lt#1 reviewer

0.0(0)
studied byStudied by 0 people
learnLearn
examPractice Test
spaced repetitionSpaced Repetition
heart puzzleMatch
flashcardsFlashcards
Card Sorting

1/34

encourage image

There's no tags or description

Looks like no tags are added yet.

Study Analytics
Name
Mastery
Learn
Test
Matching
Spaced

No study sessions yet.

35 Terms

1
New cards

wika

ito ay mula sa salitang malay na ‘bahasa”

2
New cards

language

ito ay mula sa salitang latin na “Lingua”

3
New cards

Henry Gleason

“Ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.”

4
New cards

Archibald A. Hill

“Ang wika ay pangunahing instrumentong ginagamit ng tao sa pakikipag-ugnayan”

5
New cards

Dell Hymes

“Ang wika ay isang kasanayang panlipunan at kasangkapan sa pakikisalamuha”

6
New cards

Bienvenido Lumbera

"Ang wika ay parang hininga, sa bawat sandali ay ginagamit”

7
New cards

Michael Alexander Kirkwood Halliday

-isang lingguwista mula sa United Kingdom

-kilala sa kanyang teoryang Systemic Functional Linguistics

-Ayon sa kanya, ang wika ay hindi lamang basta instrumento sa komunikasyon kundi isang paraan ng pakikisalamuha sa mundo.

8
New cards

Masistemang balangkas

  • ipinapakita nito na ang wika ay may kaayusan. Mahalaga ito sa maayos na komunikasyon at pagkaunawa sa isa

  • Ang wika ay may estruktura o ayos

9
New cards

morpema

ang pinakamaliit na yunit ng salita na may kahulugan

10
New cards

morpolohiya

tawag sa pag-aaral ng morpema ng isang wika o kung paano binubuo ang mga salita

11
New cards

sinasalitang tunog

  • Binibigyang-diin na ang wika ay nabubuhay sa paggamit, lalo na sa pasalitang paraan. Ginagamit ito sa pang-araw-araw na interaksyon.

  • Ang wika ay nabubuo sa pamamagitan ng tunog na nililikha ng ating dila, labi, lalamunan, at boses.

12
New cards

Ponolohiya

makaagham na pag-aaral ng tunog

13
New cards

Ponema

pinakamaliit na yunit ng tunog ng isang wika

14
New cards

pinipili at isinasaayos

Pinatutunayan nito na ang paggamit ng wika ay sadyang pinag-iisipan, hindi basta-basta lamang kaya’t ito ay mahalaga sa malinaw at epektibong pagpapahayag ng damdamin at kaisipan

15
New cards

arbitraryo

ang mga salita ay napagkasunduan lamang sa loob ng isang lipunan.

16
New cards

instrumento ng kultura

dahil ginagamit ito ng mga taong kabilang sa isang kultura, ang wika at daluyan ng tradisyon, paniniwala, at kaalaman ng isang lipunan.

17
New cards

instrumental

-Ang wika ay nagsisilbing instrument upang matugunan ang pangangailangan ng tao.

Halimbawa:

“Pakikuha mo naman ako ng tubig”

“Nakikiusap ako, pag-usapan natin ito”

18
New cards

regulatoryo

-Nakokontrol ng wika ang Kilos at Galaw ng tao.

Halimbawa:

“Bawal tumawid dito”

“Sa pagluluto ng adobo, unahing igisa ang bawang”

19
New cards

interaksyunal

ang wika ay nagpapanatili ng magandang relasyong sosyal sa pagitan ng mga indibidwal

Halimbawa:

“Mare, Maligayang Kaarawan”

“Magandang Umaga po Guro”

“Kumusta pre, kain tayo sa labas”

20
New cards

personal

nakatutulong ang wika sa apglabas ng saloobin o damdamin ng isang tao.

Halimbawa:

-Pagpo-post ng sariling opinyon tungkol sa isang isyung panlipunan sa social media.

-Pagsulat ng Diary

21
New cards

Heuristiko

Ginagamit ang wika sa pagtatanong at pangangalap ng mga impormasyon.

Halimbawa:

-Pananaliksik sa mga napapanahong isyu

-Sarbey

-Pagkalap ng impormasyon para sa pag-aaral.

22
New cards

imahinatibo

Gamit ang wika, napapagana natin ang imahinasyon ng tao.

Halimbawa:

Pagsulat ng tula, awit, nobela at iba pang akdang pampanitikan

Pagpipinta at pagguhit

Pagbibigay deskripyon sa larawan

23
New cards

impormatibo

Ginagamit ang wika upang magbigay ng mga impormasyon.

Halimbawa:

Pagtuturo sa klase

Pag-uulat sa mga balita

24
New cards

Komunikasyon

-Sa salitang Latin ay “communicare” na nangunguhulugang “ibabahagi” o “makipag-ugnayan”

25
New cards

Berbal na komunikasyon

Ito ang komunikasyong ginagamitan ng wika o salita (pasalita man o pasulat)

26
New cards

Di berbal na komunikasyon

ang komunikasyong hindi gumagamit ng salita.

ginagamitan ito ng mga kilos, ekspresyon ng mukha, galaw ng katawan, tunog, o simbolo

27
New cards

kinesika

  • ang kilos at galaw ng katawan bilang paraan ng pagpapahayag

  • EX: kumpas ng kamay, galaw ng ulo, tikas ng katawan

28
New cards

pictics

ekspresyon ng mukha bilang pagpapahiwatig ng damdamin o reaksyon

29
New cards

oculesics

  • ito ay ang aksyon ng mata

  • EX: pagtitig, panlilisik, pakindat

30
New cards

vocalics

  • ang tunog ng boses maliban sa aktwal na sinasabi

  • tono ng boses, bilis ng pagsasalita, lakas o hina, paghinga, buntong-hininga, katahimikan

31
New cards

haptics

  • komunikasyong gamit ang paghipo o paghawak

  • relasyon, kumpyansa, pagpapakita ng emosyon

32
New cards

proxemics

  • espasyo sa pagitan ng mga tao habang nakikipag-ugnayan

  • Antas ng relasyon, antas ng pormalidad

33
New cards

chronemics

  • paggamit ng oras sa komunikasyon

  • pagpapahalaga, disiplina, katayuan sa lipunan

34
New cards

colorics

  • paggamit ng kulay upang magpahiwatig ng damdamin o kahulugan

35
New cards

olfactorics

komunikasyon gamit ang pang amoy