripisyo ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao sa sektor ng lipunan.
Panlipunan
· Pagkakapantay-pantay, katarungang panlipunan, at kasiguruhan sa kalusugan at edukasyon.
· Dapat matugunan ang mga pangangailangan sa serbisyong panlipunan, pangkalusugan, edukasyon, at pakikilahok.
Pangkalikasan
· Pangangalaga sa likas-yaman, pagbabawas ng polusyon, at paglaban sa pagbabago ng klima.
· Dapat mapanatili ang mayaman at matatag na pinagkukunan ng mga likas-yaman nang hindi isinasakripisyo ang karapatan ng mga taong galugarin at gamitin ang mga ito.
Industrial Revolution
· Pagpapatayo ng mga pagawaan (factory)
· Lumakas ang pangangailangan (demand)
· Pagtotroso (logging) – barko, gusali, atbp.
· Nagkaroon ng imbalance sa kagubatan
17th-18th century
when was the industrial revolution
Hans Carl von Carlowitz
kahalagahan ng wastong pagtotroso at pagpapanatili sa mga kagubatan at kakahuyan
Thomas Robert Malthus
nanganganib na pagkaubos ng pagkain dahil sa paglobo ng populasyon
William Stanley Jevons
– isinulong ang pagtitipid at mainam na paggamit ng karbon upang hindi ito agad maubos
William Vogt at Fairfield Osborn
– paggamit at pagkuha ng mga likas na yaman sa responsableng paraan
iresponsableng pagsasaka (kaingin)
· pagkawala ng likas na paninirahanng mga hayop
· erosyon (soil erosion)
· pagkaubos ng suplay ng tubig
Agrikultura
overfishing,
pagkasira ng coral reefs
Pangingisda
CO2 emissions (air pollution)
Pagkonsumo ng Fossil Fuels
Monocropping
pagtatanim ng iisang uri ng pananim
Konsumerismo
Ang labis na pagtangkilik at pagbili ng mga produkto at serbisyo ay nagdudulot ng labis na paggamit ng likas-yaman at pagdami ng basura.
Kahirapan
Ang mga taong mahihirap ay madalas na napipilitang umasa sa likas-yaman (tulad ng ilegal na pagtotroso) para mabuhay, na nagpapabilis sa pagkasira ng kalikasan.
Di-likas-kayang Pinagkukunan ng Enerhiya
Ang patuloy na pagdepende sa fossil fuels ay nagpapalala sa krisis sa klima, sa halip na gumamit ng renewable energy (tulad ng solar at wind).
SDGs
ay 17 global na layunin na itinatag ng United Nations noong 2015 upang makamit ang isang mas mabuti at mas likas-kayang hinaharap para sa lahat sa taong 2030.
Pagtapos sa Kahirapan
Wakasan ang kahirapan sa lahat ng anyo nito at sa lahat ng lugar.
Zero Gutom
Wakasan ang gutom, magtamo ng seguridad sa pagkain at mas mainam na nutrisyon, at itaguyod ang likas-kayang pag-unlad sa agrikultura.
Mabuting Kalusugan at Kagalingan
1. Tiyakin ang malusog na buhay at itaguyod ang kagalingan para sa lahat sa lahat ng edad.
De-kalidad na Edukasyon
1. Tiyakin ang inklusibo at karampatang kalidad ng edukasyon at itaguyod ang panghabambuhay na oportunidad sa pagkatuto para sa lahat.
Pagkakapantay-pantay ng Kasarian
1. Makamtan ang pagkakapantay-pantay ng kasarian at bigyan ng kakayahan ang lahat ng kababaihan.
Malinis na Tubig at Sanitasyon
Tiyakin na may magagamit at likas-kayang pamamahala sa tubig at sanidad para sa lahat.
Abot-kaya at Malinis na Enerhiya
1. Tiyakin ang karapatan sa paggamit ng abot-kaya, maaasahan, likas-kaya, at makabagong enerhiya para sa lahat.
Desente at Pangkabuhayang Paglago
1. Itaguyod ang tumatagal, ingklusibo at likas-kayang pag-unlad sa ekonomiya, ganap at produktibong empleo, at disenteng trabaho para sa lahat.
