1/21
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Pahayagan
isang uri ng print media na malaki na ang naging bahaging ginampanan mula noon hanggang ngayon sa pang-araw-araw nating pamumuhay.
Tabloid
ito ay pang masa dahil sa Tagalog nakasulat bagamat ilan dito ay Ingles ang midyum", Ayon sa pagsusuri ng William Rodriguez II. Ito ay masyadong binibigyang diin ay tungkol sa sex at karahasan kaya't tinagurian itong sensationalized journalism. - Sa kasalukuyan mayroon humigit sa dalawampung (20) national daily ____ ang nagsi-circulate sa bansa.
Broadsheet
pahayagang nakasulat sa Ingles. Ang target readers ay Class A at B.
KOMIKS
ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang salaysay o kwento. ito'y makulay at popular na babasahin na nagbigay-alis sa mambabasa, nagturo ng iba't-ibang kaalaman at nagsulong ng kulturang Pilipino.
Jose P. Rizal
sino ang kauna-unahang Pilipino na gumawa ng komiks?
Pagong at Matsing
1884 - inilathala sa magasing "Trubner's Record" sa Europa ang komiks strip ni Jose Rizal na "_____________".
Carlo J. Caparas
kilalang direktor at isang gustong buhayin ang industriya ng komiks sa bansa.
Caparas
2007 - taong tinangka ni ___________ ma buhayin at pasiglahin ang tradisyunal na komiks sa sirkulasyon sa pamamagitan ng ginawa nilang komiks caravan.
Popular na Babasahin
Ito ang kasalukuyang mga umiiral na babasahin na naglipana kahit saan. Ang pangunahing layunin sa pagsulat nito ay magbigay-aliw (entertain) at sumalamin sa pang-araw araw na pangyayari sa buhay. Ang pagiging malikhain ng ganitong uri ng panitikan ay kakaiba sa mga tradisyunal at sinaunang panitikan.
Pahayagan, KOMIKS, Magasin, Kontemporaryong Dagli
ano ang iba't ibang uri ng mga babasahing popular?
Gerry Ahanguilan, Alfredo Alcantara, Whilce Protacio, Philip Tan
Sino ang mga komikong Pilipino na kilala sa labas ng Pilipinas?
Magasin
bago pa man ang digmaang pandaigdigang Pasipiko, ang araw ng pagrarasyon ng ____ na ito ay talaga namang inaabangan ng mga miyembro ng pamilya at nagiging dahilan rin ng kanilang pagtitipon upang mabasa lamang lalo na ang mga nobel
FHM (For Him Magazine)
tumatayo bilang mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na nagiging instrument upang mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming bagay tulad ng buhay, pag-ibig at iba pa.
COSMOPOLITAN
magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo ditto ay nagsisilbing gabay upang maliwanagan ang kababaihan tungkol sa mga pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan, kultura at aliwan.
CANDY
tinatalakay nito ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito ay gawa ng mga batang manunulat na mas nakakaunawa sa sitwasyon ng kabataan sa kasalukuyan.
ENTREPRENUER
ito ay magasing naglalaman ng mga artikulong makatutulong sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo.
GOOD HOUSEKEEPING
isang magasin para sa mga abalang ina. Ang mga artikulong nakasulat ditto ay tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang mga responsibilidad at maging mabuting maybahay.
MEN'S HEALTH
karaniwang tinatalakay rito ang tungkol sa mga isyu ng kalusugan tulad ng pamamaraan sap ag-eehersisyo, pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal at mental na kalusugan na naging dahilan upang maging paborito ito ng kalalakihan.
METRO
magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping, at mga isyu hinggil sa kagandahan ang nilalaman nito.
T3
isang magasin para sa gadget. Ipinapakita rito ang mga pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may mga napapanahong balita at gabay tungkol sa pag-aalaga ng gadget.
YES!
ang magasin tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito ay palaging bago, puno ng mga nakaw-atensiyong larawan, at malalamang detalye tungkol sa mga pinakasikat na artista sa bansa.
Kontemporaryong Dagli
anyo ng pampanitikang maituturing na maikling-maikling kwento. Bagama't walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing lumalaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano.