1/131
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Sanaysay
ay anyo ng pagsasalaysay na mas maikli kompara sa anyo nito tulad ng maikling kuwento at nobela.
Sanaysay
Isang likas na
katangiang ikinatatampok ng sanaysay ay ang tahas na paglalaman nito ng mga pananaw, pagsusuri, at opinyon ng manunulat sa isang pangyayari o isyu na nakapukaw ng kanyang interes o damdamin.
Replektibong Sanaysay
Ito ay pumapaksa sa mga pangkaraniwang isyu, pangyayari, o karanasan na hindi na ngangailangan ng mahabang pag-aaral.
Replektibong Sanaysay
May kalayaan ang pagtatalakay sa mga puntong nilalaman nito na karaniwan ay mula sa karanasan ng manunulat o pangyayaring kaniyang nasaksihan.
Ayon kay Michael Statford
Ang Replektibong Sanaysay ay kinapapalooban ito ng pagbabahagi ng mga bagay na naiisip, nararamdaman,
pananaw, at damdamin hinggil sa isang paksa at kung paano ito nakalikha nh epekto sa taong sumusulat nito.
Ayon kay Kori Morgan
Ang Replektibong Sanaysay ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang mahalagang karanasan o
pangyayari. Ibinabahagi nito sa mga mambabasa ang kalakasan at kahinaan ng sumulat batay sa mga karanasang natutuhan o nakuha.
halimbawa ng mga paksang maaaring gawan ng Replektibong Sanaysay
•Librong katatapos lamang basahin
• Katatapos na proyekto hinggil sa pananaliksik
• Pagsali sa isang pansibikong gawain
• Isyung panlipunan
• At marami pang iba
Ang pagsulat ng Replektibong Sanaysay ay
naglalayong bigyang-katwiran, ipaliwanag, o suriin ang partikular na salaysay at
palutangin ang halaga nito o ang maidudulot nito, depende sa layon ng manunulat, sa buhay ng tao, at sa lipunan.
tahas
• Sa pagsulat ng Replektibong Sanaysay, maaari nang sabihin na ang _____ na katangiang sanaysay ay tinataglay rin ng replektibong uri nito dahil ang pagsasalaysay ng subhetibong paksa ay dumadaan sa masusing pagsusuri upang makita ang kahulugan at kahalagahan sa obhetibong pamamaraan.
2 Uri ng Sanaysay
pormal at impormal
Pormal
Ito ay nagbibigay ng patalastas sa isang paraang maayos at mariin at bunga ng isang maingat na pagtitimbang-timbang ng mga pangyayari at mga kaisipan.
Pormal
Kung minsa'y tinatawag din itong impersonal o siyentipiko sapagkat ito'y binabasa upang makakuha ng impormasyon.
Impormal
Tinatawag din itong pamilyar o personal, at nagbibigay-diin sa isang estilong nagpapamalas ng katauhan ng may-akda.
Impormal
Ito'y naglalarawan ng pakahulugan ng may-akda sa isang pangyayari sa buhay, nagtatala ng kaniyang pagbubulay-bulay, at naglalahad ng kaniyang kuro-kuro o pala-palagay.
Impormal
Karaniwan
itong may himig parang nakikipag-usap o nais magpakilala ng isang panuntunan sa buhay.
Mga Bahagi ng Replektibong Sanaysay
Panimula
Katawan
Kongklusyon
Panimula
Ang panimula ay sinisimulan sa pagpapakilala o pagpapaliwanag ng paksa o gawain.
Panimula
Maaaring ipahayag nang tuwiran o di tuwiran ang pangunahing paksa.
Panimula
Ang mahalaga ay mabigyang-panimula ang mahalagang bahagi ng buhay na pupukaw sa interes ng mambabasa.
Katawan
Ang katawan ng replektibong sanaysay ay naglalaman ng malaking bahagi ng salaysay, obserbasyon, realisasyon, at
natutuhan.
Katawan
Ipinaliliwanag din dito kung anong mga bagay ang nais ng mga manunulat na baguhin sa karanasan, kapaligiran, o sistema.
Kongklusyon
• Sa pagtatapos ng isang replektibong sanaysay, dapat mag-iwan ng isang kakintalan sa mambabasa.
Kongklusyon
Dito na mailalabas ng manunulat
ang punto at kahalagahan ng isinasalaysay niyang pangyayari o isyu at mga pananaw niya rito.
Kongklusyon
Dito na rin niya masasabi kung ano ang ambag ng kaniyang naisulat sa pagpapabuti ng katauhan at kaalaman para sa lahat.
1. Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng nilalaman ng sanaysay
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay
Isulat ito gamit ang unang panauhan ng panghalip. Tanggap nang gamitin ang mga panghalip na ako, ko, at
akin sapagkat ito ay kadalasang nakasalig sa personal na karanasan.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay
Tandaan na bagama't nakabatay sa personal na karanasan, mahalagang magtaglay ito ng patunay o patotoo batay sa iyong mga naobserbahan o katotohanang nabasa hinggil sa paksa upang higit na maging mabisa at epektibo ang pagkakasulat nito.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay
Gumamit ng pormal na salita sa pagsulat nito. Tandaang ito ay kabilang sa akademikong sulatin.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay
Gumamit ng tekstong naglalahad sa pagsulat nito. Gawing malinaw at madaling maunawaan ang gagawing pagpapaliwanag ng mga ideya o kaisipan upang maipabatid ang mensahe sa mga babasa.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay
Sundin ang tamang estruktura o mga bahagi sa pagsulat ng sanaysay: introduksiyon, katawan, at kongklusyon.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay
Gawing lohikal at organisado ang pagkakasulat ng mga talata.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay
Pagsulat ng Simula
Pagsulat ng Katawan
Pagsulat ng Wakas
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay
Pagsulat ng Simula
Ito ang magsisilbing tesis o pangunahing kaisipanh siyang magiging gabay o batayan sa pagsulat ng iyong replektibong sanaysay.
Pagsulat ng katawan
Maglagay sa bahaging ito ng mga obhetibong datos batay sa iyong naobserbahan o naranasan upang higit na mapagtibay ang kaisipang iyong ipinaliliwanag.
Pagsulat ng katawan
Makatutulong nang Malaki kung gagamit din ng mga mapagkakatiwalaang mga sanggunian bilang karagdagang datos na magpapaliwanag sa paksa.
Pagsulat ng katawan
Sa bahagi ring ito makikita o isusulat ang iyong mga napagnilay-nilayan o mga natutuhan. Magbigay rin ng mga patotoo kung paano nakatulong ang mga karanasang ito sa iyo.
Pagsulat ng Wakas
Muling banggitin ang tesis o ang pangunahing paksa ng sanaysay.
Pagsulat ng Wakas
Lagumin ito sa pamamagitan ng pagbanggit kung paano mo magagamit ang iyong mga natutuhan sa buhay sa hinaharap.
Pagsulat ng Wakas
Bilang pangwakas, maaaring magbigay ng hamon sa mga mambabasa na sila man ay magnilay sa kanilang buhay hinggil sa iyong natutuhan o kaya naman ay mag-iwan ng tanong na maaari nilang pag-isipan.
Lakbay sanaysay
Ito ay tinatawag ding travel essay o travelogue. Ito ay isang uri ng
lathalaing ang pangunahing layunin may maitala ang mga naging
karanasan sa paglalakbay.
Nonon Carandang
tinatawag niyang sanaylakbay kung saan
ang terminolohiyang ito, ayon sa kanya, ay
binubuo ng tatlong konsepto:
tinatawag niyang sanaylakbay kung saan
ang terminolohiyang ito, ayon sa kanya, ay
binubuo ng tatlong konsepto:
sanaysay, sanay, at
lakbay.
Naniniwala siyang ang sanaysay ang
pinaka-epektibong pormat ng sulatin upang
maitala ang mga narasan sa paglalakbay.
Nonon Carandang
Ayon kay Dr. Lilia Antonio, et al.
Sa kanilang aklat na Malikhaing Sanaysay (2013), may apat na
pangunahing dahilan sa pagsulat ng lakbay-sanaysay.
Una
Upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa
pagsusulat.
Pangalawa
Layunin din nitong makalikha ng patnubay para sa mga posibleng
manlalakbay.
Pangatlo
Sa lakbay-sanaysay, maaari ding itala ang pansariling
kasaysayan sa paglalakbay tulad ng espiritwalidad,
pagpapahilom, o kaya’y pagtuklas sa sarili.
Pang-apat
Upang maidokumento ang kasaysayan , kultura, at
heograpiya ng lugar sa malikhaing pamamaraan.
Ang lakbay-sanaysay
ay maaaring pumaksa sa tao o
mamamayan ng lugar. Binibigyang-pansin dito ang gawi,
katangian, ugali, o tradisyon ng mga mamamayan sa isang
partikular na komunidad.
Maaari ding maging paksa ng lakbay-sanaysay
ang
kasaysayan ng lugar at kakaibang mga makikita rito.
Binigyang-halaga rito ang uri arkitektura, eskultura,
kakaibang makikita rito.
Mga Mungkahing Gabay sa Pagsulat ng
Lakbay-Sanaysay
1. Bago tumungo sa lugar na balak mong puntahan ay dapat
magsaliksik o magbasa tungkol sa kasaysayan nito. Pag-aralan
ang kanilang kultura, tradisyon, at relihiyon. Pag-aralan din ang
lengguwahe na ginagamit nila doon.
