Looks like no one added any tags here yet for you.
Talumpati
sining ng pagsasalita na maaring nanghihikayat, nangangatwiran, o tumatalakay ng isang paksa
Pagtatalumpati
isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang tumatalakay sa isang partikular na paksa
Uri ng Talumpati (Ayon sa Paghahanda/kung paano binibigkas)
1. Biglaang Talumpati (Impromptu)
2. Maluwag na Talumpati (Extemporaneous)
3. Isinaulong Talumpati
4. Manuskrito
Biglaang Talumpati
- talumpating biglaan
- walang ganap na paghahanda
- job interview, ilang okasyon ng question and answer, at pagkakataon ng pagpapakilala
Maluwag na Talumpati (Extemporaneous)
- binibigyan ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipapahayag na kaisipan batay sa paksang ibinigay bago ipahayag
- patimpalak na Extemporaneous Speech, at Question and Answer portion sa mga beauty pageant
Isinaulong Talumpati
- isinusulat muna at pagkatapos ay isinasaulo ng mananalumpati (Mangahis, Nuncio, Juvillo, 2008)
- ang kahinaan ay pagkalimot sa nilalaman
- Valedictory Speech
Manuskrito
- ginagamit sa mga kombensiyon, seminar, o programa sa pagsasaliksik
- pinag-aaralang mabuti at dapat nakasulat
Uri ng Talumpati (Ayon sa Layunin)
1. Talumpating Nagbibigay Kabatiran
2. Talumpating Panlibang
3. Talumpating Pampasigla
4. Talumpating Panghikayat
5. Talumpati ng Pagbibigay-galang
6. Talumpati ng Papuri
Talumpating Nagbibigay Kabatiran
- magpabatid sa mga nakikinig tungkol sa isang paksa, isyu, o pangyayari
- panayam at pagbibigay ng ulat
- State of the Nation Address (SONA)
Talumpating Panlibang
- magbigay ng kasiyahan sa mga nakikinig
- madalas ginagawa sa mga salo-salo, pagtitipong sosyal, at mga pulong ng samahan
Talumpating Pampasigla
- magbigay ng inspirasyon sa mga nakikinig
- karaniwang isinasagawa sa araw ng pagtatapos sa mga paaralan, pagdiriwang ng anibersaryo ng mga organisasyon, o kombensiyon
Talumpating Panghikayat
- hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang paniniwala ng mananalumpati sa pamamagitan ng pagbibigay-katwiran at mga patunay
- sermon sa simbahan, kampanya ng mga politiko, talumpati sa kongreso, talumpati ng abogado sa panahon ng paglilitis sa hukuman
Talumpati ng Pagbibigay-galang
- tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o organisasyon
- ginagawa rin bilang pagtanggap sa isang bagong opisyal na natalaga sa isang tungkulin
Talumpati ng Papuri
- magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao o samahan
- talumpati ng pagkilala sa taong namatay (eulogy), talumpati sa paggawad ng medalya o sertipiko sa taong nakapag- ambag nang malaki sa isang samahan o lipunan
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Talumpati
-Uri ng mga Tagapakinig
-Tema o Paksang Tatalakayin
-Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati
-Kasanayan sa Paghabi ng mga Bahagi ng Talumpati
-Haba ng Talumpati
Uri ng mga Tagapakinig
- dapat mabatid ng mananalumpati sa kanyang mga tagapakinig ang mga sumusunod:
❑ edad o gulang ng mga tagapakinig
❑ bilang ng mga tagapakinig
❑ kasarian
❑ edukasyon o antas sa lipunan
❑ mga saloobin at dating alam ng mga tagapakinig
Tema o Paksang Tatalakayin
Ang mga hakbang na maaring isagawa sa pagsulat ng talumpati sa pagtukoy sa tema o paksang tatalakayin:
❑ Pananaliksik ng datos at mga kaugnay na babasahin
❑ Pagbuo ng Tesis Statement
❑ Pagtukoy sa mga Pangunahing Kaisipan o Punto
Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati
-Tatlong hulwaran/balangkas na maaring gamitin sa pagbuo ng talumpati:
-Kronolohikal na Hulwaran
-Topikal na Hulwaran
-Hulwarang Problema-Solusyon
Kronolohikal na Hulwaran
pagkakasunod-sunod ng pangyayari o panahon
