1/61
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Metodolohiya
isang Sistema ng mga paraan tuntunin at simulain sa pagsasaayos ng isang larangan tulad ng agham o sining
Metodolohiya
tumutukoy sa sistematikong paglutas ng mga suliranin tanong o layunin ng pananaliksik
Walliman (2011, sa San Juan et al., 2019),
Ayon kay, isa sa pinakakilalang manunulat hinggil sa praktika ng pananaliksik, ang mga metodo ay tumutukoy sa mga tiyak na teknik ng pagtitipon at pagsusuri ng datos upang makabuo ng mga konklusyong mapaninindigan
Paglalarawan o Deskripsyon.
Tumutukoy ito sa pagtitipon ng mga datos na Nakabatay sa mga obserbasyon.
Pagpapaliwanag
Tumutukoy sa prosesong higit pa sa simpleng paglalahad lamang
ng datos o impormasyon, upang bigyang-linaw ang kabuluhan ng nito sa konteksto ng
iba't ibang aspektong kultural, politikal, ekonomiko, at iba pa
Pagtatay o ebalwasyon
Tumutukoy sa pagsusuri sa kalidad ng mga bagay,pangyayari, at iba pa.
Paghahambing o pagkukumpara
Tumutukoy ito sa pagsusuri ng mga pagkakatulad At pagkakaiba ng dalawa o higit pang bagay at iba pa, tungo sa mas malinaw na pag-unawa sa isang penomenon.
Pangkat ng empirical-analytical
interpretatibong Pangkat ng metodo
Ano ang dalawang pangkat ng metodo ng pananaliksik.
pangkat ng empirical-analytical
nag-aaral sa agham panlipunan na katulad ng pag-aaral sa mga agham na likas. Ang tipo ng pananaliksik na ito ay nakatuon sa kaalaman sa layunin, mga katanungan ng pananaliksik na maaring masagot ng oo hindi, at ang operasyonal na kahulugan ng mga susukating baryabol
Deduktibong pangangatwiran
Ang pangkat ng empirical- analytical ay gumagamit ng _________ na may pagsasaalang-alang sa umiiral na teorya bilang pundasyon sa pagbuo ng hinuha o palagay na kailangang suriin
Interpretatibonv pangka ng metodo
Nakatuon sa pag-unawa sa penomena gamit ang komprehensibo at holistikong pamamaraan.
Kasangkot sa pangkat na ito ang pag-alam sa mga kasagutan sa tanong na bakit, paano, at anong pamamaraan ang ginagamit ng tao sa kanilang ginagawa upang matamo ang inaasahang kasagutan.
Etnograpiya
tinukoy bilang isang maliwanag na account ng buhay panlipunan at kultura sa isang partikular na sistemang panlipunan batay sa maraming detalyadong obserbasyon Ng kung ano ang tunay na ginagawa ng mga tao sa setting ng lipunan.
Mga tao, pagsusulat
Ang etnograpiya ay nagmula sa salitang Griyegong ethnos na nangangahulugang _________ at grapiya na nangangahulugang ________
Etnograpiya
Isa itong uri ng pananaliksik na kadalasang ginagamit sa larangan ng agham panlipunan, partikular sa antropolohiya at ilang sangay ng pag -aaral sa sosyolohiya, at nakatuon sa isang malalimang pag-aaral sa isang kultura.
Etnograpiya
Tinutukoy bilang isang maliwanag na account ng buhay panlipunan at kultura sa isanv partikular na sistemang panlipunan batay sa maraming detalyadonv obserbasyon.
