Tula
- uri ng panitikang lubos na kinalulugdan ng marami
- maaliw-aliw na paglikha ng namumukod na kagandahan
- isang tuwirang pagbabagong-hugis sa buhay; na sa ibang pananalita, io ay isang maguniguning paglalarawan, na nakakalupkupan ng kariktan sa pamamagitan ng mga sukat ng taludtod, na sa tahasang nadarama, dinaramdam, iniisip, o ginagawa ng tao
Tulang Liriko
- itinuturing na pinakamatandang uri ng tulang sinusulat ng mga makata sa buong daigdig
- itinatampok dito ng makata ang kaniyang sariling damdamin at pagbubulay-bulay. Ito ang itinuturing na pinakamatandang uri ng tulang sinusulat ng mga makata sa buong daigdig. Ito ay gamiting titik sa mga awitin
Awit (Dalitsuyo)
- itinatampok ng makata ang kanyang sariling damdamin at maging ang kanyang pagbubulay-bulay
Pastoral (Dalitbukid)
- naglalarawan ng tunay na buhay sa bukid
Oda (Dalitpuri)
- may kaisipan at estilong higit na dakila at marangal. Walang tiyak na bilang ng pantig at taludtod
- uri ng tulang awitin na nakasulat bilang papuri o dedikasyon para sa isang tao o bagay na nakakukuha ng interest o pagtuon ng makata o nagsisilbing isang inspirasyon para sa mismong oda"
Dalit (Dalitsamba)
- papuri sa Diyos o sa isang banal na tao
- tulang liriko na may aliw-iw ng awit ngunit hindi kinakanta
Soneto (Dalitwari)
- tulang may labing-apat na taludtod na naghahati ng aral sa mambabasa
- nagpapahayag ng kadakilaan ng pag-ibig
Elehiya (Dalitlumba)
- tulang may pananangis at pagtitimpi o pagmumuni-muni
Tulang Pasalaysay
- naglalahad ng mga tagpo o pangyayari sa pamamagitan ng mga taludtod
Epiko (Tulabunyi)
- layunin nito ay gisingan ang damdamin ng mga bumabasa at hangaan ang kabayanihan ng pangunahing tauhan
Metrical Romance (Tulasinta)
- dinala ng mga Espanyol sa Pilipinas kung saan ang pangunahing tauhan ay kabilang sa lipi ng mga maharlika at nagiging isang bayani
Rhumed or Metrical Tale (Tulakanta)
- pangunahing tauhan ay pangkaraniwang tao lamang. Ang mga pangyayari ay maaaring maganap sa tunay na buhay
Ballad (Tulagunam)
- awit na isinasaliw sa sayaw subalit nang lumao’y nakilala bilang isang tulang kasaysayang nasusulat sa mga taludtod na wawaluhin o aaniming pantig at sa isang paraang payak at tapatan
Tulang Dula
- tulang isinasadula sa entablado
Dramatic Monologue (Tulang Dulang Mag-isang Salaysay)
- isa lamang ang gumaganap na nagpapahayag ng hindi lamang para sa kaniyang sarili
Tulang Dulang Liriko-Dramatiko
- nagbibigay tuon na mailantad ang damdaming nakapaloob sa mga pangyayari
Dramatic Comedy (Tulang Dulang Katatawanan)
- katawa-tawa; may mga tauhang ang papel na ginagampanan ay nakalilibang at nagtataglay ng masayang pagtatapos
Dramatic Tragedy (Tulang Dulang Kalunos-lunos)
- kalungkutan at pagkasawi ng pangunahing tauhan laban sa isang lakas na higit na makapangyarihan tulad ng tadhana
- kalimitang nagwawakas ng kahabaghabag o pagkasindak sa mga nakikinig at nanonood
Melodrama (Tulang Dulang Madamdamin)
- naglalarawan ng galaw na lubhang madamdamin at nagtataglay ng nakasisindak na pangyayaring higit sa karaniwang mga karanasan ng isang normal na tao
Dramatic Tragi-comedy (Tulang Dulang Katatawa-tawang-Kalunos-lunos)
- naglalarawan ng isang kalagayang katawa-tawa at kalunos-lunos
- ang ilan sa ating matatandang komedya o moro-moro na may haluang tagpo ay masasabing mga halimbawa nito
Farce (Tulang Dulang Parsa)
- pangyayaring lubhang katuwa-tuwa at katawa-tawa kaysa makatwiran
Tulang Patnigan
- tulang sagutan na itinatanghal ng magkakatunggaling makata ngunit hindi sa paraang padula
Karagatan
- paligsahan sa tula na kalimitang nilalaro sa ga luksang lamayan o pagpipitong parangal sa isang yumao
Duplo
- iginagawa sa siyam
- pagtatalo rin na ginagamitan ng tula at kahusayan sa pagbigkas; ang mga katwirang ginagamit ay karaniwang hango sa salawikain, kawikaan, at kasabihan
- pinasisimulan ang paligsahan sa pamamagitan ng pag-usual ng isang “Ama Namin”, isang “Aba Ginoong Maria,” at isang “Rekyemeternum” para sa kaluluwa ng yumaong pinararangalan
Balagtasan
- uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa
- hinango mula sa pangalan ni Francisco Balagtas, inilalahad nito ang isang uri ng panitikan na kung saan ipinapahayag ang mga saloobin o pangangatwiran sa pamamagitan ng pananalitang may tugma sa huli
Jose Corazon de Jesus
- unang hari ng Balagtasan
Batutian
- pangunahing layunin nito ay makapagbigay-aliw sa mga makikinig o bumabasa sa pamamagitan ng katawa-tawa ngunit malatotoong mga kayabangan, panunudyo, at palaisipan