1/23
Mga vocabulary flashcards na naglalaman ng mahahalagang termino at kahulugan hinggil sa akademikong pagsulat upang makatulong sa pag-aaral.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Akademikong Pagsulat
Isang gawain ng pagbibigay-impormasyon at ideya sa loob ng akademya gamit ang malinaw, lohikal, at sistematikong paraan ng pagsulat.
Katotohanan
Mga pahayag na batay sa makatotohanang datos at obserbasyon, hindi sa opinyon o haka-haka.
Ebidensiya
Mapagkakatiwalaang datos o sanggunian na ginagamit bilang patunay sa isang pahayag o argumento.
Balanse
Paggamit ng wikang walang pagkiling, seryoso, at di-emosyonal upang maging makatarungan ang pagtalakay sa paksa.
Kompleks
Katangian ng pasulat na wika na may mahahabang salita, mas mayamang bokabularyo, at mas masalimuot na gramatika kaysa pasalita.
Tumpak
Paglalahad ng datos nang walang labis at walang kulang; eksakto sa detalye.
Obhetibo
Paglalarawan o pagpapaliwanag na nakabatay sa katotohanan; walang personal na opinyon o pagkiling.
Pormal
Paggamit ng pamantayang wika na kinikilala at tinatanggap ng karamihan; iwas sa kolokyal at balbal.
Eksplisit
Malinaw at kompletong paglalahad ng ideya; gumagamit ng mga salitang pantukoy o “signaling words” upang ipakita ang ugnayan ng kaisipan.
Wasto
Maingat at tama ang paggamit ng mga salita, bantas, at gramatika upang maiwasan ang karaniwang pagkakamali.
Responsable
Tungkulin ng manunulat na ipakita ang ugnayan ng teksto at kilalanin ang lahat ng pinaghanguang impormasyon.
Pokus
Pagkakaroon ng malinaw na direksiyon sa isinusulat sa pamamagitan ng konsentrasyon sa iisang pinakamahalagang ideya.
Layunin
Intensiyon o adhikain ng manunulat na nais maisakatuparan sa kanyang sulatin.
May Pokus
Katangiang umiiwas sa paggamit ng di-kailangang salita upang mapanatili ang linaw at direksiyon ng akda.
Malinaw na Layunin
Pagtiyak na matutugunan ng sulatin ang paksang tinatalakay ayon sa inaasahang resulta.
Malinaw na Pananaw
Punto-de-bista ng manunulat na ipinapahayag nang lohikal at suportado ng ebidensiya.
Lohikal na Organisasyon
Maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya alinsunod sa kinikilalang istandard o balangkas.
Epektibong Pananaliksik
Paggamit ng napapanahon, propesyonal, at akademikong sanggunian bilang batayan ng datos.
Matibay na Suporta
Sapat at kapani-paniwalang ebidensiya upang palakasin ang mga argumento ng sulatin.
Malinaw at Kumpletong Eksplanasyon
Buong pagpapaliwanag ng mga konsepto, proseso, at resulta para sa kompletong pag-unawa ng mambabasa.
Iskolarling Estilo sa Pagsulat
Pagsusulat na malinaw, maikli, kritikal, at naglalagay ng wastong sanggunian.
Mapanghikayat na Layunin
Layuning kumbinsihin ang mambabasa na tanggapin ang posisyon o paniniwala ng manunulat.
Mapanuring Layunin
Layuning suriin o i-analisa ang paksa sa pamamagitan ng imbestigasyon at pagsusuri.
Impormatibong Layunin
Layuning magbigay ng kaalaman at paliwanag tungkol sa paksa nang hindi kinukumbinsi ang mambabasa na sumang-ayon.