Topikal na Hulwaran
nakabatay sa pangunahing paksa
Hulwarang Problema-Solusyon
paglalahad ng suliranin at pagtalakay sa solusyon
Kasanayan sa Paghabi ng mga Bahagi ng Talumpati
- Tatlong bahagi ng talumpati:
-Introduksiyon
-Diskusyon o Katawan
-Katapusan o Kongklusyon
Introduksiyon
pinakapanimula ng talumpati
Diskusyon o Katawan
tinatalakay ang mga mahahalagang puntos o kaisipan at ito ang pinakakaluluwa ng talumpati
Katapusan o Kongklusyon
kalimitang nilalagom ang mga patunay at argumentong inilahad
Kasanayan sa Paghabi ng mga Bahagi ng Talumpati
-Mga katangiang dapat taglayin ng katawan ng talumpati:
-kawastuhan
-kalinawan
-kaakit-akit
Haba ng Talumpati
- nakasalalay kung ilang minuto o oras ang inilaan para sa pagbigkas o presentasyon ng talumpati
Sanaysay
- hango sa salitang Pranses na essayer (sumubok o tangkilikin)
- isang kasangkapan upang isatinig ang maikling pagbubulay-bulay at komentaryo sa buhay (Francis Bacon)
- naglalahad ng matalinong kuro at makatwirang paghahanay ng kaisipan (Paquito Badayos, 2001:111)
- paglalahad ng sariling opinyon o kuro-kuro ng sumulat tungkol sa isang bagay o paksa
- nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay (Alejandro Abadilla)
Replektibong Sanaysay
- kinapapalooban ng pagbabahagi ng mga bagay na naiisip, nararamdaman, pananaw, at damdamin tungkol sa isang paksa at kung paano ito nakalikha ng epekto sa taong sumusulat nito (Michael Stratford)
- nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang mahalagang karanasan o pangyayari (Kori Morgan)
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay
1. magkaroon ng isang tiyak na paksa
2. isulat gamit ang unang panauhang panghalip
3. nagtataglay ng patunay o patotoo
4. gumamit ng mga pormal na salita
5. gumamit ng tekstong paglalahad
6. sundin ang tamang estruktura sa pagsulat ng sanaysay: introduksiyon, katawan, at kongklusyon 7. gawing lohikal at organisado ang pagkakasulat
Lakbay-Sanaysay
- travel essay o travelogue
- pangunahing layunin ay maitala ang mga naging karanasan sa paglalakbay
- kadalasang pumapaksa sa magagandang tanawin, tagpo, at iba pang mga karanasan sa paglalakbay
Mga Dahilan ng Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay Ayon kay Antonio et. al. (2013)
1. Itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat.
2. Layuning makalikha ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay.
3. Maaring itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay.
4. Isadokumento ang kasaysayan, kultura, at heograpiya ng lugar sa malikhaing pamamaraan.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay
1. Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na turista.
2. Sumulat sa unang panauhang punto de-bista.
3. Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay-sanaysay.
4. Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga larawan para sa dokumentasyon habang naglalakbay.
5. Ilahad ang mga realisasyon sa ginawang paglalakbay.
6. Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay.
Larawang-Sanaysay
- isang sulatin na higit na nakararami ang larawan kaysa sa salita o panulat
- mga tinipong larawan na isinaayos nang may wastong pagkakasunodsunod ng mga pangyayari upang maglahad ng isang konsepto
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Larawang-Sanaysay
1. Dapat nakaayos at pinag-isipang mabuti ang paglalagay ng mga larawan.
2. Maikli lamang ang mga nakatalang sulat o katitikan (caption) sa bawat larawan.
3. Isang paksa lamang ang dapat bigyang-diin sa mga larawan.
4. Dapat nakabatay sa kaisipan at interes ng mga manonood o titingin ng iyong photo essay ang mga larawang ilalagay.