1/28
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
remontados, alsados
Ito ang tinawag ng mga Kastila sa mga mga lumikas at namundok noong panahon ng pananakop.
remontados, alsados
Ang kanilang reaksyon sa reducción ay nag-alsa ang mga Sambal.
gobernadorcillo (punong-bayan)
Ang posisyon na binigay sa mga Datu upang hindi sila mag-alsa kung saan nagkaroon sila ng papel sa lipunan bilang tagapamagitan ng tao sa mga opisyales na sibil.
Sistemang Encomienda
Sistema kung saan ang ilang mga kawal na Espanyol ay nabigyan ng teritoryo na pwede nilang hingan ng buwis, sa porma ng itlog, manok, at iba pang inaani tulad ng bigas.
Sistemang Encomienda
Ang sistemang ito ay isang porma ng pang-aagaw ng lupa.
Estancia
Ito ang pinagkuhanan ng mga karne, gatas, quezo at balat na pinagkakitaan ng mga Espanyol.
hacienda
Nagkaroon din ng _____ ang mga orden ng mga fraile sa kabila ng kanilang vow of poverty.
Tributo
Ito ang buwis na binabayaran sa porma o produkto ng mga nasa edad 19 hanggang 60 taong gulang sa halagang 8-12 reales.
8-12 reales
Magkano ang binabayad na tributo noon?
Polos y Servicios
Ito ay ang sapilitang paggawa o forced labor sa loob ng 40 na araw sa isang taon. Pinapakain ang mga nagtatrabaho subalit walang sweldo.
paggawa ng mga imprastraktura
Ano ang pangunahing trabaho ng mga Polos y Servicios?
Bandala
Dito, kailangan na ang isang lalawigan ay magbenta ng produkto sa pamahalaan. Maraming beses, ang mga ito ay hindi binabayaran ng buo ng mga Espanyol, at nagiging isang porma ng kumpiskasyon.
PAGTANGGAP
Reaksyon sa polisiya ng Espanyol:
Ang mga Pilipinong tumanggap sa pananakop ng mga Espanyol ay mga Pilipinong nagpabinyag sa paniniwalang Katolisismo, nagbabayad ng buwis, at nirerespeto ang Hari ng Espanya.
PAGLAYO O PAGTAKBO SA KABUNDUKAN
Reaksyon sa polisiya ng Espanyol:
Ang mga bumabalik sa kabundukan ay silang may malalim na pagkakaugat sa kalinangan kasama ng kanilang mga babaylan upang ipagpatuloy ang nakaugaliang pananampalataya at gawi ng matandang bayan. Dito rin, mas may kalayaan sila kaysa sa mga nasa pueblo na itakda ang kanilang magiging pamumuhay.
bruha, mangkukulam, demonyo
Ang tinawag ng mga Espanyol sa mga lumayong Babaylan bilang paninira.
indocumentados, remontados, cimarrones, ladrones, monteses, at mga tulisanes.
Ang tinawag ng mga Kastila sa lumikas papuntang hundok maliban sa alsados.
Zamboanga
Saan linipat ang mga Subanon?
TUWIRANG PAGLABAN
Reaksyon sa polisiya ng Espanyol:
Ang mga Pilipino na tuwirang lumaban sa pananakop ng mga Espanyol ay mga Pilipinong di sumunod sa batas, hindi nagbayad ng buwis, at nakipaglaban sa pamamagitan ng armas.
Tamblot
Isang lalaking Babaylan ng Bohol noong 1622 na pinangakuan ng banal na tinig ng mga diwata na mawawala ang tributo at magkakaroon ng maginhawang buhay kung tatalikuran nila ang Katolisismo.
2000
Ilan ang mamamayan na nahikayat ni Tamblot na mag-alsa?
sinunog nila ang mga simbahan at tinapon ang mga krus at rosaryo
Ano ang ginawa ni Tamblot at ang kanyang mga kasama?
Bankaw
Isang datu ng Leyte na tinanggap pa si Legazpi noon. Subalit nakita niya ang pagmamalabis ng mga Espanyol kung kaya siya ay nagdesisyon na mag-alsa laban sa mga ito.
Bankaw
Sinira nila ang simbahan at nagtatag ng templo para sa mga diwata.
Sumuroy
Isang anak ng babaylan at siya ay nag-alsa dahil sa pagtutol sa polos y servicios, ayaw niya na magtrabaho sa pagawaan ng Galleon sa Cavite.
Sumuroy
Sa pag-aalsa niya, sinalakay ang kumbento, pinatay ang mga pari at sinunog ang simbahan.
Francisco Dagohoy
Ang namuno sa pinakamatagal na pag-aalsa sa Pilipinas na umabot ng 85 taon. Bago siya mag-alsa, tanggap niya ang kaayusan at relihiyong Espanyol at bahagi na siya ng pueblo.
85 taon
Ilang taon ang pinakamatagal na pag-aalsa sa Pilipinas?
Dagohoy
Ang kanyang kapatid na nasa panunungkulan ng Espanyol, ay inutusan ng Heswitang cura parroco na tugisin ang isang tulisan, ito ay nasawi sa naganap na duwelo. Ito ang dahilan ng kanyang pag-alsa.
3 araw
Ilang araw naghintay sa harap ng simbahan si Dagohoy upang basbasan ay bigyan ng sakramento ang kanyang kapatid?