Pagmamasid
Ay ginagawa sa natural na kapaligiran ng mga kalahok upang matukoy ang kanilangvkalagayan o kilos
Pakikipamuhay
Ito ay mas malalim at mas matagal. Dito ay aktwal na nakikibahagi sa araw araw na buhay ng kanyang paksa
Natural na obserbasyon
Uri ng obserbasyon na walang interbensyon, inoobserbahan ang natural na kilos
Obserbasyon na may interbensyon
Uri ng obserbasyon na may ginagawang hakbang upanv makita ang epekto ng mga stimulus o kondisyon sa kilos ng oaksa
Obserbasyon na may pagkukunwari
Sa ganitong uri ng obserbasyon, ang indibidwal na paksa ng pag-aaral ay walang ideya na siya ay bahagi o ang paksa ng pag-aaral.
Obserbasyon na may halong pagkukunwari
Sa ganitong pamamaraan ng obserbasyon, ang paksa (subject) ng pag-aaral ay may ideya na siya ay inoobserbahan upang makakuha ng mahahalagang datos ng pag-aaral.
Participant observation
isang uri ng etnograpiya na karaniwang ginagamit sa larangan ng antropolohiya at sosyolohiya. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pakikisikhay o pagsisikap ng mananaliksik na makapasok at maging tanggap sa isang komunidad upang makapag tama sa ng mas komprehensibong pag-unawa sa lipunan/paraan ng pamumuhay ng Nasabing komunidad.
Kwentong buhay
maikling pagsasalaysay ng talambuhay o bahagi ng talambuhay ng isang tao o ng pangkat ng mga tao na paksa ng pananaliksik. Karaniwang binibigyang-diin dito ang pangkalahatang sitwasyon ng nagsasalaysay, ang kaniyang mga hinaing, pangarap, suliranin, ang kaniyang pang-araw-araw na buhay na makabuluhan sa konteksto ng pananaliksik
Panayam o Interbyu
ay isang pormal na pagpupulong kung saan ang isa o higit pang mga tao ay nagtanong, kumonsulta, o suriin ang ibang tao;
Interbyu
Ayon kay san juan et al ito ay tumutukoy sa pagtatanong sa mismong taong paksa ng pananaliksik o kaya sa mga eksperto rito.
Structured
ibinigay na kaagad ang mga tanong bago pa anG interbyu, at halos walang follow-up na tanong sa mismong interview.
Non-structured
higit na impormal ang interbyu at karaniwang maraming follow-up na tanong. Karaniwang inirerekord ang buong interbyu, at isinasama sa appendix ng pananaliksik ang buong transcript nito.
Hubog ng oag tatanong (inquiry form)
Ang form na ito ay tumutukoy sa planado at nakasulat na katanungan para sa isang tiyak na paksa, na may espasyong nakalaan para sa tugon ng taong nais kapanayamin. Maaari itong ipadala sa e-mail at maaari din manang ipamahagi nang personal sa paksa (subject) ng pag-aaral.
Focus Group Discussion
isang metodo sa pangangalap ng datos na kung saan ang mananaliksik ay bumubuo ng isang maliit na pangkat na kinabibilangan ng magkakaibang tao na ang tugon ay siyang pinag-aaralan sa market research at political analysis sa pamamagitan ng ginabayan at bukas na talakayan
Two-way FGD
Nahahati sa dalwa o higit pag grupo ang isa ay nagmamasid habang ang isa ay nagtatalakay
Dual Moderator
May dalwang taga pamagitan;ang isa tinitiyak na lahat ng paksa ay natalakay
Duelling moderator focus group
Dalwang moderator ang nag tatalakay mula sa magkaibang pananaw
Respondents moderator
isang kalahok na nagsailbing tagapamagitan sa ng diskusyob
Mini FGD
binubuo ng 4-6 na kasali sa halip na 6-12
Video Documentation
ito ay isang mahalagang kagamitan para sa malikhaing dokumentasyon at maaari Itong magamit upang mapadali ang pangangalap ng impormasyon, pag-uulat, pagpapakalat at networking.
