Ang anak niyang babae ay ginahasa ng isang alagad ng simbahan. Ang isa niyang anak na lalake ay pinagbintangang magnanakaw, ibinitin at pinahirapan, samantalang ang isa naman ay nagpakamatay na lamang nang hindi na makayanan ang pagpapahirap sa kanya ng mga guardia civil.