Industriya, Inobasyon, at Imprastruktura
1. Magtayo ng matatag na imprastraktura, itaguyod ang ingklusibo at likas-kayang industriyalisasyon, at paunlarin ang inobasyon.
Bawas sa Di-pagkakapantay-pantay
1. Paliitin ang lawak ng hindi pagkakapantay-pantay sa loob ng bansa at sa hanay ng mga bansa.
Likas-kayang Lungsod at Komunidad
1. Gawing ligtas, matatag, at tumatagal ang mga lungsod at panirahan ng mga tao.
Responsableng Pagkonsumo at Produksyon
1. Tiyakin ang likas-kayang mga paraan ng pagkonsumo at produksyon.
Pagkilos sa Klima
1. Gumawa ng agarang pagkilos upang labanan ang pagbabago ng klima at ang mga epekto nito.
Buhay sa Ilalim ng Tubig
Konserbahin at gamitin nang pangmatagalan ang mga karagatan, dagat, at likas-yamang pandagat para sa likas-kayang pag-unlad.
Buhay sa Kalupaan
1. Pangalagaan, panatilihin, at itaguyod ang likas-kayang paggamit ng mga kalupaang ekosistema, likas-kayang pamahalaan ang mga kagubatan, labanan ang desertipikasyon, pigilan ang pagkasira ng kalupaan at ang pagkasira ng pagkasari-sari ng mga organism.
Kapayapaan, Katarungan, at Matibay na Institusyon
1. Itaguyod ang mapayapa at ingklusibong lipunan para sa likas-kayang pag-unlad, bigayan ng karapatan sa katarungan ang lahat, at magtayo ng mabisa, mapanagutan, at ingklusibong mga institusyon sa lahat ng antas.
Pagsasama-sama para sa mga Hangarin
1. Patatagin ang mga mekanismo sa pagpapatupad at pasiglahin ang pandaigdigang pakikisosyo para sa likas-kayang pag-unlad.
Ronald U. Mendoza
Ayon kay ______ dekano at propesor sa Ateneo School of Government, higit na nalugmok sa kahirapan ang Pilipinas noong panahon ng pandemya dahil sa mahina at di-epektibong tugon ng pamahalaan sa krisis. Nakasandal ang ekonomiya ng Pilipinas ay sa paggalaw ng mga tao: ang sektor ng turismo at sektor ng serbisyo.
Pagbaba ng GDP
· Nagkaroon ng recession (pagliit ng ekonomiya) dahil sa lockdown at paghinto ng mga negosyo.
Kawalan ng Trabaho
· Maraming nawalan ng trabaho dahil nagsara ang mga kumpanya o nagbawas ng empleyado.
Pagkawala ng OFW Remittances
Bumaba ang padala ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) dahil sa global na krisis, na nakakaapekto sa kita ng bansa.
Pagtaas ng Utang
Lumaki ang utang ng gobyerno dahil sa pagpopondo sa social amelioration (ayuda) at pangkalusugang serbisyo.
2020
taon na 10.9 milyon na Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya ayon sa International Labor Organization)
Supply Shock
ay ang pagkakaroon ng higit na labis o higit na pagkukulang sa suplay ng isang pangngailangan dahil sa di-inaasahang pangyayari.
Pagtaas ng Presyo ng Krudo
Ang Russia ay isang pangunahing prodyuser ng langis at gas. Ang digmaan ay nagdulot ng kawalang-katiyakan sa suplay, na nagpataas ng presyo ng gasolina at iba pang petrolyo. Nagbawas rin ang European Union sa pag-aangkat ng langis mula sa Russia.
Epekto sa Presyo ng Pagkain
Ang Ukraine ay isa sa mga "tinapay ng mundo" (major exporter ng trigo at iba pang butil). Ang digmaan ay nagpahirap sa pag-angkat ng trigo, na nagpataas sa presyo ng tinapay at feeds ng mga hayop. Batay rin sa ulat ng Philippine Statistics Office o PSA, nagkaroon ng 12.7% na implayson sa presyo ng pagkain sa Maynila noong Perbrero 2023.
Implasyon
Ang pagtaas ng presyo ng langis at pagkain ay nagdulot ng pangkalahatang pagtaas ng presyo ng mga bilihin (inflation).
Pagawaan, Turismo, Transportasyon, Edukasyon, Kalusugan
Sektor at Industriya na Higit na Apektado