Mga Mungkahing Gabay sa Pagsulat ng
Lakbay-Sanaysay
2. Buksan ang isip at damdamin sa paglalakba, lawakan
ang naaabot ng paningin, talasan ang isip, palakasin ang
internal at external na pandama at pang-amoy,
sensitibong lasahan ang pagkain.
Mga Mungkahing Gabay sa Pagsulat ng
Lakbay-Sanaysay
Magdala ng talaan at ilista ang mahahalagang datos na
dapat isulat.
Mga Mungkahing Gabay sa Pagsulat ng
Lakbay-Sanaysay
Kung susulat ng lakbay-sanaysay, huwag gumamit ng mga
kathang-isip ng ideya. Isulat ang katotohanan sapagkat higit na
madali itong bigyang-paliwanag gamit ang mga malikhaing
elemento.
Mga Mungkahing Gabay sa Pagsulat ng
Lakbay-Sanaysay
Gamitin ang unang panauhang punto de bista at
isaalang-alang ang organisasyon ng sanaysay sa pagsulat.
Magkaroon ng kritikal na pananaw sa pagsulat sa
pamamagitan ng malinaw at malalim na pag-unawa sa
mga ideyang isusulat.
Mga Mungkahing Gabay sa Pagsulat ng
Lakbay-Sanaysay
Tiyakin na mapupukaw ang kawilihan ng
mambabasa sa susulating lakbay-sanaysay.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
Lakbay-Sanaysay
1. Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip
na isang turista.
Mga Mungkahing Gabay sa Pagsulat ng
Lakbay-Sanaysay
Sumulat sa unang panauhang punto de-besta.
Mga Mungkahing Gabay sa Pagsulat ng
Lakbay-Sanaysay
Tukuyin ang pokus ng susulating
lakbay-sanaysay
Tinatawag itong delimitasyon sa pagsulat ng isang akda.
lakbay sanaysay
Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng
mga larawan para sa dokumentasyon habang
naglalakbay.
Mga Mungkahing Gabay sa Pagsulat ng
Lakbay-Sanaysay
mga pangunahing gamit na dapat dala ng taong susulat ng
lakbay-sanaysay ay
ang panulat, kuwaderno o dyornal, at
kamera. Mahalagang maitala ang pangalan ng mahahalagang
lugar, kalye, restoran, gusali, at iba
Ito ang magsisilbing pinakapuso ng
sanaysay kung saan dito ibabahagi sa mga mambabasa
ang mga gintong aral na nakuha bunga ng epekto ng
ginawang paglalakbay.
Ilahad ang mga realisasyon o mga natutuhan sa
ginawang paglalakbay.
Mga Mungkahing Gabay sa Pagsulat ng
Lakbay-Sanaysay
Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay
sa pagsulat ng lakbay-sanaysay,
maging obhetibo sa
paglalatag ang mga impormasyon.
Sikaping mailahad ang katotohanan sa
pamamagitan ng paglalahad ng mga positibong at negatibong karanasan sa lugar na pinutahan.
posisyong papel
isa itong sanaysay na
naglalahad ng opinyon na naninindigan hinggil sa isang
mahalagang isyu patungkol sa batas, akademiya, politika, at
iba pang mga larangan.
posisyong papel
nagpapahayag ng
tiyak na paninindigan ng isang indibidwal o grupo
tungkol sa isang makabuluhan at napapanahong isyu.
Naglalaman din ito ng mga katuwiran ng sumulat,
mahalagang bahagi rin nito ang posisyon at mga
katuwiran ng kataliwas o katunggaling panig.
posisyong papel
Ayon kay Jocson et al. (2005), sa kanilang aklat,
ang
pangangatwiran ay tinatawag ding pakikipagtalo o
argumentasyon na maaaring maiugnay sa sumusunod na mga
paliwanag:
ang
pangangatwiran ay tinatawag ding pakikipagtalo o
argumentasyon na maaaring maiugnay sa sumusunod na mga
paliwanag:
Ito ay isang sining ng paglalahad ng mga dahilan upang
makabuo ng isang patunay na tinatanggap ng nakararami.
Ito ay isang uri ng paglalahad na nagtatakwil sa kamalian
upang maipahayag ang katotohanan.
Ito ay isang paraan ginagamit upang mabigyang-katarungan
ang mga opinyon at maipahayag ang mga opinyong ito sa
iba.
Karaniwang isinusulat ang isang posisyong papel
sa paraang mapanghimok sa mambabasa upang
maunawaan at sang-ayunan nito ang paninindigan
ng nagsulat hinggil sa isyung pinaksa
posisyong papel
Para sa lipunan
, ang posisyong papel ay tumutulong para maging
malay ang mga tao sa magkakaibang pananaw tungkol sa isang
usaping panlipunan.