White paper /Panukala
Isa namang saliksik o ulat mula sa isang ahensya ng gobyerno, opisyal ng gobyerno, think tank, akademikong departamento, o eksperto na naglalahad ng makabuluhang impormasyon at/o mga panukala kaugnay ng isang napapanahong isyu na nakaaapekto sa maraming mamamayan o
sa isang partikular na komunidad
Deskriptibong pananaliksik
Tumutukoy ito sa deskriptibo o palarawang paglalahad ng mga katangian ng isang tao,grupo, sitwasyon, bagay, penomenon, at iba pa na sinusuri/pinag- aaralan(san juan et al)
Komparatibong Pananaliksik
Tumutukoy sa deskriptibo o palarawang paghahambing/pagkukumpara sa mga pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang tao, grupo, sitwasyon, bagay, penomenon, at iba pa,
Case Study
Tumutukoy ito sa detalyadong paglalarawan sa sitwasyon ng isang tao, bagay, lugar,
pangyayari, penomenon, at iba pa bilang potensyal na lunsaran ng mga susunod pang pag-aaral
sa mga kahawig na kaso (San Juan, et al., 2019).
Pagsusuring Tematiko
pamamaraan ng pagtukoy, pagsusuri, at pagtatala sa mga tema o padron ng naratibo sa loob ng isang teksto.
Content Analysis
tumutukoy naman sa paglalarawan at/o pagsusuri sa nilalaman ng isang teksto at maaaring gamitin sa pag-alam ng dalas ng paggamit (frequency) ng isang partikular na salita, parirala, konsepto, o ideya sa isang teksto na paksa ng pag-aaral gayudin sa pag-alam ng pagpupuwesto ng elemento ng komunikasyon sa isang partikular na teksto
Secondary Data Analysis
Tumutukoy ito sa pagsusuri at pag-uugnay-ugnay sa mga umiiral na datos at estadistika tungo sa layuning sagutin ang mga panibagong tanong at/o makabuo ng mga bagong kongklusyon na angkop sa kasalukuyang sitwasyon
Pagbuo ng Glosaryo o Pananaliksik na Leksikograpiya
Tumutukoy ito sa pananaliksik hinggil sa proseso ng pagtatala ng depinisyon ng mga termino alinsunod sa kontemporaryong gamit ng mga salita sa isang partikular na larangan
Pagbuo at Balidasyon ng Materyales na Panturo
Tumutukoy sa pananaliksik hinggil sa proseso ng pagbubuo at balidasyon ng mga modyul at iba pang materyales na panturo na kaiba sa karaniwang umiiral o kaya'y nakaangkla sa panibagong pamamaraan o dulog sa pagtuturo
Pagsusuri ng Diskuro
isang uri ng pag-aaral na kadalasang ginagamit sa pagtalakay sa mga usaping nangyayari sa lipunan at sa mundo. Tumutukoy ito sa pagsusuri sa paraan ng pagpapahayag at/o mensaheng nangingibabaw sa teksto, awit, video, pelikula, at iba pang materyales
Foucult (1970)
Pinaniniwalaan niya na ang diskursong pampubliko o panlipunan ay maaaring hinulma ng makapangyarihang indibidwal o pangkat. Pinaniniwalaan din niya ang mga diskursong ito ay may kapangyarihan nahubugin ang indibidwal at ang kanilang mga karanasan sa lipunan sa mundo
SWOT analysis
Tumutukoy ito sa pagsusuri ng kalakasan (strengths) at kahinaan (weakness) ng isang programa/plano, at mga oportunidad (opportunities) o bagay na makatutulong sa implementasyon at mga banta (threat) o bagay na maaaring makahadlang sa implementasyon ng programa/plano (San Juan, et al., 2019).
SWOT
Ito ay unang ginamit ni Albert Humphrey noong 1960s at sa ngayon ay itinuturing na isa sa pinakamakapangyarihang kagamitan sa pagsusuri para sa isang matatag na kalakalan (business)
Internal-external analysis
Ang swot analysis ay kilala rin sa tawag na_____.
Etimolohiya
Hango sa salitang griyego na “etymon” na ang ibig sabihin ay tunay na kahulugan ay oag aaral ng kasaysayan ng mga salita at kung paano nag iba ang kanilang anyo at ibigsabihin ng panahon
Etimologo
Ito ay gumagamit ng proseso ng komparatibong lingguwistika para makagawa ng mga direktang koneksiyon sa inang wika nito. Sa ganitong paraan, ang mga salitang ugat ay puwedeng makuha ang pinanggalingan.
Pag susuring etimolohikal
Ito ay pag-aaral tungkol sa pinagmulan ng kahulugan ng mga salita, orihinal na konteksto at iba pang kaugnay na detalye na mahalaga sa pag-unawa sa kasalukuyang gamit at konteksto nito
Action Research
Pananaliksik ito na nakatuon sa paglutas ng ispesipikong suliranin sa loob ng silid-aralan, o kaya'y kaugnay ng proseso ng pagkatuto sa isang partikular na sitwasyon (San Juan, et al., 2019)
Action Research ayon kay Maranan (2018)
Ginagamit ang ganitong uri ng pananaliksik upang sikapin na mapaunlad ang kalidad ng isang organisasyon o samahan. Kinasasangkutan ito ng isang siklo o isang paikot na proseso ng pagpaplano, aksyon, kritikal na repleksyon, at ebalwasyon. Ito ay maaaaring maging epektibong dulog upang bigyan ng solusyon ang suliranin ng isang organisasyon
Professor Kurt Lewin
Siya ang kinilalang nagpaunlad ng action research noong 1940s. Kinasasangkutan ito ng kwantitatibo at kwalitatibong pananaliksik o pareho. Siya ay gumamit ng pilipit na hakbang (spiral steps) na kung saan ang mga ito ay binubuo ng siklo ng pagpaplano, aksyon, paghahanap ng mga datos o impormasyon hinggil sa resulta ng aksyon.
Stephen corey
Siya ay may kaugnay na pagpapakahulugan sa aksyon na pananaliksik (action research). Ayon sa kaniya, ito raw ay angkop para sa mga nagnanais ng pagbabago sa kanilang organisasyon bilang resulta ng pag-aaral na isinagawa ng isa o ng pangkat.
Sarbey
Ito ang pinakakaraniwang pamamaraan ng pangangalap ng datos. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagpapasagot ng talatanungan o questionnaire o sa pamamagitan ng panayam sa mga taong makapagbibigay ng saloobin, opinyon o impormasyon, hinggil sa paksa ng pananaliksik, pagkatapos ay isasagawa ng mananaliksik ang paglalarawan sa mga naging tugon ng respondente
Eatandardisado
Sariling likha
Dalwang uri ng talatanungan?(sarbey)
Paraphrasing
Ito ay mabisang metodo upang maiwasan ang pangongopya o pagyarismo habang isinasagawa ang rebyu ng isang pag-aaral. Ang sariling salita o lenggwahe ng nagsasagawa ng pag-aaral ay iniuugnay o inilalagay sa orihinal na bersyon.
Documentary Analysis
Tumutukoy ito sa paghihimay-himay sa nilalaman, konteksto, at kabuluhan ng tekstong sinusuri. Ang metodolohiyang ito ng pag-aaral ay angkop na gamitin sa mga mahahalagang datos na nakapaloob sa isang pribado o pampublikong dokumento
Komparaty pananaliksis
Tumutukoy sa deskriptibo o palarawang paghahambing/pagkukumpara sa mga pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang tao, grupo, sitwasyon, bagay, penomenon, at iba pa, ang_____ pananaliksik ay naglalayong maghambing ng anomang konsepto, kultura, bagay, pangyayari, at iba pa.
Diskurso
Isang uri ng pag aaral na kadalasang gibagamit abmga usaping nangyayari sa lipunan at mundo