Sa mag-aaral,
isang mabuting pagsasanay ang pagbuo ng
posisyong papel sa pagpapatibay ng paninindigan o pagbuo muna
ng paninindiga. Isang proseso rin ang pagbuo nito ng
pagpapahusay sa paglalahad ng mga sumusuportang ideya,
pagtitimbang ng opinyon at katotohanan, at pagsanggi sa mga
antitheses o sumasangging mga ideya mula sa paninindigan ng
mga mag-aaral upang magdepensa.
Laging tatandaan sa pagsulat ng
posisyong papel ang salitang
“katuwiran” at “paninindigan”.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel
Pumili ng paksang malapit sa iyong puso o batay sa interes/ Tiyakin ang paksa
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel
2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel
3. Bumuo ng thesis statement o pahayag na tesis
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel
4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong Thesis Statement
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel
5. Hamunin ang Iyong Sariling Paksa
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel
5. Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensiya.
Panimulang impormasyon at pangkalahatang
kaalaman tungkol sa paksa
Talatinigan, Ensayklopedya, Handbooks
Mga pag-aaral hinggil sa paksa o isyu
Aklat, Ulat ng Pamahalaan
Mapagkakatiwalaang artikulo
Dyornal na Pang-akademiko
Napapanahong isyu
Pahayagan, Magasin
Estadistika
Sangay ng Pamahalaan at mga
organisasyon/samahan
Ayon kay Constantino at Zafra (1997), nauuri sa dalawa ang mga ebiddensiyang magagamit
sa pangangatwiran
Mga Katunayan (facts)
Ayon kay Constantino at Zafra (1997), nauuri sa dalawa ang mga ebiddensiyang magagamit
sa pangangatwiran
Opinyon
Mga Katunayan (facts)
to ay tumutukoy sa mga ideyang tinatanggap na totoo
dahlia ang mga katibayan nito ay nakabatay sa nakita, naamoy, nalasahan, at
nadama.
Mga Katunayan (facts)—
indi kinakailangang ang mananaliksik mismo ang nakaranas o nakakita
ng pangyayari para magamit itong katibayan, maaari ding ito ay nasaksihan o
naranasan ng ibang tao.
Mga Katunayan (facts)—
Gayunman tiyaking reliable o mapagkakatiwalaan ang
testimonyang gagamitin sa iyong posisyong papel. Gayundin, dapat isaisip na
hindi lahat ng itinuturing na katotohanan ay unibersal at panghabampanahon.
Mga Opinyon—
Opinyon—Ito naman ay tutumutukoy sa pananaw ng mga tao, mga ideyang
nakasalig hindi sa katunayan kundi sa ipinapalagay lamang na totoo.
Mga Opinyon—
Hindi ito
katunayan kundi pagsusuri o judgement ng katunayan. Kung gagamiting
ebidensiya ang opinyon sa iyong sulating papel, kailangang manggaling ito sa
taong may awtoridad na magsalita hinggil sa isyu o paksa.
Mga Opinyon—
Karaniwang
kinikilalang may awtoridad ang mga taong may posisyon o may mahalagang
ginagampanan sa lipunan tulad ng mga iskolar, propesyunal, politiko, akademiko,
at siyentipiko
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel
Buoin ang balangkas ng posisyong papel.
introduksiyon
Ipakilala ang paksa. Dito rin ipaliwanag ang konteksto ng usapin. Maaari na ring
banggitin dito ang pangkalahatang paninindigan sa usapin.
Mga Katuwiran ng Kabilang Panig
Isa-isang ihanay rito ang mga katuwiran ng kabilang panig. Ipaliwanag nang bahagya ang
bawat katuwiran. Banggitin din ang sanggunian o pinagkunan ng katuwirang—ito mga
dokumento, memorandum, interbyu at iba pa.
Mga Sariling Katuwiran
Isa-isa naming ihanay rito ang sariling mga katuwiran. Sikaping may katapat
na katuwiran ang bawat isa sa kabilang panig. Bukod dito, maaari ring
magbigay kalamangan ng sariling paninindiga.
Mga Pansuporta sa Sariling Katuwiran
Dito maaaring palawigin ang paliwanag sa sariling mga katuwiran. Maaaring
magbigay rito ng karagdagang ebidensiya para lalong maging kapani-paniwala
ang sariling mga katuwiran.
Huling Paliwanag Kung Bakit ang Napiling Paninindigan ang Dapat
Lagumin dito ang mga katuwiran. Ipaliwanag kung bakit ang sariling paninindigan ang
pinakamabuti at pinakakarapat-dapat